Chapter 7
CHAPTER 7
HINDI ALAM ni Clover kung dapat ba siyang magsaya o mabahala sa katahimikan ni Alexus habang nasa sasakyan sila nito papunta sa beach resort. Maliban sa pagbati nito sa kanya nang good morning—na parang walang buhay— ay hindi na ito nagsalita ulit. Hindi siya sanay na hindi ito makulit at maingay.
Ano kaya ang problema niya? Tanung niya sa sarili habang matiim na nakatitig kay Alexus na naka-focus ang atensiyon sa pagmamaneho.
“Anong problema mo?” Hindi napigilang usisa niya sa binata.
Bahagyan siyang nilingon ni Alexus at agad ding ibinalik ang atensiyon sa daan. “Huh? Wala naman akong problema.” Anito na may pilit na ngiti sa mga labi.
“Alexus, kanina ka pa walang imik at hindi ka ganoon. Yang bunganga mo, hindi tumitigil sa kasasalita. Kaya naman naninibago ako na silent night ang drama mo.”
“I’m fine, Clover.”
“See! You’re not calling me flower anymore. It’s either my problema ko o nagsasawa ka na sa pangungulit sa akin. Nasa dalawang ‘yon lang.”
Nagpapasalamat siya sa seat belt na suot dahil kung hindi baka sumubsob na siya sa dashboard nang bigla nalang huminto ang sasakyan.
“What—”
“I’m fine, Clover.” Putol ni Alexus sa iba pa niyang sasabihin. “I’m just thinking about something. Medyo magulo lang ang utak ko ngayon, don’t mind me.”
Sa halip na tarayan ito at sikmatan, hinayaan niya ang puso niya na gawin ang nais nitong gawin. Sa nakikita niya sa mukha nito, alam niyang may problema ito at ayaw lang sabihin sa kanya.
Inabot niya ang kamay ni Alexus na nasa monabela at pinisil iyon. “You’re not yourself today, Alexus. Masyadong halata na may gumugulo riyan sa isip mo. I’m not a good listener kaya hindi ko isa-suggest sayo na magkwento sa akin. But this is supposed to be a happy day. We’re going to the beach with your family and it would worry everyone if you act like this. Masyadong halata e.”
“Halata ba masyado?” Humilig ito sa likod ng upuan. “I receive a call last night, from a very persistent and annoying caller. Iniisip ko lang iyong mga sinabi niya sa akin.”
“Ano ba ang sinabi niya sayo?” Hindi niya napigilan ang sarili na magtanung at magalala para rito.
Pagak na tumawa si Alexus. “It’s nothing. Tinakot lang niya ako, but I’m not scared. Sino ba siya sa akala niya para matakot ako? Ang kinakatakotan ko lang mangyari ay ang mawala sa akin ang bagay na iyon na paunti-unti kong natututunang mahalin.”
“Bagay?” Kumunot ang nuo niya. “Anong bagay naman ‘yon para takutin ka niya? Masyado ba talaga ‘yong mahalaga sayo?”
Alexus looked deep into her eyes. “Yes. Sobrang mahalaga ‘yon sa akin. Kaya kung pumatay para lang protektahan at hindi mawala sa akin ang bagay na ‘yon.”
Nagsitaasan ang balahibo niya sa sinabi ni Alexus. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya habang sinasabi nito iyon at nakatingin sa kanya ng matiim. Pakiramdam niya may kinalaman ang bagay na ‘yon sa kanya. O baka guni-guni lang niya ang pakiramdam na iyon.
After a minute of looking at her, a wide grin appeared on Alexus lips. “You look hot in that summer dress you’re wearing. You look so delectable I could put you on a plate and sop you up with a biscuit.”
Sa halip na mainis, tumawa siya ng malakas sa sinabi ni Alexus. Flirt Alexus is back. Hindi man niya aminin dito, na-miss niya ang Alexus na palaging may ngiti sa mga labi.
“You’re such a flirt.” Aniya na tumatawa pa rin.
“Yes, yes I am.” Binuhay nito ulit ang makina ng sasakyan. “Let’s go to the beach and enjoy.” Anito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
ISANG MALAPAD na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Clover ng makita ang kulay asul na dagat. Habang nakatingin doon, nakaramdama niya ng kakaibang kapayapaan sa puso niya.
“Beautiful isn’t it?” Anag boses ni Alexus sa likod niya.
“Yes, very.” Nilingon niya ito at nahuling nakatitig sa kanya. “Stop staring at me.”
“I can’t.” Bumaba ang tingin nito sa suot niyang one-piece bikini. “If not for the sun, you’ll be the hottest thing on earth.”
“You and your pickup lines.” Aniya na umiiling-iling. “Tigilan mo ako, Alexus. Nakakaumay na yang mga pickup lines mo.”
Ngumisi ito. “Totoo naman ang sinasabi ko ah. Mas hot ka pa kay Haring araw. Kung hindi ako nagsasabi ng totoo, paano mo maiipapaliwanag ang pagkabuhay ni little friend ko?”
Napanganga siya sa sinabi nito at nag-init ang pisngi niya. “Shit ka talaga Alexus! Bastos! Mamatay na sana yang little friend mo!” Tumakbo siya palayo rito at palapit sa pamilya nito na abala sa pagkain.
“Clover, kumain ka na.” Wika ni Tita Rayah, ang ina ni Ramm at Rann, at binigyan siya ng paper plate. “’Yon ay kung hindi ka pa busog kay Alexus.” Tudyo nito sa kanya.
Nadagdagan ang pamumula ng labi niya sa sinabi nito. “Gutom po ako.”
“Great.” Nilagyan ni Tita Kharia ng maraming pagkain ang paper plate niya. “There. Kumain ka na.”
“Salamat po.”
Umupo siya sa buhangin na medyo malayo-layo sa kinaruruonan ng pamilya ni Alexus at kumain. Pagkalipas ng ilang minuto, may tumabi sa kanya, ng lingunin niya kung sino iyon, it’s her best friend, Marj.
“Marj!” Niyakap niya ang kaibigan. “Kumusta ka na?”
“I’m fine.” Malapad ang ngiting sabi nito. “Super happy with Aiken. Ikaw ang kumusta? How are you and Alexus? Kaya pa ba?”
“Anong kaya pa ba?”
Tumingin sa dagat si Marj kung saan masayang nagtatawanan at naliligo ang magpipinsan. Si Alexus ang may pinakamalakas na tawa sa mga ito.
“Clover, kahit ngayon lang ulit tayo nagkita at hindi mo sabihin sa akin, paunti-unti ng nakakapasok si Alexus sa puso mo.”
“Paano mo naman nasabi ‘yon? I don’t even like him.” Aniya habang nakatitig sa masayang mukha ni Alexus.
“You can’t control your heart forever, Clover. Makinig ka sa akin dahil minsan ko ng sinubukan ‘yon. At saka, ikaw ang tipo ng tao na hindi basta-basta pumapayag kung hindi mo gusto. Paano ka napapayag ni Alexus sa sumama rito kung wala kang nararamdaman sa kanya?”
“Ang Daddy niya ang nag-imbita sa akin.”
“Still, you can say no, Clover. Hindi mo naman kilala ang mga taong ito, you just meet them. Maliban nalang kung pumayag ka dahil ayaw mong may masabi silang masama sayo na makakasira sayo sa paningin nila at ni Alexus.”
“Bakit kaya walang tao ang beach na ‘to?” Pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang pag-usapan ang nararamdaman niya para kay Alexus. Hindi pa siya handang tanggapin ang bagay na ‘yon.
“Sabi ni Aiken private daw ang beach na ito at pag-aari ng pamilya ni Alexus.” Sagot ni Marj.
“Ah. Kaya naman pala.”
Nakita niyang tumatakbo palapit sa kanila si Alexus. Napaawang ang labi niya sa taglay nitong kakisigan. He’s wearing a black swimming trunk and nothing else. Walang takip ang matitipuno nitong dibdib na nakapaglalaway tingnan.
“Good luck, Clover. And next time we talk about your feelings for Alexus, don’t change the subject.” Bulong ni Marj sa tenga niya at iniwan siya.
“Bakit umalis si Marj?” Tanung ni Alexus ng makalapit na ito sa kanya.
“Natakot sa pangit mong mukha.” Aniya at tumingin sa malawak na karagatan para pakalmahin ang sarili.
Pinaggigilan nito ang ilong niya. “Stop lying. Pareho nating alam na guwapo ako.” Tumabi ito ng upo sa kanya sa buhangin. “Nag-trunks ako para sayo, para naman makita mo kung gaano ako kakisig. Did you enjoy looking at my muscles and abs?”
Itinaas niya ang paper plate na puno ng pagkain. “Yes, I’m enjoying the food.”
Biglang tumunog ang tiyan ni Alexus na ikinangiti niya. Kumuha siya ng isang pirasong manok at iniumang ‘yon sa bibig ng binata. “Here. Eat this.”
Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero agad din naman itong nakabawi at kinain ang manok. “Thanks.”
Nagkibit balikat siya at ibinalik ang tingin sa dagat. Napangiti siya ng makitang sweet na sweet ang magkasintahang Marj at Aiken. Pati rin ang mag-asawang Rann at Shay na magkayakap. Ganoon din ang mag-asawang Ramm at Yanzee. Halata sa mag-asawa ang sobrang pagmamahal sa isa’t-isa. Si Kaino lang ang walang partner sa mga ito na abala sa pakikipaglaro sa kambal na anak ni Ramm.
Suddenly, a barbeque appeared in front of her face. Napalingon siya sa may hawak niyon. “Saan mo naman nakuha ‘yan?”
“Dad gave it to me. Hindi mo napansin dahil nakatingin ka sa malayo.” Anito at inuumang ang Barbeque sa labi niya. “Eat.”
Walang pag-aalinlangang ibinuka niya ang bibig at kumagat ng isang piraso. Pagkatapos ay inagaw niya ang barbeque sa binata at siya naman ang nag-umang ‘non sa bibig nito.
“Kumain ka rin. Diba gutom ka?”
Napakurap-kurap ito na parang nakakita ng isang hindi kapani-paniwalang bagay. Tinitigan siya nito. “Sinusubuan mo ako?”
Nilabanan niya ang pamumula ng pisngi. “Oo. Ayaw mo?”
Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito. Kung bakit gusto niyang subuan si Alexus. Gusto niyang pigilan ang sarili pero hindi niya magawa. Ito ba ang sinasabi ni Marj? Hindi ba niya mapipigilan ang puso niya na mas lalo pang mahulog dito? Hindi niya iyon kayang tanggapin. Hindi niya alam kung bakit nahulog ang loob niya rito. Wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang inisin siya. Pero bakit ganoon?
Ganoon ba kababaw ang puso niya?
Ibinaba niya ang barbeque na hawak at ibinalik iyon kay Alexus. “Maliligo na ako.” Aniya at mabilis na tumakbo patungong dagat.
LUMALANGOY siya papunta sa medyo malamim na bahagi ng dagat ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Hindi na niya kailangan pang lingunin kung sino ang pangahas na yumakap sa kanya. She knew that it was Alexus the moment her heart beat accelarated.
“If god can hear me, I pray that we stay like this forever.” Alexus put his chin on her shoulder. “I want to stay like this for the rest of my life.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng sumangayon ang puso niya. “We can’t stay like this, Alexus, so let go of me.”
“I don’t want to. My head is in turmoil, Clover. I don’t know what to do anymore. Naguguluhan na ako. For the first time in my life, I pretended that I’m happy and enjoying the beach kahit hindi naman. It’s because you told me to be happy for my family sake that’s why I pretended even when I hate pretending. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ‘yon para sayo.”
Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Ang puso niya ay biglang umasa na sana… sana may katugon ang nararamdaman niya.
“Alexus—”
“Don’t talk.” Pigil nito sa iba pa niyang sasabihin. “Clover, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sayo. Naguguluhan ako kasi unang beses kung naramdaman ito para sa isang babae. I feel happy when I’m with you, my palms sweat when you touch me and my heart beats erratically when you’re near. Hindi ko alam ang ibig sabihin ‘non.”
Hinarap niya ang binata. “Alexus, kung isa na naman ito sa kalukuhan mo para mai-date ako, tigilan mo ako. Hindi ko na gusto ang biro mo.”
Sa unang pagkakataon mula ng kulitin siya nito maliban nalang nuong tuhurin niya ito, tiningnan siya ng masama ni Alexus.
“I’m not kidding! I’m not doing this for you to date me. Totoo ang lahat ng sinabi ko, Clover. It’s in here.” Itinuro nito ang puso. “I can feel it. Something is changing in me, Clover. You’re changing me and I’m freaking scared of it. Hindi para sa akin ang emosyon na ‘yon. Para ‘yon sa kanila.” Anito na tumingin sa mag-asawang Ramm at Yanzee, Rann at Shay at sa magkasintahang Marj at Marlon Aiken. “Ayokong maramdaman ‘yon, Clover. Ayoko. Hindi ko matanggap na naka-dipende sa isang tao ang kasayahan ko. Ayoko na sa isang salita mo lang, nasasaktan ako. Ayokong maranasan ang pinaranas ko sa mga babaeng pinaiyak ko. Masama na kung masama, Clover, pero ayokong mahalin ka. Love is not for Alexus Euri Sandoval. Flirting with you was a game and to love you would mean that I lost.”
He let go of her, shattering her heart into tidbits. Kung mababaw ang puso niya dahil nahulog kaagad iyon para kay Alexus, sobrang babaw naman ng rason nito para hindi siya mahalin. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang babaerong lalaki? She knew from the very beginning that Alexus is not the kind of guy that settles down. At ang maganda riyan ay hindi siya umasa. Hindi siya umasa na may katugon ang nararamdaman niya, kaya naman tanggap niya ang sinabi nito kahit masakit.
See? Tama lang na pinigilan ko ang puso ko.
Clover smiled at Alexus like she wasn’t hurt. “Ibig bang sabihin nito na mawawala ka na sa buhay ko? Hindi mo na ako kukulitin at tatantanan mo na ako?”
He nodded.
“Great.” She smiled fakely. “Well, have a good life. Ihahatid mo pa ba ako mamaya? Kung hindi, magpapahatid nalang ako kay Marlon Aiken.”
“Yes. Ihahatid kita mamaya.” Anito na titig na titig sa mukha kanya na para bang binabasa nito iyon.
“Okay. See you later. ” Aniya at mabilis na lumangoy papunta sa malalim na bahagi ng dagat.
Sa bahagi ng dagat na kung saan walang magtatanung sa kanya kung bakit siya umiiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top