Chapter 2

CHAPTER 2

LUMIPAS ang linggo ni Clover na walang Alexus na nangggulo at nangulit sa kanya. Ipinagpasalamat niya iyon, kaya naman dumaan siya sa simbahan para umusal ng munting pasasalamat sa panginoon bago siya nag-grocery.

Sa wakas! Nakahanap na ito siguro ng ibang mauuto. Mabuti naman. Isang linggo rin siyang hindi pumunta sa Bachelor’s Bar dahil ayaw niyang makita ang binata, pero ngayong muhang sumuko na ito, nakahinga na siya ng maluwang.

Tiningala ni Clover ang mataas na istante kung saan nakalagay ang isa sa mga nakalista na bibilhin niya. Akmang aabutin niya iyon nang may maunang umabot niyon.

“So, therefore, I conclude that you have a menstruation today.” Anang boses sa likod niya na kilalang-kilala niya.

A cart stopped beside her cart. At ang may-ari ‘non ay walang iba kung hindi ang taong ipinagdasal niya na sana kunin na ni lord.

“Hello, Flower.” Nakangiting bati nito sa kanya. “I was feeling a little off today, but when I see your cute little butt, damn, I’m definitely okay and turned on. Thanks.”

Inirapan niya ito at kumuha ng isang dosenang Modess at inilagay iyon sa cart niya.

“Wow. The flow must be very—”

Mabilis niya itong nilingon at tiningnan nang masama. “Sige, ituloy mo yan at makakatikim na naman sa akin ‘yang nakasalawit na alaga mo.”

Alexus chuckled and messed her hair that she spent five minutes styling. Tinabig niya ang kamay nito. “Huwag mo nga akong hawakan. Ayokong mahawa sa virus na dala-dala mo.”

“Hay, Flower, you never fail to make me smile.”

“You never fail to annoy me.”

He shrugged. “What can I say? That’s one of my best assets.”

“Ano ba ang ginagawa mo rito?” Mataray niyang tanong.

“Ahm, duh? It’s a grocery store, malamang manggo-grocery ako. Alangan naman nandito ako para mamasyal.” Puno nang sarkasmo ang boses nito.

“Bakit, sinabi ko bang namamasyal ka?” Mataray niyang sikmat.

Umiling-iling ito. “God, flower. You make my tooth hurt.”

She frowned. “What?”

“You’re supposed to say ‘why’, not what.”

“Wala akong pakialam sa’yo, so, bakit kita tatanungin ng why? Wala akong pakialam kung masakit ang ngipin mo, i said what because I thought I heard you wrong.”

He heave a very deep sighed. “You’re supposed to ask why my tooth hurts and I’m going to answer you ‘because you’re so sweet’, note the sarcasm please.”

“You and your lame pick up lines.” She shook her head. “Hindi ka ba nauubusan ‘non? It’s all lame.”

“Ang lakas mong manglait, I bet wala kang alam ni isang pick up line na makakakuha ng atensiyon naming mga lalaki. Well, except for your witty pick up line comebacks.”

Tumigil siya sa paglagay ng mga kailangan niya sa cart at nilingon ang binata. His deep amber eyes were somewhat shining.

“May pickup lines akong alam at wala akong balak na gamitin ‘yon sa iyo o sa kahit na sinong lalaki rito sa mundong ibabaw.”

“Asus, palusot pa po siya.”

She rolled her eyes. “Bakit ba kita pinapatulan? Urgh! Ano naman ngayon kung wala akong alam na pickup line, pakialam mo naman.”

Alexus grinned. “Hi, flower. I’m an astronaut, and my next mission is to explore Uranus.”

She grinned back. “Hi, I’m a dentist. And my next mission is to knock your teeth off.”

“See!” Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. “Magaling kalang mansupalpal. Iyan ang nakakuha ng interes ko.”

“Ngayon nagsisisi na ako kung bakit pa kita sinupalpal. Sana nanahimik nalang ako.”

“Flower, kung hindi mo man ako sunupalpal, imposibli pa rin hindi kita mapansin. You’re too beautiful not to notice.”

A small blush creeps into her cheeks. “And you’re too irritating.”

He clucked his tongue. “Sinong magaakala na ang babaeng mala-anghel ang mukha, may sungay pala ang bunganga.”

“Hindi mo ba alam ang kasabihang ‘there’s more to see than meets the eye’?”

“Of course I do.” Mabilis nitong sagot. “Narinig kong sinabi ‘yan ni Optimus prime sa pelikulang Transformers.”

“You’re so nonsense to talk to.” Aniya at ipinapatuloy ang paglalagay ng mga bibilhil sa cart niya.

“Hey! I’m full of sense! Ikaw ang kauna-unang babae na nagsabi na wala akong sense na kausap.” Anito habang mabilis na itinutulak ang cart para maabutan siya.

“Puwede ba, tantanan mo na ako. Kotang-kota ka na ngayong araw sakin. At talaga namang non-sense kang kausap. All words that come out from your mouth are full of crap. Kung hindi pickup line ay kalandian ang lumalabas diyan sa bibig mo.”

“Ohh. So kapag nag-open ako ng topic tungkol sa mga napanuod ko sa Discovery at National geographic Channel ay makikipag-date ka na sa akin? Bakit hindi ka nagsabi kaagad? Anong gusto mong pagusapan natin? How to make a plane or how the earth was made? Sige, mamili ka.”

Inirapan niya ito at itinulak ang cart. Gusto niyang makalayo kay Alexus. Baka kung ano-ano pa ang lumabas sa bibig nito. Pero hindi pa siya nakakalayo, nahabol na naman siya nito.

“Stop running away from me, Flower. Chasing women like you is what I live for. Hinding-hindi ka makakatakas sa akin.”

“Hindi ako katulad ng mga babae mo, kaya puwede ba tantanan mo na ako. Hindi ako makikipagdate sayo at mas lalong hinding-hindi ako magkakagusto sayo kaya naman, tigilan mo na ako.”

“Nah. You’ll fall for me eventually. They all did.” He said smugly.

“Yeah, I will fall for you… when the moon disappears in the sky and when the sun never shines again.”  

He chuckled. “Oh, come on, Flower. I know you want me. You want this hot piece of meat.” Anito na iminuwestra ang kamay sa katawan nito.

She sighed. “Trust me, even if you’re the last piece of meat in the only meat shop in the world, hinding-hindi kita bibilhin. And if you are a meat, I’m sure you’ll be the pork butt.”

Alexus laughed out loud. “Lucky flower, I am the prime rib.” Puno ng pagmamalaki ang boses nito. “At masuwerte ka dahil ako na ang lumalapit sayo. Women would kill to be you right now.”

She rolled her eyes. “Oh, they don’t have to kill me. I’ll hand you over to them. Ganoon ako kawalang interes sayo.”

“Flower, flower, flower.” He tsked three times. “Kakainin mo yang mga salita mo. Wala pang babaeng tumatangi sa akin.” He slides his finger on her cheeks, making her shiver inwardly. “At sigurado akong hindi ikaw ang unang babae na tatanggi sa akin. I am Alexus Euri after all, women line up outside my doorstep.”

Pagak siyang tumawa. “At sigurado akong hindi ako kasali sa mga babaeng nakapila sa labas nang pintuan ng bahay mo. I’ll never sink that low.”

“Oh, flower, don’t talk like that. You’re hurting me.” Umarti itong nasasaktan. “And don’t worry; I won’t let you sink that low. Okay na sa akin ang nakaluhod habang pinapaligaya mo ako.”

Namula siya sa sinabi nito. “Oh my god! D-Did you j-just turn my sentence into a… a... a…”

“Into a what, Flower? Hindi kita maintindihan.” Anito sa inosenteng boses. “Complete your sentence please.”

“Bastos ka talaga.” Iyon nalang ang nasabi niya. Hindi kayang tanggapin ng utak niya na ginamit nito sa kabastusan ang sinabi niya.

Nagmamadaling itinulak niya ang cart papuntang counter. Nang makarating doon, medyo may kahabaan na ang pila. Naiinis na tiningnan niya ang pinamili. Bumalik nalang kaya siya? Iyon lang ang paraan para mabilis siyang makalayo kay Alexus. Pero saying naman, narito na siya. At bakit naman siya magpapatalo sa lalaking ‘yon?

Ikinuyom niya ang kamao ng maramdamang tumabi sa kanya si Alexus. Hindi niya ito nilingon o binigyan ng pansin. Ayaw na niyang makipag-usap dito kasi makukunsumi lang siya. Naiirita siya rito at baka bukas matanda na siya kung papatulan niya ang kalandian nito.

“Bakit ba ang haba ng pila? Marami pa akong gagawin.” She whispered to herself.

Natigilan siya ng agawin ni Alexus sa kanya ang cart and itinulak iyon palapit sa counter. He’s cutting in the line and every person in the line shouted offensive words. Pero hindi iyon pinansin ng binata. At dire-deretsong naglakad palapit sa counter.

Alexus smiled flirty at the girl behind the counter. “Hi, can you check these out please? Nagmamadali na kasi ang kasama ko.” He put his elbow on the counter at inilapit ang mukha sa mukha ng babae. “Pretty please?”

“Sure, sir.” Masama ang tinging ipinukol nito sa mga nakapila. “Si Sir muna ang uunahin ko. Mukhang nagmamadali.” Anito sa mga costumer na nakapila.

He smiled. “Thanks, you’re an angel.”

Nasa mukha ng mga nakapila ang inis. Mabilis na inasikaso ng babae ang pinamili niya. Agad iyong natapos at iniabot ang dalawang malalaking cellophane kay Alexus. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang ang binata ang nagbayad para sa pinamili niya.

Masama ang tingin ng mga nakapila kay Alexus habang naglalakad ang lalaki palapit sa kanya. Mabilis siyang kumuha ng pera sa wallet niya.

“How much was my grocery?”

“Nah. It’s okay. You don’t have to pay me.”

“No, I want to pay you.” Pamimilit niya. “How much? Ayokong magkautang na loob, lalong-lalo na sayo.”

“Chill, Flower. Sisingilin nalang kita kapag wala na akong makain.” Pabiro nitong sabi. “Pero sa ngayon, hindi ko matatanggap ang bayad mo.”

“Hmp! Bahala ka sa buhay mo.” Mabilis na inagawa niya ang dalawang cellophane sa kamay nito. Nahigit niya ang hininga ng maramdaman na naman ang mala-kuryenteng naramdaman niya ng halikan siya nito ng walang pahintulot.

“Again, Flower, chill. Hindi ko naman itatakbo itong pinamili mo.”

Inirapan lang niya ito at nagmamadaling luamabas ng grocery store. Hindi niya napigilan ang sarili na lingunin ang binata. Dahil glass door naman ang pintuan ng grocery, nakita niyang pumila si Alexus. Mukhang naramdaman nito ang tingin niya dahil tumingin ito sa direksiyon niya.

Alexus smiled and winked at her, and she answered it by rolling her eyes and walking away.

“MA’AM, your appointment for one o’clock just arrived. Papapasukin ko na po ba?” Tanung ng secretary niya gamit ang intercom.

Clover closed the file that she was reading. “Sure. Papasukin mo na.”

The door open and a very sophisticated looking woman enter her office. Pinigilan niya ang kilay na tumaas. Sa klase ng pananamit nito, mukhang bigatin ito.

“Hi, I’m Clover Perez.” Inilahad niya ang kamay.

Tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. “I’m Charlotte Jimenez. I heard you are a very good match maker.”

“Please, have a sit. And about what you said, yes, I am.”

“Great.” She smiled and sits on the sofa in front on her table. “I’m here to ask you to match make me with someone.”

“No problem.” Kinuha niya ang maliit na notebook kung saan niya sinusulat ang detalye ng lalaking gusto ng kleyente. “Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?”

“Oh, no need for that. May lalaki na akong napili para sa akin.” Nagniningning ang mga mata nito.

“Really? That’s great. So, who’s the lucky guy?”

The woman giggled like a teenager before answering. “He’s gorgeous, rich, and amazing. He owns the AES Recording Company.”

“Nice choice. I’m sure bagay kayo.” Aniya.

“Oo naman. His name is Alexus Euri Sandoval.”

Nawala ang ngiti niya at nahulog ang ballpen na hawak-hawak niya. What the fudge? “P-Pakiulit ng pangalan niya, puwede?”

“Alexus Euri Sandoval.”

“Bakit siya?” Wala sa sariling tanung niya. “He’s a playboy.”

“Kilala mo siya? Oh well, who wouldn’t? Alexus Euri is one of the most sought after bachelor in the country. And yeah, he’s a playboy but I still want him.”

She shook her head. “I’m sorry. I can’t match make you with him. He’s a playboy. He’ll hurt you. Kung gusto mo ihahanap nalang kita ng iba.”

“No. He’s the one that I want!” Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Please, babayaran kita kahit magkano basta gawin mo lang ang pinapagawa ko.”

“Miss Jimenez, this is not about money. This is about you getting hurt—”

“I know what I’m doing.” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. “Kung ayaw mo sa ibang matchmaker nalang ako pupunta.”

“Okay. I’ll do it.” Mabilis niyang sabi.

“Yes! Thank you. I’ll give you a bonus when Alexus and I become a couple.”

“You’re welcome. And no need to give me bonus.” Aniya na pilit na nakangiti.

“Ipapaubaya ko na sayo ang buhay pag-ibig ko. Tawagan mo nalang ako kapag pumayag na si Alexus na makipag-date.” May inilapag itong calling card sa mesa niya. “I have to go. May importante pa akong gagawin e. Thanks for accepting.”

“No problem.”

Lumabas na ang babae sa opisina niya pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang gusto nitong lalaki. Really? Si Alexus?

Nag-aalangan siyang gawin ang gusto nito, pero kapag hindi naman niya tanggapin, sa ibang matchmaker ito pupunta and who knows kung anong gagawin ng matchmaker na ‘yon. She’s sure as hell na masasaktan lang ang babae. Kaya tinanggap niya ang trabaho para mapigilang mangyari ‘yon. At sana nga hindi saktan ni Alexus si Charlotte.

She’s willing to do the job, but why does her heart feel heavy with the thought of Alexus and Charlotte dating?

Urgh! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top