Chapter 8
Hindi makapaniwala si Trinity habang tinitingnan niya ang sketch ng lalaki sa kanya, halos kamukhang kamukha niya ito kahit ilang saglit lang ginuhit.
"Wow." Hindi makapaniwalang sabi ni Trinity. "Ang galing mo, papaano mo nagagawa yan?" Tanong nito.
"Matagal na akong nagdudrawing." Nahihiyang sagot ni Siel.
"Ilang taon na?" Curious na tanong ni Trinity, magkatabi na ngayon sila sa kama at nakalulong si Trinity sa drawing kasi hindi talaga siya makapaniwala.
"Hindi ko alam, pero sobrang tagal na. Hindi mo maiimagine kung gaano na katagal." Natatawang sagot ni Siel kaya naman napatango si Trinity.
"Sana lahat may talent na ganyan no, alam mo ba nung bata ako yung drawing ko sa ibon letter m lang tapos ngayon na lumaki ako ganoon pa rin ang drawing ko sa ibon." Pagkwento ni Trinity, bahagyang natawa si Siel sa kwento ng dalaga.
Pero hindi niya maiwasan na panuorin lang ang dalaga habang nagsasalita ito, tawa ng tawa si Trinity habang nagkukwento siya kaya hindi niya napansin na nakatingin lang sa kanya si Siel.
"Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit nag-aksaya ka ng malaking halaga para lang maghanap ng babaeng idadrawing at talaga sa bar pa." Ani Trinity.
"Hindi naman ako nag-aksaya, worth it naman." Sagot nito na naging dahilan para mamula na naman si Trinity kaya naman mabilis niyang hinampas sa braso ang lalaki para hindi mahalata ang pamumula ng mukha.
"Sus! Nambola pa, napakabolera mo. Dami mo na sigurong naging chicks no?"
Mabilis na umiling si Siel, "Isang babae lang yung minahal ko." Simpleng sagot nito kaya naman natigilan si Trinity at dahan-dahang napatango, mukhang mali siya ng inopen na topic.
"So, ano na? Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Trinity.
"Wala na." Sagot ni Siel bago niya ibinalik ang mga gamit niya sa bago.
"Wala na?!" Gulat na tanong ni Trinity, mas lalong hindi makapaniwala. "Magtitigan nalang tayo dito buong gabi?"
"Uhm, baka may gusto kang gawin? Ako, ayos lang ako dito. Papanuorin lang kita." Anito.
"Seryoso ka?!" Sigaw ni Trinity at tumango naman sa kanya si Siel.
"Kahit ano?" Paninigurado ni Trinity.
"Yup, kahit ano." Sagot ni Siel.
Agad na napangiti si Trinity bago niya mabilis na itinali ang kanyang mahabang buhok na naging dahilan para mapataas ang kilay ni Siel lalo na ng biglang lumapit sa kanya ito na halos isang dangkal nalang ang layo.
"Sabi mo yan ha." Napangiti ng kakaiba si Trinity bago niya sinimulan ang kanina pa niya gustong gawin.
•
Nakadapa sa kama si Trinity habang hawak-hawak niya ang kayang cellphone. Nang hingi na rin siya ng dalawang piraso ng papel kay Siel at nang hiram ng isang lapis, nagrereview si Trinity ngayon para sa exam niya bukas.
Si Siel naman ay nakahiga lang sa tabi niya at pinagmamasdan niya ang dalaga habang seryosong nagrereview, medyo naiilang si Trinity sa ginagawa ng binata pero hinayaan na niya tutal ay bayad naman nito ang oras niya talaga lang mabait ito kasi pinayagan siya nitong magreview.
"Hindi ka ba nagsasawa na tingnan ako buong gabi?" Tanong ni Trinity habang nagsusulat ng mga keyword ng mga nasa powerpoint niya sa cellphone.
Umiling si Siel at pinagpatuloy niya ang pagtingin sa dalaga.
Napatingin si Trinity kay Siel ng mapunta na siya sa pinakahuling slide ng powerpoint. "Thank you." Mahinang sabi ni Trinity.
"You're welcome." Sagot ni Siel.
Umayos na ng pagkakahiga si Trinity habang tinitingnan niya ang reviewer na ginawa niya. "Alam mo nakokonsensya ako, wala naman akong ginawa pero nagbayad ka ng malaki." Pag-amin ni Trinity.
"Wag kang makonsensya, isang buong gabi mo lang ang kaya kong bayaran, hindi ang buong buhay mo." Naguluhan si Trinity sa sinabi ng lalaki.
"M-May iba ka pa bang gustong gawin?" Tanong ni Trinity ng makita niyang tumatayo ang lalaki.
"Wala na, kaylangan ko ng umalis." Sabi ni Siel habang tinitingnan niya ang kanyang kakaibang wrist watch.
"P-Pero... isang buong gabi ang binayad mo..." Mahinang sabi ni Trinity.
"Alam ko, dito ka lang. Magreview ka muna at magpahinga, bukas ka na ng umaga umalis. May exam ka pa bukas, mas okay kung may maayos kang tulog" Aniya.
Nakaramdam ng pangingilid ng luha si Trinity, hindi na niya matandaan kung kaylan ang huling beses na may nagmabuting loob sa kanya.
"Thank you talaga, Siel." Ani Trinity. Ngumiti sa kanya ang lalaki bago ito tumango sa kanya, nakita niyang may kinuha si Siel sa bag niya at inabot iyon kay Trinity pero mabilis na umiling ang dalaga.
"No, nagbayad ka na ng malaki tapos bibigyan mo pa ko ulit ng pera, ano ka? Sugar daddy ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trinity kaya naman natawa si Siel bago niya kinuha ang kamay ni Trinity at sapilitan niya iyong inilagay doon.
"Tanggapin mo na, tip ko yan sa'yo."
"Tip?! Wala naman akong ginawa!"
"Meron, napasaya mo ako. Kahit yung existence mo lang sapat na para mapasaya ako."
Bigla na namang kumalabog yung dibdib ni Trinity, hindi siya tanga para hindi niya maramdaman na may crush siya sa lalaki.
"Thank you..." Mahinang sabi ni Trinity, tumango ang lalaki at akmang lalabas na ng pinto ng pigilan siya ulit ni Trinity.
"Saglit lang!" Tumayo si Trinity para sundan si Siel.
Bago niya mabilis na hinalikan ito sa labi.
Nabigla si Siel sa ginawa ni Trinity at halos mawala siya sa sarili niya lalo na ng ngumiti si Trinity pagkatapos siyang halikan nito ng mabilis.
"Bonus yan, kasi mabait ka sa akin." Kinindatan siya ng dalaga kaya naman mas lalong namula ang binata.
"T-Thank you..." Hindi alam ni Siel kung tama ang lumabas na salita sa bibig niya.
"And by the way, Trinity ang totoo kong pangalan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top