Chapter 22
Hindi inakala ni Zachariel na ganoon kabait na tao si Celine para makapagpatawad ng ganoon kadali, hindi niya rin akalain na ganoon katindi ang pinagdaanan ng anghel kaya naman mas lalo siyang naging maingat dito.
Nakahiga sila ngayong dalawa sa kama ni Zac, nakayakap sa kanya ang anghel habang hindi mahimbing itong natutulog, ilang araw ng walang matinong tulog si Zachariel simula ng malaman niya ang kwento ni Celine.
Not all angels are pure. Iyon ang mga sinambit ni Celine na hindi mawala-wala sa isip ng lalaki.
Sabado na ng gabi ngayon, kaylangan ng bumalik ni Celine sa langit bukas dahil kung hindi ay mahahalata siya ng mga kasama nito ang ilang araw niyang pagkawala.
Ilang araw na rin nag-aalala si Celine kay Trinity pero hindi niya kayang harapin ang babae, natatakot siya na masaktan ulit siya kapag nakita niya ito kaya naman mas pinili niyang huwag muna itong puntahan, alam naman niyang may kaibigan na si Trinity na magpoprotekta sa kanya at hindi siya pababayaan.
Kaya naman nakakaya na ni Celine na ipagkatiwala ito sa iba.
Nakatulala lang si Zac habang hinihimas niya ang buhok ng anghel, wala siya sa sarili niya. Tuwing umaga ay masaya silang dalawa pero tuwing gabi ay napapaisip na si Zachariel sa mga bagay-bagay, natatakot siya na baka isang araw ay hindi na niya makita ulit si Celine.
Nang makita ni Zac na malapit ng magliwanag ay ginising na niya si Celine, dahan-dahang napadilat ang anghel at unang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Zac kaya naman napangiti ito bago pinikit niyang muli ang kanyang mata pagkatapos ayusin ang pagkakayakap kay Zac.
"Gising na, malapit na mag-umaga, malamang hinahanap ka na sa itaas." Paalala nito.
"Saglit nalang, gusto muna kitang mayakap ng mahigpit." Anito.
"Buong gabi ka ng nakayakap sa akin." Natatawang sabi ni Zac.
"Hehe." Yun lang ang sagot ni Celine bago tuluyang idinilat na ang kanyang mata.
"Sige na, mag-ayos ka na."
Tumango sa kanya si Celine bago ito kumalas ng yakap, mabilis na naghanda ang anghel sa kanyang pag-alis.
Si Zachariel naman ay lumabas saglit ng kwarto para may kuhanin sa sala, natigilan si Celine sa pag-aayos ng makita niya umalis ito. Napatingin muli si Celine, sa kulay pulang kurtina sa tapat ng lumang piano.
Napalunok siya bago siya dahan-dahan na naglakad patungo dito, kahit nag-aalangan ay binuksan pa rin iyon ni Celine. Halos matulala siya sa nakita niya.
Isa itong lumang portrait ng isang babae, sobrang nabigla si Celine sa kanyang nakita.
"T-Trinity?" Hindi makapaniwalang tanong ni Celine, napababa ang tingin ni Celine sa nakasulat sa ilalim mukhang luma na ang pagkakaukit doon pero maiintindihan pa rin ang pagkakasulat.
"P-Princess Celestin..." Napalunok si Celine.
Mabilis niyang ibinalik ang pagkakasarado ng kurtina, wala sa sarili si Celine.
Para bang hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman o dapat niyang maging reaksyon. Narinig niyang papalapit na ang yapak ni Celine kaya naman mabilis niyang pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata niya.
Matapos ng maiyos ni Celine ang kanyang sarili ay lumingon siya kay Zachariel na pinapanuod ang kanyang bawat galaw. Napangiti siya pero kita mo ang lungkot sa kanya.
"Pikit ka." Bulong ni Zachariel.
Napakunot ang noo ni Celine pero sinunod pa rin niya ang sinabi nito, pumikit nga siya hanggang sa maramdaman niyang kinuha ni Zac ang kanyang kamay at may inilagay doon.
Hindi pa man din sinasabi ni Zachariel na dumilat siya ay idinilat na agad niya ang mata niya, naglaglag ang kanyang panga ng makita niya ang singsing na nakasuot sa kanya.
"Saan mo nakuha 'to?" Tanong ni Celine.
"Wag mo ng tanungin." Natatawang sabi ni Zac bago sila magkatinginan na dalawa.
Bago pa siya tuluyang umalis ay mabilis niyang niyakap at hinalikan si Zachariel.
"Babalik ako dito, babalik ako. Pangako." Ani Celine sa pagitan ng bawat halik.
"Dapat lang Celine dahil maghihintay ako."
"Sige na, aalis na ako." Naunang kumalas ng yakap si Celine. Kahit lutang pa rin siya sa mga nangyayari at sa mga nalaman niya ay sigurado pa rin siya na babalikan niya si Zac.
Sa huling pagkakataon ay malungkot nilang tiningnan ang isa't isa.
Bakit ba kasi mali ang pagmamahalan nila sa kanilang mundong ginagalawan?
•
Pagtungtong palang ni Celine sa langit ay mabilis na napatayo si Adriel ng matanaw siya nito, nagtatakbo ang lalaki patungo kay Celine para hawakan ito sa magkabilang braso nito.
"Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Adriel.
Napakunot ang noo ni Celine, "Galing ako sa mundo, obvious ba?"
"Anong ginawa mo sa mundo?" Seryosong tanong ni Adriel.
Napaiwas ng tingin si Celine, "Binantayan ko si Trinity." Pagsisinungaling ng anghel.
Tumango si Adriel bago niya binatawan si Celine, napatingin si Celine kay Adriel na tila may kinukuha hanggang sa may inilabas itong papel.
"Good, at least hindi ikaw yung pinaghahanap na ng mga Archangels." Ani Adriel bago niya itaas ang isang papel.
Parang nalaglag ang puso ni Celine, bakit naman sila may hinahanap na anghel? Ang alam kasi niya ay naghahanap lang ito kapag may mga anghel na sumuway sa patakaran.
"B-Bakit daw? A-Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ni Celine.
"May nakakita daw sa isang babaeng anghel na may kasamahang demonyo, cute di ba?" Sarkastikong tanong ni Adriel.
Napaiwas ng tingin si Celine, paano na si Zachariel kapag nalaman ito ng nasa ibaba?
"Kasabay rin ng may nagreport nito ay ang pagkawala sa mo Celine, sinabi sa akin ni Haven na nawala ka daw dahil nag-aalala na siya sa'yo ay inireport na niya yun sa akin." Tumalim ang tingin ni Adriel sa kanya.
"Mahigit isang linggo ka niyang hinihintay Celine, isang linggo rin niyang binantayan si Trinity." Malamig na sabi nito.
"Nasaan ka ng mga oras na yun?" Hinampas ni Adriel ang kanyang table kaya halos napatalon si Celine sa gulat.
"Celine! Ikaw lang ang anghel na nawawala nung mga oras na yun!" Sigaw pa ni Adriel. "Sinong kasama mo nung mga araw na yun?" Mariin na tanong nito.
Napailing si Celine bago siya akmang lalabas na ng biglang bumukas ang pintuan ni Adriel, bakas ang gulat sa mga mata ni Celine ng makita niya ang mga Archangels sa harapan niya.
"Ako ng bahala sa kanya." Malamig na sabi ni Adriel bago ako hawakan niya sa wrist ko, napatingin ako kay Adriel.
Tiningnan ko siya gamit ang nagmamakaawa kong mga mata, hindi ko pwedeng iwan si Zac. Kaylangan kong bumalik doon, naghihintay siya sa mundo, hinihintay niya ako.
Akmang hahawakan na ng mga anghel si Celine kaya naman napaurong ito, natatakot na siya sa mga oras na 'to. Alam niyang wala na siyang takas. Habang papalapit ng papalapit ay mas lalong napapaurong si Celine pero pinigilan sila ni Adriel.
"Wag nyo siyang hawakan." Anito.
"Ako ng magdadala sa kanya sa kulungan." Dagdag pa ni Adriel, tumango sa kanya ang mga anghel.
"Adriel, please..." Pagmamakaawa ni Celine pero umiwas lang ng tingin sa kanya si Adriel.
Nawasak ang puso ni Celine sa ginawa ng kanyang kaibigan, hinila siya ni Adriel palabas pero ramdam niya ang pagiging maingat nito kahit na hinihila siya nito. Nakasunod sa kanila ang mga anghel.
Ramdam ni Celine ang mga titig sa kaniya ng mga anghel, ang ilan ay bakas ang awa sa kanilang mga mukha ang ilan naman ay nagbubulungan tungkol sa kasalanang ginawa niya. Natanaw ni Celine ang dalawa niyang kaibigan, si Radj at Timothy na parehong hindi makapaniwala sa nakikita nila ngayon.
"Celine..." Mahinang tawag ni Timothy sa kanya pero hindi siya makalingon dito.
Malamang ay na-disappoint niya ang kanyang mga kaibigan, si Adriel at ang lahat ng mga anghel dahil sa kanyang ginawa.
Malamang ay kilala na siya ngayon bilang isang anghel na nakipagrelasyon sa isang demonyo pero wala siyang pakialam.
Wala siyang pakialam sa sasabihin ng lahat sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top