Chapter 10

Medyo nakamove on na si Celine sa ideyang kumain siya ng bangkay ng manok pero nakokonsensya pa rin siya dahil pakiramdam niya ay kinain niya si Murmur dahil pareho lang rin namang hayop iyon.

Nakayakap si Celine sa braso ng binata, wala siyang pakialam kahit tatlong beses pa lang silang nagkikita dahil una sa lahat wala naman siyang ideya na iba kakaiba pala ang tingin ng mga tao dun. Akala niya ay normal lang iyon basta magkaibigan kayo.

Pinabayaan lang ni Zac si Celine sa pagyakap niya sa braso niya habang nanunuod sila ng movie, panay ang reklamo ni Celine na bakit malalaki ang mga anghel at bakit magaganda ang mga suot nito.

Hanggang sa nawala ang atensyon ni Celine sa palabas at napunta iyon sa isang malaking kurtina.

"Anong nasa likod ng kurtina na yun?" Tanong ni Celine bago niya ituro iyon.

Napatingin si Zac doon, "Yun ba? Wala yun, wag mo ng tingnan." Sabi ni Zac bago niya binalik ang tingin niya sa movie.

"Ahh, okay." Sagot ni Celine kahit na parang may nagtutulak sa kanya na tingnan iyon pero isinantabi nalang niya ang nasa isip nyang yun at binalik ang atensyon sa palabas.

Malapit ng mag-umaga pero ayaw pang umalis ni Celine sa tabi ng lalaki pero wala siyang choice.

"Pwede ba akong bumalik dito?" Tanong ni Celine, napatingin sa kanya si Zac. 

"Syempre naman." Sagot nito.

"Pero tuwing gabi lang ako pwede, ayos lang ba sa'yo?" Tanong ulit ni Celine.

"Yeah, ayos lang." Mabilis na napangiti si Celine dahil sa sinabi ni Zac.

"Promise?" Tumango si Zac. 

"Promise, basta mag-iingat ka sa pagpunta mo dito, alam mo namang nasa gitna ng gubat ang bahay ko." Anito.

"Oo, mag-iingat ako." Ani Celine.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Zac ng makita niyang malapit ng mag-umaga.

Napatingin rin si Celine sa bintana bago siya tumango ng ibalik nya ang tingin sa binata, "Thank you." Ani Celine.

Tumango si Zac bago niya hinawi ang buhok ni Celine, pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ni Celine, sa isip-isip ni Zac ay mas mukhang anghel ang dalaga sa malapit, pero hindi niya alam na literal na anghel naman talaga ito.

Naramdaman ni Celine na nag-init ang mukha niya ng marealize niyang sobrang lapit ng mukha ni Zac sa kanya. Ramdam na nila ang mainit na hininga ng bawat isa, malamig ang panahon pero pinagpapawisan silang dalawa.

"Ipangako mo sa akin kahit anong mangyari, uuwi ka sa akin." Halos magtindigan ang balahibo ni Celine sa malalim na boses ni Zac.

"Promise." Diretsong sabi ni Celine.

Walang kumikibo sa kanilang dalawa, hanggang halos sabay nilang ipinikit ang kanilang mga mata at mas lalong ilapit ang kanilang katawan sa isa't isa, walang nagsalita o sumenyas, nagkataon lang talaga na pareho nilang gustong hilakan ang isa't isa sa mga oras na yun. 

Hinawakan ni Zac ang mukha ni Celine para mas lalo niya itong mailapit sa kanya. Mabagal at kalmado ang kanilang paghahalikan.

Halos sabay rin silang bumitaw sa halik bago sila muling magkatinginan, mabigat ang paghinga ng dalawa at namumula ang kanilang mga labi.

"Damn." Malutong na mura ni Zac ng marealize niyang malaking gulo ang pinasok niya pero wala siyang nararamdamang kahit anong pagsisisi sa paghalik kay Celine.

Katulad ni Celine na nakalimutan ng ilang saglit na isa siyang anghel at mali ang kanyang ginagawa.

Ilang araw naging ganoon ang sistema ni Zac at Celine, pumupunta si Celine sa bahay ni Zac tuwing gabi once na masigurado na niyang nakapasok si Trinity sa trabaho niya ng ligtas.

Wag kayong mag-isip ng kahit ano, wala silang ginagawang masama. Nagkukwentuhan lang silang dalawa habang nakayakap si Celine kay Zac buong gabi, walang sawa sa pagkukwento si Celine at hindi rin naman nagsasawa si Zac na makinig at panuorin si Celine na magkwento.

Nagigising nalang si Celine sa tabi ni Zac sa isang masikip na kama tuwing madaling araw, pinipilit niyang bumangon para masigurado namang makakauwi ng ligtas si Trinity at pagkatapos noon ay buong araw niya ulit babantayan ito.

Si Trinity naman ay araw-araw niyang hinahantay si Siel sa bar, iniisip niya na sana ay bumalik ito pero ilang araw na siyang naghihintay ay walang kahit anino ni Siel ang nagpakita sa kanya. 

Napansin ni Celine ang pagiging matamlay ni Trinity, wala rin ito sa kanyang sarili kaya naman napapaisip ang anghel kung anong nangyayari sa dalaga.

Dahil sa sobrang lutang nito ay aksidente niyang nabunggo ang isang estudyante, mabilis na humingi ng tawad si Trinity sa ginawa niya, dahil pinagmamasdan ni Celine si Trinity ay hindi niya namalayan na may tao pala sa harap niya kaya naman nabunggo rin siya dito.

Hanggang sa narealize niyang hindi siya sa tao nabangga.

"Haven!" Sigaw ni Celine sa gulat ng makita niya ang kanyang kaibigang anghel.

"Celine, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Haven.

"Syempre binabantayan ko si Trinity." Tinuro ni Celine ang babae, napanganga si Haven.

"Ako rin! Binabantayan ko si Athena." Tinuro ni Haven ang babaeng nakabungguan ni Trinity.

Tinutulungan ni Trinity si Athena sa pagpulot ng mga gamit nito habang sunod-sunod ang pagsosorry ni Trinity at sunod-sunod rin ang pagsasabi ni Athena ng ayos lang.

Nagkatinginanan ang dalawang anghel at sabay silang napangiti ng may maisip silang ideya, kahit magtinginan lang sila ay alam na agad nila ang plano ng isa't isa.

"Thank you." Sabi ni Athena kay Trinity.

"No, ayos lang. Sorry talaga." Sabi naman ni Trinity.

Habang abala sa pag-uusap ang dalawang mortal ay pasimple namang tinatanggal ni Haven ang ID ni Athena para mahulog iyon sa sahig habang si Celine naman ay dahan-dahang inaalis ang pagkakatali sa buhok ni Trinity.

Ngumiti si Athena kay Trinity bago ito tuluyang umalis ng medyo nakakalayo na ito ay mabilis na inilaglag ni Celine ang panali sa buhok ni Trinity malapit sa ID ni Athena.

Nang mapansin ni Trinity na nawala ang pagkakatali niya sa buhok ay mabilis niyang inilibot ang paningin niya sa baba at nakita niya ang panali niya malapit sa isang ID. Kinuha niya iyon pareho.

Napakunot ang noo ni Trinity sa ID hanggang sa marealize niyang hindi sa kanya iyon at ang babaeng nasa ID ay yung babaeng nakabunguan niya ngayon-ngayon lang. Mabilis niyang binalik ang tingin niya sa dinaanan ng babae pero wala na yun doon.

Napailing nalang si Trinity bago niya pinasok sa bag ang ID niya, malapit na kasi ang sunod niyang klase ibabalik nalang niya yun mamaya.

Nagkatinginan si Celine at Haven na parehong nakangiti bago sila nag-apir na dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top