Chapter 7
"Trinity, may nag-request sa'yo sa VIP room."
Natigilan si Trinity sa pagmimake up niya at napalingon siya sa nagsalita, natinginan na naman sa kanya ang mga kasamahan niya sa trabaho, napabuntong hininga nalang si Trinity bago siya tumayo sa kinauupuan niya.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na pinatawag siya sa VIP room ngayon, alam niyang sobrang mahal ng bayad doon kaya bihira lang ang tao doon, ayos lang naman sa kanya dahil alam niyang malaki rin ang kikitain niya, yun nga lang ay may exam siya bukas kaya hindi siya pwedeng tanghaliin ng gising.
"Bayad na ba?" Tanong ni Trinity.
"Of course ate gurl! Bayad na buong gabi." Sagot nito.
"Buong gabi?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Trinity dahil sobrang laking pera noon.
"Yes na yes, mamshie." Kinindatan siya ng bakla kaya naman kinindatan siya pabalik ni Trinity, alam kasi niyang malaki ang kikitain nila, pero may part pa rin kay Trinity na sana ay hindi siya pinapapuntang VIP ngayon.
Napabuntong hininga si Trinity bago siya kumatok sa doon at dahan-dahang binuksan iyon.
May nakita syang lalaki na nakatalikod, napataas ang kilay ni Trinity ng makita niyang mukhang mas bata ito sa inexpect niyang costumer, akala niya kasi ay isang matandang mayaman na business man ito pero mukhang nagkakamali siya.
Nang humarap ang lalaki sa kanya ay halos matigilan si Trinity sa paglalakad ng makita niyang hindi lang ito basta bata kundi gwapo rin. Awkward na napangiti si Trinity, nawala ang lakas ng loob niya ng biglang siyang titigan ng lalaki.
"M-Maupo ka muna." Sabi ng lalaki habang tinuro yung sofa sa gilid.
Napakunot ang noo ni Trinity pero dahan-dahan siyang tumango bago niya sinunod ang sinabi ng lalaki, naupo nga siya sa sofa habang ang lalaki ay hindi rin mapakali pero naupo rin ito sa kama.
Medyo nawi-weirduhan na si Trinity ng makita niyang medyo kinakabahan ang lalaki, napataas ang kilay ni Trinity. Hindi kaya bakla talaga ito at naghahanap lang siya ng sagot sa kanyang kasarian?
Mas lalong napataas ang kilay ni Trinity ng matitigan niya ang katawan nito. Hindi naman siya mukhang bakla.
"Sir, magsisimula na po ba ako?" Tanong ni Trinity bago niya hinawi ang mahaba niyang buhok para makita ang kanyang leeg.
"H-Ha?" Gulat na tanong ng lalaki, "N-No, dyan ka lang muna." Pagpigil ng lalaki ng akmang tatayo na si Trinity sa kanya kinauupuan, mas lalong nagtaka si Trinity pero sumunod nalang siya, nanatili siyang nakaupo sa sofa.
Medyo naiilang na si Trinity dahil tinititigan lang talaga siya ng lalaki, wala itong ibang ginagawa kaya naman hindi siya mapakali hanggang sa may naisip siyang ideya para hindi awkward ang pagtitig sa kanya nito.
"S-Sir, ayos lang po bang matanong kung anong pangalan nyo?" Tanong ni Trinity.
Natigilan saglit ang lalaki bago ito dahan-dahang tumango, "Siel. Siel ang pangalan ko." Anito.
"Ahh. Bagay sa'yo yung pangalan mo Sir. Siel." Pangbobola ni Trinity.
"Salamat." Sagot nito. "Pero tanggalin mo na yung Sir, bata pa naman ako." Tumango nalang si Trinity.
"Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Uh? Akala ko po alam nyo yung pangalan ko kasi nagparequest kayo sa VIP." Awkward na natawa si Trinity.
"S-Sorry, ang sabi ko lang kasi kanina ay yung magandang babae na kumakanta kanina sa stage." Nahihiyang sabi ng lalaki kaya naman natawa si Trinity.
"My name is Trixie." Aniya, tumango naman si Siel.
Trixie ang ginagamit na pangalan ni Trinity kapag mga costumer ang nagtatanong ng pangalan niya, naging kalakaran na rin kasi dito yun sa bar na 'to na huwag sabihin ang totoong pangalan sa mga costumer para sa safety purpose daw.
"So... Sir-- No I mean, Siel. Kaylan mo balak na simulan?" Tanong ni Trinity, dahil gusto pa niyang makapagpahinga incase na gawin nila yun.
"H-Ha?" Naguguluhang tanong ng lalaki.
"Yung alam mo na..." Mahinang sabi ni Trinity.
"Ahh, oo." Biglang tumayo si Siel at akmang tatayo na rin si Trinity ng biglang mapakunot ang noo niya ng makita niyang lumapit si Siel sa dala nitong bag at abala sa pagkuha ng kung ano mang nandoon, akala ni Trinity ay condom ang kinukuha nito pero hindi.
Nakita niya ang isang sketchbook at isang set ng mamahaling lapis.
"Pwede bang i-drawing kita?" Tanong ni Siel sa kanya kaya mas lalong naguluhan si Trinity.
"D-Drawing? Idu-drawing mo ako?" Gulat na tanong ni Trinity at tumango lang si Siel. Dahan-dahang tumatango si Trinity dahil hindi niya inexpect na iyon ang gustong gawin lalaki sa kanya.
"Dyan ka lang." Sabi ni Siel bago siya naupo sa kama.
"Nakahubad ba dapat ako Sir?" Tanong ni Trinity.
Biglang namula ang mukha ni Siel at mabilis siyang umilis, "H-Hindi, ayos na yan. W-Wag ka ng maghubad." Anito.
Napakunot ang noo ni Trinity pero tumango nalang siya at nagsimulang umangulo para naman maganda siya sa drawing.
"Fierce ba dapat o nakangiti Sir?" Tanong ulit ni Trinity, hindi kasi siya mapakali kasi hindi niya alam kung anong dapat gawin.
"Hindi ka ba mapapagod ngumiti?" Tanong ni Siel, awkward na natawa si Trinity.
"Medyo? Tsaka makikita yung gilagid ko." Natawa naman si Siel sa sagot ni Trinity kaya hindi rin napigilan ni Trinity na matawa dahil sa nahawa lang siya sa tawa ng lalaki.
"Oh sige kahit huwag ka ng ngumiti, maganda ka naman sa kahit ano sa dalawa." Anito.
Biglang namula ang buong mukha ni Trinity para bang uminit sa buong paligid niya, ilang beses na siyang nasabihan ng maganda ng mga costumer niya pero ngayon lang siya nagblush.
Nagsimula na siyang idrawing ng lalaki, minsan ay napakatagal ng titig nito sa kanya bago ito magsimula ulit sa pagdrawing, nakita niyang tinitingnan talaga nitong mabuti ang bawat features ng mukha niya.
May kakaiba sa tingin ng lalaki na nagiging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Trinity.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top