PROLOGUE


"Happy 18th birthday, Zehra!" my mom greeted me, happiness can be seen in her face.

Today is my 18th birthday. Siguro para sa iba masaya silang icelebrate ang 18th birthday nila, who wouldn't right? I mean, 18th birthday is one of the most memorable birthday you'll celebrate in your entire life.

Pero hindi sa kagaya kong maagang namulat sa reyalidad. When I turned 16, my dad told me that once I turn 18 ipapakilala na nila ako sa taong mapapangasawa ko. And today is that day.

Nasa loob ako ng kwarto ko habang inaayosan ako ng make up artist na hinire pa ni dad.

Wala pa man din iniisip ko na kung magkakasundo ba kami ng taong napili nila para pakasalan ako. What if, hindi kami magkasundo? At isa pa, hindi gan'to yung takbo nang lovelife na ginusto ko.

Noon pa man gusto ko yung taong pakakasalan ko ay 'yong taong mamahalin ko at mamahalin ako. Arrange marriage is not what I want. Pero anong magagawa ko? Ni hindi ko kayang suwayin ang gusto ni dad. Dapat lahat ng sabihin niya masusunod, kahit na ayaw mo sa bagay na gusto niya kailangan mong gawin para lang hindi siya ma disappoint sa'kin. I love my dad, kahit na siya na halos humawak sa buhay ko. I love him and my mom over anything. Mahal ko sila na kahit anong sabihin nila ginagawa ko.

"Amanda and Crystel's waiting for you outside," my mom told me.

Amanda and Crystel is my bestfriend ever since grade school. Nakilala ko sila no'ng time na binu-bully si Crystel sa school. Amanda saved her from the bullies. Nasa canteen kami no'ng time na yun at sobrang punong puno ang canteen at nagkataon na sa mesang inuupuan ko na lang ang bakante kaya wala akong nagawa ng maupo sila sa tabi ko. Ayoko pa sana kaso natakot ako sa galit na mukha ni Amanda. Takot ko lang sakanya no'ng mga panahon na 'yon.

"Labas muna ako," paalam ni mommy.

Tumango ako sakanya pero bago pa siya makalabas ng pinto nagsalita na ako. "Papasokin mo na lang po sina Amanda kapag nakita niyo." sabi ko na ikinangiti niya. "Thank you, mom." hindi ko alam kung para saan ang pagpapasalamat ko pero siguro para sa lahat ng sakripisyo niya para sa'kin.

Nang makaalis si mommy ay siya namang pagpasok ni Amanda at Crystel. Nag kwentohan lang kami ng mga bagay bagay pero hindi ko binanggit sakanila ang tungkol sa engagement na magaganap mamaya. Mahigpit na ipinagbawal ni daddy ang tungkol sa engagement ko.

Tinawag na ako ng organizer kaya sabay sabay kaming lumabas nina Amanda, nauna nga lang silang pumunta sa garden. Doon kasi gaganapin ang birthday party ko. Malawak naman ang garden at hindi rin ganun karami ang mga dadalo.

"Sa lahat ng birthday na in-organize ko, ikaw ang pinaka-maganda, Zehra," natawa ako sa sinabi ng organizer. She's my mom's bestfriend.

"Niloloko mo na naman ako, tita." natatawang sagot ko. Nagkibit balikat lang siya dahil magsisimula na daw.


Nakakapagod maglibot para i-entertain ang mga bisita mabuti na lang at tapos na. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin nila ipanapakilala sa'kin ang soon-to-be-fiance ko. Nalinawan lang ako ng wala nang bisita ang natira kumpara sa tatlong mukang isang pamilya.

Tinawag ako ng kasambahay at sinabihang pumunta sa dining area dahil ipinapatawag ako ni dad. Nakasabay ko pa yung lalaki na parang bagot na bagot. Babatiin ko sana kaso inirapan ako. Attitude yarn?

Umupo ako sa usual seat ko katabi ni mommy at kaharap ko naman yung lalaki kanina. Nang mapatingin siya sa'kin ay inirapan ko siya, akala mo ah.

"Yan na ba ang anak niyo?" tanong nung lalaking mukang ka edaran lang ni dad. Ngumiti ako sakanya ng tumingin siya sa'kin.

"Yes," sagot ni Dad.

"She's so pretty. Hindi talaga ako magsisising siya ang pakasalan ng anak ko," ngiting ngiti na sagot naman nung lalaki. Muntik ko pang ma ibuga ang iniinom ko.

"Sorry po," paumanhin ko.

"Zehra, this is Charles Ramirez, your fiance," pagpapakilala ni dad 'don sa lalaki kanina.

What the hell?! Siya ang fiance ko?

"Charles, this is my daughter Zehra Levigne Mendez" tipid siyang ngumiti sa'kin.

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng pilit buong oras na kasama namin ang Ramirez family.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa mga susunod na araw. Pero isa lang ang alam ko, dito na magsisimula ang takbo ng buhay na nakasanayan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top