Chapter 11

Nang matapos ang klase ni Trinity ay mabilis niyang pinagtanong kung anong section Athena, marami ang hindi nakakakilala dito kaya naman sinuwerte na siya ng mga isang kaklase nito ang nakakilala sa kanya.

Mabilis na tinuro ng lalaki ang dinadaanan ni Athena kanina, sinusundan naman siya ngayon ni Celine, nang magkatanawan na agad ang magkaibigan na si Celine at Haven ay nagsenyasan agad silang dalawa.

Gusto nilang maging magkaibigan ang dalawa para maging magkasama rin madalas si Haven at Celine. Yun lang talaga ang plano ni Haven pero si Celine, gusto rin niya na maranasan ni Trinity na magkaroon ng kaibigan. Yung totoong kaibigan.

Ang sabi kasi ni Haven ay mabait si Athena, as in sobrang bait talaga yun nga lang ay walang kaibigan dahil nga madalas ay sinasamantala ng mga tao ang kabaitan nito. Weird rin sa paningin nila si Athena dahil masyado itong religious at hindi nakauso ang fashion sense nito. 

Nang matanaw ni Trinity si Athena ay mabilis siyang nagtatakbo papunta dito kaya naman nagtatakbo rin si Celine, pareho silang excited ni Haven sa ginawa nilang plano. 

"Hi, eto ba yung hinahanap mo?" Tanong ni Trinity.

Agad na nanlaki ang mata ni Athena at napangiti siya, "Hays, thank you Lord! Akala ko ay nawala ko na." 

Inabot ni Trinity ang ID ni Athena at panay ang pasasalamat ni Athena. "Pasensya ka na, naabala pa kita." Anito.

"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman kung bakit 'yan nahulog." Sabi ni Trinity. 

"Pwede mo namang ibigay sa lost and found, nag-abala ka pa. Pasensya ka na talaga at salamat ng marami."

Napangiti si Trinity, "Ayos lang, sa dami ng mali kong ginawa sa mundo hindi mababawi ng simpleng pagbalik ng ID yun."

Natigilan si Athena sa sinabi ng dalaga, "Lahat ng tao nagkakamali, walang taong perpekto, wala ni isa, pero mapagpatawad ang Panginoon dahil lahat tayo ay anak ng Diyos, ang kaylangan lang nating gawin ay tanggapin siya sa buhay natin." 

"Amen." Bulong ni Haven kaya naman napatingin sa kanya si Celine.

Tumango si Trinity sa sinabi ni Athena, naniniwala si Trinity sa Diyos pero hindi nahihiya siyang humarap dito. Nahihiya siyang magsimba dahil kinakahiya niya ang sarili nya, nahihiya siya sa trabaho niya. Hindi makapagsalita si Trinity pero nginitian siya ni Athena.

"By the way, thank you talaga..." Naghahantay si Athena na sabihin nito ang pangalan niya.

"Trinity." Tipid na sabi nito kaya naman napangiti ito.

"Thank you Trinity." Aniya.

"You're welcome, Athena." Nahihiyang sagot nito.

Naglilibot-libot ngayon ang dalawang magkaibigan habang nasa huling klase ang dalawang mortal nilang binabantayan wala namang nakakakita sa kanila kaya naman masaya silang namamasyal sa isang parke. 

Panay ang pagputok nila ng mga lumulutang na bula habang nagkukwentuhan silang dalawa kung papaano nila mapagkakasundo ang dalawang mortal para maging magkaibigan ang dalawang yun.

Pareho kasi silang nag-aalala sa mga ito dahil parehong walang kaibigan, kung magiging magkaibigan ang dalawang binabantayan nila ay paniguradong magiging mabuting kaibigan ito sa isa't isa kagaya nalang ng pagkakaibigan ni Haven at Celine.

Habang naglalakad si Celine ay natigilan siyang bigla ng makita niya ang isang pamilyar nalalaking papalapit sa kanya.

Halos kumabog ang dibdib niya ng mapatingin siya kay Haven na abala pa rin sa pagputok ng mga bula na pinapalobo ng isang batang nagtataka kung bakit madaling mawala ang kanyang mga hinihipan.

Hindi alam ni Celine ang gagawin niya kung iiwasan ba niya si Zac pero bago pa siya makapag-isip ng ayos ay nasa harap na niya ang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zac kay Celine, hindi makapagsalita si Celine dahil baka nakatingin na si Haven sa kanya..

Bago pa makapagsalita si Celine ay nasa tabi na niya si Haven at nakatitig kay Zac, ganoon rin si Zac sa babae, nakita ni Celine ang bakas ng gulat sa mukha ni Haven.

"N-Nakatingin ba siya sa atin?" Kinakabahang tanong ni Haven kay Celine.

"Kaibigan ka ba niya?" Tanong ni Zac kay Haven, napasigaw bigla ito at pinaghahampas si Celine.

"Oh my gosh! Kinakausap nya ko!" Sigaw ni Haven.

Nagulat si Zac sa reaksyon ng babae, napakunot ang noo nito habang pinagmamasdan niyang mabuti ang buong paligid dahil nakakaagaw atensyon ang ginawang pagsigaw ng kaibigan ni Celine pero walang tumitingin sa kanila.

"Alam ko susko, alam ko." Ani Celine, nahihiya sa ginagawang pagwawala ni Haven.

"Uhm Zac, kaibigan ko nga pala." Pakilala ni Celine sa kaibigan niya, biglang napanganga ng malaki ang kanyang kaibigan bago ito nagwala ulit.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Magkakilala kayo!" Sigaw na naman ni Haven.

"Kalma! Ano ba! jusko! Nakakahiya ka." Bulong ni Celine sa kaibigan niya.

"Papaano ako kakalma, nakikita tayo ng--" Mabilis na tinakpan ni Celine ang bibig ng kanyang kaibigan bago pa nito natuloy ang sasabihin niya.

"Saglit lang Zac. Kakausapin ko lang 'tong kaibigan ko." Pagpapaalam ni Celine bago niya mabilis na hinila ang kaibigan niya patungo sa gilid kung saan tamang layo lang para hindi sila marinig ni Zac.

"Kumalma ka nga Haven! Oo nakikita niya tayo, kaya umarte ka ng normal." Ani Celine.

"Normal namang reaction 'to kapag nalaman mong nakikita ka ng isang mortal hindi ba?!" Giit ni Haven kaya naman napafacepalm nalang si Celine.

"Okay, kumalma ka please. Magkakilala kasi kaming dalawa eh." 

Napakunot ang noo ni Haven sinabi ni Celine, "Sure ka na magkakilala lang kayong dalawa?" Tanong ni Haven.

Biglang nagulat si Celine sa tanong ng kaibigan niya.

"Hindi kasi ganoon ang nakikita ko sa pamumula ng pisngi mo." Malumanay na sagot ni Haven. 

Napayuko si Celine, kaya mas lalong nakunpirma ni Haven na may nararamdaman nga ito sa lalaki.

"Don't tell me siya yung sinasabi mong kamukha ni Murmur?" Napatango si Celine kaya naman napatango nalang si Haven.

Napangiti ang kaibigan ni Celine na anghel bago ito nagtatakbo papunta kay Zac, biglang nanlaki ang mata ni Celine dahil kung ano na namang masabi ni Haven.

"Hi, ikaw pala yung crush ng kaibigan ko!" Sigaw ni Haven.

Napangiti si Zac bago niya pinasadahan ng tingin si Celine.

"Best friend niya ako, my name is Angel." Pakilala ni Haven.

Biglang nanlaki ang mata ni Celine, napakunot ang noo ni Zac bago sya napatingin kay Celine nagtataka sa sinasabi ng babae.

"Parehong Angel ang pangalan nyo? Wow." Hindi makapaniwalang tanong ni Zac.

Nagkatinginan si Haven at Celine bago awkward na ngumiti si Celine, "Nope, Haven ang pangalan nya." Mabilis na sabi nito.

Kinunutan siya ng noo ni Haven dahil sinabi nito ang totoong pangalan niya sa isang mortal.

Napakibit balikat nalang si Celine kay Haven. Wala siyang choice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top