Chapter 21

Tahimik na iniinom ni Celine ang kanyang kape, dinadama niya ang init nito dahil hanggang ngayon ay nilalamig pa rin siya pero alam naman niyang hindi siya magkakasakit pero kahit na ganoon ay gusto pa rin niyang mawala ang lamig sa kanyang katawan.

"So, Celine..." Paninimula ni Zac kaya naman napataas ang kilay ng anghel.

Hindi pa rin siya sanay na tinatawag siya nito sa kanyang pangalan, "Hindi ko alam kung anong mga sinabi mo sa aking totoo at hindi." Biro ni Zac kaya naman napairap sa kawalan si Celine.

"Huwag kang mag-alala hindi ako nagsinungaling sa'yo bukod sa pangalan ko." Sagot nito.

"Okay?" Nang-iinis na sabi ni Zac. 

"Baka ikaw nagsisinungaling sakin?" Tanong rin ni Celine.

"Hindi ako nagsisinungaling sa'yo." Dipensa agad ni Zac. "Siguro marami pa akong hindi nasasabi sa'yo pero hindi ako nagsinungaling ng kahit isang beses sa'yo." 

"Kagaya ng?" Nag-angat ng kilay si Celine habang naghahantay ng kasunod na sasabihin ni Zac.

"Kung bakit alam ko kung anong dati kong pangalan at bakit nakikita ako ng mga tao." Sagot nito.

Biglang nagsink in sa utak ni Celine iyon, naalala niyang nabubura ang memorya ng mga tao kapag namamatay sila, pero si Zac... Naalala niya ang nangyari sa kanya.

"B-Bakit nga ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Kinain namin yung pinagbabawal na prutas." Tipid na sagot ni Zac.

"W-What?! Bakit?!" Biglang napasigaw si Celine. 

"Ibang pinagbabawal na prutas iyon Celine, malamang hindi ka pa nakakakita ng isa." Paliwanag nito, "Naalala mo yung lalaking nakita natin sa bar? Si Siel, siya ang kasama kong kumain noon."

"Pero bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ng anghel.

"Dahil wala lang, trip lang namin? Tuso kaming mga demonyo, wala naman talaga kaming sinusunod, si Siel lang kaisa-isahang demonyo na nakasundo ko. Matagal kaming magkaibigan dahil halos magkasabay lang kaming dumating sa impyerno." Paliwanag nito.

Napatulala si Zac habang inaalala niya ang mga nangyari, "Pagkatapos na pagkatapos naming kumuha ng tig-isang prutas ay doon nasira yung pagkakaibigan namin, pero hindi alam ni Siel na may tinago akong isang prutas sa bulsa kasi kung tuso siya, mas tuso ako." 

"Bakit nasira ang pagkakaibigan nyo?"

"Kasi nalaman namin kung anong dahilan ng pagkamatay namin, naalala namin lahat." Sumimsim ng kape si Zac bago siya tumingin kay Celine.

"Si Siel ang pumatay sa akin." Napayuko si Zac.

Natigilan si Celine sa sinabi nito, hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon.

"Pero naiintindihan ko siya, naiintindihan ko yung nagawa niya sa akin" Napangiti ng mapait ang lalaki.

Gusto sanang magtanong ni Celine kung papaano pero mas pinili nalang niyang huwag ng magsalita pa.

"Bago ako mamatay, anak ako ng isang hari." Napatikhim si Zac, "Hindi halata pero malapit ng ipasa sa akin ang tungkulin ng pagiging isang hari ng mga panahon na yun at nakatakda na rin akong ikasal sa isang prinsesa kabilang bayan." 

"M-Mahal mo ba siya?" Tanong ni Celine.

Napatango si Zac, "Minahal ko siya." 

Napaiwas ng tingin si Celine dahil sa sinabi nito.

"Pero hindi pareho yung nararamdaman namin kasi may mahal siyang iba, mahal niya ang isang apo ng taga pagsilbi ng kanilang pamilya--"

"Wait, wag mong sabihing..." Natigilan si Celine ng magkatinginan silang dalawa ni Zac, kahit tingin palang ay alam na nilang pareho ang iniisip ng isa't isa.

Kaya naman muling tumango si Zac, "Oo, si Siel yung tinutukoy ko." 

"Isang araw bago kami ikasal, nakita ko silang dalawa... sa loob mismo ng palasyo namin, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noon, basta alam ko nagdilim ang paningin ko noon, hindi ko kasi kaya na makita siya na may kasamang iba sa kwarto--" Natigilan si Zac sa pagsasalita bago unti-unting may bumagsak na luha sa mga mata niya.

"Masyado akong makasarili, Celine. Wala akong iniisip kundi sarili ko lang, ang nasa isip ko ay akin yun, kaya yung akin ay dapat akin lang, hindi pwedeng mapunta sa iba." Giit ni Zac.

"Kaya n-napatay ko siya..."

Biglang napahawak si Celine sa bibig niya dahil sa sinabi ni Zac.

"N-Napatay ko si Celestin." Pilit na pinipigilan ni Zac ang kanyang luha.

"Pero pinagsisihan ko yun, ang tagal ko ng pinagsisihan yun, para akong nilalamon ng konsensya ko araw-araw tuwing naalala ko yun, para akong paulit-ulit na pinapatay." Aniya bago niya nilapag ang tasa na ubos na ang labas.

"Hindi ko magawang patawarin ang sarili ko sa nagawa ko, si Siel pa kaya?" Tanong nito. 

Tumayo si Celine para yakapin ito ng mahigpit halos mapaupo na siya hita ni Zac ng yakapin niya ito, nang maramdaman niyang niyakap siya pabalik ni Zac ay mas lalong humigpit ang yakap niya dito ng maramdaman niyang nababasa ang kanyang damit dahil ayaw nitong ipakitang umiiyak siya.

Nanatili sila sa ganoong pwesto, "Darating yung araw na mapapatawad ka rin ni Siel." 

"H-Hindi ko alam Celine, hindi ganoon kadaling magpatawad." Aniya.

Napailing si Celine, "Maiisip rin ni Siel na wala rin matutunguhan kung hindi ka niya papatawarin, pareho lang kayong mahihirapan." 

"Papaano mo nagagawang sabihin 'yan Celine, hindi mo naiintindihan eh."

"Naiintindihan ko Zac, kasi ako? Nagawa kong mapatawad yung taong pumatay sa akin." Napangiti si Celine.

"K-Kilala mo ang pumatay sa'yo?"

"Hmm, pinaliwanag sa akin ni Adriel--"

"Who the fuck is Adriel?" Biglang napabitaw ng yakap si Zac para tingnan si Celine pero mabilis siyang pinitik nito sa noo.

"Leader namin si Adriel." Paliwanag nito.

"Leader namin si Bast pero hindi halata." Sarkastikong sabi ni Zac kahit hindi naman kilala ni Celine ang tinutukoy niya.

"So ayun nga, pinaliwanag sa akin ni Adriel na kapag daw namatay ka ng napatawad mo agad yung nagkasala sa'yo ay magkakaroon ka ng pagkakataon na maalala ang nangyari yun nga lang ay hindi mo matatandaan kung anong mukha nila." Paliwanag ni Celine habang titig na titig sa kanya si Zachariel.

"Anong nangyari Celine?" Nag-aalalang tanong nito.

Napaiwas ng tingin ang anghel bago siya napabuntong hininga.

"Pinatay at ginahasa ako ng sarili kong tatay." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top