Day 27 : Cruel
Cruel
-----
Nakaidlip ako habang nakasubsob sa mesa sa bar. Nang maalimpungatan ako, I couldn't hear Diane's nor Juniper's voice anymore. Iyong tugtog na lang at kwentuhan ng mga customers ang maingay.
Iniangat ko ang mukha ko sa mga bote ng beer sa mesa. I reached to another bottle and drank. Lipas na ang lamig ng inumin. Mas mapait na sa lalamunan.
I looked around to check kung sino na lang ang kasama ko pero wala akong makita. They must have gone home and left me alone. Hindi ko naman sila masisisi. Maaga kami bukas para sa out-of-town shoot. Ako lang naman ang nagpilit na uminom kami ngayon. At pumayag lang sila dahil...
"Come on. Don't tell me you don't know me, Hannah," mapang-asar ang ngiting sabi ni Yhen pagdating ko sa conference room. She's standing by the door as if she's waiting for me.
Nangakaupo naman ang crew ko sa oblong na table. Nakatingin sila sa akin. Curious. Speculating. Expectant.
"Why are you here? This is not my office," kalmadong sabi ko sa kanya.
The woman was wearing a fashion dress and a heels deadlier than mine. She's branded mula sa damit at accessories, hanggang sa kinang ng takong ng sapatos.
"Naninigurado lang ako. Baka kasi paghintayin mo 'ko sa office mo. Ayokong pinagmumukhang tanga," sabi niya. "Ikaw ba?"
I gritted my teeth. Sumulyap ako sa crew ko.
"I know we're supposed to have a meeting for the shoot but... pwede bang lumabas muna kayo rito?" sabi ko sa kanila.
Nagsipagtayuan sila nang walang salita. Halos hindi sumulyap sa akin man o kay Yhen. Pero nang akmang lalabas sila,
"They don't need to leave," pigil ng bisita.
Hindi ako nagsalita. Tinanguan ko lang sina Diane at Deo para maunang lumabas ng silid.
"I want them to know, anyway," patuloy ng babae.
Patuloy rin sa paglakad palapit sa pinto ang crew ko.
"Zig's cheating on you for me. I thought I should tell you para hindi ka naman mukhang tanga."
Nakangiti sa akin si Yhen habang nanlalamig ang dugo ko. I could feel the crew looking at me with concern. Nang hindi ako magsalita ay nagmadali silang lumabas ng silid at nagsara ng pinto.
Nakuyom ko ang kamao ko. Huminga ako nang malalim para makalma kahit na paano. I couldn't believe the nerve of this woman.
Hinagod ko siya ng tingin. "Is that so? Ano'ng magagawa ko ngayon para sa'yo? Bakit nag-abala ka pang magpunta rito?"
Nakita ko ang pagdaan ng pagtataka sa mukha niya.
"Oh. Hindi ba ganito ang inaasahan mong reaksyon ko? Akala mo, mate-threaten ako o magwawala o maglulupasay dahil may affair sa'yo si Zig?" Ngumiti ako sa kanya. "Come on. I'm the girlfriend."
"You're really dumb," aniya at umiling. "This is epic. I can't believe you're this dumb. He's cheating on you and that's all you can say?"
Humalukipkip ako sa harap niya habang pinipigilang mahalata ang munting panginginig ng katawan ko.
"Even if he's cheating on me, I'm the girlfriend. You and everyone else knows that I am the girlfriend. Should anyone learn of the cheating, I will look pathetic, Zig will look like a jerk, and you will look like a cheap, desperate girl who snatches someone else's boyfriend because you're immoral. Should I be threatened by you?"
Nakita ko ang mariing pagkagat ni Yhen sa lower lip niya. Nagusot din ang mukha niya sa iritasyon.
"He wants to break up with you," sabi niya.
"Really? Because for days now, he's been begging for my attention."
"He said he was suffocated."
"Thank you for entertaining him for a while."
"He will never marry you!"
Natawa ako. She really sounded desperate to annoy me.
"I'm sure he's not marrying you, either. Or else, why make you the other woman?"
Nagsukatan kami ng tingin.
"You should have seen how happy he is when we're together. I have given him what you couldn't give. He touches so good in bed. I bet you couldn't do that with him."
"Yes. Anything else I should know?"
Kuyom ang kamao niya. Wala na sigurong maisip sabihin para asarin ako. Namamanhid naman ang pakiramdam ko.
"Now I realized why Zig always comes back to you," she said.
I tried hard not to swallow.
"You are lenient and passive. You don't care about what he does as long as he comes back. You don't even care why he gets himself a woman while he has you." Napailing siya habang nakatingin sa akin. "But I care about those. If I could make him happy in spite of you, I could snatch him away from you, too."
"Try your best," sabi ko at hinawakan ang knob ng pinto. Pinihit ko 'yun at binuksan para sa kanya. "Now, leave with your nonsense. I'm busy and I have a meeting."
Hinagod niya ako ng tingin, umiling nang isang beses pa, at lumabas ng silid. Nag-lock naman ako ng pinto at pagkatapos ng ilang sandali ay nanghihinang napaupo sa sahig.
It really happened, right? Another woman came to see me-in my workspace-just to slap an affair into my face.
Every fiber of my being felt frozen. I don't know why, but I'm detached to my thoughts and feelings. Parang hindi sa akin ang katawan at emosyon ko. Parang hindi nangyari ang nangyari.
I stayed sitting on the floor until Diane knocked for me.
Hinamig ko ang sarili ko, nag-meeting kami, at natapos ang work hours. Tapos, nagyaya akong uminom.
Sumubsob uli ako sa mesa. The feelings I had handled earlier starting to nag on me. I wanted to break the bottles or pick a fight with someone.
I looked around with my blurry eyes to find Zig looking at me. He was but a few steps away.
"Let's go home," he said gently.
Tumuwid ako ng tayo sa makakaya ko. Matalas akong tumingin sa kanya. How could he come here looking so concerned when he's not?
"Look who's here. It's the boyfriend..." sabi ko.
Lumapit siya at sinubukan akong hawakan sa braso pero pumiksi ako.
"You're drunk. Let's get you home-"
" 'Wag mo 'kong hawakan!"
Tumitig siya sa'kin. "Madaling-araw na, Hannah. Iuuwi na kita."
Hinagod ko siya ng tingin. He was wearing a casual shirt and maong pants. Hindi naka-groom ang buhok. I couldn't see all the details but I know he rushed out of home. Wala kasi siyang wristwatch. Zig doesn't wear a wristwatch at home but he never left house without it. The only time he wouldn't be wearing one ay kung nagmamadali siyang umalis ng bahay.
Nang magtaas ako ng paningin sa mukha niya ay nagtagpo ang mga mata namin. He looked concern and apologetic. He looked at me as if I am someone precious... but it could be a hallucination cause by the alcohol.
"Hannah..."
Pumatak ang luha ko sa lumanay nang pagbanggit niya sa pangalan ko. "Why do you look like the same Zig who said that he loves me?"
Nanatili siyang nakatingin.
"Did you know what your woman did today? Did you?"
Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa'kin as if he was sorry.
"She went into my office and announced your affair! At no'ng kaming dalawa na lang..." Napalunok ako. Pinipigilan ang mga pangit na salita sa lalamunan ko. "You've been in her bed?"
Sumubok uli siyang lumapit sa akin pero umatras ako.
"Hannah... baka matumba ka. Lasing ka na," sabi niya sa'kin.
"Why do you care?! Why do you fcking care?!" sigaw ko. "Leave!"
Nang aatras pa uli ako ay mahigpit niya akong hinawakan sa magkabila kong braso para igiya pabalik sa mesa namin. I heard him murmur apologies to the table behind us.
But his touch felt so repulsive in my skin. Habang umiikot ang mundo sa paningin ko, nagagalit din akong maramdaman ang init ng kamay niya.
I used to know his warmth well. Ni hindi ko matandaan kung paanong biglang nagbago ang lahat at naghanap siya ng iba. Okay naman kami dati. Wala naman akong ginawang masama. Hindi naman ako nagkulang. Kaya bakit kailangan kong humarap sa kung sinumang makapal ang mukhang babae para ipamukha sa akin na hindi ako sapat?
"Let's go home," sabi ni Zig.
Sinubukan kong pumiksi sa pagkakahawak niya pero nahihirapan ako. Hindi pantay ang sahig sa ilalim ng mga paa ko. At hindi ko rin mabalanse ang sarili kong bigat. But I don't want him to drive me home. I'd rather die than be with this despicable man tonight.
"I don't want to go with you!" sabi ko.
"Pinauwi ko na si Deo, Hannah. Ako ang maghahatid sa'yo pauwi."
"Pinauwi mo?" ulit ko sa kanya. "Bakit? Ha?"
"Marami ka nang nainom. Kailangan mo nang magpahinga," sabi niya. "Let's argue tomorrow when you wake up. You need to rest first."
"What?" Nagtawa ako sa kanya at hinampas ang kamay niyang nasa braso ko.
Hindi siya natinag.
"Who do you think you are to decide for me?" sabi ko sa kanya. "Sino ka ba? Are you that high and mighty? Are you irreplaceable?"
Patuloy kong hinahampas ang kamay niya pero hindi niya ko binibitawan. Lalo namang nagpupuyos ang loob ko.
"Who do you think you are para pasakitan ako nang ganito? Para ipahiya ako nang ganito? Sino ka para masaktan ako? Sino ka para magpahintay at pagmukhain akong tanga?!" Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko habang sumisigaw. "Sino ka ba?!"
Pumiksi uli ako. Nang bahagya niya akong mabitawan, sinampal ko siya. Dalawang ulit. Kabilaan.
"Sino ka para lokohin ako? Sino ka para paglaruan ako?! Sino ka para paglaanan ko ng sarili ko habang nagpapakasaya ka sa iba?!"
Sinampal ko uli siya. Hindi ko mabilang.
"I've been good to you! I've been devoted! Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga na mag-isang nag-e-effort basta maging maayos lang tayo. I wanted us to work! I wanted us to be right! Hindi lang dahil sinabi ni Dad sa'kin... hindi lang part ng agreement ng mga pamilya natin. I wanted us to work because I thought we're the same! I thought we understand each other more than anyone else!
"When you said you love me, I didn't demand for much. I never even asked you to stay in love with me nor always stay by my side because I know that's not possible. Alam mo 'yun, 'di ba? Alam mo na hindi ako naniniwala ro'n.
"Isa lang ang hiningi ko sa'yo, 'di ba? Isa lang! I fcking asked you to come back and be there for me when I need you!
"Pero dapat alam mo ring hindi mo 'ko dapat na gawing vulnerable sa mga kagaguhan mo! You shouldn't have exploited the weakness of our relationship and made it harder for me to wait for you! That's the deal we made!"
Hinampas ko siya sa dibdib habang umiiyak. Niyakap naman niya 'ko.
"I'm sorry, Hannah. I was... conceited. I was..." Mahigpit niya akong ikinukulong sa braso niya.
"I love you..." nanghihinang sabi ko sa kanya. "But that doesn't give you the pass to degrade me."
"I'm sorry..."
Itinulak ko siya. I looked at him and realized that he looked older. We grew three years older from the day we met. We looked a little different from the yesteryears.
I feel a little differently.
"Don't make me the fool, Zig. I'm way past the limit of the shit I could handle. If you decide to be with me this time, you better not screw up again. ecause it's tiring to be an option... even if I'm the option you'll always choose.
"This is the last chance I could give us."
"Hannah..."
"Clean all your shit before coming back. Or else..." Ibinitin ko ang salita ko.
Sinubukan niyang lumapit pero umurong ako.
"I don't want to go with you. Baka mag-break tayo ngayong gabi kapag nakasama kita sa iisang sasakyan. I'm so mad at you. You should hail me a cab or call someone else for me."
Nakatingin lang siya sa'kin habang nagpapahid ako ng luha.
Bumuntonghininga siya.
"Okay."
Tumalikod ako at kumapit sa mesang katabi ko para hindi matumba.
I vaguely heard Zig on the phone. I heard JT's name, too.
"JT's coming," sabi niya mayamaya.
Napapikit ako at kumalma kahit na papa'no. # 0538u / 08152016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top