Chapter 6
Pinapanuod ni Celine si Trinity habang nagmimake-up ito ng makapal at inaayos ang kanyang fitted dress na sobrang iksi. Nagreready na ito para sa kanyang performance sa bar na 'to. Sikat at tanging mayayaman na tao lang ang kayang makapasok dito.
Hindi lang basta mga kabataan dahil karamihan ay may mga matatandang business man rin na nagsusugal sa ibang parte ng bar na 'to.
"Okay, Trinity! Be ready!" Sigaw ng baklang namamahala ng mga pakulo sa bar na 'to.
Sikat si Trinity dito dahil siya lang ang nag-iisang kumakanta dito, hindi siya naghuhubad sa harap ng mga tao, kumakanta at sumasayaw lang siya habang ang mga back up dancer niya ang mga naghuhubad, pero kahit na ganoon. Siya pa rin ang pinakagusto ng mga tao.
Biglang may isang kasamahan si Trinity ang tumulak sa kanya, napakunot ang noo ni Celine ng makitan iyang sinasadya iyon ng babae.
"Shit." Malutong na mura ni Trinity ng muntik na siyang ma-out of balance.
"Tumabi ka kasi, alam mo na ngang masikip humaharang ka pa." Ani ng babae.
"Alam mo na ngang masikip, dumadaan ka pa." Mataray na sagot ni Trinity, "Hindi mo ba kayang magsalita na sabihin na daan ka? O talagang nagtatanga-tangahan ka lang talaga?"
"Mas okay na magtanga-tangahan kaysa magpa-virgin kunware, bakit hindi ka maghubad? Hindi ko maintindihan kung bakit mas malaki ang sweldo mo sa amin eh hindi ka naman naghuhubad." Giit ng babae.
"Bakit sakin ka nagrereklamo?" Sarkastikong tanong ni Trinity, "Alam mo kung bakit mas malaki sweldo ko kahit hindi ako naghuhubad? Kasi mukha ko palang walang-wala na yung buong pagkatao mo." Mariin na sabi ni Trinity.
Napairap sa kawalan si Celine, alam niyang may magsisimula na namang away mabuti nalang ay biglang sumulpot ang bakla na nag-aayos sa kanila bago pa magsampalan yung dalawang babae.
Tiningnan ni Trinity na para bang inalipusta na niya ito gamit lang ang masamang tingin bago niya nilagpasan ang babae. Napabuntong hininga nalang si Celine at lumabas na para panuorin ang performance ni Trinity sa ibaba para mas mapanuod niya ito ng ayos.
Sa kabilang dako ng bar ay may isang lalaki ang napataas ang kilay ng makita niya ang babaeng kumakanta habang sumasayaw.
Hindi nga siya nagkakamali, nakikita nga niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap, tama siya, nakita niya ito ng isang beses, hindi siya nagkakamali, buhay nga ito.
Biglang napatayo ang lalaki at napatingin ito ng mabuti sa babae habang halos mamawis ang kanyang kamay at sumabog ang kanyang nararamdaman, sa kabila ng makapal na make up at makinang at maiksing suot nito ay natatandaan pa rin niya ang mukha ng babae kahit ilang taon na ang nakalipas.
Pero napakunot ang noo ng lalaki ng marealize niyang hindi ganoon kumilos ang dating kakilala niya.
♫ So baby, come light me up and baby I'll let you on it, A little bit dangerous, but baby, that's how I want it ♪
Pumapalakpak si Celine habang pinapanuod niya si Trinity, kahit kaylan talaga ang napakagaling nitong kumanta at sumayaw, kaya naman kahit dito lang nagpeperform si Trinity ay masaya pa rin si Celine na marinig ang boses ng dalaga habang kumakanta.
Alam niya kasing hilig talaga ni Trinity ang pagkanta at pagsayaw kaya naman masaya pa rin siya na nagagawa ni Trinity ang gusto nya.
♪ A little less conversation, and a little more touch my body, 'Cause I'm so into you, into you, into you ♫
Biglang natigilan si Celine sa pagpalakpak at pagsabay sa kanya ni Trinity ng may makita siyang pamilyar na lalaki na naglalakad patungo sa harapan ng stage na para bang may hinahanap.
"Zac!" Sigaw ni Celine.
Napatigil bigla ang lalaki ng marinign iyang may sumigaw ng pangalan niya, agad niyang nakita ang si Celine kaya naman napalingon muna siya sa buong paligid niya bago niya nilapitan ang anghel.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zac.
"Binabantayan ko ulit yung kaibigan ko hehe." Ani Celine.
"Ang swerte naman ng kaibigan mo, may taga-bantay pa." Biro ni Zac.
♪ Got everyone watchin' us, so baby, let's keep it secret, a little bit scandalous, but baby, don't let them see it ♫
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Celine.
"May hinahanap lang ako, nakita ko kasi na dito pumasok." Anito.
"Gusto mo tulungan kitang hanapin yung hinahanap mo?"
Biglang nagpanic ang lalaki at mabilis siyang umiling, "Hindi na, ayos lang. Ako nalang ang maghahanap sa kanya."
Nanlaki ang mata bigla ni Zac ng makita niyang may lalaki sa likod ni Celine, napatingin ito sa kanilang dalawa kaya mas lalong naguluhan si Celine dahil nagtama ang paningin nilang dalawa ng lalaki.
May iba pang nakakakita sa kanya bukod kay Zac?!
♫ A little less conversation and a little more touch my body, 'Cause I'm so into you, into you, into you, oh yeah ♪
"Shit, kapag tinanong ka niya kung sino ka, just tell him that your my fucking mortal slave." Kinakabahang utos ni Zac.
"Anong ginagawa mo dito Zac?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? What the fuck are you doing here Siel?" Tanong pabalik ni Zac.
"Wala naman, gusto ko lang magliwaliw." Sarkastikong sagot ng lalaki na Siel ang pangalan, napatingin ulit ang lalaki sa anghel na tahimik na pinapanuod ang dalawang lalaki na nag-uusap.
"And who's this?" Tanong ng lalaki kay Zac bago niya tinuro si Celine.
"I-I'm his f-fucking mortal slave." Kinakabahang sagot ni Celine habang hindi makatingin sa lalaki dahil hindi niya kayang magsinungaling.
Mabilis na napa-facepalm si Zac, "You are not supposed to say it like that."
"Mukhang hindi kayang magsinungaling ng fucking mortal slave mo Zac." Sarkastikong sabi ng lalaki.
"She's none of your business Siel. Fuck off stupid midget." Anito.
Biglang kinabahan si Celine, S-Stupid? F-Fuck off?
"Okay, Mr. Suckmydick, one centimeter lang ang tinaas mo sa akin dumbass." Singhal ng lalaki bago nito tinalikuran kami ni Zac.
S-Suck? D-Dick? D-Dumbass?
"Saan ka pupuntang gago ka?!" Sigaw ni Zac habang nagpipigil ng galit, tahimik lang silang pinagmasdan ni Celine, nagbabalik-balik sa kanilang dalawa ang tingin ng anghel.
"None of your business Zac."
At tuluyan ng nawala ang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top