Chapter 5
CHAPTER 5
HABANG nasa sasakyan papunta sa bahay nila, panay ang hawak ni Alexus sa bewang niya. Siniko at kunurot na niya ito pero hindi pa rin ito tumigil. He would just grinned at her innocently like he’s not doing anything wrong.
“Tigilan mo nga ako!” Asik niya sa binata na nakahawak na naman sa tagiliran niya.
He looked at her innocently. “What? I’m not doing anything.”
Siniko niya ito sa dibdib. “Binatawan mo ako! Kung hindi mo ako bibitawan—”
“Cinnamon! Shh! Behave! Paano ka makakapag-asawa kung ganyan ang ugali mo?” Saway sa kanya ng ina na naka-upo sa passenger’s seat.
Ang ama niya ang nagmamaneho dahil gusto daw nitong pasukin ang mundo ng drifting. Hindi nalang niya pinapansin ang kabaliwan nang pamilya niya. Ang kapatid naman niya na kasama nila sa backseat at naka-upo sa gilid at walang imik lang habang nakangisi.
“Dude, you better stop touching my sister.” Ani ng kapatid kay Alexus. “Nag-aalala ako para sa kalagayan mo. Baka matuhod ka na naman.”
Alexus chuckled. “Okay lang. Basta ba ganito ang ending kapag tutuhurin niya ako.” Mas dumikit pa ito lalo sa kanya.
Hindi siya makahinga sa sobrang lapit ng katawan nito. Wala pa rin itong suot na pang-itaas kaya naman panay ang iwas niya rito.
“Flower?”
“What?!” Padaskol na sabi niya.
“Chill, Flower.” Anito at kinurot ang pisngi niya. “Ang cute mo kapag nagagalit.”
“Heh!”
“Flower, napag-isipan mo na ba?” Tanung nito kapagkuwan.
“Ang alin?”
“’Yong sinabi ko kanina sayo. Payag ka na?”
Kumunot ang nuo niya nang maintindihan ang tinatanung nito. “No. Ayokong samahan ka sa birthday ng mommy mo.”
“That’s not what I’m asking you. Ang tinutukoy ko ay iyong tangki na magpapasabog sa bataan mo.”
Inapakan niya ang paa nito sa sobrang panggigigil. “Tantanan mo na ako!” Sigaw niya. Hindi na niya kaya ang inis at panggigigil na nararamdaman. Wala siyang pakialam kung five thousand pa ang bayaran niya sa shouting wallet. “Buwesit ka talagang lalaki ka! Tigilan mo na ako! Ayoko sayo! Hindi kita gusto!”
Naramdaman niyang natigilan si Alexus sa tabi niya. “Ano ba ang ayaw mo sakin, Clover?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Lahat-lahat sa’yo.”
Akmang ibubuka nito ang bibig para sumagot nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Mabilis niyang lumabas sasasakyan.
She took a deep breath. “Hay! Nakahinga rin ako sa wakas.”
“Bakit? Hindi kaba nakakahinga kanina sa sasakyan?” Anang boses ni Alexus sa likod niya. “I can CPR you.” He said with a hint of flirtiness.
Humagikhik ang kapatid niya na lumabas na rin nang sasakyan. She glared at her brother. “Kuya, kung ayaw mong sulsulan ko si Mommy na ipakasal ka kay Ate Christie, I suggest na manahimik ka.”
Agad na sumeryuso ang mukha ng kapatid. Mabuti naman. Her brother is scared of Christie Ibale. Ate Christie is an NBI agent and her brother ex-best friend. At takot na takot dito ang kapatid niya.
Naunan na siyang maglakad kay Alexus. Kailangan niyang lumayo sa lalaki. Baka kung ano mangyari sa puso niya kapag hinayaan niya itong makapasok sa sistema niya. Dapat niyang protektahan ang sarili mula sa kay Alexus the flirt.
Napaigtad siya nang may umakbay sa balikat niya. Hindi na niya kailangang tingnan kung sino iyon. Nanunuot sa ilong niya ang panlalaking amoy ni Alexus.
Malakas niya itong siniko. “Bitawan mo ako!”
Alexus chuckled. Hindi man lang ito apektado sa pagsiko niya. “Flower, hindi ko naman mapapasabog ang bataan mo sa simpling pag-akbay sa’yo.”
“Urgh! Tigilan mo nga ako sa pasabog at bataan na ‘yan! Kanina pa ako nakukunsumi sayo!” Tumakbo siya papasok sa bahay nila para makalayo kay Alexus. Sasabog na ang utak niya dahil dito.
Pagkapasok sa loob ng bahay, tinungo niya ang sala at binuksan ang TV saka umupo sa mahabang sofa. Nagi-enjoy siya sa panunuod ng ‘American Ninja Warrior’ sa AXN nang biglang may nag-change ng Channel.
“Hey!” She protested to whoever changed the channel. “Ibalik mo sa AXN!”
“Ano naman ang mapapala mo sa American Ninja Warrior? Puro mga hubad ang lalaki sa American Ninja whatever na ‘yan. It’s not good for your eyes. Dapat katawan ko lang ang nakikita ng mga mata mo.”
Kinalma niya ang sarili nang marinig ang boses ni Alexus. Mas lalong pinigilan niya na magwala sa sobrang inis nang tumabi ito sa kanya sa sofa.
“Ibalik mo sa AXN.” Aniya sa matigas na boses. “I want to see Levi Meeuwenberg finished the obstacles.”
He puffed. “Ako nalang ang panuorin mo. Hubad din naman ako ah.”
“Hindi ito tungkol sa hubad na katawan. My god, Alexus! Hindi naman ako katulad mo na puro kahalayan ang utak.”
“My dear flower, hindi ako lalaki kung hindi puro kahalayan ang laman nang utak ko.” He changed the Channel to HBO.
Nahigit niya ang hininga nang makita si Anjelina Jolie at Antonio Banderas na nasa kalagitnaan nang mainit na pagniniig. “Oh my god! Change it!”
Tawa-tawang iniba ni Alexus ang channel. “Grabe ang kainosentihan nang utak mo, Flower. Hindi na kapani-paniwala.”
“Heh! Tigil-tigilan mo ako, Alexus ha! Kanina pa ako naiinis sayo.”
Ibinaba nito ang remote na hawak at seryosong tumingin sa kanya. “Clover, makikipagdate ka ba sa akin kung titigilan kita?”
“Hindi.” Mabilis niyang sagot.
“See? Kahit naman siguro anong gawin ko, hindi ka makikipag-date sa akin. And anyway, this is the real me. And I’m not gonna change for you to date me or for anyone else. I won’t pretend to be a nice guy just so you’ll like me. Hindi ako ganoong klaseng lalaki.”
Humanga siya sa sinabi nito pero hindi niya iyon pinahalata. “Pakialam ko naman sayo.” Nakataas ang kilay na binalingan niya ang binata. “Bakit ba kinukulit mo ako? There are thousands of women out there that will do anything for you, Alexus. Siguro naman sa ngayon, alam mo nang hindi ako kasali sa mga babaeng gagawin ang lahat mapansin mo lang. I’m not that kind of woman, Alexus. Ngayon palang, sinasabihan na kita na wala kang pag-asa sakin. Kaya tantanan mo na ako.”
Ilang minuto itong hindi umimik at matiim lang na nakatitig sa kanya. “Ilang ulit ko rin bang sasabihin sayo na ikaw ang gusto ko—”
“That’s the thing, Alexus. I don’t believe you.”
“Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka?”
“Wala.” Tumayo siya at iniwan ang binata sa sala na matiim na nakatingin sa kanya.
Pumunta siya sa kusina. Pagkapasok niya roon, nakita niyang tumutulong ang ina niya sa paghahain nang mesa. Kumunot ang nuo niya. Minsan lang tumulong ang mommy niya sa paghahain nang mesa. Kapag ang bisita nila ay VIP, pero hindi naman VIP si Alexus.
She exhaled loudly. “Mom, why are you helping the maids to set the table? Hindi naman importanteng tao si Alexus.”
Her mother smiled genuinely. “Aww… Cinnamon, ngayon ka lang nagdala nang lalaki sa bahay.”
Napailing-iling siya. “Mom, might I remind you na pinilit mo akong isama ang lalaking ‘yon?”
Ngumisi sa kanya ang ina. “Cinnamon, that guy is a hot piece of meat. Kapag siya ang naging ama nang anak mo, siguradong maganda at guwapo ang anak niyo.”
Itinirik niya ang mga mata. Gosh! “Iyan lang ba talaga ang halaga ko sa pamilyang ‘to? Ang makapagbigay ng apo?” Aniya na puno nang pagtatampo ang boses.
Her mother looked at her softly. “Cinnamon, we love you.” Nilapitan siya nito para yakapin. “Kaya nga gusto ka naming magkaanak. Saka, aminin mo, napaka-guwapo ni Mr. Half-naked.”
“Mom!” Kumawala siya mula sa pagkakayakap ng mommy niya. “Stop calling him that. Alexus po ang pangalan niya.”
“Asus ang anak ko.” Nanunudyong ngumiti sa kanya ang ina. “Aminin. Naga-guwapuhan ka kay Mr. Half-naked.”
Sa halip na sagutin ang ina, nanahimik nalang siya at piniling hindi magsalita. Hahaba lang ang usapan nila at ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin nito.
WALANG gana na tiningnan ni Clover ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Masasarap naman ang mga iyon pero dahil sa katabi niya, nawalan siya nang ganang kumain.
“Flower, don’t tell me on diet ka?” Tanung ni Alexus sa kanya na komportabling naka-upo sa tabi niya.
“Wala akong gana.”
“Bakit naman?” Nilagyan siya nitong nang pagkain sa plato. “Eat, Flower.”
“Wala nga akong gana.” Aniya at itinulak ang pinggan palayo.
Alexus tsked. “Flower, maraming bata ngayon sa lansangan na nagugutom. Samantalang ikaw nasa harap na ang pagkain. Makonsensiya ka naman.”
“Wala akong pakialam.”
“Tama si Alexus, Cinnamon.” Sangayon ng ina. “Anyway, Alexus, hindi pa tayo pormal na magkakilala. I’m Cinnamon’s mother, Orchid Perez.”
“Orchid? Nice name.” Pambobola ni Alexus sa Mommy niya. Alam niyang pambobola iyon dahil para sa kanya, pangit ang pangalang Orchid.
Naiiritang binalingan niya ang binata. “Puwede ba, huwag mong bulahin ang Mommy ko.”
“What? Orchid is a nice name.” Dipensa nito.
“Oo nga naman, Cinnamon. Magandan naman talaga ang pangalan ko.” Segunda nang ina na ikinatirik nang mata niya. “And this is my husband, father of Cinnamon, Drake Perez. And our only son who happenes to be an idiot, Draco Gladiolus.”
Her brother grimaced. “Don’t listen to them. My name is Draco.”
“Nice to meet you all.” Magalang na wika ni Alexus na ikinagulat niya. “I’m Alexus Euri Sandoval.”
Tumigil sa pagkain ang kuya Draco niya at manghang tumingin kay Alexus. “Alexus Euri Sandoval? The song writer? The owner of AES Recording Company? It’s like the biggest recording company in Asia.”
Napakamot sa batok ang binata na para bang nahihiya ito. “Yeah. That’s me.”
“What a catch!” Sigaw ng mommy niya. “ Kailan ang kasal niyo ni Cinnamon?” Excited na tanung nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa tanung ng mommy niya. Gosh! Siya ang nahihiya para rito. Si Alexus na playboy? Magpakasal? Ang alam niya sa mga babaero e allergic sa salitang kasal—
“Kung kailan po gusto ni Flower magpakasal.”
Mabilis siyang tumayo at umalis nang kumidor. Baka kung ano pa ang magawa niya kay Alexus kapag nagtagal pa siya roon.
“Flower!”
Hindi niya nilingon ang tumawag at nagtutuloy lang na naglakad patungong Garden. Hindi pa siya nakakalapit sa Garden nang may pumigil sa braso niya.
“Stop, Flower. Bakit ka ba bigla nalang umalis—”
She slapped Alexus hard.
“Fuck!” He cursed and glared at her. “Why did you do that for?! Masama na ba ngayon ang mag-alala sayo?”
“Mag-alala? If you’re really worried about me, then stop lying to my parents! Hindi mo alam kung paano mag-isip si Mommy. Dahil sa sinabi mo, siguradong mapapahiya ako.”
“Ano ba ang kasinungalingan ko na sinasabi mo? I’m maybe a flirt but not a liar.”
“Not a liar? Ano naman ang tawag mo sa ginawa mo kani-kanina lang. You lied to my family about marrying me when we both know that you curse the word marriage! My god, Alexus! Just leave me the hell alone! Kung hindi mo naman ‘yon kayang gawin, huwag mong isama ang pamilya ko sa pangungulit mo.” Sinapo niya ang ulo na parang sasabog na sa pag-iisip kung ano ang gagawin para hindi siya mapahiya dahil sa ginawa ni Alexus.
“Bakit ka naman mapapahiya—”
She harshly turned to him and glared. “Ipagkakalat ni Mommy ang sinabi mo. You are Alexus blah blah blah. You’re a good catch and all that shit stuff. At kapag nalaman ‘yon nang buong angkan ko at mga kaibigan ni Mommy siguradong mapapahiya ako dahil wala namang katutuhanan ‘yon. After One month. After you’re done pestering me. After your interest faded. Kapag nawala ka na sa buhay ko like I’d been praying to happen, ako ang mapapahiya sa kasal-kasal na na pinagsasasabi mo. Ako ang haharap sa kanila dahil nagsawa ka na. At tulad nang ginagawa mo sa mga naging babae mo kapag nagsasawa ka, iiwan mo rin ako. At ang masaklap, nag-iwan ka pa nang isang problema!”
Nababaghang tinitigan siya ni Alexus. “I’m sorry, Clover—”
“Your sorry won’t stop my mother from spreading the news.”
“Then I’ll tell your parents that I was just—”
“Just what? Kidding?” Parang may kung anong kumurot sa puso niya. Ano pa ba ang aasahan niya sa isang plaboy na katulad ni Alexus? Playboys don’t do marriage. Kaya nga ginagawa niya ang lahat para hindi ma-develop ang atraksiyon na nararamdaman niya para rito. “Kahit ilang ulit mong sabihin sa mommy ko na nagbibiro ka lang, magsasayang ka lang nang laway. Pang-mental ang utak nang mommy ko.”
“I’m sorry, Clover. I wasn’t thinking straight.”
“You should be sorry, but still, walang magbabago.” Nagmamakaawang tumingin siya sa mga mata ng binata. “Please, Alexus, leave me alone. You already cause so much commotion and trouble in my life. Una, sinira mo ang tahimik kung mundo. Ikalawa, malapit nang sumabog ang ulo ko sa pangungunsumi mo sa akin. Ikatlo, itong kasal-kasal na ‘to. Ano pa ang pang-apat?”
Inisang hakbang ni Alexus ang pagitan nila. “First, dapat ka ngang magpasalamat sa akin dahil kahit papaano, nagkakulay ang boring mong mundo. Siyempre, bakit hindi, guwapo yata ako. Pangalawa, hindi lang naman ulo mo ang malapit nang sumabog. Pati rin ang ulo ko, sasabog na dahil sa katarayan mo. Pangatlo… may naisip akong paraan para hindi ka mapahiya.”
Kumunot ang nuo niya. “Ano?”
“Ito.”
Walang pahintulot na bigla nalang nitong sinakop ang mga labi niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata at kinombensi ang sarili na hindi siya apektado sa marahang paggalaw nang mga labi nito sa labi niya, pero sapat na ang nagliliparang paru-paru sa tiyan niya at ang kakaibang kuryenteng naramdaman nang maglapat ang labi nila para hindi tanggapin nang puso at utak niya ang kasinungalingang gusto niyang isiksik doon.
Inilagay niya ang kamay sa dibdib nito at marahang tinulak ang binata palayo sa kanya.
“It wasn’t a kiss because I didn’t kiss you back.” Aniya bago pa makapagsalita si Alexus. “It didn’t mean anything and I’m sure as hell that it won’t save me from being humiliated.”
Alexus chuckled. She can see a mischievous glint on his amber eyes. “Fine. Tatanggapin ko na hindi tayo naghalikan kasi tama ka, you didn’t kiss me back. But guess what? Para sa ibang tao na nakakita sa atin, sigurado akong iisipin nilang naghahalikan tayo. And I’m sure as hell that your family thinks that we kiss.” He grinned and waved his hand at someone on her back.
Mabilis siyang lumingon para tingnan kung sino ang kinakawayan nito. Sheyt! Sheyt! Sheyt!
Her mom jumped gleefully. “Aww! You two are so sweet! Iwan na natin sila para maipagpatuloy nila ang kanilang ginagawa.” Anito sabay hatak sa ama at kapatid niya pabalik sa loob ng bahay.
Clover can’t control it anymore!
She turns to Alexus and kicked him on the chest. Mukhang hindi nito inaasahan ang ginawa niya dahil hindi ito nakailag. He fell unto the ground.
Nanlilisik ang matang tinitigan niya ang binata. “Para ‘yan sa pagdagdag pa lalo sa problema ko!”
Alexus stands up like he wasn’t hurt by her kick. “Flower, before I kiss you again for kicking me, I have one question… would you go out on a date with me?”
“No.”
He chuckled. “I thought so.” Then he crashed his lips against hers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top