Day 21 : Silence

Silence
-----

Umiiyak pa rin ako nang nasa kotse na kami ni JT. I was seated at the passenger seat, hawak ang panyo na bigay niya. He was on the driver's seat. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya.

Should I apologize for being a coward like this? Was he mad?

Bumaling ako sandali sa kanya. Nakasandal siya sa kinauupuan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket niya. Nakapikit.

"Natutulog ka?" sumisigok kong usisa.

"No."

Sumigok ako at sumandal din sa kinauupuan ko. Pagod na pagod na agad ako. Naupos ang lahat ng siglang mayro'n ako kanina lang, dahil sa eksenang narinig ko.

I knew Yhen. I met her once when I visited Zig's office. Anak siya ng isa sa malalaking kliyente ni Zig. She's two years younger than me. Mamahalin manamit. Mamahalin mag-ayos. Madaling maintindihan kung paanong mahuhumaling sa kanya si Zig.

I knew she was the first to like Zig. But...

Bumuhos uli ang luha ko. Why does it felt like this everytime? Every single time. Lagi akong parang nauupos. Lagi akong parang kinakapos ng hininga. Lagi akong parang... maiiwan. Everytime, I would be scared to ask for the truth. Laging mas kaya ko kung magkukunwari akong walang alam. Kung maghihintay akong lumipas na lang ang interes ni Zig sa mga babaeng nakikilala niya. Basta sigurado akong hindi niya ako hihiwalayan.

I'm cursed like this.

"You sure cry a lot," komento ni JT.

Lumingon ako sa kanya. Nakabaling naman siya sa 'kin habang nakasandal pa rin ang ulo sa headrest ng driver's seat; nakapasok pa rin ang mga kamay sa bulsa ng jacket.

His eyes were gentle and unassuming. Salungat sa inaasahan kong disappointment o panghuhusga.

"Hindi ka ba natutuyuan ng luha?" tanong niya uli.

Lalo akong napaiyak habang nakatingin sa kanya. Why is he being gentle like this? Why can't he just get mad at me like always?

Ibinalik niya ang paningin niya sa harapan ng kotse. Matagal na pumagitan ang katahimikan sa amin. Napalibutan kami ng babahagyang ilaw sa parking lot, ang digital lights ng dashboard ng kotse niya at ang mga hikbi ko.

The more we stayed covered by the silence, the more I was left alone with my thoughts, the more I suffered from an invisible weight. Pakiramdam ko, may nakadagan sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga. Kahit suminghap ako, pakiramdam ko, lumalayo ang hangin. Naiiwan akong nalulunod sa sarili kong luha.

"Sayang..." -suminghap ako ng papalayong hininga- "yung performances..."-kusang umaalsa ang dibdib ko-"na 'di natin napapanood."

Nilingon ako ni JT. Hindi ko na naman maintindihan kung ano ang ipinahihiwatig ng mga mata niya.

"Magulo ang buhok mo," sabi niya.

Napahawak ako sa buhok kong nakalugay. Sinuklay ko gamit ang daliri ko. Inayos ko pati bangs.

"Okay na?" tanong ko.

Umabot ang kamay niya sa buhok ko. Pinulot niya ang ilang hibla na nakadikit sa basa kong pisngi. Naramdaman ko ang dulo ng daliri niya sa tainga at leeg ko nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"'Yan."

Hindi ako kumibo. Abala ako sa pagsinghot at pagsigok.

"You really want to hear the poems?" tanong niya.

"Pero ayokong bumalik sa loob. Baka bumalik si Zig," sabi ko.

Sandali siyang tumingin sa 'kin bago bumuntong-hininga.

"Let's see..." aniya at bumaba ng kotse.
Hindi na 'ko nakapagtanong. Pinanood ko na lang siyang lumakad pabalik sa Juancho's.

Mayamaya, nag-ring ang cellphone na nasa bulsa ng jeans ko. Si JT.

"Uhm?" hugong ko sa telepono.

"Can you hear me well?" tanong niya.

"Oo..."

"Good. Don't cut the line," aniya.

"Bakit?" tanong ko pa. Pero wala nang sumagot sa 'kin. Sa halip, narinig ko ang tumutula sa Juancho's at ang ingay sa loob ng bar.

Ilang minuto pa uli, bumalik si JT sa kotse. Dala na niya ang bag ko at isang paperbag na may apat na bote ng beer, dalawang bote ng tubig at isang food container ng matamis na dilis.

Nakatanga pa rin ako sa kanya nang iabot niya sa 'kin ang bukas na beer.

"Put your phone on loudspeaker. Gusto ko ring marinig 'yung mga tula sa loob," sabi niya.

"Ano'ng ginawa mo?" tanong ko sa kanya.

Uminom siya ng beer. "I asked the owner to let us listen. Nasa loob ang phone ko."

Alam ko naman 'yun pero...

"You don't have to do this," sabi ko.

"Yeah. I know."

"Then why did you?"

"Because I can," sagot lang niya at, "Put your phone on loudspeaker."

Sinunod ko siya. Ilang sandali pa ay tahimik na kaming umiinom ng beer at nagkukukot ng dilis habang nakikinig sa mga performances.

May mga nakakatuwang tula. Pero mas marami ang malulungkot. Totoo nga yata 'yung nababasa ko tungkol sa mga makata. Na mas maraming tula sa kalungkutan at kabiguan. Mas maraming pandama ang tao kapag nasasaktan at nasusugatan.

And then, we heard that poem. Ang titulo ay Bago Ka Umalis.

Each word flew like a dagger in my heart. Bumaon bawat salita. Sumugat sa 'kin. Pati pilat na akala ko, magaling na, nagnaknak uli. Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak uli sa bote ng beer.

Hindi ko na narinig ang iba pang tula. Umuulit lang sa isip ko ang kaisa-isang sumugat sa 'kin. Maybe this was what I wanted when I attended events like this. Naghahanap siguro ako ng magbibigay ng salita sa nararamdaman ko.

Pero masakit palang makarinig ng isa.

Nang makita ko sa dashboard na mag-a-alas dos na ng madaling-araw, medyo kalmado na 'ko. Kalmado dahil pagod na 'kong umiyak. Kalmado dahil ubos na ang beer. Isang oras na ring natapos ang event.

"We should go home," sabi ni JT sa 'kin. Nakasandig siya sa manibela. Nakaunan ang ulo sa braso niya habang nakatingin.

Hindi ako nakasagot agad.

"Ayokong umuwi," sabi ko sa kanya. Then, I braved to air my next words, "Ayokong mag-isa."

Nanatili siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa.

"Nakainom ka na... Bawal ka magmaneho," dahilan ko.

Hindi siya kumibo.

"Or we could... go somewhere else..?" ani ko pa.

Umayos siya nang pagkakaupo at humarap sa 'kin.

"I don't want to go somewhere else, Hannah."

Pinaglapat ko nang mariin ang mga labi ko. Ayokong tanggihan niya 'ko. "Please. Ayokong umuwi."

Bumuntong-hininga siya.

"Okay. Hindi rin naman ako pwedeng magmaneho pa. Dito na lang tayo sa kotse."

Pinigilan kong maiyak uli. Pilit na pilit siguro siyang pagbigyan ako. Why am I this pathetic?

"Thank you."

Sumandal uli siya sa driver's seat at inilagay ang kamay niya sa bulsa ng jacket. "Yeah. Pero matutulog ako, okay? I need strength for later."

Tumango ako. "Gusto mo, do'n ka na lang sa backseat matulog."

"Ikaw ang matutulog sa backseat, Hannah," sabi niyang bumaling sa 'kin. "I don't want you crying until morning. Don't argue."

"Okay."

"Better," sabi niya at umayos nang sandal sa upuan niya.

Nakasunod lang ako ng tingin.

"Dok Sungit..." tawag ko sa kanya.

"Hm?" Hindi na siya lumingon sa 'kin.

"I'm sorry."

"It's okay."

Nakatitig ako kay JT. The truth is...

"I'm imposing so much."

"Yeah."

"I really don't want to get attached to anyone," sabi ko at lumunok. "I mean, I don't want to get attached to you."

Nagmulat siya at bumaling.

"Then why are you, Hannah?"

Nakatitig kami sa mata ng isa't isa.

"Yeah. Why am I?"

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin.

"Just don't mistake me for Zig."

Umiling ako. "I don't. You're too different."

"Then don't think too much about it," aniya. "We're friends."

"Doktor kita," sabi ko sa kanya.

"I'm better as a friend. May bayad ang consultation fee kapag doktor ako," aniya at ngumiti.

"You're my secret ally," sabi ko pa.

"Uhum. Mambola ka pa, Miss Milano. Matutulog na 'ko," dismissive na sabi niya.

Sumandal na nga siya sa upuan at pumikit. Isinandal ko naman ang ulo ko sa unahan, malapit sa dashboard at pinanood siya.

Ilang minuto lang, nakatulog si JT. Nakapamulsa pa rin siya sa jacket niya habang nakaupo. Halos walang pagkilos. His breathing was deep and even. Maamo ang mukha. Bahagyang nakaawang ang mga labi.

At ngayon ko lang aaminin: the guy is strikingly handsome, even in his sleep. #0244pm / 08162016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top