Day 354 : Meet

Meet
-----

Kabado ako nang buksan ni JT ang pinto ng kwarto ng Dad niya. Pagbungad pa lang namin, natuon na agad sa 'min ang mata ng pasyente. Medyo nakaangat ang higaan nito.

Hinawakan ni JT ang kamay ko at iginiya ako papasok sa loob.

"You're awake," sabi niya sa Dad niya nang makalapit kami.

"Naghihintay ako sa inyo. Sabi mo ay dadalhin mo ang girlfriend mo," mahina ang boses na sabi nito.

Mahinang tumawa si JT. "This is Hannah, Dad."

That's my cue to speak so I squeked, "Hi po."

"Nahihiya si Pagong, Dad. Pumipiyok."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko naman mahampas si JT sa harap ng tatay niya.

"I heard so much about you, Hannah. Napapadaldal mo itong anak ko."

I was sure I blushed this time.

Kumuha muna si JT ng mauupuan namin at inilagay sa mesa sa tagiliran ang mga bitbit naming pagkain, bago kami magpatuloy sa pag-uusap.

"How are you doing po? Sorry po kung ngayon lang po ako nakadalaw sa inyo," sabi ko.

Ngumiti ang matandang lalaki at napatingin sa daliri ko na may singsing.

"I heard na ipinakilala ka na sa'kin ni Jeric no'ng nasa coma pa ako. Pasensiya ka na at kagigising ko pa lang."

Ngumiti ako. Unlike Jeric, his Dad is way too soft-spoken. But like him, he has a very attractive smile.

"Alam ko na kung saan ka nagmana ng ngiti," sabi ko kay JT.

Pinisil niya ang kamay ko na hawak niya.

"Matutuwa ang mommy mo kapag narinig. Lagi niyang itinatanggi na sa kanya mo namana ang ngisi mo," sabi ng ginoo. He looked away as if reminiscing before looking at JT. "Pakakasalan mo ito, anak?"

Naumid ang dila ko. I didn't know if it was okay to remind JT's dad of his mom. Sigurado rin akong hindi ako ang dapat na sumagot sa tanong na 'yun.

"Yes, Dad. I already told you," sagot ni JT.

Matipid na ngumiti ang lalaki. "Kumusta ang Lolo mo? Kinausap mo na tungkol dito?"

"Opo. Nagsabi nga si Lolo na dalhin ko si Hannah sa kanya kapag okay na ang panliligaw ko kina Mama at Papa."

Bumaling sa'kin ang lalaki. "Sigurado ka ba sa isinagot mo rito sa anak ko bago mo sinuot ang singsing? Baka naman pinilit ka lang."

Napangiti ako nang malapad sa biro.

"Pinilit ko lang siya, Dad. Tinukso-tukso ko hanggang wala na siyang magagawa," natatawang sabi ni JT. "Pinam-blackmail ko 'yung singsing ni Mommy."

Mahinang tumawa ang tatay niya. "Malakas na pam-blackmail talaga 'yang Mommy mo e. Tingnan mo, nagising ako."

Kahit ako, natatawa na lang din sa kanilang dalawa. Nakakahawa ng good vibes 'yung pag-uusap nila. Walang tensyon.

"Mukhang desidido itong anak ko sa'yo. Sabihin mo sa akin kapag may problema ka sa kanya at ako ang bahalang magdisiplina," baling sa'kin ng matandang lalaki.

"Wala naman po akong problema sa kanya..." sabi ko, bago ngumiti nang malapad at magdugtong, "sa ngayon."

Mahinang tumawa ang ginoo. "Kapag mas maayos na ang pakiramdam ko at pinayagan na ako nitong doktor ko, haharap kami sa mga magulang mo, ha?"

" 'Wag n'yo po munang isipin 'yan. Magpagaling pa po kayo," sagot ko.

Tumango ito. "I will, anak. Sa ngayon, magpabola ka muna kay Jeric." Mahina itong tumawa bago sumeryoso. "Salamat sa pagtanggap sa anak ko, Hannah."

I couldn't tell him that I was the one grateful because Jeric accepted the complications of me first. In time, I will.

"He's worth everything po," sabi ko na lang.

Ngumiti sa akin ang matanda. "I'm glad you think so." # 0823u / 11092016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top