Chapter 13

CHAPTER 13

UMAGA palang nasa bahay na niya si Alexus. Hindi pa nga siya nagigising nang mag doorbell ito. Habang nakasandal sa regrigerator, mataman niyang tinitigan ang binata na nakaupo sa kitchen counter niya at umiinom ng kape na tinimpla niya.

“What?” Alexus asked when he saw her looking at him.

“Ang aga mo yata.”

“Hindi sapat ang oras natin kagabi.” Anito at bumaba sa kitchen counter at nilapitan siya. “Ayaw mo ba na nandito ako?”

“Hindi naman. Nabulahaw mo lang ang tulog ko.”

He smiled, showing his dimples. Lumapit siya rito at pinanggigilan ang pisngi nito.

“Ouch! What was that for? May galit ka parin ba sa akin?”

She grinned. “Nope. Matagal ko ng gustong panggigilan iyan dimples mo.”

Pilyong ngumiti ito sa kanya. “Ahh… matagal mo na palang pinagnanansaan ang dimples ko hindi ko man lang alam. I feel violated.”

Pabiro niya itong tinampal sa braso. “Ikaw talagang lalaki ka. Dimples lang ang pinag-uusapan natin, paano tayo napunta sa pagnanasa? Ang manyak mo talaga.”

“But you love me anyway.” Anito at ipinalibot ang braso sa bewang niya.

“Yeah.” She encircled her arms around his neck.

“Good.” He kissed her. “Because I love you too. So damn much.”

Ngumisi siya. “Oo nga. Sinong magaakala na mai-in love sa akin si Alexus Euri Sandoval? Ang manyak na playboy.”

Itinirik nito ang mga mata. “Sige lang, asarin mo pa ako.”

“Hindi naman kita inaasar ah.” Inilapit niya pa lalo ang katawan sa katawan nito. “Sinasabi ko lang ang totoo.”

Tumawa ng malakas si Clover nanigas si Alexus sa kinatatayuan dahil sa paglapit niya sa katawan niya sa katawan nito. God! This guy is something. No wonder minahal niya ito.

“Stop laughing, kung hindi hahalikan kita.” Banta nito sa kanya.

Tumigil siya sa pagtawa at inginuso ang mga labi. “Oh hayan, halikan mo na.”

Natigilan ito sa ginawa niya. Paunti-unti lumapat ang labi nito sa mga labi niya. Nagliparan na naman ang mga paru-paru sa tiyan niya. Nang gumalaw ang labi nito, napahawak siya sa balikat nito.

“Alexus…”

“What?” He looked at her, eyes dilated. “I’m just kissing my girlfriend.”

Kinalma niya ang kakaibang nararamdaman sa puson niya. “I know, but I’m not your … girlfriend.”

Agad na dumistansiya sa kanya si Alexus. “Oh. I thought after kagabi… girlfriend na kita. I … ahm— I thought wrong.”

“It’s not that.” She pulled him into a tight hug. “You never asked if I wanted to be your girlfriend last night. I don’t want to assumed—”

Kumalas ito mula sa pagkakayakap niya. “Well, do you want to be my girlfriend?”

Napamulagat siya. “What? It’s not that fast—”

“Flower, kanina lang ayaw mong mag-assumed na girlfriend kita ngayon naman na tinatanung kita kung payag kang maging girlfriend mo, nabibilisan ka naman… Ano ba talaga?”

Mataman niyang tinitigan ang mga mata ni Alexus. Yes, she can see it. The love in his eyes. Bakit pa ba siya aayaw? “Yes, I want to be your girlfriend.”

Alexus grinned happily. “Yes!”

Binuhat siya nito at ganoon na lamang ang tili niya ng umikot ito na para bang may sira ang utak.

“Alexus, ibaba mo ako!”

Nakinig naman sa kanya ang binata. Dahan-dahan siyang nitong ibinaba.

“I want to kiss you, Flower.” Anito na nakangiti. Bakas sa mukha nito ang kasayahan.

“Then kiss me, I’m your girlfriend.”

“Yes, yes you are. And I’m so lucky to be your boyfriend.”

He crashed his lips against hers making her moan a bit. Inilagay niya ang kamay sa batok nito para hapitin palapit sa kanya ang binata. When his tongue asked for an entrance she gladly opened her mouth for him. Their tongue battle in sync. Naramdaman niyang naglumikot ang kamay ni Alexus. Ipinasok nito ang kamay sa loob ng suot niyang hanging blouse at ganoon na lamang ang gulat niya ng pisilin nito ang dibdib niya.

Malakas niya itong tinulak. “Oh my god! Oh my god!” Hinawakan niya ang dibdib na pinisil nito. It feels weird. A sensation sipped through her when Alexus squeezed it but… tumingin siya kay Alexus na nakangisi. “You! Huwag mo nang gagawin ‘yon ulit!”

Tumawa ng malakas si Alexus. “Damn, Flower, you are you so damn innocent. And I like it.” Lumapit ito ulit sa kanya at pinag-krus niya ang braso sa harapan ng dibdibd niya. “Chill, hindi ko na ‘yon uulitin. Well, unless you want me to.”

Sinuntok niya ang braso nito. “Sunbukan mong gawin ulit iyon, may paglalagyan ka sa akin.”

“Sa kama mo? Because I’m sure na kapag pinisil ko pa iyang—”

“Shut up!” Sigaw niya at mabilis na umalis sa kusina. Hindi talaga kaya ng tenga at pisngi niya ang pinagsasasabi ni Alexus. Her cheeks are tomato red because of what just happened.

Hinawakan niya ang dibdib niya na pinisil ni Alexus. Iyon ang unang beses na may lalaking humawak sa dibdib niya. Maliban sa gulat na naramdaman niya, may kakaibang sensasyon na lumukob sa pagkatao niya. It’s weird.

“We should go out.”

Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Alexus sa likuran niya. “A-Ano?”

Alexus hugged her from behind. “Sorry, I shouldn’t have done it. Nakalimutan ko na mas inosente ka pa pala sa batang ipinapanganak palang. I’m sorry, please, huwag kang lumayo sa akin. Promise, hindi na kita hahawakan pang muli.”

Hinarap niya ang binata. “Okay lang naman na maghalikan tayo, basta huwag lang iyon. At saka, masyado pang maaga sa relasyon natin ang ganoon. Sana maintindihan mo ako, Alexus. Hindi ako katulad ng mga babae na naging girlfriend mo. I’m different from them.”

“And that’s the reason why I love you, because you’re different from them.” He cupped her face and looked at her lovingly. “You are different from the women I dated. Alam mo kung anong pinagkaiba mo sa mga babaeng ‘yon?”

“Ano?”

“Kasi nandito ka.” Tinuro nito ang puso. “Kasi mahal na mahal kita. ‘Yon ang pinagkaiba mo sa kanila.”

She smiled lovingly at Alexus. Damn this guy! Sa unang pagkakataon sa buhay niya. Kinikilig siya! “Mahal din kita, Alexus.”

He kissed her and then quickly pulled away. “Let’s go.”

“Ha? Saan tayo pupunta?” Naguguluhang tanong niya.

“Well, I want to show you my world.” Anito. “Gusto kong dalhin ka sa kaharian ko.”

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Ang corny mo. Nakakalimutan mo bang nakapunta na ako sa bahay mo?”

“I’m not talking about my house. I’m talking about my kingdom, my Company.”

“What? Anong naman ang gagawin ko roon?”

“Please? Sumama ka na sa akin. Actually, may meeting ako ngayon. I just came here to see you and I don’t want to be away from you so I’m taking you with me.”

Tumaba ang puso niya sa sinabi nito. “Hindi kaya maka-isturbo ako sayo roon? At saka may kliyente ako ngayon.”

“No, hindi ka makaka-isturbo sa akin. How about this, sasama ka sa akin sa opisina at pagkatapos ng meeting ko, sasama ako sayo sa opisina mo. Deal?” Nang hindi siya sumagot inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Please, Flower. Ayaw ko lang na malayo sayo. Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi sa kaiisip sayo? Kaya pagbigyan mo na ako. Please? At saka, gusto kitang ipagmalaki sa mga empleyado ko.”

Lahat ng sinabi ni Alexus ay nagpakilig sa puso niya. Sinong makakatanggi sa hinihiling nito? Pero ang mas nagpa-tibok ng puso niya ay ang sinabi nito na gusto siya nitong ipagmalaki. Masaya siya na nakahanap siya ng lalaki na ipinagmamalaki siya.

“Deal.” Aniya at hinalikan ito sa mga labi.

Halatang nagulat ito sa ginawa niya. “’Yon ang unang beses na ikaw ang humalik sa akin.”

She smiled. “What can I say? I want to kiss my boyfriend, may mali ba roon?”

“No. You can kiss me anytime you want.” Malapad ang ngiting sabi nito.

Hawak-kamay silang lumabas ng bahay niya at tinungo ang kotse nito na nakaparada hindi kalayuan sa bahay niya.

NANG ihinto ni Alexus ang sasakyan sa harap ng AES Recording Company, nginitian siya nito at tinanggal ang seat belt na suot niya.

“Alexus, I can unbuckle my own seat belt.”

“I know, but I want to.” He dropped two sweet kisses on her lips. “Let’s go. I want to show everyone that I have a very beautiful, very amazing girlfriend.”

Sabay silang lumabas nang sasakyan ni Alexus. Inayos niya ang damit at naglakad palapit sa kasintahan. Pinagsiklop ni Alexus ang kamay nila at marahan siyang hinila papasok sa loob ng gusali.

The moment their feet touches the tile floor of the building, all eyes were on them. Ang iba ay parang gulat na gulat. Ang iba naman ay naiingit na nakatingin sa kanya. Naramdaman niyang pinisil ni Alexus ang kamay niya.

“Everyone!” Alexus pulled her closer and kissed her. “This is Clover Perez, my girlfriend and we are not breaking up so if ever there are paparazzi here, you can save your breath and shut the hell up.”

Pagkatapos ay iginiya siya si Alexus papasok sa elevator. Nagpapasalat siya na walang laman ang elevator na nasakyan nila.

She sighed. “Baliw ka ng talagang lalaki ka. Do you have to announce it in the lobby where a lot people were there?”

Niyakap siya ni Alexus. “Bakit? Ayaw mo? Kinakahiya mo ako?”

Sinuntok niya ang braso niya. “Silly guy, anong kinakahiya? Ako ‘yong nahihiya. You are Alexus Euri, sikat ka sa mundong ginagalawan mo and I’m just a nobody who match make people.”

“Anong nobody? Hindi ka nobody sa puso ko. Ikaw ang babaeng mahal ko.”

Clover encircled her arms around his waist. “I love you, Alexus.”

“I love you too, My Flower.”

Akmang maghahalikan sila ng bumukas ang elevator. Mabilis na lumayo siya kay Alexus ng may makitang apat na kalalakihan sa labas ng elevator. She heard Alexus chuckled. Pinagsiklop ni Alexus ang kamay nila at hinila siya palapit rito.

“Anong ginagawa niyo rito?” Tanung ni Alexus sa apat na lalaki.

Ang sumagot ay iyong lalaki na kulay blond ang buhok pero parang hindi naman. Siguro kinulayan lang iyon.

“First of all…” Tumingin ito sa kanya. “My hair is one hundred percent not dyed. It’s my real hair color and I know it’s awesome. Second…” ibinalik nito ang tingin kay Alexus. “You called us for a meeting. We flew from England to Philippines, just so we can talk to you. My god, we need to raise our talent fee. Don’t you think so mates?”

Tumango ang mga kasama nito. Mukhang sang-ayon ang mga ito sa sinabi ng lalaki.

Alexus shook his head. “Ryke Faust, stop talking gibberish. Let’s go to my office.”

Wala siyang imik habang magkahawak ang kamay nila ni Alexus at ginigiya siya papunta sa office nito. Tumigil ang kasintahan sa harap ng isang oval table na may nakaupong babae sa likod niyon na masyadong abala sa harap ng computer.

Alexus cleared her throat. Mabilis na nagtaas ng tingin ang babae. Ang unang napansin niya sa babae ay ang palaban nitong kulay brown na mga mata. Parang mas palaban pa ito sa kanya.

“Alexus, that’s new. You’re here. Halos dalawang linggo ka nang hindi pumapasok, pakiramdam ko tuloy ako na ang CEO ng AES.” Anito at bumaba ang tingin sa pagkahawak nilang kamay. “Oh please, tell me you’re serious this time and not just playing around.”

“Yes, I brought her here, didn’t I?” Sagot ni Alexus.

“Good.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Hi, I’m Elice Barilea, his secretary. No worries, hindi kami nagkaroon ng relasyon. We’re cousins.”

She smiled at Elice. “No worried too, hindi ko naman inisip iyon. I’m Clover Perez, his ahm… his girlfriend.”

Elice chuckled and looked at Alexus. “She hesitated. Are you sure she loves you like you texted me last night?”

Tiningnan ito ng masama ni Alexus. “Ano naman tingin mo sa akin, nagha-hallucinate lang kagabi?” Binalingan siya nito. “Flower naman, bakit ka nag alinlangan?”

She kissed his cheek as an apology. “Sorry, nanibago lang ako.”

“Kiss me on the lips and I’ll forgive you.”

She kissed him on the lips. “Okay na?”

Nakangiting tumango ito. “Yeah.”

“God, Alexus. I never know you could be this eww when you’re in love.” Natatawang wika ni Elice.

Akmang sasagot si Alexus nang lumapit kay Elice ‘yong lalaking kulay blond ang buhok na ewan.

“Hi, I’m Ryle Faust. My hair is one hundred percent not dyed. It’s my real hair color and I know it’s awesome. Want to go on a date with me?”

Pinasadahan ito ng tingin ni Elice. “No thanks, I rather have date with myself that to be seen in public with you.”

Nakakunot ang nuong tiningnan ni Ryke ang sarili. “What’s wrong with me? I’m Ryke Faust for crying out loud.”

“You say your name like I’m supposed to know you, but I don’t.” Ibinalik ni Elice ang tingin sa monitor ng computer. “I don’t like men who have tattoos.”

Sasagot sana si Ryke ng takpan nang kasamahan nitong kalalakihan ang bibig nito. Then a man who has butterscotch eyes looked at Alexus.

“Alexus, can we enter your office now?”

“Of course, Avery.” Pumasok si Alexus sa opisina na karay-karay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top