Chapter 7
CHAPTER 7
NAGISING si Gilen sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto na inuukupa niya. Kinusot niya ang mga mata gamit ang likod ng kamay niya at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Inayos niya ang sarili at lumabas sa kuwarto para tingnan kung saan nanggagaling ang ingay na naririnig.
Pagkalabas niya sa silid niya, nakita niya si Kaino at si NBI Agent Decordova na nasa hagdanan at parang nagri-wrestling.
Nagsalubong ang kilay niya sa ginagawa ng dalawa. “Anong ginagawa ninyo?”
Natigilan ang dalawa at sabay na tumingin sa gawi niya. Agad na naghiwalay ang mga ito at umayos ng tayo at humarap sa kanya.
Pilit na ngumiti sa kanya si Kaino. “Wala kaming ginagawa, Gilen. Sige matulog ka na ulit.” Pasimpli nitong tiningnan ng masama si Agent Decordova. “May isang tao kasi rito na walang commonsense.”
Naningkit ang mga mata ni Agent Decrodova at hinarap si Kaino. “Ako pa ngayon ang walang commonsense? Gusto ko lang siyang makausap. Mali bang kausapin siya? It’s already nine in the morning, so I think its okay to wake her up. Ikaw lang naman kasi itong masyadong epal at ayaw gisingin si Gilen.”
“Ako talaga?” Namaywang si Kaino at nakataas ang nuong tiningnan si Agent Decordova. “It’s called respect you piece of slime. Natutulog yong tao.”
“It’s already nine in the morning—”
“Tumigil nga kayong dalawa.” Saway niya sa dalawang lalaki na nasa harapan niya na parang mga bata na nag-aaway. “I’m awake. So anong kailangan niyo sa akin?”
Nginitian siya ni Agent Decordova at lumapit sa kanya sabay lahad ng kamay. “Hi, I’m Ethan Decordova. NBI Agent. I’m here to protect you.”
She rolled her eyes. “Protect me? Baka naman yong white book rin ang habol niyo sa akin.”
“Yes, isa iyon sa dahilan kung bakit ka namin pino-protektahan.” Wika ni Ethan. “Ayon sa superior namin, nasa white book mo ang kailangan namin ebidensiya para makulong si Jaime Ramirez. Kaya pagpasensyahan mo na ang naisip naming paraan para makalapit kami sayo.” Anito sabay lingon kay Kaino na tahimik na nakamasid lang sa kanila.
Pagak siyang tumawa sa sinabi ni Ethan. “That was below the belt. Hindi ko akalain na iba na pala ang pamamaraan ngayon ng mga NBI para makuha ang gusto nila.” Walang emosyong tumingin siya kay Kaino. “Ang pabirong ligawan ako para makuha ang gusto ay hindi makatarungan. I have the right to keep that book because its mine and I’m pretty sure na may batas kang alam tungkol sa karapatan ng may-ari sa isang bagay na pagmamay-ari niya.”
Tumungo si Kaino at halatang guilty ito.
Ibinalik sa kanya ni Ethan ang atensiyon. “Sorry kung nagawa namin yon. It’s the only way—”
“It’s not the only way.” Sansala niya sa iba pang sasabihin nito. “Maraming paraan, Agent Decordova.”
Nilampasan niya ang mga ito at bumaba sa hagdan at tinungo ang kusina. Wala siyang nakitang ni isang katulong, hindi tulad kahapon na may nakita siya. Nilapitan niya ang coffee maker at gumawa ng kape.
Ilang minuto ang lumipas, naramdaman niyang may pumasok sa kusina. Kapagkuwan ay may dalawang matitipunong braso ang pumalibot sa bewang niya.
“I’m sorry, Gilen. I didn’t mean to hurt you.” Anang boses ni Kaino.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinatigas ang boses. “Who said I’m hurt?” Hinarap niya ang binata, walang emosyon ang mukha niya na sinalubong ang tingin nito. “Kaino, hindi ako nasaktan kasi hindi naman ako nagkagusto sayo.”
Nawalan ng imik ang lalaki at binitawan ang baywang niya.
Kinuha niya ang tasa na may lamang kape. “If you’ll excuse me, please, step away. Magka-kape ako.”
Akmang lalampasan niya ito ng bigla nalang nitong sinapo ang pisngi niya at siniil nang mapusok na halik ang mga labi niya. Nabitawan niya ang tasa na hawak-hawak at nanigas sa kinatatayuan niya habang nakalapat parin ang labi ni Kaino sa mga labi niya.
Ayaw man niya, dahan-dahang pumikit ang mga mata niya at ninamnam ang halik ni Kaino. Sa bawat paggalaw ng labi nito, parang may mga paru-paru na nagliliparan sa loob ng tiyan niya. When Kaino trailed his hand from her face down to her neck, nagsitaasan ang mga balahibo niya. Parang may dumadaloy na kuryente sa mga kamay nito at mahina siyang napaungol sa ginawa nito.
Hindi niya namalayan ang sarili na tinutugon na pala ang halik ng binata. Ginagaya niya ang bawat galaw ng labi nito na nagpapaungol sa kanya at bumubuhay sa ibang parte ng katawan niya. Ipinalibot niya ang braso sa leeg nito at hinapit ito palapit sa kanya. Napaungol ito sa ginawa niya at mas ginanahan pa siyang ipapatuloy ang paghahalikan nila.
“Oh… shit…” Anang boses na mabilis na nagpamulat sa mga mata niya.
Para silang napaso sa isa’t-isa at mabilis na lumayo. Ramdam niya ang mata sa kanya ni Ethan. Hindi siya makatingin sa lalaki at nakatungo lang.
“Okay…” Ethan took a deep breath. “I’m going home. Just call me when you need me, Kaino.” Anito at mabilis na iniwan sila ni Kaino sa kusina.
Katahimikan ang namayani sa kanila ni Kaino. Walang nagsalita o gumalaw sa kanilang dalawa. Nakatingin sila pareho sa sahig na para bang may isang interesanting bagay doon. Hindi siya makatingin sa binata dahil sa hiyang nararamdaman.
Kasasabi palang niya na hindi niya ito gusto, kung ganoon bakit niya tinugon ang halik nito? Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip. Bakit ba niya hinayaan ang sarili na maging mahina sa halik nito. Oo nga at inamin niya sa sarili niya na gusto niya si Kaino pero hindi niya dapat tinugon ang halik nito.
She’s supposed to hate him for lying to her. Pero ano itong kagagahan na pinaggagagawa niya? She just kissed him back for crying out loud!
Sa kawalang masabi at magawa, umuklo siya at pinulot ang nabasag na tasa. Akmang hahawakan niya ang nabasag na tasa ng may nauna sa kanyang pulutin iyon. Nagtaas siya ng tingin at nagtama ang mga mata nila ni Kaino.
“Kaino…” Bulong niya sa pangalan nito.
Ito ang unang nagbaba ng tingin kapagkuwan ay nagsalita. “Stop lying.”
Nainis siya sa sinabi nito. Para naman kung sino ito para sabihin iyon sa kanya. Isa rin naman itong sinungaling.
“Who are you to say that to me?” Masama ang tingin na ipinukol niya rito. “It was you who lied to me, Kaino. Kaya wala kang karapatan na sabihin iyan sa akin.”
Sinalubong nito ang tingin niya. “Akala ko ba hindi ka apektado sa ginawa ko?”
Napatanga siya sa sinabi nito. “I’m… ahm— H-Hindi naman talaga.”
“Yes, I lied to you but I did it for a reason—”
“There’s no reason that can justify what you did. Nagsinungaling ka sa akin, and that’s that.”
Huminga ito ng malalim na para bang humuhugot ito nang lakas ng loob bago magsalita.
“Gilen, I’m sorry for lying to you. Yeah, I lied but not about everything.”
“Kaino—”
“Ang kasinungalingan lang na sinabi ko sayo ay tungkol sa trabaho ko, sa bahay ko at sa sasakyan ko. But other than that, wala na. So when I told you that I care for you and I like you, I wasn’t lying, Gilen. It was the truth.”
Wala siyang buhay na tumawa at tumayo. “Tama na ang kasinungalingan, Kaino. The end na iyang drama mo. Kaya tama na.” Aniya at umalis sa kusina.
TUMUNGO sa teresa si Gilen pagkagaling sa kusina. Nakahinga siya ng maluwang ng hindi na niya naramdaman ang presensiya ni Kaino. Ewan ba niya. Pakiramdam niya nag-iiba ang lahat kapag malapit lang sa kanya ang binata.
Napaigtad siya ng biglang may magsalita sa likuran niya.
“You shouldn’t be here, Gilen. Baka mabaril ka. Masyadong open ang kinatatayuan mo.” Anang boses ni Kaino.
Itinirik niya ang mga mata. “Ang OA mo. At saka hindi nila ako papatayin kung iyon ang inaalala mo. May kailangan pa sila sa akin.”
Lumapit ang binata sa kanya at tumayo sa tabi niya. “Ano ba ang kailangan nila sayo?”
“Ano ba ang kailangan mo sa akin?” Balik tanong niya rito. “Kung anong kailangan mo, iyon din ang kailangan nila.”
“Bakit hindi mo nalang ibigay iyon sa batas para hindi ka na nila habulin?”
Tumawa siya ng pagak. “Sa tingin mo naman ganoon lang ‘yon? Kaino, hindi ako bobo. Ang white book ang tinging dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon. Kung bakit hinahayaan ako ni Jaime na huminga. Hindi ko ‘yon ibibigay sa inyo.”
Hinarap siya nito. “Gilen, I can protect you.”
“No offense meant, Kaino, pero hindi ko maramdamang secure ako sayo.” Tapat na sabi ni Gilen. “Pareho lang naman kayo ng gusto ni Jaime Ramirez. Ang white book.”
“Gilen—”
“I want to go shopping.” She cut him off. “Wala na akong damit na susuotin bukas. May pakiramdam ako na magtatagal pa ako sa poder mo. At saka kailangan magmukha akong tao kapag nakaharap ko na ang superior mo.”
Natahimik ito ng ilang segundo kapagkuwan ay nagsalita. “About my superior… puwede bang saka mo na siya kausapin?”
“No. I want to talk to him. Kung po-protektahan niya ako, I want it to be right. Hindi ako newbie sa protection program na ito. Been there, done that.” Tinalikuran niya ang lalaki. “Maghahanda lang ako tapos pupunta ako sa mall. Puwede bang gamitin ang kotse mo?”
“Yeah, sure.”
“Okay. Thanks.”
Iniwan niya ito at tinungo ang silid niya para maligo at magbihis.
MALAPAD ang ngiti ni Gilen habang namimili ng damit. After a week, sa wakas nakapag-shopping din siya. Ito ang palagi niyang ginagawa nuong wala pa ang gulo na ito, well, this and eating. She missed shopping and eating. She missed shopping and eating with her friends.
Nang maalala ang mga kaibigan, bigla siyang nalungkot. How she wish kasama niya ang mga ito ngayon.
“Hindi ka pa ba tapos?” Anang boses sa likod niya.
Sumama ang templa ng mood niya ng marinig ang boses ni Ethan. Hindi niya akalaing sasama si Kaino sa kanya at kasama pa si Ethan. Kailangan daw kasi protektahan siya. Nakakapika lang kasi palaging nagrereklamo ang dalawa kapag pumapasok siya sa isang boutique. Naiinis siya na sumama ang mga ito pero wala naman siyang magawa.
Hinarap niya si Ethan na nakabusangot at maraming dalang pinamili niya.
“Manahimik ka nga, Ethan. Ikaw itong may gustong sumama mag-shopping. Deal with it like a very responsible Agent.”
Masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya. “Hindi ako bodyguard o personal assistant mo para sumama sayo mag-shopping!”
She smirked at him. “Too bad. Nang tanggapin mo ang pag-protekta sa akin, kasama na roon ang pagiging body guard ko at pagiging personal assistant ko.”
Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa pagsa-shopping.
Pagkalipas ng ilang oras, marami na siyang napamili. Hindi niya namalayan na malapit na palang mag-lunch. Hinarap niya si Ethan at Kaino an hindi maipinta ang mukha.
“What? May pupuntahan ka pang boutique?” Puno ng iritasyon ang boses ni Kaino na ikinangiti niya niya.
“Gusto kong kumain. Nagugutom na ako.” Aniya.
“Thanks god!” Ethan exclaimed and went to the nearest fast food restaurant with Kaino and her in tow.
“Tapos ka na bang mag-shopping?” Tanong sa kanya ni Kaino habang papasok sa pinasukang fast food restaurant ni Ethan.
“Bakit? Napapagod ka na?”
“Oo. At nakakahiyang tumayo na parang timang sa isang lingerie store.” Anito na medyo namumula ang pisngi.
Mahina siyang tumawa ng maalala ang mukha nito at si Ethan habang nakatayo at naiilang na nakatingin sa mga lingerie na nagkalat sa lingerie store. It was so funny to watch kaya naman sinadya niyang magtagal sa store na iyon para asarin ang mga ito.
“Stop laughing.” Naiinis na saway sa kanya ni Kaino.
Malapad na nginitian niya ito. “I can’t help it. Nakakatawa kayo ni Ethan e. Yan kasi, sumama pa kayo sa akin.”
“We have to protect you, Gilen. Please, understand that.”
“Okay.” Aniya na natatawa pa rin. “Kumain nalang tayo.”
Pagkatapos nilang kumain ni Kaino at Ethan, napagpasyahan ni Gilen na umuwi na. Ayaw na niyang pahirapan ang dalawang lalaki na ito na gusto lang naman siyang protektahan.
“Sa wakas. Uuwi na rin tayo.” Wika ni Ethan na nasa Driver seat at nagmamaneho pabalik sa bahay ni Kaino.
“Oo nga.” Sangayon ni Kaino. “Nakakapagod mag-shopping. Ganoon ba talaga kayong mga babae? Walang kapagurang maglakad kapag damit at ka-artihan sa katawan ang pingauusapan?”
Sinipa niya ang likod ng upuan ni Kaino. Nasa backseat siya kaya naman madali lang niyang nasipa ang upuan ng binata.
“Puwede ba, Kaino. Hindi ako maarti. Wala namang masama kung aalagaan ko ang sarili ko.”
Kaino puffed a breath. “Maarti ka. Huwag kang denial. You’re a girl. You’re bound to be ‘maarti’.”
Ethan chuckled. “Tama si Kaino.”
“Manahimik nga kayo—”
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at kasunod niyon ay ang tunog ng nababasag na salamin. Umuklo siya at inilagay ang kamay sa ulo niya na parang pino-protektahan iyon. Lumingon siya at nakitang may maliit na butas ang likod ng sasakyan.
“Shit! Gilen! Ayos ka lang ba?” Tanong ni Kaino habang kinakasa ang baril na hindi niya alam kung saan nito nakuha.
“Yeah.” Sagot niya at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa ilalim ng upuan ng may tumamang bala sa likuran ng sinasakyan nilang kotse.
“Shit!” Mura ni Ethan at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.
Si Kaino naman ay abala sa pag-asinta sa itim na kotse na nasa likuran nila pero hindi naman nito binabaril ang bumabaril sa kanila.
“Kaino! Iputok mo na nga yan!” Sigaw niya rito.
“Wait! Maraming tao. Baka madamay sila!” Balik sigaw ni Kaino sa kanya at bumalik sa kinauupuan.
“Akin na nga iyan!” Naiiritang inigaw niya ang baril sa binata.
“What the heck are you doing, Gilen!” Pilit na inagaw sa kanya ni Kaino ang baril pero nunkang ibalik niya rito ang baril.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at inilabas ang kalahati ng katawan habang mahigpit na nakahawak sa pintuan ng kotse. Iniumang niya ang baril sa gulong ng sasakyan na nakasunod sa kanila at kinalabit ang gatilyo ng ilang beses.
“Yes!” Sigaw niya ng makitang tinamaan niya ang gulong at gumiwang ang sasakyang bumabaril sa kanila at nawala sa lane.
Mabilis siyang bumalik sa loob ng sasakyan at ibinalik ang baril kay Kaino na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
“Where did you learn to shoot like that?” Manghang tanong sa kanya ni Ethan.
“Yeah.” Kaino was breathless. “Saan ka natutong umasinta ng ganoon. That was a perfect shot.”
Ibinalik niya ang baril kay Kaino at sumadal sa likod ng upuan at tumingin sa labas ng bintana. “I need to talk to your superior.” Aniya sa seryosong boses.
“Sure.” Sabay na sagot ni Ethan at Kaino.
“Nagmamadali na si Jaime. Para barilin ang kotse na sinasakyan ko. That was a reckless and desperate move. Kailangan kong makausap ang superior niyo.”
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa NBI Headquarters.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top