Chapter 6
CHAPTER 6
HINDI alam ni Clover kung bakit siya nakasuot nang isang magandang kulay beige na damit na hanggang tuhod ang haba at nakasakay sa kotse ni Alexus. Oh, yeah, actually alam niya kung bakit. Kasi ang pesteng lalaking nasa tabi niya ay hindi siya tinigilan hangga’t hindi siya pumapayag na sumama sa Birthday party ng ina nito.
Well, hindi niya nahindian ang deal na ini-offer nito. If she said yes, isang linggo itong hindi magpapakita sa kanya. Hindi niya kayang tanggihan ‘yon. Gusto niyang mawala na ito sa buhay niya para bumalik na sa dati ang puso niya.
“Breath, Flower. Hindi ka naman papatayin sa Birthday party na pupuntahan natin.” Anang Alexus na nasa harap nang monabela at nagmamaneho.
“Alexus, may karapatan akong kabahan. I’m going to meet your family. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama sayo?”
He chuckled. “Kasi hindi mo natanggihan ang offer ko.”
She exhaled. “Yes. Matatahimik din ako nang isang linggo.”
“Matatahimik ka ba talaga? Hindi mo ako mami-miss?”
“Alexus, I will do anything to get away from you. Bakit naman kita mami-miss?”
“Just asking.”
“Whatever.”
“Bakit ba ang taray mo?”
“Alexus, mataray lang ako sa mga tulad mo. Huwag mo akong kausapin.” Aniya at tumingin sa labas nang bintana.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Abala ang utak niya sa pag-iisip kung ano ang mangyayari sa party. She’s going to meet Alexus family. Ano kaya ang magiging komento ng mga ito sa kanya? Magugustuhan kaya siya ng mga ito? Marahan niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba niya iniisip ‘yon? Ano naman kung hindi siya magustuhan nang mga ito. She doesn’t care. After a month, mawawala rin naman sa buhay niya si Alexus.
“We’re here.” Anunsiyo ni Alexus nang maramdaman niyang tumigil ang sasakyan.
Kinakabahang tumingin siya sa labas ng bintana. Kaya ko ‘to! Para ito sa katahimikan ko! Lumabas siya nang sasakyan na abot-abot ang kaba.
“Relax. It’s just my family. No need to panic.” Wika ni Alexus na hindi niya napansin na nasa tabi pala niya.
“I’m not panicking. I’m just nervous. Magkaiba ‘yon.”
Pinasadahan sya nito nang tingin mula ulo hanggang paa. “Damn, Flower. You have more curves that a race track.”
She consciously looked at herself. “You mean I’m sexy?”
Oo, marami na ang nakapagsabi na sexy siya pero hindi niya iyon pinansin. Siguro dahil hindi naman siya body conscious na tulad ng ibang babae na diet ng diet para maging sexy.
Alexus whistled. “Sexy as a coca-cola bottle and hot as hell.”
Tiningnan niya ito nang masama dahil sa ginawa nitong pagsipol. “Hindi ako aso para sipulan mo.”
“I’m just admiring your body, Flower. Alam kung sexy ka pero mas sexy ka ngayon.” Anito na nakatingin sa dibdib niya.
Pinag-krus niya ang braso sa harap ng dibdib para itago iyon sa paningin ni Alexus. “Bastos ka talaga! Don’t look at my breast!”
“I’m not looking at your breast; I’m looking at your heart.” Nakangising palusot nito.
“Heart, my ass! Huwag ka na ngang magpalusot.”
“Yes, you have a very hot ass. Shame you have to sit on it.”
Nanggigigil na itinirik niya ang mga mata. “Lahat nalang ba ng sasabihin mo ay puro flirty words! Alexus, for once, magsalita ka naman ng normal.”
“Normal naman ang pagsasalita ko a.”
“Ay, ewan! Let’s get this over with.” Ipinalibot niya ang braso sa braso nito. She felt him stilled. Tinaasan niya ito ng kilay. “Huwag ka ngang umarte na parang ako ang unang babaeng humawak sa braso mo.”
“Yeah, you’re not, pero ito ang unang beses na ikaw ang unang humawak sa akin. Medyo nagulat lang ako.”
Inirapan niya ito. “Halika na. Let’s get this over with. Gusto ko nang umuwi.”
“Okay. Let’s go.” Iginiya siya ni Alexus papasok sa bahay.
Napakunot ang nuo niya nang mapansing parang wala namang tao. The house is quiet. Wala man lang ni isang tao siyang nakita.
“Alexus, I swear, if you’re just lying to me about this party—”
“Oh, napansin mo sigurong walang tao.” Nginitian siya nito. “Ayaw ni mommy ng magarbong party, okay na sa kanya na kaming pamilya niya ang kasama niya sa kaarawan niya.”
Mabili siyang bumitaw sa braso ni Alexus at naglakad palabas nang bahay. Shit! Peste! Boysit! Nagbago na ang isip niya. Bakita ba siya gustong isama rito ni Alexus? This is a family party for crying out loud!
“Flower, where are you going?” Sinundan siya ni Alexus sa labas ng bahay.
Hinarap niya ang binata. “Alexus, uuwi na ako.”
“What? Why? Hindi ka puwedeng umuwi. We have a deal.”
“Deal? Alexus, birthday ng mommy mo ngayon at tanging pamilya lang ang imbitado. Ano ba ang hindi mo naiintindihan doon? Hindi ko nga sila kilala e. I have to go.”
“So what?” Alexus hold her hand tightly. “Kilala mo ako at saka my mother knew that I’m going to bring someone and its okay with her.”
Umiling-iling siya at inagaw ang kamay na hawak ni Alexus. “No. Uuwi na ako.”
“No. You’re staying.”
“I’m not—”
“Alexus, pumasok na kayo ng kasama mo.” Anang boses nang babae.
“Just a minute, mom.”
Mom? Ito ang ina ni Alexus? Tiningnan niya ang babae na nakatayo sa labas ng pintuan. Alexus mother stood five-eight in height. She has a brown wavy hair that was tied into a bun. Wala itong kuloreti sa mukha maliban sa lipstick. She’s wearing a very simple above the knee black dress. Kahit medyo may edad na ito, napakaganda pa rin nito.
“Happy birth day po ma’am.” Bati niya rito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan habang hinhintay ang sagot nito.
Tinitigan siya nito na parang sinusuri ang kaluluwa niya kapagkuwan ay magiliw ito na ngumiti sa kanya. “Salamat, iha. Please, call me Tita Kharia.”
Biglang nawala ang kabang nararamdaman. She smiled back. “Sige po, tita Kharia.”
Hinawakan siya ni Alexus sa braso at bumulong sa tenga niya. “Hindi ka puwedeng umalis. Lalo na at nakita ka na ni mommy.”
Gusto niyang irapan ang binata pero dahil nakamasid sa kanila ang ina nito, pinigilan niya ang sarili. Pilit na nginitian niya si Alexus at lihim na kinurot ito sa braso.
“Halina kayo.” Anyaya ni Tita Kharia sa kanila. “Kakain na.”
Hinila siya ni Alexus papasok sa bahay. “Come on.”
“Huwag mo nga akong hilain!” Hindi niya napigilang asik sa binata.
Natutop niya ang bibig nang makitang malaki ang matang nakatingin sa kanya si Tita Kharia. OMG! Pahamak talaga si Alexus kahit kailan! Kumunot ang nuo niya nang marinig na tumawa ang ina ni Alexus.
“Alexus, anak, she’s a keeper.” Tumatawa pa ring sabi nito. “Siya ang unang babaeng nakilala ko na hindi sinasamba ang nilalakaran mo.”
“Wala naman pong kasamba-samba sa anak niyo.” Sagot niya na hindi napigilan ang sarili. “Mas maniniwala pa ako kung sinabi niyo pong may gustong kumatay sa kanya sa sobrang galit.”
“Yes, I agree with you, Flower.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ni Tita Kharia. “Flower?”
Kumunot ang nuo nito. “What? Is there something wrong?”
“Ahm… you called me Flower.” Binalingan niya si Alexus na walang imik sa tabi niya. “Only this idiot right here calls me that.”
“Oh. Sabi kasi niya sa akin and I quote ‘isasama ko si Flower sa birthday mo, mommy’ end quote.” Anito kapagkuwan ay ngumiti nang makahulugan. “Flower, huh? I wonder why he calls you that.”
“Clover po kasi ang pangalan ko.” Sagot niya.
Tumango-tango ito. “Ah, it explains the flower. Halina kayo. Alexus, huwag mong hihilain si Clover. That’s not the proper way to treat a lady, especially a beautiful one.”
Hindi sumagot ang binata at iginiya siya papasok sa bahay, papunta sa kumidor. Napakagat labi siya nang makitang lahat nang mata ay nakatingin sa kanya pagkapasok nila sa kumidor. Isang mukha lang ang kilala niya at iyon ay si Marlon Aiken.
“Everyone, this is Clover.” Pagpapakilala ni Tita Kharia sa kanya. “Clover, this is my family.” Itinuro nito ang guwapong may-edad na lalaki na nakangiti sa kanya. “That is my husband, Alexus father, Asheron.”
“Nice to meet you po.”
“Nice to meet you to, Clover.” Anito na nakangiti.
Ngayon alam na niya kung kanino nagmana si Alexus. Kahit may edad na ang ama nito, halata pa rin ang kaguwapuhan nito.
Inakbayan siya ni Alexus. “And she’s mine.”
Bumilis bigla ang tibok nang puso niya sa sinabi ni Alexus. Huminga siya nang malalim at kinalma ang puso niya. “Hindi ho totoong pag-aari niya ako.”
Tumawa ang lalaki na may karga-kargang batang lalaki. “Sa unang pagkakataon, may sumupalpal kay Alexus.”
Marlon Aiken chuckled. “Ramm, sana nandoon ka sa Bar nuong sinupalpal ni Clover ang lahat nang pickup lines ni Alexus. It was epic!”
Malakas na tumawa ang tinawag ni Marlon Aiken na Ramm. “Really? Diba may CCTV ang Bar mo? Can I see it?”
“Asa ka pa. Walang audio ang CCTV.” Sabi ni Alexus at pinaghugot siya ng upuan. “Sit, Flower.”
“Woah. That’s a first.” Manghang kumento nang isang lalaki na mukhang ka-edad lang ni Alexus.
“Shut up, Rann.”
“What? Ito ang unang beses na may pinaghugot ka ng upuan. Nakakagulat.” Sagot ng lalaki na nagngangalang Rann.
“Tumigil na kayo.” Saway ng ama ni Alexus. “Hindi pa nga kayo pormal na kilala ni Clover ang iingay niyo na. Hala sige, magpakilala kayo.”
Unang lumapit sa kanya si Marlon Aiken at inilahad ang kamay. “You already know me because I’m your best friend’s boyfriend. But to formally introduce myself, I am Marlon Aiken Garcia, owner of Bachelor’s Bar.”
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “You already know me.”
Sunod na lumapit sa kanya ay ‘yong lalaking may karga-kargang bata. “I’m Ramm Nicolas San Diego. Pinsan ako ni Alexus. And this is my son, Ramzee. Say hi to Tita Clover, Ramzee.”
“Hi, Tita Clover. You’re so pretty. Bagay kayo ni Tito Alexus.”
“Tao kami, hindi bagay.” Aniyang nakangit sa cute na batang lalaki.
Lumapit sa kanya ‘yong lalaking nagngangalang Rann. “Hey, I’m Rann Nicolai San Diego, Ramm’s twin brother.”
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “Hi, I’m Clover. Nice to meet you.”
“Hello, everyone! Nandito na ako at ang aking masarap na cake.” Wika ng babaeng bagong dating na may dalang three-layered cake. Natigilan ito ng makita siya at ngumiti kapagkuwan. “Hi, I’m Shay, Rann’s wife. You are?”
“Hi. I’m Clover. Nice to meet you.”
Magiliw na ngumit sa kanya si Shay. “Nice to meet you too, Clover. You have a very nice name.”
“Thanks.”
Pagkatapos ilapag ni Shay ang cake, lumapit ito kay Rann at hinalika ang lalaki sa labi. “Nasaan si Shannon?”
Niyakap ni Rann si Shay. “Nasa taas, tulog na.”
“Hello, everybody!” Isang magandang babae na naman ang pumasok sa kumedor at dire-diretsong naglakad patungo kay Ramm at hinalikan ang lalaki. Niyakap nito ang batang lalaki na karga ni Ramm. “How’s my baby Ramzee?”
“I’m okay, mommy.” Itinuro siya ni Ramzee. “Mommy, look oh. Girl po siya ni Tito Alexus. Isn’t she pretty?”
“Pointing people is bad, Ramzee.” Bumaling sa kanya ang babae. “Sorry about that. Hi, I’m Yanzee. You must be Flower?”
“No. I’m Clover.”
“Oh.” Yanzee frowned. “Then who’s flower?”
“Siya rin ‘yon.” Sagot ng asawa nitong si Ramm. “Endearment ni Alexus sa kanya. Aren’t they sweet?”
Nanunundyong ngumiti sa kanya si Yanzee. “Aww. That’s cute. Binasted mo na ba si Alexus? Babaero yan.”
“Hindi ako…” Napatigil sa pagsasalita si Alexus.
“Sige, Alexus, ituloy mo ang sasabihin mo.” Sabi ng ina nito. “Hindi ka ano?”
Alexus’ shoulder slumped. “Nothing.” He mumbled.
“Okay. That’s enough.” Wika ng ama ni Alexus. “Let’s have dinner. Nasaan ba si Kaino? Sasaluhan niya ba tayo o bukas na siya sasama?”
“Bukas na raw, tito Asheron.” Sagot ni Marlon Aiken.
“Okay.” Anito at ipinikit ang mga mata. “God, we gathered here today for my wife’s birthday, Kharia. We are thankful for giving my wife a good health. We pray for more birthdays to come. Please, bless our food.”
“Let’s eat!” Sigaw ni Alexus.
HABANG nagdi-dinner kasama ang pamilya ni Alexus, walang imik si Clover at nakikinig lang sa usapan nang mga ito.
“Sasama ba bukas sina Mike at Aina, Marlon?” Tanung ni Tita Kharia. “Dumating na ba sila?”
“Opo, Tita. Bukas sila mommy at daddy darating from Japan. Hahabol nalang daw sila sa beach dahil medyo mali-late sila. Baka hintayin ko nalang sila bukas para sabay-sabay kaming pumunta ng beach.”
“Okay. Kayo, Ramm, Rann, sasama ba si Verryl at Rayah?”
“Yes, Tita, sasama mo si mommy at daddy.” Sagot ni Rann. “No need to pick them up, kami na po ang bahala sa kanila. I’m driving them to the beach, hindi na kasi kaya ni Dad ang matagalang pagmamaneho. Isa lang ang gagamitin namin sasakyan. Magkita-kita nalang po tayo sa beach resort bukas.”
“Handa na ba ang lahat para bukas?” Tanung ng ama ni Alexus.
“Yes, dad. Handa na ang lahat.” Sagot ni Alexus sa ama.
“Good.” Alexus father looked at her. “You should come, Clover.”
She frowned. “Come?”
“Yes. Pupunta kami sa beach resort bukas. Sumama ka sa amin.” Anito na nakangiti. “Para naman makilala mo ang iba pang myembro ng pamilya namin.”
“Yes, you should.” Segunda ni Marlon Aiken. “Isasama ko si Marjorie.”
Nang marinig ang pangalan ng kaibigan, wala siyang ibang choice kung hindi umu-o. Nakakahiya naman kung tatanggi siya. “Sige po, kung okay lang sa inyo.”
“Of course, okay lang, iha.” Nakangiting wika ni Tita Kharia. “I’m sure mag-i-enjoy ka sa beach resort na pupuntahan natin bukas.”
She smiled. “Salamat po sa pag-imbita. Na-excite tuloy akong maligo sa dagat.”
“Maganda ang dagat doon.” Wika ni Alexus na nakaupo sa tabi niya. “I’m sure mag-i-enjoy kang lumangoy.”
“Yes.” Sang-ayon no Yanzee. “Just don’t wear something sexy like a bikini. Baka lumuwa ang mata ni Alexus. Maawa ka sa manyak.”
“Hey! I’m not a maniac!” Dipensa ni Alexus sa sarili na ikinatawa niya.
“Actually, Yanzee is right. Medyo may pagka-manyak ka nga.” Aniya habang tumatawa pa rin.
“Hindi ako manyak. Mommy oh! Manyak daw ako.” Sumbong nito sa ina na mas lalong ikinalakas ng tawa niya.
“Alexus, huwag kang magpahalata na mama’s boy ka.” Sabi ni Rann na ikinatawa ng lahat.
Sa halip na mainis, nakangiting tinitigan siya ni Alexus. “I’m glad you’re laughing.”
Napatigil siya sa pagtawa at sinalubong ang tingin ng binata. His eyes held so much emotion that she can’t decipher. Again, she was lost in his deep amber eyes. Para siyang hinihigop niyon.
“Aherm! Lalamig na ang pagkain. Tama na ang titigan.” Anang boses ni Ramm.
Napakurap-kurap siya at nagbawi nang tingin. Namumula ang pisngi na tumungo siya. God! Nakipagtitigan siya kay Alexus sa harap ng pamilya nito. How embarrassing was that?
Alexus cleared his throat. “Let’s eat, people. Stop starring at me and Flower.”
“Whatever you say, son. Just make sure that you got every thing under control. I don’t want you getting hurt. I’m your mother, so I know even if you don’t tell me.”
Ano ang ibig sabihin ‘non ni Tita Kharia? Bakit naman masasaktan si Alexus?
“Yeah, mom. I got everything under control.”
“GUMISING ka ng maaga bukas. Maaga tayong aalis papuntang beach.” Wika ni Alexus ng itigil nito ang sasakyan sa harap ng bahay niya.
“Okay, I will.” Aniya at lumabas nang sasakyan.
Lumabas din nang sasakyan si Alexus at naglakad palapit sa kanya. “Okay lang ba talaga sayo na sumama sa beach bukas?” Tanong nito.
“Yes, okay lang. Mukha namang mag-i-enjoy ako roon bukas.” Nakangiting sagot niya.
“I’ll be there, Flower. Ayoko lang na sirain ang araw mo bukas. Binabalaan na kita, mas makulit ako kapag malapit sa dagat.”
“Alexus, hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit sasama ako. Matagal-tagal narin mula nang huli akong maligo sa dagat. And so what? E di maging makulit ka. Para namang hindi pa ako sanay sayo.”
Alexus smiled, his dimples showing, making her feel giddy. “Okay, sinabi mo yan ha?”
She rolled her eyes. “Basta kapag naging sobra kang makulit at mainis ako sayo, lulunurin kita.”
Tumawa ito. “You can’t drown me, Flower. Kasali ako sa swimming varsity nuong nasa college pa ako. Baka ikaw pa ang lunurin ko…” He winked at her. “…lunurin sa aking kaguwapuhan.”
Itinirik niya ang mga mata. “Heto na naman po si Hurricane Alexus. Mahangin na naman.”
Alexus chuckled. “Hindi iyon kahanginan, katutuhanan ‘yon.”
“Ewan ko sa’yo.” Aniya at naglakad palapit sa pintuan ng bahay niya.
Pagkabukas niya ng pintuan, napaigtad siya ng marinig ang boses ni Alexus sa likuran niya. Hindi niya napansin na lumapit ito sa kanya.
“Good night, Flower.”
Nilingon niya ang binata na nakapamulsa at nakatingin sa kanya ng matiim.
“Good night, flirt. Sana bangungutin ka.” Aniya na pekeng nakangiti rito.
“I’m sure I’ll be dreaming of you.” Inisang hakbang nito ang pagitan nila at hinawi ang ilang buhok na nakatabing sa mukha niya. “And if I have nightmare with you in it, I’m sure that would be sweet dreams in a beautiful nightmare.” He leaned in and kissed her on the left cheek. “Dream of me, Flower, because I’m sure as hell I’ll be dreaming of you.”
Hindi pa siya nakakagalaw sa kinatatayuan dahil sa paghalik nito sa pisngi niya nang pumasok ito sa bahay nito na katabi ng bahay niya. Dahan-dahang inilapat niya ang kamay sa pingi na hinalikan nito.
Why does it feel so good? It’s just a kiss on the cheek.
Ipinilig niya ang ulo para mawala ang katanungang iyon na umuukilkil sa utak niya. Pagod lang ako at kulang sa pahinga. Bukas hindi na niya hahayaang halikan siya ni Alexus. Galit pa rin siya sa mga nakaw nitong halik sa kanya, pero may parte sa utak at puso niya na gusto ang ginawa ni Alexus pero pilit niyang kinukumbensi ang sarili na hindi niya gusto ang mga halik nito.
Para rin naman iyon sa sarili niya. This is for my own good.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top