Chapter 24
Nagtapon ng piraso ng alambre si Adriel sa kulungan ni Celine bago siya mabilis na tumakbo patungo sa mga bantay na anghel.
"Nasan si Celine?! Akala ko ba nandoon siya sa kulungan?" Sigaw ni Adriel sa mga anghel, mabilis na nagkatinginan ang mga ito.
"Pinatakas nyo sya?" Galit-galitang tanong nito habang binabalik niya ang susi sa dati nitong lalagyan.
"Hindi ba kayo nag-iisip?! Bakit hindi nyo siya sa loob binantayan?!" Sigaw nito.
Sinasadya niyang kagalitan ito ng mas matagal para mas maraming oras si Celine na makatakas, hindi niya tinitigilan ang pagsermon sa mga ito hanggang sa marealize niyang sapat na oras na para makatakas si Celine ay tsaka palang siya tumigil.
Habang naglalakad si Adriel ay nakita niya si Haven na may kasamang lalaki, mabilis na napakunot ang noo nito ng makita niyang hindi pamilyar ang lalaki sa paningin niya kaya naman mabilis siyang humarang sa dinadaanan ng dalawa.
Halos atakihin sa puso si Haven dahil sa biglang pagsulpot ni Adriel.
Mabilis na nagkatinginan ng masama si Adriel at Zac. Nagbabalik-balik lang ang tingin ni Haven sa dalawa dahil naramdaman nya agad ang tensyon sa dalawang lalaki.
"Nakatakas na si Celine." Pagbasag ni Adriel sa katahimikan.
Mabilis na nagulat si Haven sa sinabi nito. "P-Paano siya nakatakas?"
"Pinatakas ko." Kalmadong sabi nito.
Nagkatinginan ulit sila ni Zac pero this time ay mas kalmado na ang tingin nila sa isa't isa. "Ingatan mo si Celine, hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya." Banta ni Adriel.
Tumango si Zac sa kanya.
"May daan sa likod, malamang doon dumaan si Celine. Sa mundo nyo na siya hanapin, bumaba na kayo bago pa may makilala sa lalaking 'to."
Nagkatinginan si Haven at Zachariel bago sila tumango kay Adriel at nagtatakbo na sila para makaalis sa lugar.
"T-Teka? Paano nakapunta dito yun?" Bigla itong naguluhan.
Napakunot ang noo ni Adriel habang sinusundan niya ng tingin si Zac, talagang tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa, natikhim siya ng mawala na ito sa kanyang paningin.
"Mas gwapo naman ako ng di hamak doon, tss."
•
"Mas madali kung maghihiwalay tayo ng daan." Suhestyon ni Zac ng makababa na sila ni Haven ng mundo, tumango nalang ang anghel sa kanya bago sila tuluyang naghiwalay ng daan.
Panay ang takbo ni Zac habang lumilingon siya sa kanyang paligid, hanggang sa marealize niya kung saan niya palaging nakikita si Celine. Mabilis siyang kumaliwa ng daan para magtatakbo patungo sa lumang playground kung saan sila laging nagkakatagpo.
Malayo palang ay natatanaw na niya si Celine nakaupo sa swing kaya naman mas lalong napabilis ang kanyang takbo.
"Celine!" Sigaw ni Zac.
Napaangat ang tingin ni Celine sa tumawag sa kanya, bakas ang takot sa mga mata ni Celine ng makita niya si Zac.
Mas lalong nagmadali si Zac pero habang lumalapit siya ay mas lalo niyang naaninaw ang tali nito sa kamay at sa bibig.
At doon narealize ni Zac na huli na sila pareho.
Bago pa siya tuluyang makalapit kay Celine ay may humawak na sa kanyang mga kamay at mabilis siyang pinosas.
Malungkot nilang tiningnan ang isa't isa.
"Celine..." Mahinang tawag ni Zac, nang makita niyang unti-unting may bumagsak na luha sa mata ni Celine ay mabilis na nagwala ito.
"Celine!" Sigaw ni Zac habang pilit niyang tinutulak ang mga demonyong may hawak sa kanya, ngayon lang niya narealize na may mga demonyo at may mga anghel sa lugar na 'to.
Nandito ang mga anghel para hulihin si Celine at nandito naman ang mga demonyo para hulihin siya.
Halos manghina si Zac ng makita niyang umiiyak si Celine, mas lalo siyang nagwala ng makita niyang lumalapit na ang mga anghel para hulihin siya.
"A-Anong gagawin nyo sa kanya?! Bitawan nyo siya! Fuck!" Sigaw ni Zac bago niya sinipa ang isang demonyo sa itlog nito.
Napabitaw ito sa kanya kaya naman nagawa pa niyang lumapit ng kaunti kay Celine yun nga lang ay may ilan pang nakahawak sa kanya.
"Ililigtas kita dito, tatakas tayo!" Umiling si Celine sa kanya, wala na silang takas. Nahuli na silang pareho, wala na silang pagkakataon para takasan ito.
"Celine, don't cry. Please... Mas lalo akong nahihirapan eh." Pagmamakaawa ni Zac.
Kahit na hirap na hirap na si Celine ay pinipilit niyang huwag umiyak, pero mas lalo lang siyang naiiyak at nahihirapan na nakikitang nagkakaganito si Zac.
Naimanage ni Celine na tanggalin ang tali sa bibig niya kaya naman nagawa niyang magsalita.
"I love you..." Sambit ni Celine habang pinipigilan niya ang mga anghel na hilahin siya.
Hindi niya alam kung magagawa pa ba niya itong sabihin sa kanya sa mga susunod na araw, buwan, o taon. Kaya naman sinabi na niya ito agad hanggang kaya pa niya.
"I love you too." Sagot ni Zac.
Mabilis na hinarap ni Zac ang mga ito, "Ako na lang ang pahirapan nyo! Wag nyo na siyang idamay dito, ako nalang parusahan nyo! Ako naman may kasalanan nito, ako ang nagsimula kaya ako nalang, wala siyang kasalanan." Sigaw nito.
"No, ako nalang!" Sigaw ni Celine.
Napairap sa kawalan si Bast na nakaupo sa gilid habang kumakain ng popcorn, "Disgusting." Aniya.
Napatingin sa kanya si Azazel bago ito tumango sa kanya bilang pagsang-ayon tsaka kumuha sa kinakain niyang popcorn, habang si Haven naman na katabi nila na kanina pa hindi mapakali. Iyak ito ng iyak na para bang nanunuod ng isang tragic na love story.
Inabutan siya ng panyo ni Azazel at tinanggap naman niya iyon, pero sabay na napangiwi si Bast at Azazel ng singahan ito ng anghel bago magpatuloy sa pag-iyak.
Hindi sila makalapit dahil madadamay sila panigurado. Wala silang magawa kundi ang manuod.
"Fuck it! If you live, I live. If you die, then I fucking die too! Let's just fucking do it together! Hindi ko kayang harapin 'to mag-isa! I need you! I want to be with you whatever it takes!" Sigaw ni Zac bago pa siya tuluyang mahila papalayo.
Dahan-dahan tumango si Celine habang pinipigilan niya ang pag-iyak niya.
"Promise me Celine!" Halos mapaos ang boses niya sa lakas ng pagkakasabi niya.
"I promise!" Sigaw pabalik nito.
Sa huling pagkakataon, malungkot nilang tiningnan ang isa't isa. Wala silang kamalay-malay na iyon na ang magiging huling beses nilang pag-uusap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top