Day 21 : Safe
Safe
-----
"What are we going to drink?" tanong ko kay JT nang nakaupo na kami sa isa sa mga tables sa loob ng Juancho's. Parehas kaming tumitingin sa menu na iniabot sa amin.
"Let's see. May trabaho ka bukas?" tanong niya.
"Nope. It's a Sunday so..." Nagkibit-balikat ako. "Ikaw?"
"Wala. Pero may pupuntahan ako," sagot niya.
Napatango-tango ako.
"Beer na lang?" tanong niya uli.
"Sige."
Tinawag namin ang atensyon ng isa sa mga serbidora. I looked around habang umuorder si JT. Halos wala pang tao sa bar dahil maaga pa.
Juancho's bar and resto is like a pub taken from a cowboy movie. Gawa sa kahoy ang mga mesa. May mga hunting trophies, barrels, baril at wanted posters bilang disenyo. At may frills ang damit ng bawat attendant. For this night, a small stage was set-up for the spoken poetry event.
"Nag-dinner ka na?" untag ni JT sa 'kin.
"Nag-snack. Ikaw?"
"Snack?" Kumunot ang noo niya. Parang hindi nagustuhan ang sagot ko.
"Malakas ako mamulutan, so don't worry. Ikaw? Kumain ka na?" tanong ko.
"Kaunti," sabi niya at luminga rin sa paligid. "What happened to your crew? Bakit hindi sila nakasama?"
Automatic ang pagsimangot ko. "'Ayun. Mga traydor na 'yun. Decided na pala sila na hindi sila sasama, pinaasa pa 'ko. Sinabi lang nila sa 'kin na may iba silang lakad no'ng pauwi na kami. Kaya 'di ko rin nasabi agad sa'yo."
"Baka ayaw talaga nilang sumama sa'yo no'ng una pa lang. Namilit ka lang," kaswal na sabi niya.
I was taken aback. Ilang sandali na nakatingin lang ako sa masamang bibig na nagsalita.
"Oy, Dok Sungit! Wala pang isang oras tayong magkasama, strike ka na!" reklamo ko.
Mahina siyang tumawa. "Bakit? May sinabi ba 'kong masama?"
"Magbayad ka ng iinumin mo," sabi ko at humalukipkip.
Kontento siyang ngumiti. "Is that all the punishment?"
Inirapan ko siya. "Bayaran mo rin 'yung sa 'kin."
"Sure."
Sumimangot ako. Mahirap pa ring timplahin si Dok Sungit. Pero nitong mga nakaraan, napapansin kong nawiwili siyang mang-alaska sa 'kin.
"Nagsabi talaga sina Deo na sasama sila sa 'kin. Kaso, bigla silang nakakuha ng ticket sa Music Awards for tonight. 'Ayun."
Napa-Ah lang siya.
"Gusto nga nilang sumama na lang ako ro'n kaso ayoko," patuloy ko.
"Why? Mas gusto mo ang spoken poetry?" tanong niya at umayos ng sandal sa upuan niya.
"Yep. Mas gusto ko ang spoken poetry," kumpirma ko. "Ikaw? Do you like poems?"
"Sakto lang," sagot niya. "I have a friend na nagsusulat ng tula."
"Oh? Talaga? Sino? Pakilala mo 'ko!" sabi ko sa kanya.
"Sige. I'll ask her," sabi niya sa 'kin.
Kumurap ako.
"Talaga nga?" ulit ko.
Ngumiti siya. "Talaga nga."
"Make it soon!"
Napailing siya sa excitement ko. "Why do you like poems?"
"Because it's safe," sagot ko sa kanya.
"Safe? What kind of safe?"
"Well, uh... You get to say what you feel through words without revealing the actual thing," simula ko, nag-iisip kung paano pa ipapaliwanag ang mga nasa isip ko. "It's like a secret spilled out in the open, yet no one will really know unless you let them. They get to know what the pain, the curse or the fall feel and taste like, without actually knowing what happened. It saves the trouble of explaining things to anyone. Gets mo?"
Napatitig sa 'kin si JT. Sinalubong ko naman ang mata niya.
"You seriously love hiding, huh?" aniya.
"Hindi naman. I just love poems that way," sabi ko. "Pero itong spoken poetry, it's not that secretive. Mas head-on siya at straightforward. I still love it, though."
"And it's really popular these days," komento niya.
"Yep, it is," sabi ko. "Napapadalas nga ang punta ko sa mga ganito. Ikaw?"
"This is my first time," sabi niya.
Sandali kaming natahimik nang isilbi ang order namin sa mesa.
"Talaga? Congratulations! I'm sure, you're going to enjoy this," sabi ko. "I saw the names of the performers tonight and some were familiar names. They're really good. Singilin mo 'ko ng kahit ano kapag hindi ka nag-enjoy."
"I'll enjoy it," kaswal na sabi niya at tumungga sa bote ng beer.
Napangiti ako at tumungga rin sa beer ko. I'm happy he doesn't whine nor complain nor look unwilling to be here. Halos wala kasi akong mahila kapag nagpupunta ako sa mga events na gaya nito, kahit pa nga nasa linya na ng broadcasting at arts ang trabaho ko. Kahit si Zig, hindi mahilig sa tula. I mostly go alone.
The show just started when I received a message on my phone. May nagpe-perform pa naman.
Kinalabit ko si JT.
"What?" tanong niyang nagbaling ng atensyon sa 'kin.
"Si Deo raw, nasa labas. Pupuntahan ko lang," sabi ko sa kanya.
"One of your crew?"
"Assistant ko. Production Assistant to be exact," sabi ko sa kanya.
"He came with the others?"
"I'm not sure. Nagsabi lang na nasa labas siya e. Baka raw mahirapan maghanap sa 'tin, kaya lalabas na lang ako. Hintayin mo lang ako rito," sabi ko.
"Okay. Hurry," sabi niya at ibinalik ang atensyon niya sa stage.
Tumayo naman ako at lumabas.
I looked outside but saw no signs of Deo. Ilang minuto rin akong naghintay sa entrance bago baybayin ang tagiliran ng Juancho's. Liliko na sana ako sa kanto ng establishment papunta sa parking lot nang makarinig ako ng pamilyar na boses.
"Go home, Yhen."
I froze at the sound of Zig's voice.
"Why are you here? Ang sabi mo kanina, pauwi ka na, 'di ba? You said you're busy!" sabi ng boses ng isang babae.
"I did go home," sagot ni Zig.
"Then why are you here?"
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Nandito ba si Hannah? Pupuntahan mo siya? Bakit mo siya pupuntahan?"
I couldn't even swallow while listening to them. I couldn't even breathe.
"What is it to you if I go to her?!" mataas ang tonong sabi ni Zig sa kausap nito.
"What is it to me?! Are you crazy, Zig?! Magkasama lang tayo last, last week! We were happy! You said... You said—"
"That was right. We were happy! But you made me choose. Do you remember?"
"So, ano ngayon? Ano'ng sinasabi mo?"
"Just go home, Yhen. Don't waste your time here," sabi ni Zig.
Huminga ako nang malalim sa pinagtataguan ko. I was starting to doubt if what I was hearing was real or just in my mind. But their voices were clear enough to make me immoveable. I could hear Zig's voice... na pakiramdam ko, kung hahakbang lang ako ng isa sa kanan ko, makikita ko na sila. But I couldn't. What I wanted to do was escape from here.
"Are you choosing her? Sabi mo, pagod ka na kay Hannah, 'di ba? Sabi mo, she's smothering you so much that it's tiring! You said I am better than her!"
I wanted to run somewhere else but I was frozen.
"I tried to be cool for you! Dahil eventually, you'll choose me, right? Kaya nga tinanong kita... And you said you were happy with me! Ano'ng ginagawa mo ngayon?! Why are you stalking your girlfriend!"
Hindi ko namalayan nang tumabi sa 'kin si JT. Malaki ang matang nagbaling ako ng tingin sa kanya.
"That's not Deo, right?" mahina ang boses na sabi niya sa 'kin.
Bumuka ang labi ko para magpaliwanag pero walang lumabas na salita. I did receive Deo's message pero baka utos lang 'yun ni Zig para madali akong makita kapag lumabas ako ng bar.
"You look really..." Hindi tinapos ni JT ang sasabihin niya.
Nagpa-panic ako sa isip ko. Right now, I wasn't just frozen. I was scared, too. I was scared of what I was going to hear if I keep on listening. I was scared that I was going to be exposed.
"It's true. I was happy with you, Yhen. But you wouldn't understand what I have with Hannah. You shouldn't have made me choose. Go home!"
Nakarinig ako ng tunog ng sampal at ng pag-iyak. Ilang sandaling hikbi lang ang naririnig ko bago—
"Go home, Yhen."
"No! Ihatid mo 'ko o sasabihin ko kay Dad that you fooled around with me! And then, that Hannah will know how you made her a fool. Sasabihin ko sa kanya ang lahat ng sinabi mo sa 'kin! How you think that she's—"
Nagtaas ako ng paningin kay JT. Nakatayo na siya sa harapan ko habang tinatakpan ng palad niya ang magkabilang tainga ko. I couldn't make sense of the voices anymore. Ngumiti siya sa 'kin.
I bit my lower lip. Pagpikit ko ay tumulo ang luha ko. Patuloy niyang tinatakpan ang tainga ko habang umiiyak ako.
"They're gone," bulong niya kapagdaka. Tinanggal niya ang kamay niya sa tainga ko.
I couldn't say a word. I was so scared to listen to everything but I couldn't move to escape nor step out to confront it. Kung hindi dumating si JT...
Lalo akong napaiyak.
"You came. I was... really scared..." Nanginginig na sabi ko sa kanya. "God, I was... scared... If you didn't..."
Bumuntong-hininga si JT bago niya ko yakapin.
"Yeah. I'm here," he said.
"I'm scared..." sabi ko at suminghap. Nanghihina ang tuhod ko sa lahat ng posibilidad na nasa isip ko. "I thought... I have to face them... I..."
"You're safe. I'm here," sabi niya uli.
"Hide me..." bulong ko sa kanya.
Binuksan niya sandali ang jacket na suot niya, hinila ako sa katawan niya at saka isinara ang jacket sa likod ko.
"Are you hidden enough, now?" mahinang tanong niya.
Inilusot ko ang kamay ko sa magkabilang tagiliran ni JT at yumakap. Hindi ko na alam kung nasaan si Zig, pero kung nandito pa ito o kung babalik ito, baka mag-check sa loob para hanapin ako. I couldn't face him, yet.
"Sa kotse muna tayo?" tanong ni JT sa 'kin.
"Please..."
Nagsimula kaming lumakad. JT's leading the way.
"We look really weird right now. Parang ina-abduct kita," sabi niya.
"Really?"
"Yeah."
Hindi na ako makakibo.
"Hold tight while I abduct you," sabi niya.
Sumunod ako sa sinabi niya hanggang sa makarating kami sa kotse. #0409ma / 08142016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top