Chapter 2

Nakakahilo ang buong lugar dahil sa lakas ng ingay ng tugtugan at ang mga sigawan ng mga taong lasing na lasing na, idagdag mo pa ang makukulay na neon lights na nagwawala kasabay ng malakas na beat.

Halos malunod sa alon ng mga tao si Celine pero hindi niya makita si Trinity, kaya naman mas minabuti niyang pumunta sa sulok hanggang sa matangpuan na niya ang hinahanap niyang babae na akay-akay ng gwapong lalaki na kanina lang niya nakilala.

"Please, please, please, wag kang gagawa ng katangahan." Pakiusap ni anghel kahit siya lang naman ang nakakarinig bago niya sinundan ang dalaga.

Napasinghap si Celine ng makita niya si Trinity na papasok sa isang VIP room, alam niyang sanay na siyang nangyayari sa dalaga ito pero hindi pa rin niya maatim iyon.

Araw-araw nangyayari, halos paulit-ulit. Nakakasawa sa paningin ng anghel pero hindi kay Trinity.

Wala siyang magagawa para baguhin iyon, nandito lang siya para bantayan at protektahan ang dalaga, wala siyang kakayahan na baguhin ang takbo ng pamumuhay nito.

At isang bagay iyon na nakakasakit sa damdamin ni Celine, kahit hindi siya kilala ng dalaga ay mahalaga ito para sa kanya. Hindi niya kayang nakikitang nagkakaganito si Trinity.

Napakagat sa labi si Celine sa sobrang kaba ng biglang isinarado na nila ang pintuan. Hindi niya kayang panuorin iyon kaya nanatili siya sa labas, naupo siya sa may gilid doon at hihintayin lang niyang matapos iyon bago siya pumasok.

Ganto ang buhay niya bilang isang guardian angel ng isang pasaway na babae.


Nagising si Celine na sumasakit ang kanyang ulo. Napatingin agad siya sa kanyang sarili at nakita niyang nakatulog pala siya sa gilid at hindi na siya nakapasok sa loob para bantayan si Trinity.

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kwarto at hindi niya nakita si Trinity doon kahit ang lalaki, inilibot niya ang buong paningin niya at nakita niya ang suot ni Trinity na damit kagabi na nakakalat lang sa sahig hanggang sa makarinig siya ng duwal mula sa banyo.

Mabilis siyang nagtatakbo patungo sa banyo at nakita niyang sumusuka si Trinity, halos wala pa rin siya sa kanyang sarili, gulo-gulo ang buhok niya at kumalat na ang kanyang pinaghalong eye shadow, mascara at eyeliner. Habang nakaunderwear lang siya ay nakaupo siya sa sahig ng banyo.

Na-out of balance si Trinity at napahiga siya sa malamig na tiles ng banyo, muntik na talaga itong mauntog kaya lang ay mabilis na sinapo ni Celine ang ulo ng dalaga bago niya ito dahan-dahang hiniga sa sahig.

Nakita niyang natawa si Trinity kaya napakunot ang noo ng anghel.

"Shit, ang lakas ng guardian angel ko sa likod." Isang malakas na tawa na naman lumabas sa mga bibig ng dalaga. 

Napangiwi si Celine sa sinabi nito, pinagmasdan niya si Trinity na halos wala pa rin sa sarili niya. Nakatulala lang ito at mukhang malalim ang iniisip ng dalaga. Hanggang sa unti-unting may lumabas na luha sa mga mata nito.

Nag-aalalang pinagmasdan ni Celine ang dalagang humahagulgol, halos mapakunot ang noo ni Celine ng makita niyang may hawak na pera si Trinity. Napakagat sa labi ang anghel bago niya naramdamang may namumuong luha rin sa mata niya.

Maganda si Trinity, hindi makakaila iyon pero ginagamit niya ang ganda niya sa hindi tamang paraan, walang pamilya si Trinity, namatay ito noong pitong taong gulang pa lang siya, tumira siya sa tita niya at ng tumungtong siyang 16 ay sinipa na agad siya papaalis ng bahay nila dahil nakuha na nila ang lahat ng pera ng mga magulang ni Trinity.

Pinipilit ni Trinity na makapag-aral kahit walang nagpapaaral sa kanya, siya ang gumagawa ng paraan, yun nga lang hindi maganda ang paraan niya.

Pero anong magagawa ni Celine? 16 pa lang si Trinity ay namulat na siya sa maling paraan, ngayon ay 22 na siya ganoon pa rin ang ginagawa niya, mas lumala iyon nung tumungtong siya ng college. 

Nang mapagod na si Trinity sa kakaiyak ay dahan-dahan niyang tiningnan ang ilang libong hawak niya bago siya napangiti ng mapait habang binibilang niya ito.

"Makakabayad na rin ako sa tuiton ko at... ayos, may pambayad pa ko sa apartment." Napangiti ng mapait si Trinity.

Napakunot ang noo ni Celine ng makita niyang may ilang sugat si Trinity at katawan niya, napairap ang anghel, "Bakit kaylangan pang manikit, di ba nila kayang makipag-sexual intercourse ng hindi nanakit? Anong meron sa pananakit?" Iritadong tanong ni Celine sa sarili niya.

Pinanuod ng anghel ang dalaga na dahan-dahang tumayo na para bang nag-iingat sa paglalakad, nag-ayos na ito dahil may pasok pa ito mamaya. Matalino si Trinity, kaya naman kayang kaya niyang ipasa ang kolehiyo, yun nga lang ay madalas itong late o hindi nakakapasok at walang pang-gawa ng project lalo na kapag may involve ditong pera. Kaya naman ilang beses na rin siyang nag-summer class pero kinakaya pa rin niyang pumasa.

Kahit papaano ay makikitaan mo pa rin ng pangarap si Trinity, gusto niyang yumaman, yun lang ang gusto niya, kasi iyon ang akala niyang makakapagpasaya sa kanya, siguro nga mapapasaya ka ng mga makamundong bagay.

Pero pansamantalang kaligayahan lang yun.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top