Day 17 : Escape

Escape
-----

"Doctor Teodoro!" tawag ko sa isang lalaking naglalakad palayo sa main entrance. The man wore his white coat with his back to me. Pero sigurado akong si JT 'yun base sa tangkad at lapad ng balikat. Kahit na iilang pagkakataon ko pa lang siyang nakita, dahil mas madalas akong tumitig sa pananahimik niya kaysa sa makinig sa kakaunti niyang pagsasalita, mabilis ko siyang natandaan.

Napahinto siya sa paghakbang. Binilisan ko namang makalapit at sinilip agad ang mukha niya.

"'Oy!" bati ko at ibinangga ang braso ko sa braso niya. "Sabi na nga ba e. Ikaw 'yan e."

Kumunot ang noo ni JT habang nakatingin sa 'kin. 

"I told you to go home," sabi niya.

Siningkitan ko siya ng mata. Bakit ba parang na-bad trip na naman siya dahil lang nakita niya 'ko? Samantalang kanina, dinalhan niya 'ko ng pagkain galing sa restaurant ng Tito niya.

"I told you na nandito ako," sabi kong nakangiti. "Kaya nandito ako."

"Go home, Hannah," aniya, namulsa sa coat niya at umuna ng hakbang na parang iiwan ako.

"Ang sungit mo na naman. Inaantok ka ba? Nagdala ako ng food o. Binili ko pa 'to sa resto ng Tito mo," sabi kong binilisan ang hakbang ko para makasabay sa malalaking hakbang niya. Itinaas ko pa ang paperbag na may take-out food. "Kain tayo. Nagugutom na 'ko e. 'Di pa 'ko nagdi-dinner."

Nagbuga siya ng hangin. "Naka-duty ako, Hannah. What makes you think na pwede kong basta na lang iwan ang duty ko?"

"Kapag naka-duty, bawal na kumain? Nang may kasabay? Baka pwede kang magpaalam?" sabi ko sa kanya. "I won't take too much of your time. Baka makonsensiya ako kapag may nanganib na pasyente."

Tumingin lang siya sa 'kin na parang ang laki kong istorbo sa tahimik na buhay niya. 

"Why don't you go home?" mas mahinahong tanong niya.

"Ayoko e," sagot ko.

"Why? Mas komportable ka apartment mo."

Tumingin ako nang diretso sa kanya. "Nag-message si Zig na dadaan siya sa apartment ko. Ayoko siyang makasama at marinig siyang nagsisinungaling tungkol sa out-of-town trip niya."

Sandali siyang natahimik. "Then why would you come here of all places?"

"Bakit? Masama ba?"

"Hindi tayo close."

"Wow!" sabi ko sa kanya at sinimangutan siya. "So, kailangang close muna tayo bago ka yayain para sumabay kumain? Alam mo bang ang mahal ng pagkain sa Tengo Hambre pero bumili ako dahil maarte ka at ayokong magdala ng tatanggihan mo. Kasi sabi mo, I'm particular with food. Ano ba'ng iba pang requirements bago lumapit sa'yo?"

Pinanood niya lang ako sa pagrereklamo ko. Blangko ang mukha niya. Ang sarap talaga pitikin sa ilong ng lalaking 'to. Hindi ko maintindihan kung maarte siya o talagang may topak lang. Last time naman, kumain na kami ng agahan. Libre pa nga niya.

"Ang ibig kong sabihin, wala ka bang ibang pwedeng guluhin para isabay sa pagkain? Don't tell me that you also don't have friends whom you can eat dinner with."

"Wala," flat na sagot ko. "Wala akong kaibigan na pwede kong yayaing kumain na hindi magtatanong kung bakit hindi na lang si Zig ang isabay ko."

"Just tell them Zig's busy."

"I don't want to lie to them."

"Then tell them about Zig's cheating."

"I can't tell them the truth, either."

"Mga kaibigan mo ba talaga ang pinag-uusapan natin?"

"I told you  before, they're not those kind of friends whom I can impose with or demand to. Wala akong kaibigan na nakakaalam ng problema ko."

Nagbuga siya ng hangin. Mas mahaba.

"Zig acted like the cool and adorable boyfriend whenever we meet with my friends. Ayokong magpaliwanag nang mahaba sa kanila... gaya ng ginagawa ko ngayon. Busy rin 'yung iba. So will you please just eat with me? Like a friend?"

Napailing si JT.

"Saka, thank you ko na rin 'to para sa pagkain kanina."

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. "Okay. Susubukan kong magpaalam para sa break ko. But you must be willing to wait kung hindi pa 'ko pwede ngayon."

"Okay," sabi ko lang at ngumiti.

"Wait in the lounge," aniya at tumalikod sa 'kin. Sigurado ang hakbang na naglakad siya palayo.

Hinanap ko naman ang lounge at naupo.

I was willing to wait. Pero labinlimang minuto lang ang lumipas ay nakatayo na sa harapan ko si JT. He gestured for me to stand.

"Kain na tayo," aniya.

"Sige. Saan ba pwede?" tanong ko naman.

"Nasa ospital ngayon si Tita Espie. Na-meet mo na?" tanong niya sa 'kin.

Tita Esperanza is Zig's aunt. Kapatid ni Mommy Ritz. 

"She's here? Why?!"

Pinanonood ni JT ang mga reaksyon ko. Bluntly. "We wouldn't want to be seen together by her. Lalo na kung nasa unit mo dapat si Zig ngayon. I don't have my car with me tonight. Nasa talyer..." his voice trailed off as if thinking. "Sandali lang. Hintayin mo uli ako."

Umalis siya uli at bumalik nang tumatakbo. 

"Tara!" sabi ni JT habang nakangisi. 

I was frozen on my seat. Malaki pa nga yata ang mata ko. Kasi... ano'ng mayro'n sa pag-alis ni Sungit at pagbalik niya ay para siyang nagbagong-anyo?

Namalayan ko na lang na kinuha niya ang paperbags sa tagiliran ko, hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako patakbo kasama niya.

Naulinigan ko ang mahinang tawag ng isang boses sa likuran namin pero 'di ko malingon. 

"Boy Bigti! Ingatan mo ang kotse!"

Tumatawa lang nang mahina si JT hanggang sa makalabas kami ng ospital. Lumapit kami sa isang pulang kotse at sumakay.

"Kaninong kotse 'to?" tanong ko kay JT nang nasa loob na kami.

"Hiniram ko kay Harry," sagot nito.

"'Yung friend mo?"

"Yeah."

"Siya 'yung humahabol sa 'tin?"

Mas lumapad ang ngiti niya. "Yeah."

Hindi na 'ko umimik. 

Nailing naman siya. "Baka pagalitan ako mamaya pagbalik ko. Tumakbo ako palabas ng ospital na parang magnanakaw."

Mahina lang akong tumawa. "Obviously. You're a doctor and you acted like a little boy."

Pero hindi nawala ang ngisi niya. "Well, let us leave that for later."

Nag-drive siya palabas ng compound ng ospital. Tumigil kami sa isang coffee shop at bumili ng kape bago tumuloy sa isang malapit na parke. Nag-park kami malapit sa guardhouse.

"We can eat here. May guards sa paligid at maayos ang ilaw," aniya lang. "Most of the parks nearby are either crowded with lovers or too dark."

Totoo ang sinabi niya. Naka-witness ako minsan ng mainit na bakbakan sa damuhan ng ilang kabataan. 

Bumaba kami ng kotse at nagsimulang ihanda ang pagkain sa hood. We started eating without saying much to each other. He was focused on eating na naiengganyo akong sumubo. The night air was good, too. Kahit kasi nasa Metro kami, dahil marami-rami ang parke at green areas ay hindi amoy-usok o amoy-polusyon. The park bathed in yellow light from streetlights. Hindi rin gano'n kaingay.

Pagkatapos kumain, iniligpit ko ang mga food containers. Hawak naman namin pareho ang kape na nasa no-spill cup.

"Do you want to walk around?" tanong ni JT.

Tumango lang ako. We locked the car and started walking. Sinusundan lang namin iyong paved path.

I figured that he wouldn't start a conversation so I did. "I'm sorry I was too sleepy kanina no'ng nagpunta kayo sa apartment ko. I couldn't offer you anything."

"It's okay. You were tired."

"Thank you rin pala sa pagdadala ng pagkain."

"Don't think about it. Zig actually asked me if I could be so kind to buy food for you because he had actual work to do."

"He did?"

"Yeah. Kaya ibinigay niya 'yung susi mo sa 'kin."

Bumuntong-hininga ako. "So it's like that."

"Of course."

Humigop ako ng kape. "Then, why do you look angry kaninang umaga? Are you really mad at me dahil hindi ako nakapag-reply sa messages mo?"

Hindi siya kumibo. 

"Nag-sorry na 'ko a. And you always find me annoying anyway."

"Did you buy dinner just to ask that?" tanong niya sa 'kin. Humihigop din siya sa kape niya.

"Medyo. Pero ayoko lang talagang umuwi ng bahay kung pupunta ro'n si Zig. I couldn't face him, yet. Hindi ko pa kayang magkunwari na wala akong alam."

Naglakad kasabay namin ang katahimikan. Bago —

"I don't like girls like you," sabi ni JT.

Napatigil ako sa paghakbang. "Ano?! Sa'n galing 'yun?"

"Zig's cheating. You should confront him, Hannah."

"I'm not good with confrontation. Lalo na kung 'yung taong iko-confront ay iba ang ipinapakita sa 'kin. Did you see how he acted early this morning? It felt like he cared but..." Bumuntong-hininga ako.

"Write him a letter."

"Gosh."

"Call him. Talk to him over the phone."

"I can't."

"Catch him red-handed."

"How?"

Bumuntong-hininga siya. "I really don't like girls like you who became the victim willingly. You have a choice and you're choosing to be like a fool. Why do you live like that?"

Sandali akong napipilan sa tanong niya.

"Well... I know what I have to do. But I know is different from I can. And right now... I'm..." Hindi ko madugtungan ang gusto kong sabihin. Talking with JT confuses my reasons on not letting Zig go or not asking why Zig cheats.

"You and Zig's confusing. Kapag pinanood kayo, parang mahal n'yo ang isa't isa. But when you're not with each other..."—umiling siya—"it's easy to see that you're both hiding things and just getting by."

Ako naman ang sumabay sa katahimikan. Am I and Zig just getting by?

"Are you even really in love with him?" tanong ni JT sa 'kin. 

I wanted to say 'I am'. Gusto ko ring magsungit sa kanya sa pagtatanong ng isang napaka-ridiculous na tanong. But I couldn't say the words that easily.

"Oo naman."

"Are you happy when you're with him?" tanong niya.

"Imbestigador ka na?" tanong ko.

"Hannah, are you happy when you're with Zig?"

Hindi ako sumagot.

"Aren't you angry with him touching, kissing, and making love with another girl? Behind your back? Aren't you angry that he's lying to you?"

I bit my lower lip.

"Aren't you mad because he only comes to you when it's convenient for him?"

Itinaas ko ang mukha ko kay JT. "If I am not happy with the relationship anymore... does that automatically mean that I shouldn't be in love? If I'm not benefiting from the relationship anymore... if I'm not honest... if I am not expectant of anything... if I am not secured nor reassured... does that automatically mean that I am not in love?"

"No. But you should be working on your feelings. Dahil kung may respeto ka sa sarili mo, hindi mo paghihirapang masaktan sa isang taong paulit-ulit ka lang na lolokohin."

"What if he changed?"

"Pa'no kung hindi?"

"What if magbago siya pagkatapos kong bumitaw? Pagkatapos kong ma-sort out 'yung feelings ko?"

"Then it's his loss. Pero pa'no kung hindi siya magbago kahit ga'no katagal kang naghihintay?"

"Do you know something? Do you think that he won't change?"

"Who will know?"

Nagbuga ako ng hangin. "'Yun na nga e. No one knows. So, what if he really changed and I wasn't there for him?"

"At least tell him that you know what he's doing. Para kung magbabago siya, alam niyang naghihintay ka."

"He always know that I'm waiting for him. I just need to wait a little more."

Humigop si JT sa kape niya. "I admire and dislike you at the same time."

Napalunok ako, luminga sa paligid at alanganing ngumiti. "Ang heavy ng usapan."

"Yeah. Sorry."

"Can we talk about other things instead? Hindi si Zig?"

"Hm. Why did you come to me kung hindi pala si Zig ang pag-uusapan natin? He's the default topic we know."

"Kahit na. It doesn't mean na hindi na tayo magkakaroon ng ibang topic."

"Why should we talk about other things?" tanong niya uli.

"Hey," sita ko sa kanya. This is Sungit becoming difficult again. Ang bilis magbago ng mukha ng lalaking ito. "Are you really just looking at me as your cousin's girlfriend?"

"How else would I look at you, Hannah?"

"Well, we're friends."

Napakurap siya, namulsa sa coat niya at tumingin sa malayo na parang pinag-iisipang mabuti ang sinabi ko.

"Grabe! Sagad ang itim ng kalooban mo kung hindi man lang tayo friends sa lagay na 'to," sabi ko sa kanya. "You're even telling me to break up with your cousin."

He chuckled a little. "Okay. We're friends."

"Parang napilitan ka lang," sabi ko.

"Ipinilit mo lang naman talaga."

Sinimangutan ko siya. He chuckled a little.

"We're friends," deklara ko. "And accomplices."

"Right," aniya.

"Good."

Humigop lang siya sa kape niya. Hindi na masyadong seryoso ang mukha niya. # 0608g / 08012016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top