Chapter 5

Nakaupo lang si Celine sa isang lumang swing sa isang playground, walang tao dito dahil hindi na rin naman interesado ang mga bata ngayon na maglaro sa playground, kadalasan ay naglalaro lang sila ng mga computer games at medyo tago rin kasi ang pwesto nito.

"Nahanap rin kita." 

Napa-angat ang tingin ni Celine sa nagsalita at nakita niya ang lalaking tinakbuhan niya kanina, napatingin siya sa buong paligid niya kung may iba pa bang tao.

"Bakit lagi ka nalang tumitingin sa paligid kapag kinakausap kita? Hindi ka ba sanay na kinakausap?" Tanong ng lalaki bago niya i-abot ang cotton candy na buo pa rin hanggang ngayon.

"P-Para s-sakin ba 'to?" Nauutal na tanong ng anghel.

"Hindi ba halata?" Tanong ng lalaki habang pinipigilan niya ang sarili niya na maging sarkastiko sa kainosentehan ng babaeng anghel.

"S-Salamat." Mabilis na kinuha ni Celine ang cotton candy sa kamay ng lalaki.

Pinagmasdan ulit ni Celine ang cotton candy habang halos kuminang na ang kanyang mata at hindi mawala ang ngiti sa labi niya, sinubukan niyang tikman iyon at mabilis siyang napangiti dahil naramdaman niyang natunaw iyon sa kanyang dila.

Napakunot ang noo ng lalaki pero hindi niya mapigilan na mapangiti, mabilis na tumayo ang babaeng anghel at niyakap ang lalaki, "Thank you! Thank youuuu!" Nagtatalo ang tuwa ang anghel pero biglang nawala ang ngiti niya ng mahulog iyon sa lupa dahil sa likot nya.

"NOOOO!!!" Sigaw ni Celine hanggang sa nanlumo siya ng tuluyan.

Biglang napasibi si Celine at akmang iiyak habang tinitingnan niya yung cotton candy kaya naman mabilis na nag-panic ang lalaki at inabot niya ang cotton candy na hawak niya.

"Eto, sa'yo nalang 'to. Umupo ka nalang dun baka mahulog na naman." Mabilis na sabi ng lalaki kaya mabilis na umaliwalas ang mukha ni Celine pero nakaramdam siya ng konsensya kaya naman umiwas siya ng tingin.

"Ayos lang, sa'yo nalang yan. Kasalanan ko naman kung bakit nahulog." Sagot ni Celine.

"Sa'yo nalang 'to, wag ka ng mahiya. Hindi rin naman ako mahilig sa matatamis." Ani ng lalaki.

Napatitig si Celine sa lalaki pero hindi siya kumikibo kaya naman kinuha ng lalaki ang kamay niya at inilagay doon ang cotton candy.

"Thank you talaga." Mahinang sabi ni Celine at ngumiti lang ng tipid sa kanya ang lalaki.

Naupo na ulit ang anghel sa swing habang pinagpapatuloy niya ang pagkain ng cotton candy, naupo rin ang lalaki sa isa pang swing habang pinapanuod niya si Celine na masayang kinakain ang cotton candy.

"Papaano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ni Celine. Bago biglang napakunot ang noo niya at biglang nanlaki ang kanyang mata, "Stalker ka!" Pang-aakusa ni Celine bago siya napatayo.

Bigla siyang kinabahan dahil baka may masamang balak sa kanya ang lalaki.

"Ako pa ngayon ang stalker? Hindi ba ikaw? Hindi naman siguro aksidente na lagi tayong nagkakasalubong, hindi ba?" Malumanay na tanong ng lalaki.

Napalunok si Celine bago siya dahan-dahang naupo ulit sa swing, medyo nahiya siya sa ginawa niya.

"Bakit mo ako sinusundan?" Diretsahang tanong ng lalaki sa kanya.

"K-Kamukha mo kasi si Murmur." Mahinang sabi ni Celine.

"Who the fuck is Murmur?!" Gulat na tanong ng lalaki dahil kakaibang pangalan na binanggit ng anghel.

F-Fuck?  

Nang marealize ng lalaking nagulat ang babae dahil sa sigaw niya ay bigla siyang napaupo para ayusin ang kanyang boses, "I mean, sino si Murmur?" Kalmadong tanong ng lalaki.

"S-Si Murmur, a-alagang pusa dati ni Trinity--"

"The fuck!? Pusa?! Tang inang yan." Singhal ng lalaki kaya naman nagulat ulit si Celine.

Nang marealize ng lalaki na nakatingin lang sa kanya ang babae ay napa-ayos ulit sya, napaupo siya ng ayos.

"Bakit mo nasabing kamukha ko yung pusa?" Kalmado ulit na tanong ng lalaki.

"K-Kasi..." Dahan-dahang nilapit ni Celine ang daliri niya sa mukha ng lalaki at sinundot niya ang pisngi nito, agad namula ang mukha ng lalaki sa ginawa ng anghel lalo na ng bigla itong ngumiti sa kanya.

"Cute mo kasi." Diretsahang sabi ni Celine na naging dahilan para mas lalong mamula ang lalaki.

"C-Cute?! Ako? CUTE?!" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki, ngayon lang may nakapagsabi sa kanya ng cute siya, kahit kaylan ay hindi siya cute sa mata ng kahit sino, dahil madalas ay kinakatakutan siya ng mga tao at pati na rin hindi tao.

"Cute ka naman talaga, lalo na kapag ngumingiti ka, nawawala yung mukha mo hehe." Dire-diretsong sabi ni Celine na naging dahilan para halos hindi mapakali ang lalaki, nagtataka siya kung bakit ganto ang sinasabi sa kanya ng babae at bakit ganto ang nararamdaman niya.

"Miss ko na nga pusa na yun, siya lang nakakausap ko sa bahay, cute-cute ni Murmur, pero bad na pusa yun. Lagi niyang kinakain yung ulam ni Trinity pati na rin yung ulam ng kapit bahay, tapos lagi siyang nangangalmot ng bata, pati aso inaaway niya, tapang-tapang nun. Lagi pang naninira ng gamit." 

Napataas ang kilay ng lalaki, "Mukhang hindi naman ganoon kasama na pusa." Anito.

"Bad talaga si Murmur, pero miss ko na yun sobra." Napayuko si Celine. 

"Nasan na ba yung pusa mo?" Tanong ng lalaki.

"Hindi ko pusa yun, pusa yun ni Trinity." Giit ni Celine, "Patay na si Murmur kasi nilason siya ng kapit bahay ni Trinity, sinipa kasi ni Murmur yung mamahaling vase niya." 

Napabuntong hininga ang anghel, "Wala siya sa langit, paniguradong nasa impyerno yung pusa na yun." Wala sa sariling sabi ni Celine.

Napataas ang kilay ng lalaki, "Paano mo nalaman na wala iyon sa langit?" Tanong nito.

Biglang nanlaki ang mata ni Celine at nagpanic siya pero hindi niya pinahalata, "A-Ano kasi, bad nga kasi di ba si Murmmur kaya wala siya sa langit." Paliwanag ni Celine.

"Ahh, Okay." Sagot ng lalaki, "Eh si Trinity? Sino siya? Kapatid mo?" Tanong nito.

"Hindi, ano ko siya... K-Kaibigan?" Nag-aalangang sagot ni Celine.

"Siya ba yung binabantayan mo sa club?" Tanong ng lalaki, dahan-dahang tumango si Celine.

Biglang nawala ang ngiti ni Celine ng may maalala siya, "T-Teka, anong oras na?!" 

Napatingin ang lalaki sa wrist watch niya, "11:36 pm." Sagot nito.

"Hala! Tapos na yung klase niya." Napatayong bigla si Celine sa swing kaya naman napakunot ang noo ng lalaki.

"Maauna na ko, pupuntahan ko pa yung k-kaibigan ko." Nagmamadaling sabi ni Celine, "Salamat sa cotton candy, thank you talaga!" At tuluyan ng nagtatakbo ang anghel pero bigla siyang natigilan at mabilis siyang lumingon sa likod niya.

Pero wala ng yung lalaki, napakunot ang noo ng anghel. 

"Ang bilis naman niyang mawala? Tatanungin ko sana yung pangalan niya." Napabuntong hininga si Celine bago siya akmang maglalakad na ulit ng bigla siyang natigilan ng makita niya ang lalaki na halos dumikit na ang mukha sa kanya. 

P-Paanong napunta siya sa harapan ko ng ganoong kabilis?

"My name is Zachariel, Zac for short." Nakangising sabi nito.

"S-Suck?" Nauutal na tanong ni Celine kaya naman hindi na napigilan ng lalaki ang napairap.

"Zac, as is Z-A-C." Giit nito.

Mabilis na tumango si Celine bago siya ngumiti sa lalaki, "Thank you Zac, see you next time."

Nagtatakbo na ang anghel papalayo, naiwan ang lalaki sa pwesto niya na hindi makagalaw, napalunok siyang bigla ng maramdaman niyang mas lalong ng init ang mukha niya. 

Napakagat si Zac sa labi niya dahil hindi mawala sa isip niya ang ngiti ng babae. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top