Chapter 4

Sinusundan lang ni Celine si Trinity habang naglalakad ito papasok sa paaralan, katulad ng araw-araw na buhay ni Trinity, lagi siyang pinagtitinginan ng mga lalaki at kinikindatan pa siya ng ilan sa mga ito habang ang mga babae naman ay tinitingnan rin siya pero gamit ang mga mapanghusgang mata.

Para kay Trinity ang impyerno nyang matuturing ang paaralan, pero wala siyang ibang choice kundi ang mag-aral dahil gusto niyang makapagtapos.

Nakita niyang inirapan ng dalawang babae si Trinity "Dukutin ko 'yang mga mata nyo eh." Singhal ni Celine sa dalawang babae pero hindi naman siya maririnig ng mga ito kaya naman tinabig nalang niya ang hawak nitong frappe para matapunan silang dalawa.

Napasigaw ang dalawang babae dahil namantsahan silang dalawa, "Buti nga sa inyo." Sabi ni Celine bago niya hinawi ang mahaba niyang buhok.

Nakita rin niyang sinipulan ng isang grupo ng mga lalaki si Trinity kaya naman hindi na nakapagpigil si Celine at binatukan niya ang isang lalaki.

Napatingin ang lalaking binatukan niya sa likod niya at agad niyang sinisi ang isa niyang kaibigan na naging dahilan para magsapakan ang dalawa hanggang sa naging rumble na iyon ng isang grupo.

Natawa si Celine sa kalokohang ginawa niya pero ang totoo niyan ay bawal ang ginagawa niya, iyan ang dahilan kung bakit naging pasaway na anghel si Celine sa paningin ni Adriel, si Adriel lang kasi ang nakakaalam sa mga ginagawa ni Celine.

Ilang beses na rin nangdaya si Celine sa exam ni Trinity, ayaw na kasi niyang umulit pa ang dalaga kaya naman minsan ay pinapalitan niya ang sagot ni Trinity at tinatama iyon para makapasa ang dalaga.

At madalas siya na ang gumaganti para kay Trinity dahil madalas ay hindi niya pinapansin ang mga taong nagmamaliit at nang-aalipusta sa dalaga. 

Pero bawal talaga ang ginagawa ni Celine, labag iyon sa batas sa itaas, bawal ang makialam sa buhay ng taong binabantayan mo, ang kaylangan mo lang gawin ang bantayan at protektahan. Hindi ang gumanti at mangdaya para sa mortal.

Nang magsimula na ang klase ni Trinity ay napatingin si Celine sa wall clock sa classroom, nakita niyang matagal pa ang tapos ng klase nito kaya naman lumabas muna si Celine sa paaralan para makapaglakad-lakad at tumingin-tingin sa paligid.

Mahilig mag-window shopping si Celine, as in window shopping lang talaga, iniimagine lang niya na suot niya ang mga nakikita niyang magagandang damit at mga sapatos. Minsan niyang sinubukang isukat ang damit na nasa isang fitting room pero aksidenteng may pumasok doon kaya naman may nakakitang mortal na lumulutang ang dress na sinuot ni Celine.

Kaya ayun, ilang araw lang ay kumalat na agad ang balita na naging dahilan para magsarado ang boutique, pagbalik ni Celine sa langit noon ay nakita agad niya si Adriel na naka-cross arms at nakataas ang kilay habang naghahantay ng explanation niya.

Hindi na niya ulit sinubukang magsukat ng damit pagkatapos noon.

Hindi napansin ni Celine na nakatulala na pala siya sa isang link pink dress, napayuko nalang siya bago siya dahan-dahang umalis sa harap noon at naglakad na palabas ng boutique.

Biglang nanlaki ang mata ni Celine ng makita niya ang isang malaking cotton candy na hawak ng isang bata, agad na lumawak ang ngiti ni Celine ng makita niya kung gaano kaganda iyon, pakiramdam niya ang isang ulap iyon na may kulay at nakakain. 

Agad na hinanap ni Celine kung saan iyon nang gagaling at nagtatakbo agad siya papunta doon, tuwang tuwa siya habang pinapanuod niya ang paggawa ng cotton candy, gusto niyang hawakan kaya naman sinusubukan niya pero nagulat siya ng nayupi iyon kaya naman tinigilan na niya ang pag-hawak at pinanuod na lang niya yun ulit.

Sinusundan ni Celine ng tingin ang mga batang bumibili na masayang-masaya habang naglalakad papalayo. Napanguso si Celine dahil gusto rin niyang tikman iyon, gusto rin niya na magkaroon ng cotton candy.

Biglang nawala ang atensyon ni Celine sa cotton candy ng may makita siyang pamilyar na lalaki sa harapan niya, nang magtama ang paningin nila ay muling kinabahan si Celine.

Hindi naman siguro niya ako nakikita di ba?

Umiwas ng tingin ang lalaki kaya naman halos makahinga ng maluwag si Celine, "Pagbilan po, pakidalawa na po." Sabi ng lalaki sa nagtitinda.

Pasimpleng tinititigan ni Celine ang lalaki kaya naman ng magtama ulit ang paningin nilang dalawa ay mabilis na tumingin si Celine sa likod niya dahil baka may tao lang sa kanyang likod pero wala.

Napangiti ang lalaki sa kanya dahil iyon rin ang kanyang reaksyon ng magkakita silang dalawa sa bar.

"Sa'yo nalang 'to. Mukhang gustong gusto mo." Inabot sa kanya ng lalaki ang isang cotton candy na may rainbow na kulay.

Agad na kuminang ang mga mata ng anghel habang tinitingnan pa lang ang cotton candy, kukunin na sana niya yun ng bigla siyang napatingin sa nagtitindang lalaki na nakatingin sa lalaking nag-aabot sa kanya ng cotton candy.

Pati ang ilang bumibili ang nakatingin rin sa lalaki.

Agad na nakonsensya si Celine, hindi siya nakikita ng ibang tao. 

Kaya naman kahit gustong-gusto niyang kunin iyon ay hindi niya iyon tininggap. 

"Sorry." Mabilis na sabi ng anghel bago siya nagtatakbo papalayo sa lalaki.

Magsasalita pa sana ang lalaki pero tuluyan ng nagtatakbo ang anghel, kahit na dire-diretso ang pagpapatakbo ng mga sasakyan sa kalsada ay walang alinlangan itong tumawid sa kalsada kaya naman mabilis na napakunot ang noo ng lalaki.

Dahil wala man lang kahit isa sa mga sasakyan ang huminto kahit na may taong tumakbo sa daan.

"Weird." Napangiti ang lalaki, "And I love weird."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top