Chapter 14

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Trinity, nag-offer kasi sa kanya si Athena ng isang scholarship sa simbahan, kasama na rin ang isang trabaho sa restaurant na pag-aari ng pamilya ni Athena, mas maliit ang sweldo doon pero tama lang para mabayaran yung pangangailangan niya lalo na tsaka may scholarship naman na kasama.

Narealize ni Trinity na lumagpas ang lipstick nya dahil masyado siyang tulala. Kaya naman kumuha agad siya ng wipes para punasan ito.

"Trinity, may nagparequest daw sa'yo sa VIP room." Sigaw ng isa niyang katrabaho.

"Sige, susunod na ko." Sabi niya bago niya inayos ang kanyang buhok mula sa salamin at kumuha ng pabango at winisik iyon sa kanya.

Nang masigurado niyang maayos na iyon at binaba niya ng konti ang damit niya para lumabas ng kaunti ang dibdib niya pero hindi niya alam kung bakit nailang siya kaya naman itinaas niya ulit iyon para hindi iyon makita. 

Napaisip siya na wala rin naman kwenta kung itaas niya o hindi iyon, makikita rin naman ng costumer iyon. 

"Trinity!" Sigaw na naman ng katrabaho niya.

"Oo na, eto na!" Sigaw niya pabalik bago siya naglakad na patungo sa VIP room.

Kumatok siya sa pintuan at hindi siya pinagbuksan nito kaya naman binuksan nalang niya iyon basta-basta. Natigilan siya ng makita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Biglang nag-init ang buong mukha niya ng marealize niya kung sino iyon.

Pero nakaramdam siya ng lungkot, kasi ngayon lang siya ulit nagpakita sa kanya. 

"Hi, Sir." Sabi ni Trinity bago niya isinarado ang pinto.

"Di ba sabi ko sa'yo, Siel nalang." Anito.

"Yeah, oo nga pala. Nakalimutan ko na, tagal na kasi nating hindi nagkita." Medyo nagpapatamang sabi ni Trinity.

"Oo nga eh, busy kasi. Daming trabaho kaya hindi agad ako nakapunta dito." Sabi nito na para bang obligasyon nya na makipagkita kay Trinity.

Nang marealize niyang nakakahiya yung sinabi niya ay bigla syang napayuko, hindi naman sila magkaano-ano kaya hindi naman nito obligasyon na makipagkita sa kanya.

"Maupo ka muna." Pag-ooffer ni Siel kaya naman umupo si Trinity sa sofa.

"Wait, may ibibigay ako sa'yo." Sabi nito kaya naman tiningnan ni Trinity kung ano ang kinukuha ni Siel kaya naman bigla siyang natigilan ng makita niya ang isang bouquet ng white roses at chocolates.

Inabot iyon ni Siel sa kanya kaya naman mas lalo siyang namula, hindi siya makapagsalita kasi hindi siya makapaniwalang binigyan siya ng costumer niya ng ganto. 

"P-Pero Sir. H-Hindi ko matatanggap 'to." Mabilis na sabi ni Trinity.

"Bakit naman hindi? A-Ayaw mo ba ng white r-roses? A-Akala ko kasi m-mahilig ka dyan..." Napatingin si Trinity sa puting rosas, hindi niya alam kung papaano nalaman ni Siel na mahilig siya doon, o talaga lang nanghula siya ng hilig ni Trinity.

"Hindi sa ganoon. Hindi lang talaga kami pwede tumanggap ng kahit ano sa costumer, in short hindi kami pwedeng magpaligaw sa costumer." Nahihiyang sabi ni Trinity. 

Nahiya na naman siya sa sinabi niya dahil baka nag-assume lang siya na liligawan siya ni Siel. Hindi naman porket binigyan ka ng flowers and chocolates ay liligawan ka na di ba? 

"Pero... Sayang naman 'to." Malungkot na sabi ni Siel habang tinitingnan yung mga dinala niya, biglang nakonsensya si Trinity ng makita niya ang reaksyon ni Siel kaya naman mabilis siyang tumayo at lumapit sa binata.

"Sige ganto nalang, gusto mo bukas puntahan kita tsaka ko kukunin 'yan. Baka kasi mahuli ako ng amo ko. Matatanggal ako sa trabaho ko." Paliwanag ni Trinity.

"No, mag-aabala ka pa." Sabi ni Siel, "Akin ka naman buong gabi, kaya..." Natigilan si Siel sa pagsasalita niya.

"Bukas ng umaga, hintayin kita sa labas ng bar. Hahatid kita sa inyo, kung ayos lang naman sa'yo." Aniya.

Natigilan si Trinity sa sinabi nito pero mabilis siyang napangiti sa sinabi nito bago siya mabilis na tumango. "Syempre naman, gusto rin kita na makilala ng labas sa trabaho ko, yung kakausapin kita hindi dahil bayad mo ang oras ko." Paliwanag ni Trinity.

"Gusto kong ibigay sa'yo yun ng walang kapalit." Sincere na sabi ng dalawa kaya naman napangiti rin ang binata.

Naupo sila sa kama bago binalik ni Siel ang bulalaklak at tsokolate sa kanyang bag, "So, kamusta yung exam mo?" Pangangamusta ni Siel.

"Uhm, maayos naman. Nakapasa ako sa lahat yun nga lang hindi siya masaya pero ayos na rin yun kasi naabot ko yung passing grade." Ani Trinity.

"Mabuti naman, malapit ka na ba makapagtapos?" Tanong ni Siel.

"Hindi eh, ilang beses na kasi akong bumagsak kaya hanggang ngayon ay 3rd year college palang ako, dapat tapos na ako nung isang taon." Pagkwento ni Trinity.

"Sana makapagtapos ka para hindi ka na dito nagtatrabaho." Malumanay na sabi ni Siel.

Napaiwas ng tingin si Trinity, nahihiya talaga siya kapag napapag-usapan ang trabaho niya. Wala naman siyang ibang paraan, hindi kasi makakasurvive ang isang 16 years old na babae sa mundong ito sa malinis na paraan kaya naman wala siyang nagawa kundi itulak ang sarili niya sa bangin.

Simula ng mahulog siya sa bangin ay hindi na siya muling nakabangon doon, wala siyang kakayahang bumangon kasi once na subukan niyang tumakas ay mas lalo lang siyang mahuhulog. 

"H-Hindi iyon yung ibig kong sabihin, I-I'm sorry." Mabilis na paghingi ng tawad ni Siel ng marealize niya ang sinabi niya.

"No it's okay." Sabi ni Trinity, naiintindihan naman kasi niya ang ibig nitong sabihin.

"I'm sorry, hindi ko lang kasi kayang isipin hinahalikan ka ng ibang tao." Malungkot na sabi ni Siel.

Natigilan si Trinity sa sinabi ni Siel, ayaw man niyang mag-isip ng kahit ano pero nag-aassume na talaga siya na gusto rin siya ni Siel.

Ngumiti si Trinity sa kanya bago siya mabilis na hinalikan nito, hindi makapaniwala si Siel sa ginawang paghalik sa kanya ni Trinity.

"Iyan yung pangalawang beses kong humalik sa lalaki." Paliwanag nito.

"K-Kaylan yung u-unang beses?" Nauutal na tanong ni Siel.

"Noong unang beses kang pumunta dito."  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top