Chapter 10
CHAPTER 10
PAGDATING niya sa Shay’s café at nakita ng mga kaibigan niya na karay-karay niya si Alexus, agad siyang ginisa ng mga ito. Gusto niyang manahimik at hindi sumagot sa mga tanong nito pero ang kukulit ng mga ito at ayaw siyang tantanan.
“Bakit kayo magkasama?” Usisa ni Gilen habang nakatingin kay Alexus na nasa counter at umu-order para sa kanya.
She shrugged. “Bakit ako ang tinatanung mo? Ako ba siya? Hawak ko ba ang isip niya?”
Tiningnan siya ni Gilen. “Clover, huwag mo nga akong pilosipohin. I’m just asking why he’s here. Normally, hindi ka nagpapasama sa isang lalaki, no erase that, ayaw mo talaga sa mga lalaki, period.”
Nasapul siya roon pero nunkang magsasalita siya. “Gilen, kainin mo nalang iyang five slice of cakes na order mo at huwag ka nang magtanung nang kung ano-ano kung ayaw mong ako ang kumain niyan.” Pananakot niya sa kaibigan na agad namang kinain ang cake. “At saka hindi naman ako ang may hawak sa paa ni Alexus para pigilan ko siyang sumama sakin.”
Tumawa si Marj na nakamasid lang sa kanila ni Gilen. “Clover, umamin ka na kasi. Kayo na ba?”
Pinandilatan niya ito. “May nakikita ka bang puso sa mga mata ko?”
Humagikhik si Gilen. “Wala mang puso iyang mata mo, para naman siyang bituin na nagniningning. Kaya nga hindi mo maitatago sa amin na may something kayo ni Alexus.”
Tinirik niya ang mga mata. “Ewan ko sa inyo.”
Kukulitin pa sana siya ng mga kaibigan ng lumapit sa kanila si Alexus na may dala-dalang java latte, ang paborito niya at isang chocolate cake na may strawberry sa ibabaw.
“Here you go.” Wika ni Alexus at inilapag ang order niya sa mesa.
“Paano ka? You didn’t order for yourself.” Aniya na nakatingin dito.
“Nah, I’m good.” Anito na nakangiti sa kanya. “Busog pa ako.”
“Are you sure?” Paninigurado niya.
“Yeah.” He leaned in and kissed her temple. “Sorry sumama ako. I can see that this is a girl’s talk and I’m pretty sure I’m not a girl. I’ll just wait for you in the car.”
Sinundan niya ito nang tingin habang papalayo sa kanila. “Anong problema ‘non?” Tanung niya sa sarili.
“Clover, Alexus is being thoughtful.” Wika ni Marj.
“Thoughtful?” Nakakunot ang nuong gagad niya. “Ano naman ang thoughtful doon sa pagalis niya?”
“Duh! He left so we could talk privately. That’s thoughtfulness.” Sagot ni Gilen sa kanya. “I can’t believe you don’t know what thoughtfulness means.”
Inirapan niya ito. “Of course I know what it means. Hindi ko lang alam na thoughtfulness pala ang ginawa ni Alexus. I don’t know a thing about sweet lame stuff. Wala pa akong naging boyfriend at ang huling lalaking nakalapit at nakahalik sa akin ay tinakot ko ng chainsaw. Paano ba maging sweet?”
“Clover, being sweet comes from here.” Anito ni Marj at itinuro ang puso niya. “You can’t be sweet to a person you don’t like. It doesn’t work that way. Well, maliban nalang kung manloloko ka.”
“Manloloko si Alexus.” Aniya.
“Clover, magkaiba ang babaero sa manloloko.” Wika ni Marj.
“Paano naman ‘yon naging magkaiba aber? Babaero o manloloko, pareho lang ‘yon nananakit ng babae.” Sikmat niya.
“Oo nga, pero ibang babaero naman si Alexus. Sabi ni Aiken, hindi daw nagsasabay-sabay ng babae si Alexus, sunod-sunod daw at saka alam naman daw ng babaeng ‘yon ang real score.”
“Yon nga diba? ‘daw’, hindi ka sigurado.” Aniya na nakataas ang kilay. “And anyways, wala akong pakialam kay Alexus.”
“Sige, magsinungaling ka pa. Hindi na ako magtaka maging katulad ang ilong mo kay Pinocchio.” Wika ni Gilen na puno ng pagkain ang bibig.
“Clover, sa tingin ko naman nagbago na si Alexus.” Sabi ni Marj na ikinagulat niya. “Nuong nasa bar siya, hindi siya nakipag-flirt sa ibang babae tulad ng gawain niya dati. Ayaw mo ba siyang bigyan ng chance, not as a suitor but as a person? Nagbabago naman ang tao ah. Try him and see if he change.”
Clover slumped on her seat. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking ‘yon. He said things to me that I wasn’t expecting him to say and it shocked and scared me. I mean, he’s Alexus Euri Sandoval, a playboy, and then he confessed that he feels something for me and that was shocking. ”
Gilen and Marj giggled loudly causing other customer to look at them funny.
“Oh my god!” Gilen giggled again. “He confessed?”
She nodded. “Yeah. What’s the big deal?”
Marj put her elbows on the table. “Clover, did he say the three magic words?”
Umiling siya. “Nope. He didn’t. Kaya nga ayokong maniwala sa kanya. What if he’s just playing with me?”
“What if he isn’t?”
Napatingin siya kay Gilen na kinakain ang chocolate cake niya. “What do you mean?”
Nagtaas ito ng tingin sa kanya. “Clover, masyado ka kasing bitter pagdating sa mga lalaki kaya kung ano-ano ang mga negative thought na pumapasok diyan sa isip mo. Ano ba ang nangyari sayo at ganoon nalang ang perception mo sa mga lalaki. As far as I know, hindi naman kayo broken family. Your father is very loyal to your mother. Kaya hindi ko maintindihan kung saan ka nanggagaling dahil wala namang lalaki na nanloko sayo.”
She heave a deep sighed before answering Gilen. “Yeah, my father is very loyal to my mother because he loves her. Sila ang natitirang pag-asa ko na love and forever do exist. Na hindi lang iyon puro kasinungalingan. Where am I coming from? First, my brother. He’s a freaking playboy. Marami na akong nakitang babae na umiyak at nasaktan dahil sa kanya, isa na doon si ate Christie, yung ex-best friend niya. And then my male cousins na sobrang babaero rin. Sa dami ng pinaluha nilang babae na nagmamahal sa kanila, pakiramdam ko mararanasan ko rin ‘yon kapag nagmahal ako. Yung kapit bahay nila mommy, niloko ng asawa at sumama sa kabit. And lastly, maraming akong napapanuod at nababasa na ang mga lalaki ay manloloko. Men leave women crying and I’m scared that I’ll be like that too. I’m a strong and independent woman, ayokong nakadipende sa iba ang kasayahan at kalungkutan ko—”
Napatigil siya sa pagsasalita ng may maalala. Hindi ko matanggap na nakadipende sa isang tao ang kasayahan ko. Napakurap-kurap siya. She heard Alexus said that when they were on the beach!
“Alexus said the same thing to me.” She whispered to herself.
“What?” Sabay na tanong ni Gilen at Marj.
Tiningnan niya ang mga ito. “Alexus said the same thing to me. Sabi niya sa akin ‘hindi ko matanggap na nakadipendi sa isang tao ang kasayahan ko’. I said the same thing just a minute ago.”
Gilen and Marj gaped. Si Marj ang unang nakabawi.
“You are exactly alike.” Anito na ikinataas ng kilay niya.
“What the hell, Marj? I am not a flirt and I don’t put pickup lines in every sentence I say.” Dipensa niya sa sarili.
“No, it’s not that.” Natatawang sabi ni Marj. “What I’m saying is you two are exactly alike in beliefs and all the emotional stuff.”
Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya matanggap ang sinabi nito. “How can you say that I and Alexus are exactly… ew! Alike?”
Marj shrugged her shoulder. “Well, you’re both independent. I heard from Aiken that Alexus studied abroad. Doon nahasa siya na maging independent sa lahat ng bagay. Kahit nuong umuwi raw si Alexus dito sa Pilipinas, nadala niya ang pagiging independent niya. He lives on his own and decides on his own. And then you… after you graduate, ginawa mo lahat ng makakaya mo para makabili ka ng sarili mong bahay. Kahit mumurahing apartment lang basta mag-isa ka lang, masaya ka na. When you become one of the famous matchmaker in the country, mas lalo ka pang naging independent.”
“Okay, we are both independent. So what?”
“Clover, hindi lang namin sa pagiging independent kayo magkapareho ni Alexus. Sa ugali rin. Yes, he’s a bit of a flirt—”
“He is a flirt.”
“Okay, he is a flirt but—”
“Don’t tell me I am flirt too.” She said while grimacing in disgust.
“No! It’s just… just— Urgh! I give up!” Itinirik ni Marj ang mga mata at uminom ng tubig. “Basta magkapareho kayo, ‘yon na ‘yon. Why don’t you get to know each other, para malaman mo ang pagkakapareho niyong dalawa.”
“Get to know each other?” Natawa siya. “Ayoko nga.”
“Bahala ka.” Marj shrugged. “Sa tingin ko naman papunta na kayo roon.”
“Papunta saan?”
“Sa getting to know each other. Isinama mo nga siya rito diba? Isa lang ang ibig sabihin ‘non Clover. Hinahayaan mo na siyang makapasok sa buhay mo.”
“Porke ba pinasama ko hinahayaan kaagad? Hindi pa puwedeng napipilitan lang ako?”
Gilen shook her head. “Ikaw ang klase ng tao na hindi napipilit, maliban nalang kung may kapalit. And in this case, I can tell na wala namang kapalit. So bakit ka pumayag?”
Hindi niya sinagot ang tanung ni Gilen. Bakit ba siya pumayag? Dahil ba gusto niya itong makasama? Nang pumayag siyang ihatid nito sa café, wala naman siyang naramdamang kakaiba. Gusto lang niyang makasama ang binata. Sapat na ba ‘yon para sabihing binibigyan niya ito ng pahintulot na makapasok sa buhay niya … sa puso niya?
Hindi parin mawala sa isip niya ang isiping ‘yon hanggang sa makalabas sila sa café. Gulong-gulo ang isip niya. Thanks to Gilen.
“Sige, chao!” Narinig niyang sabi ni Gilen
Napakurap-kurap siya at tumingin sa papalayong sasakyan ni Gilen. “Saan ‘yon pupunta?”
Marj smiled at her knowingly. “Ang lalim kasi ng iniisip mo.”
“Hindi naman—”
“Save it. I know you’re thinking something.” Niyakap siya ni Marj. “Always remember, Clover, not all men are jerks and idiot.” Marj pulled away and smiled at her. “I’m getting married to the most sweet and amazing guy on earth, Aiken. See? Aiken is neither a jerk nor an idiot. You just have to erase all doubts in your head and trust Alexus.”
“Trust?” She whispered. “That’s a big word.”
“I know, but you have to trust him that he’ll never hurt you.”
“Trust him?”
“Yes. But before you trust him… Siguraduhin mo munang mahal ka niya.” Ngumiti si Marj sa kanya. “Pero habang hindi pa niya sinasabi ang three magic words, huwag muna. Baka saktan ka lang niya.”
“Thanks.” She grimaced. “Note the sarcasm please.”
“Welcome.” Tumawa ng malakas si Marj at sumakay sa kotse nito.
Naiwan siyang nakatayo sa labas ng café at nakatingin sa kalsada. Pagkatapos ng ilang minuto may pumaradang pamilyar na kotse sa harapan niya.
The car window rolled down, showing her a smiling Alexus. “Well, sasakay ka ba o bubuhatin pa kita?”
A small genuine smile appeared on her lips. Hindi niya alam kung bakit napangit siya sa sinabi nito. “Sasakay na po.”
Alexus chuckled. “Good.”
Nagmamadali siyang sumakay sa kotse nito. She unbuckled her heat belt and turn to look at Alexus who’s staring at her.
“What?” She asked, frowning.
“Nothing. It’s like something happened. Your aura changed.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Her aura changed? “Paano mo naman nasabi na nagbago ang aura ko?”
“Well, for starter, you are smiling which doesn’t happen often, especially when you’re with me. But I got to say, of all the beautiful curve on your body, your smile is my favourite.”
“Well, for starter too, I don’t like you before and—”
“And you like me now?” His eyes were twinkling.
“Yes, I like you in a ‘more than a friend but less than a lover’ like. See what I mean?”
Alexus was grinning from ear to ear as he nodded. “Yes, I know what you mean. But in my part, I like you more than a lover and less than a friend. Binaliktad ko lang ang sinabi mo, but I hope it make sense. Pag walang sense, hayaan mo na basta gusto kita. I like you not in a friendly way.”
She laughed. “Alexus, you never fail to make me smile.”
He looked at her softly. “I’m glad it’s not ‘you never to fail to irritate me’ anymore.”
Pabiro niya itong binatukan. “It will be that if you irritate me again.” Aniya na nakangiti pa rin.
“Whatever happened inside that café change you a bit. What happened in there?” Puno ng kuryusidad ang boses nito. “Bakit hindi mo ako sinisinghalan o tinatarayan ngayon?”
“Wala naman.” Aniya at tumingin sa labas ng bintana. “May naisip lang ako. Huwag mo ng itanung kung ano.”
“Okay.” Pinausad nito ang sasakyan. “Where to?”
Clover looked at Alexus. “Ikaw, saan mo gustong pumunta.”
Napamura si Clover ng bigla nalang tumigil ang sasakyan at kung hindi dahil sa seat blet na suot baka kahalikan na niya ngayong ang dashboard nito.
“What the hell is your problem?!” Singhal niya sa binata na nakatingin sa kanya na para bang napugutan siya ng ulo.
“Ahm… y-you asked me … w-where I want to g-go?” He stammered and it was so cute.
“Yeah.” Inayos niya ang damit na medyo nalukot. “Saan mo gustong pumunta?”
“Like a date?”
Napatigil siya sa pagaayos ng damit niya at tiningnan si Alexus. “Yeah. Like a more than a friend but less than a lover kind of date.”
He frowned. “May ganoon?”
“Mayroon na ngayon.” Aniya. “Come on. Let’s go. I want to go to MOA.”
“Akala ko ba kung saan ko gusto.”
“Eh saan mo ba gusto?”
“Kahit saan, basta kasama kita.”
Kinilig ang puso niya sa sinabi nito pero hindi siya nag pahalata. “Iyon naman pala e. Tara, mag-shopping tayo.”
Nailing na pinaharurot ni Alexus ang sasakyan. Clover smiled to herself. Tama ba itong pinaggagagawa niya? Masaya siya, that’s all that matter right? She’s happy with Alexus.
Tumingin siya sa dinadaanan nila. Sana nga tama ang desisyon ko na bigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang nararamdaman niya para sa akin. Dahil kung hindi, siguradong masasaktan siya ng sobra-sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top