Chapter 14

CHAPTER 14

NASA mina bar ng bahay niya si Kaino at umiinom ng alak habang walang tigil ang utak niya sa kaiisip kay Gilen. Nag-aalala siya kung nasaan na ito ngayon, nang maghiwalay sila, hindi man lang niya ito tinanung kung saan ito pupunta. O kaya naman, sana sinundan niya ang dalaga. Ngayon tuloy, nag-aalala siya ng sobra.

“Bakit ka naman nakatulala riyan sa hangin at parang pinagsukluban ng langit at lupa?” Anang boses ni Ethan.

Hindi niya nilingon ang binata na walang pahintulot na pumasok sa bahay niya. Well, sanay na siyang para itong kabute na sumusulpot nalang bigla sa bahay niya.

“I’m not in the mood, Ethan.” Aniya sa walang buhay na boses.

“Bakit?” Tumabi ito sa kanya at umupo sa katabing stool. “Anong nangyari sa’yo? Naglalasing ka ba dahil naunahan tayo ni Jaime sa white book?”

Tiningnan niya ng masama ang katabi. “Hindi ako ganoon kababaw, Ethan. Bakit naman naisip mo na maglalasing ako dahil lang doon?”

Ethan shrugged. “Dahil ikaw ang atat na ikulong si Jaime, Kaino. Ikaw itong gagawin ang lahat makulong lang siya. Tapos ngayon, nawala ang pinakamalakas nating ebidensiya sana laban kay Jaime, kaya naman naisip ko iyon. At mali ako.” Tiningnan siya nito. “So… what’s your problem?”

“Gilen left.” Mahina niyang sabi.

“So? Ano naman ang problema roon? Umalis siya dahil wala na ang white book. Wala ng dahilan ang NBI na protektahan siya. Wala ng dahilan para isugal natin ang buhay natin para sa kanya.”

“Bakit naman wala? Nanganganib pa rin siya at responsabilidad natin na protektahan siya.” Argumento niya. “She’s still a star witness.”

“Kaino, stop it. Sir Luther called, tumawag daw sa kanya si Gilen para sabihing ayaw nitong maging star witness kaya wala ng dahilan para protektahan—”

“May dahilan ako para protektahan siya dahil mahal ko siya!”

Halatang nagulat si Ethan sa sinabi niya dahil bahagyang lumaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

“Sabi ko na e. May gusto ka kay Gilen.” Anito habang nakatingin pa rin sa kanya.

“Hindi ko siya gusto, Ethan. Mahal ko siya. Magkaiba yun.”

Nagkibit balikat lang si Ethan. “Ano ba nangyari kanina? Diba magkasama kayo nuong tinawagan kita?”

Tumango siya at tinunga ang alak na nasa baso. “Yeah. Pupuntahan na sana namin kung saan man niya itinago ang white book pero huli na. Nakuha na ni Jaime. Tapos bigla niya akong iniwan sa kotse ko at sumakay ng taxi.”

“Yun lang?”

Tumango ulit siya. “Yeah.”

Ayaw niyang i-kuwento rito ang sinabi ni Gilen bago ito sumakay ng taxi. It was personal. Para sa kanilang dalawa lang iyon ng dalaga.

“And yes, Kaino, mahal kita. Mahal na mahal.”

Mariin siyang napapikit ng maalala ang sinabi ni Gilen sa kanya. After she said that, he stand there like a toad idiot. Naghalo ang emosyon sa dibdib niya at hindi siya nakagalaw. Alam niyang may nararamdaman para sa kanya si Gilen pero ng marinig niya ang nararamdaman nito mula sa mga labi nito, hindi niya alam ang gagawin.

“So… anong plano mo?”

Nagsalin siya ng alak sa baso at ininom iyon. “Hahanapin ko siya. Alam kung target pa rin siya ni Jaime. Hindi ko siya hahayaang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi. Magkakamatayan kami kapag sinaktan niya ni dulo ng daliri ni Gilen.”

Ethan chuckled. “Tough words, e hindi mo nga alam kung nasaan si Gilen. Hanapin mo muna bago pa siya mahanap ni Jaime. Hindi mo mapo-protektahan si Gilen kung isa na siyang malamig na bangkay. And please, protektahan mo siya ng mabuti, ayokong pagnawala siya bigla kang ma-mental. Tayo na nga lang dalawa ang guwapong agent ng NBI, mababawasan pa.”

Napangiti siya sa huling sinabi nito. Inilapag niya ang baso na wala ng laman at tumayo mula sa pagkakaupo sa stool.

“I’m going to look for Gilen.” Aniya.

“Malaki ang manila, Kaino, you need help.”

Kunot ang nuong binalingan niya ito. “Tutulungan mo ako?”

“Well, wala pa namang order si Sir Luther na wala na ang kaso. So, yeah, tutulong ako.”

He smiled at Kaino. “Great.” Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa bar counter. “Let’s go.”

Hahanapin kita Gilen. Hahanapin kita kahit saan ka man magsuot.

“ANONG ginagawa mo rito sa bahay? Wala ka na bang matakbuhan?” Tanong sa kanya ni Luther ng makita siya nitong nakaupo sa mahabang sofa sa living room ng bahay nito.

Tiningnan niya si Luther. “I need a safe place to stay for a while. Can I stay here?”

“Of course.” Lumapit ito sa kanya. “I hope you don’t mind me asking but, where’s the NBI? Akala ko ba sila ang magpo-protekta sa’yo? What happened?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Nasa kamay na ni Jaime ang white book. Alam kung hindi si Jaime titigil hangga’t hindi ako nawawala sa mundong ito. Ayoko naming pumunta sa mga kaibigan ko. I don’t want to endanger them. Masaya na sila sa mga buhay nila, ayokong ako pa ang sumira sa kalihayahang yun.”

Tumago-tango si Luther na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. “Okay. You can stay here. No payment this time. Ayokong umasa na naman sa wala.”

Napakagat labi siya. “Sorry about the car. Naabutan kasi ako ni Kaino.”

“It’s okay, you don’t have to apologize. And speaking of which, where is he? Isn’t he suppose to guard you or something?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Tapos na ang responsabilidad niya na protektahan ako. Nang mapasakamay ni Jaime ang white book, alam kung wala ng rason para protektahan pa niya ako, at saka ang mga taga NBI—”

“Stop lying to me, Gilen. Kilala kita. May binabalak kang gawin.” Putol nito sa iba pa niyang idadahilan. “Now, tell me what you’re planning to do? We both know that Jaime won’t stop until he had you inside a casket. And I’m pretty sure na iniwan o tumakas ka sa poder ni Kaino para magtago rito sa lungga ko dahil ayaw mong madamay si Kaino sa gagawin ni Jaime sayo. Am I right, or, I am very right?”

Napailing-iling siya. “Alam mo naman pala kaya manahimik ka na riyan.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa hagdan papuntang second floor. “I’m going to rest then I’ll tell you my plan. Doon pa rin ba ang silid ko?”

“Oo naman.”

Nagtuloy-tuloy siya sa second floor at tinungo ang silid niya na kaharap lang ng silid ni Luther. May kuwarto siya sa bahay ni Luther kasi isang taon din siyang dito tumuloy sa bahay ng binata bago siya umupa ng apartment at naging isang independent woman.

Pagkapasok niya sa loob ng silid niya, agad siyang humiga sa kama at natulog. She will need all the sleep she can get para magawa ang plano niya.

DALAWANG araw ng hinahanap ni Kaino si Gilen pero hindi pa rin niya ito mahanap. Pinuntahan na niya ang lahat ng dapat puntahan ni Gilen, pero wala pa rin. Tinawagan na niya ang mga kabigan nito pero wala daw ang dalaga roon. Nag-aalala na siya. Hindi niya alam kung nasaan si Gilen, hindi mapigilan ng utak niya na mag-isip ng mga negatibong bagay.

Naputol ang pag-iisip niya ng tumungo ang cell phone niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag dahil hindi naka-rehistro ang number nito sa cell phone niya.

“Hello? Who’s this?” Aniya ng sagutin ang tawag.

“How are you?”

Napamulagat siya ng makilala kung sino ang nasa kabilang linya.

“Gilen! Ikaw ba yan? Okay ka lang ba? I’d been looking for you for two days, I’m so worried—”

“Stop looking for me, Kaino. At huwag ka na ring mag-alala para sa akin. I’m fine—”

“Anong hindi mag-alala sayo?” Sikmat niya. “Alam mo bang halos mabaliw ako sa pag-aalala sayo?! Dalawang araw akong parang baliw na hinahanap ka, Gilen! Of course, mag-aalala ako sayo, ikaw ang babaeng mahal—”

“Stop, Kaino.” Huminga ito ng malalim. “Just stop looking for me and stop worrying about me. Ayos lang ako rito sa kung nasaan man ako ngayon. Tumawag ako para sabihing ayos lang ako at huwag mo na akong hanapin. It’s for your own good.”

Napatingin siya sa screen ng cell phone niya ng mawala ang dalaga sa kabilang linya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Akamang ibabalik na niya ang cell phone sa bulsa ng pantaloon ng tumungo ulit iyon, sa isiping si Gilen ang tumatawag, mabilis niyang sinagot ang tawag.

“Hello, Gilen?” Excited ang boses na sabi niya.

“Nope, I’m not Gilen.” Ani ni Ethan mula sa kabilang linya. “But by the sound of your voice, parang kinontak ka niya.”

“Yes, she just called to tell me—”

“Stop. Mamaya na iyang love problem mo. Sir Luther called, he wanted us in HQ in an hour. May sasabihin yata siya sa atin tungkol sa kasong hawak natin. Hope its positive.”

Bumuntong hininga siya. “Sana nga. Dahil hindi ko bibitawan ang kasong ito kahit ano pa ang mangyari.”

“Good luck to both of us.”

PAGKAPASOK niya sa bahay ni Luther, sinalubong kaagad siya ng binata. Kunot na kunot ang nuo nito habang masama ang tingin na ipinupukol sa kanya.

“Akala ko ba nagtatago ka? Bakit lumabas ka ng bahay at ang tagal mo pa?”

Alam niyang ayaw ni Luther na ipahalata na nag-aalala ito sa kanya pero halatang-halata sa mata nito ang pag-aalala para sa kanya.

“Lumabas lang ako para sumagap ng fresh air. Anong masama roon?” Pumasok siya sa kabahayan.

“Anong masama?” Sinundan siya ni Luther papuntang living room. “Masamang-masama. Kasi kapag nakita ka ng mga tauhan ni Luther, tutustahin ka nila. Not that I care. Ayoko lang ilibing ang patay mong katawan dahil hindi naman ako taga-libing ng patay. At saka hindi mo pa nagagawa ang plano mo kaya huwag kang pakalat-kalat.” Iyon lang at iniwan siya nito sa sala.

Isinandal niya ang likod sa likuran ng sofa at ipinikit ang mga mata. Kaagad na pumasok sa balintataw niya si Kaino. Anon a kaya ang ginagawa nito ngayon? Ano kaya ang reaksiyon nito pagkatapos niyang tumawag? Is he still looking for her? Sana naman hindi na. Masisira ang plano niya.

Kinuha niya ang cell phone mula sa bulsa ng denim short at itinext ang mga kaibigan.

‘Hey, I just want to say I’m fine and you don’t have to worry about me. Miss you both and I love you. Pagbalik ko ililibre niyo ako ng lahat ng restaurant na gusto kong kainan’ ­

After niyang isinend ang message, pinatay niya ang cell phone. Alam niyang kapag na-receive ng mga ito ang text niya, tatawag ang mga kaibigan sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon.

Tatayo na sana sila mula sa pagkakaupo sa sofa ng magsalita si Luther mula sa likuran niya.

“You want to watch a movie? Alam kong bored ka na. Showing daw ngayon ng Captain America, the winter soldier. Tara, manuod tayo.”

Nilingon niya ang binata. “Akala ko ba hindi ako puwedeng lumabas ng bahay mo?”

“Okay lang yun. Ako naman ang kasama mo. Halika na.” Nauna na itong naglakad sa kanya palabas ng bahay at wala siyang nagawa kung hindi sundan ito.

Honestly, she’s bored to death at kailangan niya ng mapaglilibangan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top