Day 37 : Missing words

Missing words
-----

"Jeric!"

Malaki ang ngiti ni JT nang umupo sa tabi ko. Iniabot niya ang hawak niyang panyo sa'kin. Kulay puti.

Kinuha ko 'yun at idinampi sa bakas ng luha ko sa mukha.

"I always find you. It's weird," sabi niya at nag-check sa paligid.

Nasa public park kami, nakaupo sa kwadradong kahon ng halaman na nagsisilbi ring bench.

"Where's your car? Why are you here? How did you see me?" sunod-sunod na tanong ko.

"I parked my car sa resto na 'yun," sabi niya at itinuro ang natatanaw na restaurant sa kaliwa. "I was driving around, naghahanap ng makakainan. After I parked, naalala kita kaya tinawagan muna kita. I saw you. And here we are."

Napatitig ako sa kanya. I couldn't believe this coincidence.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" untag niya sa'kin.

"I was... Uh..." Tumikhim ako. "Sisilip sana ako sa resto kung nasaan sina Mama. Kasi, for sure, nando'n pa sila. Pero... hindi ako tumuloy. I stopped here."

"Ah... Malapit lang dito 'yung resto?"

"Yep. Ilang blocks na lang."

Natahimik kami. Nagkatinginan. Then I remembered his sleepy embrace the night before-very vividly. Nag-eskandalo uli 'yung heartbeat ko. Lalo na no'ng ngumiti na naman siya.

This guy is seriously giving me a hard time to compose myself.

Pinisil niya ang ilong ko at mahinang tumawa.

"Do you know how many facial expressions you let pass in mere seconds?"

Nanlaki ang mata ko. Oh boy! Transparent ba ang facial expressions ko?

"Ano'ng nakita mo?"

Tumitig siya sa'kin. "You should know."

"Hindi ko alam," sabi ko.

Ngumiti lang siya. Itinukod niya ang siko niya sa hita niya, nangalumbaba, at tumitig sa'kin.

Kumurap ako para hindi maangkin ng titig niya.

"Nakaka-miss ka na, Hamon."

"Ano?!" napalakas na tanong ko.

Mahina siyang natawa.

Oh boy.

"Parang galit ka," sabi niya.

"Kung anu-ano kasing sinasabi mo!"

"What's wrong with it? Nakaka-miss naman talaga 'yung kadaldalan at kakulitan mo. After that brat girl talked to you and you left out-of-town, you were not yourself. Tumamlay ka. Hindi ka na nagre-report on time. And you have weird expressions everytime you're looking at me," sabi niya. "Kawawang Hamon."

Napalunok ako. Napahinga nang malalim.

Did he realize that he's not being himself, too? Ano ba'ng nangyari sa kanya nang mag-out-of-town ako at pagbalik ko, ganito na siya? Wala na siyang bakas ng pagiging antipatiko. Hindi na siya masungit o scolding. I didn't know that he could be so carefree in saying confusing things.

At bakit kailangan kong maapektuhan sa mga sinasabi niya?

"Lasing ka ba?" tanong ko.

"You looked really surprised sa mga sinabi ko," sabi niya.

"I'm just not used to you talking like that," amin ko.

"Ah..." sabi niya at nagbuga ng hangin. "Mas palagay na siguro ako sa'yo dahil na-meet mo na si Harry. There's less of my guards."

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Is it favorable that he's less guarded when he's with me?

"Saka, nakaka-miss ka nga," sabi niya. "Seryoso."

"Lasing ka nga."

"I'm not. Gutom ako. Kagagaling ko lang sa duty."

"Sa ospital? Bakit?" usisa ko.

"Napalitan na schedule ko. Pang-araw na 'ko."

Hindi ako kumibo.

"Kain tayo," aya niya. "It will keep your mind off the complicated things for a while."

Nagbuga ako ng hangin. Paano mangyayari 'yun kung siya ang pinakakomplikasyon sa buhay ko ngayon?

"What are you thinking about, Hamon?" untag ni JT.

I searched for something to say. "Iniisip ko kung bakit hindi ka nade-develop kay Harry."

"Ah..." Ngumisi siya. "Hindi ko kasi siya type."

Humalakhak siya pagkatapos. Nadamay ako sa tawa niya.

"Ang loko n'yo ng mga kaibigan mo, 'no?"

"Basta 'wag ka nang magkainteres kay Harry baby. Madudurog lang ang puso mo. Devoted kay Neah 'yun," sabi niya.

"Gano'n?" sabi ko at umirap. "Halata namang mahal na mahal niya si Neah."

"Yeah."

"Hindi ako magkakainteres kay Harry."

"Yeah. Don't."

I felt that there should be a punchline or a follow-up question after that... but we both fell silent.

Nang magkatinginan kami, ngumiti lang si JT sa'kin.

"Kain na tayo, Hamon," aya niya uli.

"Sige. Libre mo?"

"Yeah."

Nauna siyang tumayo, hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Binitawan niya rin ako agad pero para nang yelo ang palad ko sa lamig.

I won't get used to this kind of JT. Pero kailangan ko yatang mag-adjust agad or else ay lagi akong matutuliro sa presensiya niya.

Sinulyapan ako sandali ni JT nang naglalakad na kami at nagkukuwento siya ng hindi ko naririnig. At habang kinakalma ko ang sarili ko, parang nakita ko siyang makahulugang ngumiti.

Oh boy. # 0206u / 09232016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top