Chapter 25

"Bakit mo ako dinala dito?"

Napatingin si Siel kay Bast habang si Azazel naman ay nakiki-chismis lang, wala naman naman kasi siyang ideya sa inutos ni Zac kay Bast eh.

"Punta ka daw banyo tas kunin mo yung prutas sa kabinet sabi ni Zac." Bored na sabi ni Bast.

"At bakit ko naman siya susundin?" Sarkastikong tanong ni Siel.

"Uhh, kasi mamatay na siya?" Wala ng maisip na dahilan si Bast.

Napairap si Siel dahil sa naisip na dahilan nito, alam ni Siel ang nangyari. Syempre, kalat na iyon sa itaas at sa ibaba. 

Halos lahat ng tao ay kilala na ang dalawa, ang ilan ay hinuhusgahan sila ang iba naman ay pinagtatawanan ang mga ito, habang ang iba ay wala naman talaga pakealam. Excited lang sila kasi ito ang unang beses na may mapaparusahan dahil may lumabag sa ipinag-uutos.

Sinunod ni Siel ang sinabi ni Bast, napakunot ang noo ni Siel ng makita niya ang isang pinagbabawal na prutas na nasa loob ng kabinet, sa ilalim noon ay isang sulat kaya naman mabilis niyang binasa iyon.

Mabilis na lumulong si Azazel at Bast para makichismis sa nakasulat sa papel.

Siel, sa mga oras na mabasa mo 'to. Hindi ko alam kung nasaan na ako, hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako sa kasalanang ginawa ko sa'yo. Gusto ko lang sabihin sa'yo na nakita ko ang reincarnation ni Celestin, nabubuhay siya sa panahon na 'to. Alam kong hindi na siya si Celestin na minahal mo pero alam ko na yung kaluluwa niya at ang kaluluwa ng taong minahal natin ay iisa.

Naalala mo pa ba ang pinagbabawal na prutas na kinain natin? Hindi lang isa ang pinitas ko ng mga oras na yun, nandito ang isa. Kainin mo 'to at hanapin mo si Celestin o ang bagong Celestin, alam kong alam mo kung anong mangyayari kapag nasobrahan ka pinagbabawal na prutas. Alam kong tuluyan ka ng magiging isang ganap na tao.

Dati ay kinuha ko ito para sa sarili ko, pero pagkatapos kong malaman ang kwento natin dalawa ay mas pinili kong ibigay 'to sa'yo. Pakiusap, hindi lang para sa'yo kundi para na rin sa akin. Hanapin mo si Celestin at ipagpatuloy nyo ang kwento nyong sinira ko. 

- Agustus.

"Who the fuck is Agustus? Ang angot ng pangalan." Reklamo ni Bast.

"Agree, putangina." Sagot ni Azazel.

Hindi sila pinansin ni Siel dahil natulala lang ito sa sulat ni Zac, napabuntong hininga nalang siya bago niya tinupi ang papel at ibinulsa niya.

"Wag mong sabihing kakainin mo nga 'yan?" Tanong ni Bast.

"Mukha ba akong walang balak kainin 'to?" Sarkastikong tanong ni Siel.

"Di mo na ulit kami makikita, sige ka." Pananakot ni Azazel.

"Pakealam ko sa inyo?" Pabalang na tanong ni Siel.

Nagkatinginan si Azazel at Bast, silang dalawa nalang ang matitira sa dorm, ang boring noon. Iyon ang nasa isip nilang dalawa, pero wala rin naman silang magagawa, hindi lang nila pinapahalata pero nalulungkot sila.

Ganoon rin naman si Siel pero syempre hindi rin niya pinapahalata.

Napangiti si Siel ng tiningnan niya ang prutas, tuso ka talaga kahit kaylan tss. 

Naglakad na si Siel papaalis ng bahay, napabuntong hininga nalang yung dalawa habang pinapanuod nila ito.

"Iiwan mo talaga kami?!" Sabay na tanong ni Azazel at Bast.

"Goodbye, Motherfuckers." 

Alas onse na ng gabi, tanging si Athena at Trinity nalang ang tao sa loob ng restaurant, nauwian na ang mga trabahador pati na rin ang mga chef, si Athena kasi ang inatasan ng kanyang mga magulang para magsara ng restaurant, habang si Trinity naman ay hinahantay lang nya ang kanyang kaibigan.

"So, hatid nalang kita sa apartment mo." Suhestyon ni Athena.

"Nako, wag na nakakahiya." Ani Trinity.

"Sa akin ka pa nahiya? Eh tayong dalawa na nga lang 'tong magkaibigan." Anito kaya naman napakamot sa batok si Trinity.

"Oh siya, napasa mo na ba yung requirement para sa scholarship mo?" Tanong ni Athena at tumango naman si Trinity.

"Anong nangyari?" Tanong ni Athena, napakagat sa labi si Trinity habang pinipigilan niya ang kanyang ngiti.

"Tanggap ako, tapos may allowance pa linggo-linggo dahil mataas ang grado ko nitong nakaraang semester, kaylangan ko lang i-maintain iyon." 

"Oh my gosh?! Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Athena, nahihiyang tumango si Trinity.

"Aww, Trinity! I'm so happy for you!" Mabilis siyang niyakap ni Athena, yumakap agad pabalik si Trinity. 

Saglit lang ang trabaho ni Trinity sa restaurant nila Athena dahil nga working student lang siya, at hindi naman ganoon kabigat ang trabaho niya dito lalo na at kasama naman niya si Athena mas lalong gumagaan ang trabaho para sa kanya. 

Naniniwala si Trinity na padala ng langit sa kanya si Athena, sobrang laki ng pinagbago niya ng makilala niya ito.

Biglang tumunog ang chimes.

"Sarado na po kami--" Natigilan si Trinity ng makita niya ang mukha ng lalaking pumasok sa restaurant. 

"S-Sorry, nakaabala pa ako?" Tanong ni Siel.

Napatulala si Trinity sa lalaki na may hawak na malaking teddy bear, pati si Athena ay natigilan bago nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa dalawa na magkatitigan habang nakangiti sa isa't isa. 

"Ohh, mukhang mag-isa akong uuwi ngayon..." Parinig ni Athena ng makita niya ang mukha ng lalaki, kamukhang-kamukha kung papaano ito idescribe ni Trinity sa kanya.

Napangiti ito habang dahan-dahang lumapit kay Trinity at siniko niya ito bago niya ibigay dito ang susi ng restaurant.

"Ibalik mo nalang sa akin 'yan bukas. Mauna na kong umuwi, babye! Ingat kayo!" Paalam ni Athena sa dalawa bago ito tuluyang umalis sa restaurant.

Nang makalabas na si Athena ng restaurant ay mas lalong kinabahan si Trinity, nitong mga nakakaraan ay nakakaramdam na siya ng hiya kay Siel siguro ay dahil nakikita na sila ngayon sa labas ng bar.

"Wala ka na daw sa bar?" Tanong ni Siel.

Tumango si Trinity, "Dito na ako nagtatrabaho sa restaurant ng kaibigan ko." 

"Hmm." Tumingin si Siel sa buong paligid hanggang sa may naalala siya, "Eto nga pala, para sa'yo." Inabot ni Siel ang teddy sa kanya.

"S-Salamat." Namumulang sabi ni Trinity ng tinanggap niya ito.

"Uhm, so... Libre ka ba bukas? May dalawang ticket kasi akong binili sa bagong labas na movie--" Natigilan si Siel sa pagsasalita ng hampasin siya ni Trinity sa braso.

"Saan mo nakuha yung lakas mo ng loob?" Pabirong tanong ni Trinity, hindi niya akalain na magkakaroon ng lakas na loob si Siel na yayain na siya sa wakas para sa isang date.

Napangiti si Siel bago siya napahawak sa kanyang bulsa kung saan nakalagay ang sulat ni Zac sa kanya.

"Sa kaibigan ko." Diretsong sabi ni Siel.

"Well, magpasalamat ka sa kaibigan mo kasi sasama ako sa'yo." 

Biglang nalaglag ang panga ni Siel bago siya mapasigaw ng YES! Kahit nasa harap lang niya si Trinity, pagkatapos magsisigaw ni Siel ay nagkatinginan sila sa isa't isa bago sila halos sabay na namula at napangiti.

Wala silang ideya na iyon na ang simula ng panibagong kwento nilang dalawa.

"Damn. It's a public humiliation." Malutong na mura ni Bast ng malaman niya ang gagawing parusa sa dalawa. 

Nakaupo sila ngayon malapit sa kulungan ni Zac, mamaya kasi ay paparusahan na ang mga ito. Nandito si Bast at Azazel, inaasar lang nila lalo si Zac pero hindi naman ito naasar sa kanila dahil masyado itong depressed. 

"Teka? Hindi ba pupunta dito si Siel?" Biglang tanong ni Bast. 

"Nah, alam mo namang magkagalit dalawang yan." Sagot ni Azazel.

"May magkagalit bang naghahalikan?" Nagtatakhang tanong nito.

Natawa silang dalawa ng malakas bago sila nag-apir, walang kwenta ang ginagawa nilang pang-aasar dahil hindi rin naman nakikinig sa kanila si  Zac. Nabobored na ang dalawa dahil ayaw silang pansinin nito kaya naman binalibag nila ito ng popcorn.

Walang ganang tumingin sa kanila si Zac na nakakulong pa rin.

"Ano?" Bored na tanong nito.

"Wag ka ngang ganyan, dude! Sikat ka na mamaya, pakasaya ka." Nandedemonyong sabi ni Bast, ineexpect niyang mumurahin siya ni Zac pero hindi siya pinansin nito.

"You got no jams, Zac. Akala ko si Siel lang ang walang jams. Tss." Inis na sabi nito.

"Ang boring mo naman Zac." Dagdag pa ni Azazel. 

Nabobored na ang dalawa kasi eto na ang huling beses nilang makakasama ito pero ayaw pa silang kausapin. Alam nilang puputulan ng pakpak ang si Zac at Celine, ibig sabihin nito ay tatangalin na rin ang kanilang pagiging anghel at demonyo. 

Mamatay sila dito.

Ibig sabihin noon ay muli silang mabubuhay sa mundo, ipapanganak sila at magkakaroon ng sari-sariling pamilya, pero hindi nila makikilala ang isa't isa. Hindi na nila matatandaan ang isa't isa.

Iyon ang mas lalong kinakalungkot ni Zac. Wala silang magagawa, makatakas man sila ngayon ay hindi nila alam kung hanggang kaylan sila makakapagtago, madali lang silang mahahanap ng mga ito. Walang kahirap-hirap iyon para sa kanila dahil pareho silang hinahanap ng magkaibang panig.

Silang dalawa ang unang beses na lumabag sa batas, silang dalawa ang unang beses nagmahal ng kasalungat nila.

"Bast..." Tawag ni Zac dito. 

Napataas ang kilay nito, "Bakit?" 

"Nagawa mo ba yung inuutos ko?"

"Oo, kinuha ni Siel at binasa rin yung sulat mo." Sagot nito.

"Salamat." Tipid na sabi ni Zac na naging dahilan para muntik ng mahulog ang dalawa kinauupuan nila.

"N-Nagpasalamat siya sayo." Bulong ni Azazel, hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Alam ko putangina, narinig ko." Bulong pabalik ni Bast.

Natikhim si Zac sa reaksyon nila, hanggang sa nawala ang ngiti nila ng biglang may mga pumasok na mga bantay para sunduin na siya.

Malungkot siyang tiningnan ng dalawa habang hinihila na siya palabas ng kulungan, ngumiti si Zac sa kanila bilang pagpapaalam.

"Dude, akin nalang mga damit mo ah." Ani Azazel at tumango naman sa kanya si Zac.

"Akin nalang yung bahay mo." Hindi nagpatalo si Bast, tumango lang rin sa kanya si Zac. 

Napangiti ang dalawa sa kanya bago ito kumaway, kahit kaylan hindi nila tinuring na kaibigan ang isa't isa pero kahit hindi nila sabihin iyon ay ganoon pa rin ang nararamdaman nila. Magkakaibigan silang apat kahit hindi nila ito sabihin.

Sumunod si Azazel at Bast sa mga kawal, paglabas nila ay nakita nila kung gaano kadaming anghel at mga demonyo ang nanunuod, si Celine ay nandoon na. Nang makita niya si Zachariel ay napangiti siya ng malungkot. 

Simula't sapul alam na nilang mangyayari ito sa kanilang dalawa pero sumugal pa rin sila, pero hindi sila nagsisisi na pinaglaban nila ang isa't isa. 

Si Haven ay kanina pa iyak ng iyak, sa totoo lang hindi lang kanina dahil walang araw itong hindi umiiyak, katabi niya si Radj at Timothy na parehong nanunuod rin. Si Adriel ay nasa harapan malapit kay Celine. 

Nang madala na si Zachariel sa tapat ni Celine ay mas lalong dumami ang mga taong nanunuod. 

May nagsasalita sa harapan pero hindi nakikinig si Celine at Zachariel, nakatingin lang sila sa isa't isa pero sa pagkakataon na 'to ay hindi sila malungkot. 

Masyadong malayo ang kanilang agwat kaya naman kahit magsalita sila ay hindi nila maririnig ang sinasabi ng isa't isa kaya naman mas pinili nalang matinginan nalang.

Pinagmasdan nila ang isa't isa, alam nilang ito na ang huling beses nilang magagawa iyon. Hindi nila pinapansin ang mapanghusgang tingin sa kanila ng mga tao, nagngingitian lang silang dalawa na para bang nag-uusap sila sa kanilang isip.

"Release the blade!" Sigaw ng isang anghel.

Napapikit ng mariin si Adriel ng marinig niya ang sinabi nito, mas lalong naging tutok ang mga manunuod.

 "H-Hindi ko kaya." Ani Haven bago siya nagtatakbo papalayo, hindi niya kayang panuorin ang mangyayari sa kanyang kaibigan. 

Susundan sana ni Timothy si Haven pero pinigilan siya ni Radj, "Hayaan mo munang mag-isa si Haven." Anito kaya naman tumango nalang si Timothy.

Sinundan ng tingin ni Azazel ang babaeng anghel na tumatakbo papalayo, pero hindi rin niya ito sinundan dahil iniisip niya na kaylangan nito ng oras para mapag-isa. 

Kinindatan ni Zac si Celine na naging dahilan para mamula ang pisngi ng babaeng anghel.

"I love you." Halos sabay nilang bulong kaya pareho silang napangiti.

Kung iisipin ng iba ay wala sila sa tamang oras para magharutan, pero kaylan nga ba ang tamang oras, panahon, o lugar para iparamdam mo sa isang tao na mahal mo siya? 

Kapag hindi mo na kayang gawin? Kapag huli na ang lahat?

Halos sabay ipinikit ni Zachariel at Celine ang kanilang mga mata, handa na sila sa mga susunod na mangyayari.

Napalunok ang mga nanunuod ng makita nilang nakangiti ang dalawang immortal noong bumagsak sila ng wala ng buhay.

Kahit nasa harapan si Adriel ay hindi niya napigilan ang pag-alis sa lugar dahil hindi niya kayang makita si Celine sa gantong sitwasyon.

Habang unti-unting bumabagsak ang mga luha sa mga mata ni Radj at Timothy ay siya namang pagpipigil ng luha ni Bast at Azazel sa kabilang sulok. Si Haven ay nakaupo sa gilid malayo sa mga tao, nakatakip siya sa kanyang tenga habang patuloy siya sa kanyang pag-iyak.

Kumalat ang mga dugo ng dalawang nagmamahalan na unti-unting nagiging abo, katulad nalang ng kanilang mga katawad. Tinangay ito ng malakas na hangin. 

Nag-alisan na ang mga nanunuod ngunit natira ang ilan dito na nakakakilala sa dalawa bilang magbigay ng dalamhati.

Lilipas ang panahon at maaring makakalimutan nilang lahat ang nangyari sa dalawa, maaari rin na manatili itong isang kwento para magsilbing aral sa mga susunod na henerasyon sa kabilang mundo. 

Pero hindi mabubura ng mahabang panahon na minsan ay may dalawang immortal na magkaiba ng pinagmulan ang minsang nagmahalan sa kabila ng kanilang pagsuway ay nanatili sila sa isa't isa.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top