Day 22 : Slip of the tongue
Slip of the tongue
-----
"How did you find me?" tanong ko kay JT nang maupo sa passenger seat. Nag-seatbelt ako.
Nagsimula naman siyang magmaniobra ng sasakyan. "I was driving when I saw a girl staring into space. You really like space when you're alone?"
Babahagya akong umirap. It might have been true. Natutulala ako kapag mag-isa lang ako. Ni hindi ko nga namamalayan kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko.
"How's your day? Aside from what you told me?" usisa niya.
"Wala. Naglakad-lakad lang ako. Nanood ng sine," sagot ko. "Naihatid mo na si Jenessy?"
"Yeah. Unless you still see her in my car right now," sabi niya at malapad na ngumiti.
"'Yan, sige, mag-antipatiko ka. It's been a while."
"Talaga? I'll make sure to do it often from now on."
Ngumiti lang ako. Sandaling namagitan ang katahimikan sa amin hanggang sa isang intersection. Red lights. The countdown was slowly ticking from ninety-nine.
Luminga sa 'kin si JT. Bumaling naman ako sa kanya.
"Why?" tanong ko.
He seemed to be studying my face in the soft lights of his car.
"Bakit?" ulit ko. Napapakurap na. It was hard to continue staring at him.
Ngumiti siya nang bahagya at ibinalik ang tingin niya sa harap ng sasakyan.
"You didn't cry today," sabi niya.
"Ah..." So, he was looking at my eyes? To check if I did cry? Ngumiti ako at tumanaw sa bintana sa tabi ko. "Yep. I didn't cry today."
"Better. Ayoko sa mga pasyenteng hindi sumusunod sa prescription ng doktor. A patient has to trust the doctor. If not totally, at least, the prescriptions."
"Matigas ang ulo ko pero alam ko kung kailan susunod, dok," sabi ko sa kanya. "I'm taking your prescriptions well."
Umandar uli ang kotse.
"Uh... Kumusta 'yung pinuntahan mo? Okay naman? Kahit na-late ka?" tanong ko.
"I really couldn't tell," aniya.
I stopped myself from asking more questions. He might be tired from last night and from being out all day. Kawawa naman siya kung kukulitin ko pa.
Tahimik lang kami hanggang sa malapit na kami sa apartment building na tinitirhan ko at bumagal ang pagpapaandar niya sa kotse.
"Damn," bulong niya nang pahintuin ang sasakyan. Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Napabaling ako kay JT. He was looking intently outside. Parang hindi niya alam na nagbitaw siya ng salita. Tumingin ako sa harap ng kotse kung saan nakapako ang mata niya.
May nakaparadang asul na kotse sa harapan ng building. Zig's.
"Zig's here," sabi ko lang.
"Yeah. Mukhang hinihintay ka," sabi niya. Hindi nakatingin sa 'kin.
Bumuntong-hininga ako. Probably, nasa harap ng pinto ng unit ko si Zig. Probably, may dalang bulaklak.
I sighed again.
"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko kay JT. "I don't want to talk to him tonight."
"Then, we go," aniya at binuhay uli ang makina ng sasakyan. "Coffee or beer?"
"Coffee," sabi ko. "And a chocolate cake."
"Nag-dinner ka na ba?" tanong niya.
Nasa kalsada na uli kami.
"Yep. Ikaw?"
"Yeah."
"Before going to your friend's house?" usisa ko.
"While in Marcus' house. Sabay kaming kumain ni Jenessy," aniya.
Napatingin ako. There was this weird feeling in me whenever he was saying the girl's name. I just couldn't put my fingers on it.
"Well, I just wanted cake to go with coffee. Ikaw?"
"Cake's good but I'll pass."
We parked at a coffee shop and ordered. Naupo kami sa isang table na malapit sa pinto. I was eating my cake while thinking about Zig when I noticed JT's droopy eyes. He must be so tired and sleepy.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Hindi niya pa nagagalaw ang kape niya.
"Yeah."
Tumingin siya sa wristwatch niya. Napakunot ng noo sa nakita.
"Are you sure? Pwede ka namang umuwi. Malapit na lang 'to sa apartment. I could go home on my own," sabi ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. He just shot me with a look that discarded my offer.
"Kakainin ko lang 'tong cake at uuwi na ko. I will be okay," sabi ko sa kanya. "I think you need to rest."
"No," sabi niya at humigop ng kape. "Sasamahan kita sandali."
Hindi na 'ko kumibo at inubos na lang ang cake ko. Dahil mukhang hindi naman siya matitinag sa gusto niya, naisip kong baguhin ang proposal ko.
"Do'n na lang tayo sa kotse mo. Para makaidlip ka," sabi ko sa kanya.
Sumimangot siya sa 'kin. Nang mukhang magsasalita siya ay inunahan ko na.
"I know you are tired. It shows on your face. Babagsak na ang mata mo, anytime. Kailangan mong maging antipatiko ngayon at tulugan ako," sabi ko sa kanya. "Or umuwi ka na lang. I don't want you driving later na inaantok. Delikado."
Nagbuga siya ng hangin. "Yeah. I need to nap."
"Sleep," pilit ko.
"Two hours lang. That should be enough time until the cheater's gone," aniya.
"Pinsan mo 'yun," sita ko sa kanya. "Maka-cheater ka diyan."
"He's a cheater whether he's my cousin or not," aniya.
"Baka nasa genes," tukso ko.
Sumimangot siya. Kinunutan ako ng noo. "Do I look like a cheater to you?"
"'Yung totoo?"
"Shut up," una niya.
"Nagtatanong ka e," sabi ko at tumawa. "Ayaw mo nang sagutin ko?"
Tumayo siya bitbit ang kape niya. "Let's go."
Sumunod ako sa kanya. Nang pumasok kami sa kotse ay sumipat uli siya sa relo niya.
"Damn," bulong niya.
Uminom lang ako ng kape. Ngayon ko lang narinig si JT na agitated. Inaantok na siguro talaga siya pero hindi ako maiwan.
"He might wait until midnight," bulong niya.
"Yep. He will. I know the pattern," sabi ko.
"Huh?" aniya nang bumaling sa 'kin. He looked puzzled.
"He will wait until midnight. Then he will call or send me a message if I wasn't home. In the next days, he will beg. It's a pattern," sabi ko.
Nakatanga siya sa 'kin. "Oh. I said it aloud."
"Bakit? Sayo lang ba dapat 'yung bulong mo?" tanong ko sa kanya.
"Don't mind me. Inaantok lang ako."
"Then, sleep."
Ibinaba niya ang driver's seat at umunat. Humalukipkip at pumikit siya.
"Don't make noises. Mabilis akong magising," sabi niya.
"Yes, dok."
Wala pang limang minuto ay malalim nang humihinga si JT. Naiwan naman ako sa paghigop ng kape, over-thinking at pagba-browse sa internet sa mobile ko.
When an hour passed, I stared at JT on the driver's seat. He was really sleeping. This was the second time that he had to sleep in his car for me.
Ini-adjust ko ang upuan ko at umunat. Umangat sa tuhod ko ang laylayan ng dress na suot ko. Pumikit ako.
Papatulog na 'ko nang mag-vibrate ang phone ko na nasa cardigan. Zig's calling. I ignored it and tried to sleep. Pero ginugulo ako ng vibration.
Napaupo ako uli. I cursed beneath my breath. Tinitigan ko ang pangalan ni Zig sa telepono ko.
Pipindutin ko dapat ang cancel button—
"Don't answer it," sabi ni JT sa 'kin. "You'll be crying again."
Napatanga ako sa kanya. "You're awake?"
Nakatingin lang siya sa 'kin sa babahagyang nakamulat na mata. I don't know if he's fully awake pero nakatitig siya.
"I'm not going to answer his call," sabi ko.
Ngumiti siya nang matipid at bahagyang tumango bago pumikit uli.
"I won't go easy on the scolding if you do," bulong niya. "---- girl."
"Huh?" Hindi ko narinig nang buo ang sinabi niya.
Nag-shhh lang siya at bumalik sa pagtulog. #0113ma / 08202016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top