Chapter 12
CHAPTER 12
IPINALIBOT ni Clover ang paningin sa kabuunan ng Bachelor’s Bar. The last time she was here was weeks ago. Dito ipinagsigawan ni Alexus na magko-court daw ito sa kanya. Napangiti siya sa naalala. Pagkatapos niyang tuhurin si Alexus, sinipa pa niya ito.
She chuckled at the memory.
“Why is the most beautiful flower in the garden chuckling with her self?”
Nilingon niya ang nagsalita. It was Alexus. “Bakit hindi ba ako puwedeng tumawa?”
“Puwede. But chuckling with yourself? God, Flower, nababaliw ka na sa akin. Kailangan ko na bang tawagan ang mental institution? ”
Umiling-iling siya sa pinagsasasabi nito. “Puwede ba, Alexus, tigil-tigilan mo iyang kahanginan mo.”
“What?” He asked her innocently and wrapped his arms on her waist. “Baliw ka naman talaga sa akin diba?”
Pabiro niya itong siniko. “Ako, baliw sayo? Sige, managinip ka pa.” Oo nga at mahal niya ito, pero nunkang aaminin niya iyon rito. Baka mapahiya pa siya, huwag nalang.
“Oo, nanaginip ako kagabi at nasa panaginip kita.” He pulled her closer to him. “Want to know what I dreamed of?”
“Ano? Napaniginipan mo ang pagtuhod ko sa alaga mo?”
“Ha-ha. Not funny, Flower. Masakit ‘yon ha? Gusto mo bang hindi tayo magkaanak?”
Tumaaas ang kilay niya. “Bakit naman tayo magkakaanak?”
“Oo nga pala. Hindi ko pa napapasabog ang bataan mo.”
“At hinding-hindi mo ‘yon mapapasabog.” Humarap siya sa bartender na nasa likod ng bar. “One tequila please.”
Nang ilapag ng Bartender ang order niya, kinuha niya iyon at inamoy. “Hmm. It smells good.” She picked up the lemon that serves as garnish for her tequila.
Akmang iinumin na niya ‘yon ng pigilan siya ni Alexus.
She frowned at him. “What?”
“I’ll show you the proper way to drink tequila.”
Clover’s frown deepens when Alexus took the glass and the garnish from her hand. Alexus put the lemon between his lips and put the glass over her lips. His hand motions her to drink. She opened her mouth and sipped the tequila. Clover grimace when she tasted the tequila on her tongue. She needs the garnish to—
Alexus put the lemon on her lips and squeeze it using his lips. The liquid of lemon poured into her mouth. Bahagyang dumistansiya si Alexus para ihulog ang garnish sa sahig at sinakop ang mga labi niya. When they both pulled away, she’s catching her breath.
Alexus grinned. “That’s how you drink tequila. With me but not with other men.”
Her eyes quickly looked around the room. Ilang pares ng mata ang nakatingin sa kanila ni Alexus. Nag-init ang pisngi niya. Mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa restroom. Nag-iinit ang pisngi niya sa ginawa ni Alexus, ang mas ikinapula ng pisngi niya ay ang pagtugon niya sa halik nito sa harap ng maraming tao. Taken na hindi naman nakatingin sa kanila ang lahat pero may iba pa ring nakakita.
Hindi niya alam na sinundan pala siya ni Alexus. Hindi pa siya nakakapasok sa restroom ng may pumigil sa braso niya.
“Flower.”
“What?!” Singhal niya sa binata. “What do you want?!”
“I’m sorry, Flower.” He pulled her into tight embrace. “I’m sorry. I wasn’t thinking right. I didn’t think how you would react. I’m very sorry… I’m sorry.” His voice was soothing.
Kinalma niya ang sarili at nagtaas ng tingin kay Alexus. “I’m okay. Medyo nagulat lang ako. It’s my first time to be kissed in public and … I don’t know… I just—”
“I’m sorry. Its okay, you don’t have to explain. It’s my fault. I shouldn’t have done it.” He cupped her face. “Want me to take you home?”
Tiningnan niya ang relong pambisig. When she saw that’s near eleven PM, she nodded. “Yeah, can you drive me home?”
“I just offered, didn’t I?” Inakbayan siya ni Alexus at iginiya palabas ng Bar.
“Magpapaalam muna ako kay Marj at Gilen.” Aniya at tinahak ang daan papunta sa table ng mga ito.
Marj eyes were full worry, same as Gilen. Bago pa siya makapagpaalam, naunang magsalita sa kanya si Marlon Aiken.
“Hey, couz, can we talk?” Wika ni Marlon Aiken habang nakatingin kay Alexus.
“Sure.” He kissed her temple. “Wait for me.”
Umalis ang dalawa papunta sa kung saan at naiwan silang tatlo. Si Marj ang unang bumasaga sa katahimikan .
“What’s with the kisses? Kayo na ba?” Tanung ni Marj.
“Hindi mo man lang sinabi sa amin.” Nagtatampo na sabi ni Gilen.
“No.” Umupo siya sa bakanteng upuan na iniwan ni Marlon Aiken. “Girls, hindi kami ni Alexus.”
“Then why did he kiss you. We saw it. And the kiss in the temple? Clover, what’s happening?”
“I’m in love with him. That’s what’s happening.” Aniya sa mababang boses.
“No shock there.” Ginanap ni Marj ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. “Clover, just promise me that you won’t give in to Alexus sexual demands not until you two are married. Okay?”
Inirapan niya ang kaibigan. “Gosh, Marj, ano naman ang tingin mo sa akin. I am not that kind of woman. Yes, I’m in love but I’m not an idiot.”
“Good.” Pinakawalan nito ang kamay niya. “Basta kapag may problema ka, nandito lang kami. Handang tumulong sayo. Okay?”
Tumango siya. “Thanks.”
“Clover, ‘yong bataan, kadenahan mo, okay?” Sabi ni Gilen.
Napailing-iling siya. “Gilen, naka-padlock ang bataan ko. No one can enter.”
“Mabuti naman. Hala sige, humayo ka na. Nandito na si prince charming mo.” Anito habang nakatingin sa likuran niya.
Sinundan niya ang tinitingnan nito. Nakita niyan si Alexus at Marlon Aiken na papalapit sa kanila. Tumayo siya at sinalubong ang dalawang lalaki. Agad na ipinalibot ni Alexus ang braso sa bewang niya.
“Halika na.” Anito.
Clover waved goodbye to her friends and left with Alexus arm encircled on her waist.
NANG makarating sila sa bahay niya, pinapasok niya si Alexus sa loob dahil gusto daw nitong mag-kape. Alexus gladly entered her house. Mukha itong bata na binigyan ng candy.
“What?” Tanung nito sa kanya ng mapansing nakatingin siya rito.
“Parang ang saya-saya mo. Pinapasok lang naman kita sa bahay kasi sabi mo gusto mong mag-kape para hindi ka makatulog sa daan.”
He smiled at her. “Flower, para sa akin, isa ng malaking accomplishment na nakapasok ako sa bahay mo na hindi mo ako pinanapalayas. Masaya na ako rito.”
She shook her head. “Whatever. Dito ka lang. Ipagti-templa kita ng kape.”
Iniwan niya ito sa sala at pumunta sa kusina. Pagkatapos niya itong igawa ng kape, binalikan niya ito sa sala. Naabutan niya itong nakaupo sa mahabang sofa at nakapikit ang mga mata.
Inilapag niya ang kape sa center table at tumabi ng upo kay Alexus. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya.
“What am I to you, Flower?” Tanung nito na ikinagulat niya.
“Ano?”
Humarap ito sa kanya. “Ano ba ako sayo? A friend? Less than a friend? More than a friend? What am I to you? Gusto kong malaman.”
“Ahm.. ano— Ahm, kasi… ano…”
He heave a deep sighed. “You… You are the one who make my heart beat fast like I just been into a race. You are the one who can make my breathing ragged just by staring at you. You are the one who can make my palm sweet when you’re near. You are the one who can make me smile with your cute and witty remarks. You are the person who changed me. You are the reason why I don’t want to be a playboy no more. You … you are the woman that I fallen in love with.”
Nahigit niya ang hininga sa narinig na sinabi nito. Oh my god! Is this really happening?
He cupped her face and looked deep into her eyes. “Clover, I’m in love with you. When Marlon asked me about us, I told him that we’re not together. Binatukan niya ako.” He chuckled while shaking his head. “Dapat lang naman akong batukan. I told him that I’m scared to tell you that I love you. Gusto ko kapag nagtapat ako sayo ng nararamdaman, sigurado akong mahal mo rin ako. Ganoon ako kasigurista. Pero dahil sa mga sinabi sa akin ni Marlon, natauhan ako. Tama siya, hindi babae ang nagtatapat kung hindi ang lalaki. At sabi niya sa akin, mahal mo rin daw ako. Sana naman ay tama siya. Kasi ako, mahal na mahal kita, Clover.”
Natutop niya ang bibig sa mga narinig. “Hindi ko alam ang sasabihin ko…”
“Sabihin mong mahal mo rin ako. Sabihin mong ako ang tinitibok ng puso mo. Sabihin mong ako lang ang lalaking mamahalin mo.”
Tinitigan niya ang mukha ni Alexus. Bakas sa mukha nito na nagsasabi ito ng totoo. Bakas din sa mga mata nito na ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga mata nito.
“Alexus…”
“Clover, please, tell me that Marlon Aiken is right. Tell me that you love me too kasi malapit nang tumaas ang presyon ko dahil sa takot na baka hindi mo ako mahal.”
Pinanggigilan niya ang pisngi nito na matagal na niyang gsutong gawin. “Alexus, I love you too. Sa tigin mo ba tutugunin ko ang mga halik mo kung hindi? Ano naman ang tingin mo sa akin?”
Alexus was grinning from ear to ear when he heard her say the magic words. “Yes!” Niyakapa siya nito ng buong higpit. “Thank you, Flower. Thank you for loving me. I promise, hinding-hindi ko sasayangin ang pagmamahal mo sa akin. I promise, hinding-hindi kita sasaktan.”
She hugged him back with the same ferocity. “Siguraduhin mo lang na tutuparin mo iyang mga pangako mo, Alexus. Dahil kapag sinaktan mo ako, chi-chainsaw-hin kita. You are my first boyfriend and it would really hurt me so much if you fool me and cheat on me.”
Alexus pulled back and captured her lips. “I promise I won’t hurt you. I know I have a negative history with women but I change… I wanted to be a good guy because of you. I wanted to be someone you can be proud of. I will be anything you want me to be, Flower. Kahit ano kaya kung gawin para sayo. Even buy a house beside your house para lang mapalapit ako sayo.”
“So, binili mo talaga ang bahay na ‘yon para mapalapit sa akin?”
Tumango ito. “Oo. Ganoon ako kabaliw sayo.”
She grinned smugly. “So, kahit noon pa, in-love ka na sa akin?”
Alexus shook his head when he saw her smug grin. “Oo, kahit noon pa in-love na ako sayo. Happy?”
Tumango-tango siya. “Yes, I’m very happy.”
“Great. Can I stay here for a little while? Panagako uuwi ako. Gusto ko lang na makasama ka pa kahit isang oras lang.” Pakiusap nito sa kanya sa malungkot na boses.
“Oo naman. Pero inumin mo muna ang kape mo. Malamig na yata ‘yan.”
Mabilis nitong inubos ang kape at nahiga sa sofa habang ang ulo ay nakaunan sa hita niya. Inayos niya ang pakakaunan nito sa hita niya at sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay niya.
“Flower?”
“Hmm?”
“When did you realize that you’re in love with me?”
Kailan ba? Uhuh! “Nuong hindi kita nakita ng isang linggo. Hinanap-hanap kita, pero hindi ko pa matanggap ang nararamdaman ko sayo, kasi nga natatakot ako na bakas saktan mo lang ako. You are a playboy afterall.”
“I was a playboy.” Pagtatama nito sa sinabi niya. “As for me, I don’t believe in love at first sight that’s for sure, but when I saw you in Bachelor’s Bar, parang may ilang libong piraso ng pana ni kupido ang tumama sa akin. I was … stunned… shock…hindi ko matanggap ang nararamdaman ko sayo, kaya naman sinabi ko sa sarili ko na naglalaro lang ako, na pinaglalaruan lang kita, pero ng bumili ako ng bahay para lang palagi kang makita, that’s when I knew that something is very wrong with me. Tapos dinala kita sa birthday ng mommy ko para makilala ka nila, alam mo ba ang saya na naramdaman ko ng magustuhan ka nila? Gusto kong magtatalon sa tuwa, pero siyempre hindi ko ginawa iyon. You were there and I have to act cool and collected.”
She pinched his cheek. “I love you, Alexus.”
“Kahit flirt ako minsan?”
“You are a flirt and yes I still love you.”
“Kahit na medyo may pagka-manyak ako?”
“Yes, I still love you.”
“Kahit mahangin ako minsan?”
“Kahit sobra kang bilib sa sarili mo, mahal pa rin kita.” She leaned in and kissed him on the lips. “I love you and your imperfection, Alexus. Kahit pa ikaw na ang pinaka-flirt, pinaka-manyak, pinaka-mahangin, mahal pa rin kita.”
He smiled lovingly at her. “That’s good. Kasi mahal din kita kahit sobrang taray mo. I love you so much, Clover.” Bigla itong tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa, pagkatapos ay hinila siya patayo at niyakap. “I have to go. Baka ano ang magawa kung karumaldumal kapag nagtagal pa ako rito.”
He captured her mouth in one hot fiery kissed then he walked towards the door without looking back. Nang makarinig siya ng umalis na sasakyan, nanghihinang umupo siya sa sofa at hinawakan ang labi niya na hinahalikan palang nito.
She smiled to herself. She felt her heart floating. Happiness is surrounding her. Ito ba ang feeling ng in-love? Para siyang nasa alapaap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top