Chapter 13
Pagbukas ni Zac ng kanyang pintuan ay bumungad sa kanya si Celine na may malawak na ngiti, gulat si Zac na pinagmasdan ang babae dahil sinabi nito dati na hindi siya pwede tuwing linggo, pero eto siya ngayon. Nasa harapan niya.
"Oh shit." Malutong na mura ni Zac ng bigla siyang yakapin ni Celine.
Bahagyang napaurong si Zac dahil sa biglang pagsampa sa kaniya ni Celine, natawa siya ng bahagya bago niya inalalayan ng ayos Celine para hindi niya ito mabagsak, para bang isa 'tong babasaging bagay na kaylangan niyang ingatan.
Isinarado niya ang pinto ng kanyang bahay bago niya dinala si Celine sa loob nito ng hindi man lang binababa, rinig na rinig niya sa mahinang tawa ni Celine dahil halos nasa tenga niya lang ang bibig ng babae.
"Bakit ka nandito? Ginulat mo ko." Ani Zac.
"Sorry, namiss lang kita hehe." Awkward na sabi ni Celine kaya naman napakagat sa labi si Zac para pigilan niya ang ngiti niya.
Hindi siya sanay na nagpapakita ng emosyon, sa totoo nga lang buong akala niya ay wala na siyang emosyon. Hindi na niya matandaan kung kaylan siya huling beses na ngumiti bago niya makilala ang anghel.
Dinala ni Zac si Celine sa kanyang kwarto at hiniga niya ang babae doon, nakangiti lang si Celine habang hinahantay niyang tumabi sa kanya ang lalaki. Mabilis niya itong niyakap ulit, hindi niya alam kung bakit kontento na siya na nasa tabi lang niya si Zac.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Zac habang tinitingnan niya ng malapitan."
"Ikaw?" Sagot nito.
"Ha?!" Biglang namula ang buong mukha ni Zac dahil sa sinabi nito, hindi niya maiwasan na maisip agad yung bagay na yun, nang tinusok ni Celine ang pisngi niya ay bumalik sa huwisyo.
"Ikaw anong gusto mong kainin? Ikaw na bahala, basta wag lang hayop. Ayokong kumain ng mga bangkay." Ani Celine.
Biglang nahiya si Zac sa naisip niya, bakit ba ganun ang biglang pumasok sa isip niya?
"S-Sige, magluluto lang ako. Dyan ka lang." Sabi ni Zac, tumango si Celine bilang pagtugon.
Hinalikan ni Zac si Celine sa noo bago siya bumangon at pumuntang kusina. Habang naghahanda siya ng lulutuin ay bigla siyang nagtaka ng may makita siyang white feathers na lumilipad. Dalawang piraso iyon kaya naman mabilis niya iyong kinuha para tingnang mabuti.
Napakunot ang noo niya dahil hindi naman iyon balahibo lang ng isang ibon. Mabilis niyang ibinulsa iyon bago niya pinagpatuloy ang pagluluto niya.
Natigilan siyang ng may maramdaman siyang mahigpit na yakap mula sa likuran niya, hindi niya maiwasang mapangiti ng marinig niya ang tawa ni Celine.
"Sabi ko sa'yo maghintay ka sa kwarto eh." Aniya kahit ang totoo ay masaya siya sa biglang pagyakap ng babaeng anghel.
"Eh kasi naman, ayoko mag-isa dun, tsaka ayokong mawala sa tabi mo." Parang batang paliwanag ni Celine, natawa nalang si Zac.
Hindi niya alam kung bakit simula ng makilala niya si Celine ay napapadalas ang pagtawa niya at pagngiti niya. Hindi na rin siya ganoon kagalit sa mundo.
"Tsaka napapanuod ko sa TV kapag nanunuod ng movie si Trinity, ganto ginagawa ng mga magboboyfriend, habang nagluluto yayakap sila sa likuran." Pagpkwento pa ni Celine.
"Mm hmm." Ani Zac na abala pa rin sa pagluluto niya.
"Syempre, gusto ko rin gawin sa'yo yun. Ayoko namang maging boring na girlfriend sa'yo."
Biglang natigilan si Zac ng marinig niya ang salitang girlfriend, napansin ni Celine na natigilan ang lalaki kaya naman dahan-dahan siyang napabitaw sa pagkakayakap niya sa likuran ni Zac.
"A-Ano, sorry. H-Hindi ko naman a-alam na h-hindi tayo mag--"
Natigilan si Celine sa pagpapaliwanag niya ng humarap sa kanya si Zac, napayuko si Celine dahil sa hiya niya, akala niya kasi ay may relasyon na silang dalawa.
Dahan-dahan inangat ni Zac ang mukha ni Celine, pero ayaw tumingin sa kanya ng babae kaya naman hinalikan niya ito para maagaw ang atensyon niya. Namula na naman ang buong mukha ni Celine dahil sa ginawa ng lalaki.
"Hindi ko naman sinabing hindi kita girlfriend ah? Nagulat lang ako kasi unang beses 'yan na lumabas sa bibig mo." Paliwanag ni Zac, hindi alam ni Celine pero mas lalo siyang namula sa sinabi nito.
"Gusto ko, okay? Pero mas gusto ko kung higit pa dun." Ani Zac.
Napaiwas ng tingin si Celine, hindi pwede. Hindi siya pwedeng ikasal sa mortal, kahit nga ang pakikipagrelasyon ay bawal rin, pero anong magagawa niya? Masaya siya dito, hindi niya kayang takasan si Zac. Bawat araw ay mas lalo siyang nahuhulog at nahuhumaling sa binata.
Hindi na niya kayang umahon kasi lunod na lunod na siya.
Alam niyang mali na sinumulan niya ito pero kapag kasama na niya ito ay pakiramdam niya ay tama ang lahat ng ginagawa niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit mali na makasama ang taong mahal mo.
"Anong iniisip ng pinakamagandang babae sa lahat, hmm?" Tanong ni Zac ng makita niyang wala sa sarili si Celine.
"Iniisip ko lang kung hanggang kaylan tayo ganto." Paliwanag ni Celine.
Napakunot ang noo ni Zac sa sinabi nito, "Anong hanggang kaylan?"
"Kasi pakiramdam ko hindi na magtatagal 'to. Natatakot ako na matapos 'to. Natatakot ako. Hindi ko kaya." Paulit-ulit na sabi ni Celine habang may tumatakas na luha sa mata niya.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi 'to matatapos, hindi ko papabayaang matapos 'to." Mariin na sabi ni Zac habang pilit niyang hinuhuli ang paningin ng anghel na umiiwas ng tingin sa kanya.
"Hindi mo naiintindihan Zac, hindi mo naiintindihan." Napayakap ng mahigpit si Celine kay Zac ng magsimula itong humagulgol.
Hinayaan lang ni Zac na yakapin siya ni Celine, hinihintay niyang humupa ang luha ni Celine bago niya ito muling kausapin pero mukhang hindi na ito titigil kaya naman hinarap niya ang anghel sa kanya.
Sa wakas ay tumingin na ito sa mga mata niya, bakas mo ang lungkot sa mukha nilang dalawa, hindi lang nila alam pero pareho sila ng nararamdaman sa mga oras na 'to.
Hinalikan ni Zac si Celine sa labi, kahit na umiiyak ang anghel ay hinayaan niya ito. Kasi sa mga oras na 'to ay iyon ang kaylangan niya, kaylangan niya si Zac. Kaylangan nila ang isa't isa.
Pero natigilan silang dalawa sa paghahalikan ng may maamoy silang nasusunog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top