Chapter 15
CHAPTER 15
NANG makalabas si Clark, agad na pumasok si Alexus sa opisina niya. Kumunot ang nuo nito ng mapansing nakatayo siya at kunot an kunot ang nuo.
“What’s up? Are you okay?”
“Sometimes, I hate what I do for a living.”
Niyakap siya nito ng mahigpit. “What happened?”
Isinalaysay niya ang napag-usapan nila ni Clark. “I love my job, Alexus. Pero minsan may mga kliyente ako na nakakainis.”
“Like that guy?”
“Yes, but he said sorry. Ayoko lang na may nang-iinsulto sa mga kabaro ko. Hahanapan ko na nga siya ng babae na karapat-dapat sa kanya, gusto pa niyang madaliin.”
“Shh. Hayaan mo na ‘yon, okay?” He pulled away. “Let’s have breakfast together instead?”
“Okay.”
Lumabas si Alexus para kunin ang binili nilang breakfast na iniwan nila sa sasakyan nito. Pagbalik ni Alexus, kumunot ang nuo niya ng makitang may dala-dala itong starbucks.
“Where did you get that?” Tanung niya.
“This?” Itinaas nito ang supot ng starbucks. “Binili ko ito habang nakikipag-usap ka sa kliyente mo.”
“Pero malayo ang startbucks dito.”
“So? I have a car. I drive there.” Inabot nito sa kanya ang supot ng starbucks. “It’s for you, para hindi na uminit ang ulo mo.”
Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thanks.”
He grinned. “Welcome.”
Inilagay nito ang breakfast nila sa center table at umupo ito sa sofa. Alexus patted the space beside him. “Upo ka sa tabi ko.”
Umupo siya sa tabi nito at sabay silang nag-agahan. This is the best breakfast she ever had. Nag-enjoy siya sa mga ka-corni-han ni Alexus.
“I’m full.” Aniya pagkatapos kumain.
“Me too.” Anito at humiga sa sofa. Ang ulo nito ay nakaunan sa hita niya. “Flower?”
“Yes?”
“Anong gagawin mo kapag hindi nakapasa sa panlasa ni Mr. Clark si Clarisse?”
Clover smiled. “They’ll end up together, Alexus, I’m sure of it. I can feel it in my gut. That’s why I paired them up. Kahit nuong high school pa ako, alam ko na kung sino ang bagay sa isa’t-isa. This is my job because this is what I love doing.”
“So… can you pair me up with Clover Cinnamon Perez?”
Lumapad ang ngiti niya. “Yes, yes I can.”
“So, kailan ang date namin?”
“Mamaya kung gusto mo.”
“Tonight then, maghihintay ako sa Yanzee’s restaurant. Be sure na pupunta roon si Clover Cinnamon.”
“I’ll make sure of it.”
HUMINGA ng malalim si Clover bago pumasok sa loob ng Yanzee’s Restaurant. It’s her first date with Alexus and she wants it to be amazing. Agad niyang nakita si Alexus na nakaupo sa pandalawahang mesa. She walked towards him.
Tumikhim si Clover ng makalapit siya kay Alexus. Agad nag angat nang tingin si Alexus. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito ng makita siya.
“Flower… w-wow, you look— wow… just wow.”
Clover smiled in amusement. “Ah, Alexus Euri Sandoval just stammered.”
“You look stunning… I think it’s understandable.” Tumayo ito at pinaghugot siya ng upuan. “Please, have a seat.”
Itinirik niya ang mga mata at umupo. Bumalik si Alexus sa umupan nito at tinitigan siya.
“Why are you looking at me like that?” Tanung niya.
“You look stunning, Flower. Very stunning. I can’t take my eyes off of you.”
She rolled her eyes. “What can I say? I clean up very well.”
Inilapit nito ang upuan sa upuan niya. “Do you mind if I seat beside you?”
“Alexus, nasa tabi na kita.”
Inilagay ni Alexus ang baba nito sa balikat niya. “I love you, Clover.”
“Where did it come from?” Kunot-nuong tanung niya. “Bigla-bigla ka nalang nag a-I love you.”
“It came from my heart.” He kissed the back of her ears. “I want to eat you up, Flower. I want to devour you.”
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. “Alexus, we’re in a restaurant full of people. Puwede ba kadenahan mo muna iyang manyak mong ugali.”
He chuckled, his breath fanning her neck. “Am I turning you on?”
“No.” Mabilis niyang sagot.
“I just want our first date to be special, Flower.”
“Puwede naman maging special ang isang date kahit wala ang halik-halik na iyan.” Aniya.
“Okay.” Lumayo sa kanya si Alexus at ibinalik ang upuan sa dati nitong puwesto. “I already ordered for you. I hope you don’t mind.”
Tinitigan niya ang binata. “Galit ka?”
“Nope.”
“Sigurado ka? Mukhang galit ka e.” Pamimilit niya.
Walang buhay siya nitong tiningnan. “Hindi nga ako galit. Kumain ka nalang diyan tapos ihahatid na kita pauwi sa bahay mo.”
“Alexus naman—”
“I said, eat. Don’t worry, after here, wala ng kasunod. Some date this is.”
“Alexus, ayoko pang umuwi sa bahay. At saka akala ko ba naiintindihan mo ako. Ayoko pang gawin ang bagay na ‘yon.”
“Yeah, I understand. Sige, kumain ka na. Lalamig na iyan. Sayang naman.”
Nag-init ang ulo niya sa klase ng boses nito. “No, thanks. Walang akong balak kumain sa harap ng isang tao na makitid ang utak.” Tumayo siya at iniwan si Alexus sa loob ng Restaurant. She wanted her first date to be amazing, pero mukhang hindi mangyayari ‘yon.
Sumakay siya sa kotse niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan pauwi. Habang nagmamaneho, paisa-isang pumapatak ang luha niya. Akala niya naiintindihan ni Alexus ang nararamdaman niya. Maaga pa sa relasyon nila ang bagay na ‘yon. Mahal na mahal niya si Alexus pero kung hindi siya nito kayang respituhin bilang isang babae, kahit masakit, makikipaghiwalay siya rito. But deep down, umaasa siya na tatawagan siya ni Alexus o kaya naman sasabihin nito na biro lang iyon at makapaghihintay ito, pero ilang minuto na ang nakakaraan mula nang umalis siya sa restaurant pero wala namang Alexus na sumunod o tumawag sa kanya.
Pinahid niya ang luha at lumabas ng sasakyan niya. Ayaw niyang umiyak pero hindi naman niya mapigilan. Pumasok siya sa loob ng bahay niya at dire-diretsong umupo sa sofa. Hindi niya binuksan ang mga ilaw dahil ayaw niyang makita ang sarili. Ayaw niyang makita ang damit na suot niya, ang damit na special niyang pinili para sa date nila ni Alexus. Naiinis na ginulo niya ang buhok na pina-ayos pa niya sa salon. Peste! Bakit ba nangyayari sa akin ito?
Bigla siyang kinabahan ng bumukas ang pintuan ng bahay niya. Magnanakaw! Akmang sisigaw siya ng marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ni Alexus.
“I’m sorry. I didn’t mean for our date to end this way, Flower. Hindi naman ito ang gusto kong mangyari. I want out first date to be special and amazing. I want us to enjoy our first date and be happy. I’m sorry kung pinaiyak kita. Hindi ko ‘yon sinasadya. Ang gusto ko lang naman ay umuwi ka sa bahay mo at surpresahin ka. Pero mukhang sumobra yata ang drama ko. Flower, I just want you to know that I understand you. Hindi kita pipilitin gawin ang bagay na ‘yon kasi alam kung hindi ka pa handa at naiintindihan ko yon. Mahal na mahal kita, Flower, please, huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sayo. Lahat ng sinabi ko roon sa restaurant, sinabi ko lang iyon dahil gusto kitang pauwiin ka. Dahil gusto kitang surpresahin. Your happiness means a lot to me, Flower, because I love you much.”
Biglang natahimik ang paligid. Narinig niyang tuluyan itong pumasok sa loob ng kabahayan. Napaigtad siya ng muling magsalita si Alexus. Urgh! Bakit ba hindi niya binuksan ang ilaw kanina.
“Flower, naalala mo ba ‘yong time na sinabi mo sa akin na hindi ka na nakikipag-date? Sabi mo nga, lame ang makipag-date kasi nagsasayang lang kayo ng pera. Why not enjoy each other’s company in the comfort of your home?”
“Oo, naalala ko.” Sagot niya. “Ano naman ngayon? Alexus, your sorry can’t erase the pain I’m feeling right now.”
“I know, but I hope this can.”
Biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa kanya ang nagkalat na rose petals.
“What the…” Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang makita ang kabuunan ng sala.
Maliban sa nagkalat na rose petals, nilagyan din ng bagong cover ang sofa niya. Her eyes settled on the center table. It has one bottle of champagne, two glasses, one plate and two sets of utensils. Mayroon ding sari-saring pagkain na nakalagay sa ibabaw ng center table. Steak, chicken, pasta, chocolate cake, vegetable and chicken salad, carbonara, rice, a pitcher full of water and many more that she can’t recognize.
Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya.
A hand dried her tears. “I didn’t mean to make you cry. I’m sorry, Flower. Please, forgive me. Gusto lang kitang surpresahin. Muhang sumobra yata ako.”
“H-how did you do all this?” Tanung niya na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
“Well, Tinulunga ako ni Elice.”
“Paano kayo nakapasok sa bahay ko?”
“Well, Kaino helped me. He knows how to pick a lock, but don’t worry, he’s a NBI Agent. So yeah, sana mapatawad mo ako sa pagpapaiyak ko sayo. Sorry, Flower, hindi na mauulit.”
“Are you kidding me?” Galit na tanung niya kay Alexus, kapagkuwan at ngumiti siya. “Bakit naman kita hindi mapapatawad? Yes, you hurt me pero…” Ipinalibot niya ang tingin sa surpresa nito. “Dahil sa surpresa mo, nawala ang sakit na nararamadaman ko at napalitan iyon ng kasiyahan. Thank you, Alexus.”
Alexus smile widely. “Great. Let’s continue our date, shall we?”
Tumango siya. “Yeah. But first…” Inalapat niya ang labi sa mga labi nito. Halatang nagulat ito pero agad ding nakabaw dahil tinugon nito ang halik niya. “I love you, Alexus. And thanks. Our first date is every memorable.”
“Yeah, it is. First date natin at mukha kang si Corazon, ang unang asawang. Ano ba ang ginawa mo sa buhok mo?”
Inirapan niya ito. “Kumain ka nalang.”
“Okay… Pero kamukha mo parin si Corazon.”
MASAYANG nagising si Clover at nagmaneho papunta sa bahay ni Alexus. Gusto niyang sorpresahin ang kasintahan. It’s their first monthsary and she’s excited to tell him that Clark and Clarisse is getting married and they are invited.
Pagdating niya sa bahay nito, kakatok sana siya ng makitang bahagyang nakaawang ang pintuan? Hindi siya nagsasara ng pinto? Ang lalaking ‘yon talaga! Ang sarap batukan! Paano nalang kaya kapag may pumasok na magnanakaw.
Clover let herself in… sisigaw sana siya para tawagin si Alexus ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa at may babaeng nakaupo sa hita nito habang nakaharap sa binata. Nabitawan niya ang susi ng sasakyan na hawak niya, dahilan para lumingon si Alexus at ang babae.
“Shit! Fuck! Shit!” Narinig niyang sigaw ni Alexus.
May narinig siyang hiyaw na babae kapagkuwan ay may mainit na braso na yumakap sa kanya. “Clover, I can explain. ‘Yong nakita mo, wala ‘yon. Magpapaliwanag ako. She’s nothing to me. I can explain everything. Just, please, let me. Charlotte is nothing to me.”
“Charlotte?” She dried her tears and looked at the woman sitting on the floor. Nanlaki ang mga mata niya. The woman is none other than Charlotte Jimenez. The same woman who asked her to be matchmake with Alexus.
“Alexus, bumalik ka na rito.” Maarting sabi ni Charlotte. “Paguusapan pa natin ang birthday ni mommy. Inembitahan ka niya.”
Nagaakusang tiningnan niya si Alexus. “Magkakilala kayo?”
He looked down and nodded.
Pagak siyang tumawa. “You lied to me! Sabi mo hindi mo siya kilala. Sabi mo wala kang kilalang Charlotte Jimenez. Sabi mo wala! Sinungaling!” Dinuro niya ito. “I should’ve listened to my gut that you are nothing but an idiot playboy. Ang mga katulad mong playboy, wala ng pag-asang tumino. Wala na kayong pagasa para magbago!” Her eyes become blurry because of the tears pouring out from her eyes. “Nagsisisi ako na minahal ko ang isang katulad mo. Loving you was a big mistake I ever did! You’re a playboy and you will stay as a worthless playboy forever. Hinding-hindi ka na magbabago, Alexus! I can’t believe you lied to me! Totoo ba talagang mahal mo ako o niloloko mo lang ako?”
Pinulot niya ang susi na nahulog at madaling naglakad palabas ng bahay ni Alexus.
“Flower!”
“Don’t call me that you fucking jerk!”
“Clover!”
“Don’t call my name you fucking bastard!”
Pinigilan siya nito sa braso at pinihit siya paharap dito. “Clover, let’s talk. I can explain. I love you so much. Hindi ako nagsinungaling ng sabihin kong mahal kita. Mahal na mahal kita, Please, Clover stay, I love you so damn much!”
“I don’t care if you love me so damn much.” She looked at him coldly. “I don’t want to hear your explanation. Sapat na ang nakita ng dalawa kong mga mata.”
“Ganoon nalang ba ‘yon? Hindi mo pakikinggan ang paliwanag ko? Paano na tayo?”
“Wala ng tayo.”
“What?!”
“Break na tayo, Alexus.” Iniwan niya itong nakatayo na parang estatwa.
Sumakay siya sa kotse niya at kahit patuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya, pinaharurot niya ang sasakyan palayo sa bahay ni Alexus… palayo kay Alexus… palayo sa unang lalaking minahal niya at niloko siya.
Pesteng pag-ibig ito oh! Ang sakit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top