Chapter 9
Naglalakad ngayon si Celine at si Zac sa kalsada, wala na masyadong dumadaan sa kalsada dahil alas tres na ng umaga. Iniwan ni Celine si Trinity sa bar dahil alam niyang nagtatrabaho ito, kaysa naman mainip siya doon habang hinahantay ang dalagang lumabas ng kwarto ay sumama nalang siya kay Zac.
Kanina pa sila nagkukwentuhan na dalawa, pinapanuod lang ni Zac ang anghel na magkwento ng kung ano-ano, bahagya siyang natatawa kapag nag-joke ang babaeng anghel at napapangiti naman siya kapag nakikita niyang ngumingiti ito.
"Gusto kong makausap ka lagi." Diretsahang sabi ni Celine kaya naman napataas ang kilay ni Zac.
"Gusto mo kong makausap lagi?" Pag-uulit ni Zac at tumango naman agad si Celine.
"Magkita tayo palagi ah, tapos kukwento ko sa'yo lahat ng nangyayari sa akin sa araw-araw." Ani Celine.
"Pero hindi naman about sa'yo yung kinukwento mo, puro about dun sa Trinity ang kinukwento mo." Sabi ng lalaki kaya naman napanguso si Celine.
"Eh kasi naman wala naman masyadong nangyayari sa akin, ni hindi pa nga ako nakakatikim ng fried chicken." Sabi ni Celine kaya naman napakunot ang noo ni Zac.
"Fried Chicken? Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zac at tumango naman agad si Celine.
"Oh sige, next time kain tayo sa labas. Papakainin kita ng fried chicken." Sabi ni Zac kaya naman mabilis na napangiti si Celine at nagtatakbo siya papalapit kay Zac bago niya hinawakan ang kamay nito.
"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Celine, biglang uminit na naman ang buong pakiramdam ni Zac dahil sa lapit ni Celine sa kanya.
"Date?! Magdidate tayo?!" Excited na tanong ni Celine kaya naman mas lalong namula si Zac.
"D-Date? K-Kung yun ang gusto mong itawag dun, edi sige." Napaiwas ng tingin si Zac.
"Yes!" Sigaw ni Celine habang nagtatalon siya sa sobrang excited niya pero natigilan siya ng marealize niyang hindi sila pwedeng kumain sa labas, paniguradong pagtitinginan si Zac ng mgatao at iisipin nilang baliw si Zac. Ayaw niyang magmukhang baliw si Zac sa mata ng mga tao.
Napansin ni Zac ang biglang panlulumo ni Celine kaya naman nilapitan niya ang anghel.
"Bakit ganyan yung mukha mo?" Tanong ni Zac ng makalapit siya kay Celine.
"Ayoko pala kumain sa labas..." Mahinang sabi ni Celine habang nakayuko.
"Bakit naman?" Pang-uusisa pa ni Zac.
"Eh kasi..." Napanguso si Celine kasi hindi niya kayang magsinungaling kaya naman tumigil nalang siya sa pagsasalita.
Hanggang sa may naisip siyang dahilan, lumapit siya kay Zac. "Gusto ko sa walang tao." Bulong ni Celine.
Biglang nag-init na naman ang mukha ni Zac, halos magwala yung nararamdaman niya sa ideyang silang dalawa at walang ibang tao.
"Please?" Pakiusap ni Celine kaya naman walang nagawa si Zac kundi ang tumango sa babae, ayaw ni Zac sa kahit anong cute, bagay man o tao pero syempre exempted si Celine doon.
"Thank youuuuuuu!" Mabilis siyang niyakap ni Celine kaya naman mas lalong naguluhan ang binata dahil hindi siya kumibo, hinayaan niya lang ang babaeng anghel na yakapin siya.
"K-Kaylan mo gusto?" Tanong ni Zac.
"Ngayon!" Nakangiting sabi ni Celine.
"NGAYON!?" Sigaw ni Zac kaya naman excited na tumango ang anghel.
"Jeez, hindi ka ba natutulog?"
Napaisip si Celine, "Minsan." Sagot niya bago siya ngumiti ulit.
•
"Woah!" Sigaw ni Celine habang pinapanuod niyang nagluluto si Zac ng fried chicken, napapailing nalang si Zac pero hindi niya maiwasang mapangiti sa reaksyon ng babae.
"Pwede ko na bang kainin?" Tanong ni Celine at tumango naman sa kanya si Zac.
Nagmamadaling kumuha si Celine pero mabilis niyang nabitawan iyon bago niya pinaypay ang kanyang kamay ng mabilis.
"Ouch! Ouch! Ouch!" Sigaw ng anghel.
Mabilis na napatingin sa kanya si Zac habang nagtataka sa nangyari, napatingin si Zac sa isang pirasong fried chicken sa sahig habang nagwawala ang babae sa sobrang sakit ng naramdaman nito sa balat niya.
"Tsk, bakit kasi hinawakan mo agad alam mo namang mainit pa." Sermon ni Zac bago niya kinuha ang kamay ng anghel at sinipan ito.
"Hindi ko naman alam eh!" Reklamo ni Celine habang naiiyak sa sobrang sakit.
"Papaanong hindi mo alam, kita mo namang bagong luto." Giit ni Zac.
"Eh sa hindi ko alam na mainit kapag bagong luto!" Sigaw ni Celine kaya naman napabuntong hininga nalang siya bago niya pinagpatuloy ang pag-ihip sa kamay ni Celine, nakatingin lang sa kanya ang babaeng anghel.
"Pumunta ka na sa sala, tatapusin ko lang 'to at papalamigin ko na rin ng kaunti." Ani Zac kaya naman tumango nalang si Celine bago siya umalis sa kusina at pumunta na ng sala.
Nang matapos ni Zac ang pagluluto ay pumunta agad siya sa sala, naabutan niya si Celine na masaya at excited na ulit.
"Yay! Kakain na tayo ng fried chicken!" Sigaw ni Celine kaya naman napailing nalang si Zac habang pinipigilan niya ang sarili niyang matawa.
"Ayan, medyo malamig na yan." Sabi ni Zac ng inilapag niya sa lamesa ang chicken, nakasalampak lang sila sa sahig habang nakabukas ang TV ni Zac pero patay ang ilaw.
Tanging ilaw lang na nanggagaling sa TV ang nagsisilbing liwanag sa kanilang dalawa.
Pinapanuod lang ni Zac na kumain si Celine hanggang sa napansin iyon ng babae, kaya naman mabilis siyang kumuha ng isang piraso ng fried chicken bago niya iyon sapilitang sinubo kay Zac, kung ibang tao ang gumawa kay Zac noon ay malamang nasapak na niya yun.
Pero iba si Celine.
"Ang sarap talaga ng fried chicken, san ba gawa 'to?" Tanong ni Celine na naging dahilan para mapakunot ang noo ni Zac.
"Syempre sa manok."
Biglang natigilan si Celine sa pagkain ng kahuli-hulihang piraso ng fried chicken.
"S-Sa m-manok?" Gulat na tanong ni Celine.
"Obvious ba? Kaya nga fried chicken. Chicken." Pinagdiinan ni Zac yung salitang chicken.
"Hala!" Biglang binalik ni Celine ang kahuli-hulihang piraso ng friend chicken na nakagatan na niya sa pinggan.
"Kumain ako ng manok! Kumain ako ng bangkay ng manok!" Naiiyak na sabi ni Celine.
Napairap sa kawalan si Zac bago siya napafacepalm.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top