Chapter 1
CHAPTER 1
PINAG-KRUS ni Clover ang paa habang sinisimsim ang Tequila na inorder. Ipinalibot niya ang paningin sa kabuunan ng Bachelor’s Bar. Napangiti siya ng makita ang matalik niyang kaibigan na masayang nakikipaglambingan sa fiancée nito. Masaya siya para kay Marj, bakas sa mukha nito ang kasayahan. Marj deserves to be happy.
“Clover, come on, lets dance.” Wika ni Gilen na nasa tabi niya at marahang umiindak sa tugtug ng musika.
Hinarap niya ang kaibigan na may hawak-hawak na Pear Martini. “Ayokong sumayaw, Gilen. Ikaw nalang.”
“Clover, let’s dance.” Pamimilit nito. “Oo nga at sumasama ka sa pagba-bar hopping ko pero hindi ka naman nag-eenjoy. Palagi ka nalang naka-upo sa isang tabi. Lahat ng lalaking lumalapit sayo ay tinatarayan mo.”
“Of course, I’m enjoying myself.” Dipensa niya sa sarili.
She really is enjoying herself. And yes, she kinda has an attitude. Sa mga taong hindi nakakakilala sa kanya, iisiping mataray siya pero ang totoo, hindi naman. Mabait siya, mataray lang siya sa mga taong hindi niya gusto.
“Enjoying yourself? Really?” Hindi naniniwalang tumingin sa kanya si Gilen. “Remember the last time we go out? Nangako ka na mag-i-enjoy ka pero palagi mo namang tinataboy ang mga lalaking lumalapit sayo. How can you enjoy if you keep pushing men away?”
She rolled her eyes at her friend. “Gilen, hindi nakadipendi sa mga lalaki ang kasayahan nating mga babae. We can be happy without them. Actually, we don’t need men to be happy. Look at me, no boyfriend, but still happy. May pamilya ako na kahit may mga sayad ang utak minsan e napapasaya ako. Kayo na mga kaibigan ko na kahit may mga tupak, masaya ako kapag kasama ko kayo. See? Hindi ko kailangan ng lalaki para sumaya. Sakit lang ang mga lalaking ‘yon sa ulo.”
“Ewan ko sayo, Clover. Dapat nga sa ating tatlo e ikaw ang mahilig sa boylit. You’re a match maker for crying out loud! You match make people to have a good relationship.”
Clover rolled her eyes again. “Gilen, my glutton dear friend, dahil sa trabaho ko kaya ayokong mag-boyfriend. Malayo pa ang lalaki sa akin, naamoy ko na kung anong klase siyang tao. I can smell a playboy from far away. At halos lahat ng lumapit sa akin ay amoy playboy. I don’t want to be with a man who treats women like trash. Women are born to be respected and not to be treated like fucking garbage.”
“Okay.” Ani ni Gilen na mukhang sumuko na makipag-argumento sa kanya.
She smiled at her. “Okay. Sige, magsayaw ka na.”
“Ewan ko talaga sayo. Dapat ka nang maging kasapi sa Gabriella.” Anito at iniwan siya.
Napatawa siya ng mahina sa sinabi ng kaibigan. Wala sa isip niya ang sumali sa kahit na anong organisasyon. Hindi naman kailangang kasapi ka sa isang organisasyong nangangalaga sa kababaihan para ipagtanggol mo ang mga kapwa mo kababaehan na naapi.
“Hello, beautiful flower. I was intoxicated by your beauty that I have to stop and admire you.”
Naiinis na umirap siya sa hangin nang marinig ang boses na ‘yon. How can she forget that freaking voice that makes her blood boil? Nilingon niya ang nagsalita and it’s none other than, Alexus Euri Sandoval. Ang pinsan ni Marlon Aiken na walang tigil sa pangungulit sa kanya mula ng supalpalin niya ang lahat ng pick up lines nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Admire me all you want, just don’t talk to me. Your voice makes me want to bash a bottle in your head.”
He chuckled. “Nice. Have lunch with me tomorrow, Flower?”
Inirapan niya ito. “No thanks, I can eat alone.”
“How about dinner?”
“I’m on a diet.” Pagsisinungaling niya. “I don’t do dinners.”
Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi nito. “How about midnight snack? I’m sure you do snacks. I can be your snack.” He said the last sentence in seductive voice.
She grimaced in disgust. “Ew! You? Snack? I’ll pass. Ayokong masuka sa sobrang pangit ng lasa mo.”
His smile disappeared and it was replaced by a serious expression on his face. “Babe, you don’t know what you’re talking about. I’m hot, gorgeous and I freaking taste good. Why don’t you lick me to taste the decadence that is Alexus Euri Sandoval?”
Napangiwi siya sa sinabi nito. “My god! You are so full of yourself. I have to get away from you. Baka bigla nalang akong tangayin ng hangin sa mga pinagsasasabi mo.” Aniya at lumayo sa lalaki.
Pero hindi siya nito hinayaang makalayo. He grabbed her waist and pulled her close to him. Naningkit ang mata niya sa sobrang galit dahil sa ginawa nito. Hindi niya matanggap na magkalapit ang katawan nila ng hinayupak na ito na nagpapakulo ng dugo niya.
“Let go of me.” Aniya sa matigas at kalmadong boses.
“I don’t want to.” He smirked. “Come on, lick and taste me, flower. I assure you; you’ll come back for more.”
Inungusan niya ito. “Keep dreaming, asshole. I don’t taste wastes.”
His smirked fell and his face darkened in anger. “What did you say?”
“I said, I don’t taste waste. And you are a waste. Waste of my time, so, let go of me before I make you.”
His smirked is once again back and his expression was smug. “Make me then.”
Malakas na tinuhod ni Clover ang junior nito. She heard him curse and grunt. Hindi pa siya nakontento, sinipa niya ito sa tiyan na naging dahilan ng pagkatumaba nito. She heard a muffle of gasps and murmurs. Tumigil din ang musika at naramdamam niya ang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila ni Alexus.
Wala siyang pakialam kung nasa kanya ang lahat ng atensiyon ng lahat ng tao sa Bar. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga katulad ni Alexus. At hindi niya palalampasin ang pagkakataong matuhod ang alaga nito.
She glared down at him. “Tantanan mo ako at huwag mo na akong kukulitin. Kung hindi, hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin.” Babala niya sa lalaki. “Oh, and don’t you ever touch me again or else…” She trailed while looking at his groin in disgust.
He looked at her for a second then a wide smile appeared on his lips showing his perfect set of dimples. “Damn girl! You just know how to turn me on.
Clover huffed in annoyance. “Hindi ka ba talaga titigil?”
He shook his head. “Nope. You are the apple of my eye this month. Hindi kita tatantanan hangga’t hindi ka nakikipag-date sa akin.”
“Magsasayang ka lang ng panahon. Go date someone else and leave me the hell alone.”
“Ayoko nga. Ikaw ang gusto ko ngayon. So you’re stuck with me like a bee to its honey.”
Makukunsumi lang siya kung makikipagusap siya sa lalaki, kaya naman iniwan niya ito at naglakad palayo. Hindi pa siya nakakalayo ng tuluyan ng marinig ulit niya ang malakas na boses ni Alexus na tinawag ang pangalan niya.
“Clover!”
Nagsitaasan ang balahibo niya ng marinig niyang bigkasin nito ang pangalan niya. Ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan niya mula ng kulitin siya nito ilang araw na ang nakakaraan.
“Clover!” Tinawag nito ulit ang pangalan niya. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy lang sa paglalakad.
“I’m going to court you, Clover Cinnamon Perez!” Malakas na sigaw ni Alexus na ikinatigil niya sa paglalakad.
Malaki ang mata na nilingon niya si Alexus. “Paano mo nalaman ang buo kong pangalan?”
Ngumisi ito at tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig na parang hindi niya ito tinuhod at sinipa. “I did my research about you.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Leave me alone. And don’t you dare say call me by my second name.”
“Sorry, I can’t, Cinnamon.” He said, not sounding sorry at all.
Ikinuyum niya ang kamao sa sobrang inis. Kumunot ang nuo niya ng makitang naglakad si Alexus papunta sa microphone na nasa stage.
“Hello, people of Bachelor’s bar.” Nakangiting wika ni Alexus sa microphone. “Gusto kong maging saksi kayo sa sasabihin ko.” Tiningnan siya nito ng nakakaloko. “Clover Cinnamon, lucky flower, I’m going to court you. I’m going to romance you in saying yes to my every whim and I’ll make you blush from head to toe. Sa lahat ng tao rito sa Bar, kayo ang saksi na liligawan ko si Flower—este, Clover Cinnamon at ipinapangako ko na hinding-hindi ko siya tatantanan hangga’t hindi siya nakikipag-date sa akin.”
Nasapo niya ang nuo sa narinig. Ipinalibot niya ang paningin sa Bar. Lahat ng mata nakatingin sa kanya, kahit sina Marj, Marlon Aiken at Gilen ay malalaki ang matang nakatitig sa kanya.
Nanggigigil na naglakad siya palapit kay Alexus. Ikinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok ito pero mabilis nitong nasalag ang kamao niya.
“Nah-ahh!” Anito na umiling-iling. “Not this time, flower. Hindi ko hahayaang saktan mo na naman ako.”
Inagaw niya ang kamay sa pagkakahawak ng binata pero hindi nito binitiwan ang kamay niya. “Bitawan mo nga ako.”
“Think of this as a payment for the punch and kick.” Anito at walang sere-seremonyang sinakop ang mga labi niya.
Halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat sa ginawa nito. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman ang pag galaw ng labi nito sa mga labi niya. Parang may kuryenting dumaloy sa kaibuturan niya ng ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. Para siyang binuhusan ng tubig ng ma-realize na hinahayaan lang niya itong halikan siya.
The nerve of this guy! Malakas na tinulak niya si Alexus at binigyan ng mag-asawang sampal.
“How dare you kiss me?” Aniya sa kalmadong boses. Ironically, kaya pa niyang kontrolin ang galit na nararamdaman.
Nakangising hinawakan nito ang labi at nakakalokong tinitigan siya. Parang hindi ito apektado sa sampal na ibinigay niya. “You didn’t kiss me back but you open your mouth. I’ll take that as a sign. I’m going to court you, Flower. Pero bukas na. Mukhang kutang-kota na ako ngayong gabi sayo. Bukas naman kita kukulitin.” He winked at her. “See you tomorrow, lucky flower.” ‘Yon lang at umalis na ito sa harapan niya na parang walang nangyari.
She gritted her teeth to stop herself from shouting. Mabilis na naglakad siya pabalik sa kinauupuan niya kanina. Nagpapasalamat siya na wala na sa kanya ang atensyon ng lahat, nagsibalikan na ang mga ito sa mga ginagawa maliban sa mga ilang babaeng masama ang tingin sa kanya.
Hindi pa siya nakaka-upo, nasa tabi na niya si Gilen at Marj.
“Clover, okay ka lang?” Nag-aalalang tanung ni Marj.
“Clover, gusto mo i-salvage natin ang lalaking ‘yon?” Ani ni Gilen na halatang nag-aalala rin sa kanya.
She composed herself and looked at her friends. “I’m fine.” She smiled fakely. “I will be fine.”
Niyakap siya ni Marj. “Clover, nandito lang kami. Okay ka lang ba talaga? You can talk to us.”
She pulled away from Marj hug. “I’m fine, Marj.” Binalingan niya si Gilen. “Ako mismo ang magsa-salvage sa kanya kapag nakita ko ulit ang pagmumukha ng hayop na lalaking ‘yon.”
Tumango-tango si Gilen. “Okay. Pero bilib din ako sayo. Hinalikan ka na at lahat-halat, kalmado ka pa rin. Kung ako ang ginawan ‘non, baka nag world war three na kami.”
“Ano naman ang mapapala ko kung magsisigaw ako? It’s not like he’s going to drop dead if I shout. And if that happens, I’ll be dancing on his grave.”
“I’m sorry, Clover. Hindi ko napigilan si Alexus.” Hingi ng tawad sa kanya ni Marlon Aiken na lumapit sa kanila.
“It’s okay.” Aniya. “Hindi mo naman kontrolado ang galaw ni Alexus.”
“Pasensiya na. Maybe you should stop coming here for the mean time. Baka ano pa ang gawing kalokohan ni Alexus. You’re one of Marjorie’s friends. Ayokong saktan ka ni Alexus.”
Tumaas ang kilay niya. “Bakit naman niya ako sasaktan? Nananakit ba siya ng babae? Kung nananakit siya ng babae physically, baka sa unang pagkakataon magamit ko ang chainsaw na binili ko five years ago.”
“Not physically but emotionally… And, you have a chainsaw?”
Tumawa siya ng malakas sa sinabi nito. “You think sasaktan ako ni Alexus emotionally?” Napailing-iling siya habang tumatawa pa rin. “Mangyayari lang ‘yon kung magkakagusto ako sa kanya, which is very impossible to happen. Hinding-hindi ako magkakagusto sa pinsan mong babaero. And yeah, I own a chainsaw. Ginamit ko ‘yong panakot doon sa makulit ko ring manliligaw nuong college ako.”
“Sana nga, Clover.” Ani ni Marlon Aiken sa seryosong boses. “Women like you eventually fall for him. Kilala ko ang pinsan ko, hindi ka niya tatantanan. Kaya mas mabuti na hindi ka muna pumunta rito sa Bar. And that chainsaw of yours can’t help you. Kahit yata bulldozer pa ang ipanakot mo kay Alexus, hinding-hindi iyon aatras.”
She smiled genuinely at Marlon Aiken. “Thanks but you don’t have to worry about me, Marlon Aiken. I can take care of myself. And anyway, I’m not one of those women who fall for him. Ibahin niya ako.”
Ngumiti si Marlon Aiken. “Well, if you say so. Basta kapag sumobra na siya sa pangungulit sayo, magsabi ka sa akin at bubugbugin ko siya para sayo.”
“Bakit ko pa isusumbong sayo? Kaya ko siyang bugbugin ng mag-isa.” Clover smirked at the thought of punching Alexus again.
Napailing-iling ang kausap. “Nakita ko nga na kayang-kaya mo ang sarili mo, pero Clover, Alexus is a black belter in Teak won do at hindi ko nga maintindihan kung bakit hinayaan ka niyang sipain siya.”
“And I’m a black belter in Judo. At wala akong pakialam kung saan pa siya black belter. I can take him down if he tries anything funny.” She said a menacing voice.
Marlon Aiken whistled in amazement. “Wow. Looks like Alexus met his match.”
“Tama si Clover, Aiken.” Singit ni Marj sa usapan. “Kaya niya ang sarili niya. Nakalimutan kong ikaw ang tinaguriang man hater sa University natin dati.”
“No. Hindi ako man-hater. Playboy-hater lang ako. Magkaiba ‘yon.” Aniya at tumayo. “Uuwi na ako. Sinong sasabay sa akin?”
Marj leaned on Marlon Aiken’s shoulder. “Na-miss ko si Aiken, dito muna ako.”
“Huwag kayong gumawa ng kababalaghan.” Biro niya at binalingan si Gilen. “Ikaw, sasabay ka?”
“Nope. Gusto ko pang sirain ang dance floor kaya magsasayaw pa ako.”
“Okay. Ingat sa pagsira ng dance floor. Bye.” Pagkatapos magpaalam naglakad siya palabas ng Bar. Kailangan niyang umuwi ng maaga. May trabaho pa siya bukas at saka magpa-plano pa siya kung paano siya makakapaghiganti sa ginawa ni Alexus.
Humanda ka sa akin, Alexus Euri Sandoval. Ipaparanas ko sayo kung paano mabigo. Mabuti nalang at ni katiting na pagkagusto ay wala siyang nararamdaman para sa binata. She hates everything about him. Even his very beautiful deep amber eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top