Day 65 : Eyes on you

Eyes on you
-----

Kusa akong nagising kahit hindi ko alam ang oras. Nabungaran kong nakapikit pa rin si JT at malalim ang paghinga. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

Ilang sandaling pinanood ko ang pagtulog niya. There is magic in waking up beside him and seeing him first thing in the morning. Ang aga kong mapabuntonghininga. My heart felt full and tender.

Napangiti ako.

Maingat akong dumapa at gamit ang libre kong kamay ay pakapang hinanap ang cellphone ko. It should be somewhere by my side.

Lumusot ang kamay ko sa ilalim ng unan at hinugot ko mula ro'n ang gadget. I powered up the screen. The display indicated that it was seven in the morning.

Kailangan sigurong bumangon ako at maghanda na ng pagkain. Hanggang alas dies lang si Harry sa ospital.

Dahan-dahan kong inalis ang mga daliri ko sa pagkakabuhol kay JT at nagtangkang hilahin iyon. Pero sa tuwing halos magkakalas kami ay humihigpit ang hawak niya.

On my nth try, he opened his eyes and met mine.

"Hi..." he whispered. Inayos niya ang pagkakabuhol ng daliri namin at dinala sa labi niya ang likod ng palad ko.

I swallowed. "Hi..."

"Where are you going so early in the morning that you're letting go of my hand?" malumanay niyang tanong.

"Sa kusina sana para magluto..." sagot ko.

" 'Wag ka nang magluto. Magpa-deliver na lang tayo." Magaan niya 'kong hinila sa kamay palapit sa kanya. "Come here."

Umisod ako sa yakap niya. Hinalikan niya 'ko sa noo bago niya ipatong ang pisngi niya sa ulo ko.

"I'm going to sleep for ten minutes more, Pagong. Be careful with your movements," bulong niya.

Umingos ako. "Gano'n? Wala akong pwedeng gawin?"

"You can kiss me and disrupt my sleep. I'll forgive you."

Oh boy. Paano ako hihinga sa mga kondisyon nito?

"Matulog ka na. Oorasan kita," bulong ko sa kanya.

"Yeah."

Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at bumalik sa pagtulog.

Nagbilang naman ako ng minuto.

***
Eksaktong sampung minuto ay gumalaw si JT. Ikiniskis niya ang pisngi niya sa buhok ko bago huminga nang malalim.

"Are you awake?" untag ko.

"Yeah..." malalim ang baritono na sagot niya sa'kin.

"Then—"

"You're not getting away from my arms, Pagong," he said.

Napa-tsk lang ako.

"Did you sleep well?" tanong niya sa'kin.

"Oo. Ikaw?"

"Same. I slept well for the first time because you're with me."

Hindi ako kumibo.

"Kumusta si Papa?" Siya uli.

"He's okay... hopefully, getting better. Mino-monitor pa rin siya ng mga doktor."

"Si Zig?" he gently asked.

"I don't know." I swallowed. "Hindi pa uli kami nag-uusap after no'ng kahapon nang madaling-araw. I wanted to check on him but that wouldn't help him move on, so... hindi ako nangangamusta."

"Hm. Kahapon lang kayo naghiwalay?"

"Yes."

Natahimik kami.

"And you ran to me because..?"

"Sinabi kasi ni Harry 'yung nangyari sa Dad mo."

"Kung hindi niya sinabi? Hindi ka pupunta sa'kin, Hamon?"

"Uh... Hindi pa sana. Magsasabi lang sana ako na ano... na kulang 'yung narinig mo sa ospital at hindi ako magpapakasal kay Zig."

"Hm."

"I shouldn't rush being with you. There's your family, Jeric. I don't want them thinking less of you," sabi ko sa kanya.

Marahan siyang nagbuga ng hangin. "I should talk to Lolo soon about how I feel for you."

"I should talk to him, too. Hindi ko lang alam kung pa'no niya tatanggapin. Everyone thinks that I'm Zig's bride and what we have may be—"

"You're my bride. The sooner they know, the better."

Natigilan ako. "Ano'ng sabi mo?"

Did he say bride?

"I won't love you just to let go one day, Hannah. I told you, you're never getting away from me."

"Pero..." I couldn't voice out what's in my head. Isn't it too soon for him to think so? Isn't it too sudden? Hindi ba siya nabibigla?

Kinuwit niya ang baba ko at itinaas ang mukha ko sa kanya hanggang sa magtagpo ang mga mata namin.

"Hindi ko alam kung bakit ako sigurado, Hannah. Siguro, nagsimula 'to no'ng naisip kong dapat akin ka. I want to do everything with you. I could see myself spending everyday with you. Remember what we talked about before?

"When I realized that I fell for you, I understood why I couldn't take my eyes off you. I could only see you. I could only feel for you. Sa'yo lang ako naging selfish. Sa'yo lang ako naging madamot.

"So it drives me crazy to think that you'll be with Zig. Nagagalit ako sa'yo at sa sarili ko dahil hindi tayo ang legal na magkasama. Pero hindi ko mapigilang lalong mahalin ka. Lalo na dahil alam kong wala na kay Zig ang puso mo.

"The only conclusion I could think of is that you're supposed to be mine. Para sa'kin ka kasi."

Hindi ko maialis ang mata ko sa kanya kahit napapaso ako. His eyes didn't waver. He meant what he said. How could he be so sure about this?

Ngumiti si JT. "Hindi ka sigurado sa'kin?"

Umirap ako sa kanya.

"Kawawa sa'yo, Pagong. Lugi ako."

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at ikiniskis ang tungki ng ilong niya sa'kin.

"You're meant to be with me and you know it, Hannah," he whispered.

I closed my eyes with my breath faltering. This is crazy. Para siyang may hipnotismo sa sistema ko. Kaya kong paniwalaan kahit ano pa sigurong sabihin niya sa'kin.

"I'm going to kiss you," bulong niya.

"I know. Kaya nga ako pumikit."

I could feel him smiling.

"You made me this crazy. You should take responsibility."

Ngumiti ako bago maramdaman ang paglapat ng labi niya sa'kin. Sandali lang 'yun. Sapat lang para paglaruan ang paghinga ko.

"Tell me. Does it feel wrong?" bulong niya sa labi ko.

"No," I whispered back. Nakumos ko ang dibdib ng kamiseta niya.

Idinikit niya uli ang labi niya sa'kin. Sandali lang uli. Sapat lang para makasagot ako sa halik niya.

"How about now? Does it feel wrong to you to be with me?"

Nakagat ko ang lower lip ko. If I told him I couldn't breathe in anticipation, my skin was heating up, and that I wanted more of his lips, what would he think of me?

I couldn't ask him so I kissed him. He gently rubbed my jawline and my neck while claiming my lips.

This couldn't be wrong when I wanted more. My pulses sang and my blood rushed as I parted my lips and let him kiss. Nalalasing ako at nalulunod. Hinigit niya pa 'ko lalo palapit sa katawan niya. Bumaba naman ang palad ko sa sikmura niya.

Halos wala nang distansiya sa pagitan namin pero pakiramdam ko, kulang pa rin. There was a feeling of urgency and selfishness with the way we kiss. I wanted him mine, too. I wanted him crazy for me. I wanted him breathless.

I didn't realize when I moaned.

I was on the verge of ripping his clothes. Nagwawala na rin ang heartbeat ko.

But he stopped. He cupped my face and looked at me. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

"Why?" tanong ko. I licked my lips. "We should kiss more."

"Enough for this morning," sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "Don't tease me."

I swallowed. "Ako? You're the one teasing me," sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya nang malapad. "Believe me when I say you're teasing me. Then, guard up."

Nag-init ang pisngi ko. I understand what he's saying.

"We should get up and shower. Sa guest room ka," sabi niya.

Tumango na lang ako.

***
Before we shower, we called at a nearby food house and ordered breakfast. Pagkatapos, inihatid ako ni JT sa guest room. Nagmadali ako sa paliligo dahil ayokong mauna siyang matapos sa'kin. I wanted to prepare the food for him.

Basa pa ang buhok ko nang bumungad siya sa kusina. Nagpaplato ako ng pagkain. The coffee was brewing. Pero ang weird kung pa'no kong nalalaman na nasa malapit na siya. Mas weird na alam kong nakatitig siya.

Tumingin ako sa pagkakatayo niya sa arko ng kusina at ngumiti.

"Tinititigan mo lang talaga 'ko, Boy Bigti?" tukso ko sa kanya.

Lumapit siya sa'kin at sinilip ang pagkaing inililipat ko sa plato. " 'Yung naka-set na pagkain, para kay Harry babe. 'Wag mo nang ilipat."

"Okay."

I was reaching out to a plate of egg rolls nang yumakap siya mula sa likod ko.

"What are you doing?"

"I'm holding you," sabi niya. "Ituloy mo lang ginagawa mo."

Itinagilid ko ang mukha ko sa kanya para umangal pero hinalikan niya lang ako sa pisngi.

"Mahirap gumalaw," reklamo ko.

"Go, Pagong," sabi lang niya at hinigpitan ang braso niya sa'kin.

"Hindi cheering ang kailangan ko, Doctor Teodoro."

"Pero kailangan kitang yakapin, Miss Milano. Sino'ng mag-a-adjust sa'tin ngayon?" playful na tanong niya.

Nailing ako at nagpatuloy sa ginagawa. "Ang dikit mo."

"That's the idea. Who knows kung kailan magbabago ang isip mo? Hindi ka pa naman sigurado sa'kin. I should take my chance," tukso niya.

Ikiniling ko ang mukha ko sa kanya. "Gano'n? Bibigyan mo talaga ako ng guilt feelings dahil sa kanina?"

"If that's one of the ways to get you, yeah,"

I hurry with the plating.

"Kukuha na 'ko ng kape," sabi ko.

Kumalas ang braso niya sa'kin, humawak siya sa magkabilang balikat ko, at iniupo ako sa unang upuan sa kanan ng kabisera.

"Ako na."

Nagsalin siya ng kape namin sa mug. Inilagay niya iyon sa mesa kasama ng kahon ng skim milk, at garapon ng asukal.

Naupo siya sa kabisera at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Let's eat."

"Pa'no ka kakain kung hahawakan mo 'ko sa kamay?" tanong ko sa kanya.

"Ambidextrous ako. I can use my left hand well," sabi lang niya.

I couldn't argue with him. Napangiti na lang ako.

"Pupunta ako kay Lolo bukas," sabi ni JT sa pagitan ng pagkain namin.

"Okay."

"Anuman ang sabihin niya, isasama kita sa susunod na haharap ako sa kanya."

Tumango ako. "Kakausapin ko na rin sina Papa, Mama, at Ate pag-uwi ko. Sasabihin kong galing ako sa'yo."

"Yeah... I should introduce myself to them, too."

"Magsasabi muna ako. Tapos, ipapakilala kita."

Pinisil niya ang kamay ko.

"It won't be easy with my family. Whatever happens, don't let go of my hand." Tumingin siya sa'kin. "Always remember how eager I am to be this close to you. Paninindigan kita hanggang sa matanggap nila. Do the same."

Tumango ako. #1255h / 10302016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top