Day 10 : Rude
Rude
-----
Napaangat ako sa pagkakasandal sa bakal na gate ng mga Marquez nang makitang parating ang isang midnight blue na kotse. It wasn't Zig's so it must be JT's.
The car stopped abruptly before the automatic lock of the gates beeped. Bumukas ang gate. Pumasok ang kotse. At naiwan ako sa labas ng bahay na nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin.
Imposibleng hindi ako nakita ni JT. Kahit halimbawang makitid ang visuals niya o may rare phenomenon siya ng pagkabulag, alam niyang naghihintay ako dahil nag-message ako sa kanya. Pero dahil hindi siya nagpakita nang anumang acknowledgement sa presensiya ko, I was torn between ringing the doorbell again or sending him another message.
Ilang sandali lang, sa gitna ng pagtanga ko sa dalawang palapag na bahay, ay bumukas ang maliit na pinto sa tarangkahan.
"Come in," bungad ni JT sa 'kin.
Awtomatiko akong tumingala. The doctor was not wearing his coat but a casual cardigan. Naniningkit ang mata niya na parang nasisilaw sa sikat ng araw. At wala man lang bahid kahit ng kaswal na ngiti.
Alas siyete pa lang ng umaga pero parang oras de peligro na ang ekspresyon ni Boy Sungit. Pinapahalata niya bang nakakaistorbo ako?
"Sila Manang?" usisa ko nang pumasok.
"Pinagbakasyon ko," sabi lang niya. Nagsara siya ng gate at nagpatiunang lumakad papasok.
Nakasunod ako.
"Si Manong Ben?" tukoy ko naman sa caretaker na may maliit na bahay sa likod lang ng ancestral house. Kapatid ni Manang Choleng.
"Same."
Nawalan na 'ko ng itatanong.
Madilim pa sa loob ng bahay pagpasok namin. Nakaladlad ang mga kurtina sa bintana.
Nagkusa akong maupo sa isa sa mga couch at tumingin sa kanya.
"I'm here to talk," sabi ko.
"I figured. But when I told you I would talk to you today, I meant online," he pointed out. Nakatayo lang siya sa tagiliran ng living room. Nakapamulsa sa suot na cardigan.
"Baka kasi hindi mo 'ko i-reply," sabi ko lang.
Hindi siya sumagot sa komento ko.
"Hindi ko alam na wala pang tao rito sa bahay pagdating ko kanina. Twenty minutes akong naghintay," pasakalye ko. "May duty ka sa ospital ngayon? O may iba kang lakad today?"
Sa halip na sumagot ay lumapit siya sa malaking bintana, hinawi ang kurtinang nakatabing doon at binuksan ang salaming harang. Napuno ng liwanag ang living room.
I saw him squinted at the morning light.
"So..." And I ran out of conversation starters. " 'Yun."
Lumingon siya sa 'kin. Nagbuga ng hangin.
"I need to sleep," sabi niya.
"Huh?"
"Two hours lang. Then, we will talk."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I mean... pwede ko ba siyang pigilan? The way he phrased it didn't give me any chance to bargain or ask for something to be done otherwise.
"Okay," sabi ko.
Pinisil niya ang tulay sa pagitan ng mga mata bago magsalita, "My room's beside Zig's. Wake me up kung mapahaba ang tulog ko. Just two hours."
Tumango ako. Na hindi na niya nakita dahil nakatalikod na siya at naglakad papunta sa loob ng kabahayan.
I was left alone just like that. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-message sa Assistant Producer para sabihing magha-half day lang ako.
Nagbasa ako at sumagot ng emails sa smart phone. Nag-jot down ng to-do's at production ideas. Nag-coordinate ng kasunod na out-of-town shooting.
At tumunganga.
The clock ticked slowly.
After exactly two hours, I heard a door opened.
"Magsa-shower lang ako," abiso ng pamilyar na boses ni Boy Sungit.
At bago pa ako makasagot ng 'Okay', 'Oo', o 'Bahala ka sa buhay mo', sumara uli ang pinto.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Sungit galing sa kabahayan suot ang isang kaswal na kamiseta at walking shorts. Naka-casual flats siya. May bitbit na sumbrero.
"Let's go," aniyang tumango sa 'kin.
"Ha? Saan?" tanong kong nakakunot ang noo.
"Breakfast. Wala si Manang dito para magluto," sabi niya.
Pumalatak ako. "Sana sinabi mo sa 'kin kanina na kailangan mong kumain. Ako na lang sana ang nagluto."
Nakatingin lang siya sa 'kin na parang hinihintay akong matapos magsalita bago, "Tara."
Gusto kong umangil. Hindi lang masungit ang lalaking ito. Bossy. Dominante. Assuming. Inconsiderate.
Maitim siguro ang budhi nito. Kaya nagawang magsinungaling at magkunwaring si Zig. Gosh. He's getting on my nerves!
Lumabas kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.
"What do you want to eat?" tanong niya sa 'kin nang buhayin niya ang makina ng sasakyan.
"Ha?" Napakurap ako. Tinatanong niya ba 'ko ng preference ko? For the first time?
"I just assumed na hindi ka pa kumakain, judging by your hurried look when I got here..." his voiced trailed off.
Tama siya. Hindi pa nga ako kumakain dahil nagmamadali akong nagpunta roon.
"Sana pinagluto mo na lang ako kanina. Two hours din akong tumanga, no. Hindi na sana natin kailangang umalis ng bahay."
Ni hindi siya tumitingin sa 'kin habang nagda-drive.
"It's inappropriate for us to stay in the house longer. May mga tsismosang helpers sa katapat na bahay na gising ng ganitong oras. Alam nilang wala sina Manang. Kung may makakita sa 'tin na nagsosolo sa bahay, baka kung ano'ng isipin," paliwanag niya.
"Ah..." May punto naman siya ro'n.
"And why would I make you cook? Pa'no kung 'di ko magustuhan ang luto mo? Masasayang. I'm particular with food," dagdag niya.
Sinarili ko ang ngitngit na naramdaman ko. Seriously? Totoong tao ba 'tong kausap ko? Doktor ba talaga 'to? Bakit ganito ka-antipatiko?
Okay na 'yung unang paliwanag niya e. Bakit kailangan niyang magdagdag ng nakakaasar marinig?
"Alam mo bang antipatiko ka? I mean, like, really. You oozed with antipathy and disdain. With the real sense of the word. Hindi mema lang."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sarili kong boses. Did I just say those OUT LOUD?
"Oh. Antipatiko ako? Akala ko, masungit lang?" he casually asked.
Nadagdagan ang asar at hiya ko dahil sa reaksyon niya. He's really getting into my nerves. Wala bang ibang emosyon ang lalaking ito? Pa'no siya nabubuhay na may flat na emosyon? May kaibigan ba 'to o pamilya? Hindi ba 'to itinatakwil ng lipunan? Wala bang nagmamahal dito?
"I'm sorry... I didn't mean to say that," labas sa ilong na sabi ko sa kanya.
"Why the apology? You shouldn't apologize for saying something you really mean," aniya.
Asar kong kinagat ang lower lip ko at sumulyap sa kanya para sana bumelat. Pero sumakto ang sulyap niya sa 'kin sa puntong inilabas ko ang dila ko. I bit my tongue. Itinikom ko ang bibig ko kasabay ng pamumula ng mukha.
I thought I saw amusement in his eyes bago siya tumingin uli sa daan.
"Kunwari wala akong nakita, Hannah," sabi niya. Na hindi ko alam kung sadyang nang-aasar.
" 'Wag ka nang magkunwari. Nakakahiya naman kung mag-i-effort ka pa. May nakita ka."
Tumikhim lang siya at hindi na nagkomento.
***
Ilang minuto kaming nilamon ng katahimikan hanggang sa huminto sa isang restaurant.
Bumaba kami ng sasakyan. Isinuot niya ang dala niyang sombrero habang nakasunod lang ako sa paglalakad niya.
We went inside the establishment then through the exit door on the side.
Naupo kami sa isa sa mga mesang nakahanay sa verandah ng kainan. Hanggang baywang ang mga halamang naka-landscape malapit sa amin. Nagsisilbi iyong dibisyon sa restaurant at sa reserved parking ng katabing pribadong gusali.
Umorder siya ng breakfast plate na may bacon, sausage, omelette at toasts. May sides ng prutas. Umorder naman ako ng club sandwich at salad. Pareho kaming nag-coffee.
Unang isinilbi ang kape at baso ng tubig.
"So... about Zig..." simula ko na hinuhuli ang mata niya.
"Mamaya ka na magtanong. Kumain muna tayo," seryosong sabi niya.
"Bakit mamaya pa? Parehas lang 'yun kung ngayon ko malalaman o mamaya."
Humigop siya ng kape at matamang tumingin sa 'kin.
"There's a difference, Hannah."
"Ano?"
"Kapag ngayon mo nalaman, mawawalan ka ng ganang kumain."
Natahimik ako.
"Kaya kumain ka muna," sabi pa niya.
Isinilbi ang mga order namin. Tinanggal niya ang suot niyang cap at ipinatong sa table. Pinilit ko namang kumain. Tiniis ko ang impulse kong magtanong uli.
He ate with gusto. Pero parang ang tagal niyang natapos. Or maybe, I was just impatient.
Nasa pangalawang tasa na kami ng kape nang magsalita siya.
"Ask away."
Napalunok ako. JT looked resigned in his seat. Na para bang inaasahan niyang magtatagal pa kami ro'n.
"Where is Zig?"
"In Tagaytay," sagot niya.
"Kailan pa?"
Nag-isip siya sandali. "Tuesday... kung hindi ako nagkakamali."
"Sino'ng kasama niya?"
"Someone named Yhen..?"
Sumikip ang dibdib ko sa narinig. That girl again.
"Bakit nasa 'yo ang phone niya?"
Dumilim ng kaunti ang mukha niya bago sumagot. "He gave it to me. He asked me to send you replies."
Hindi ako nakapagsalita agad. "Uh... Pa'no..? I mean..."
"Hindi siya masyadong nagbigay ng details. Ang sabi lang niya, magbabakasyon siya sa Tagaytay with this certain girl. Pero hindi mo dapat malaman. He needed someone to answer your messages for him. He asked me."
Ilang sandali kaming nakatingin ni JT sa isa't isa.
"At pumayag ka? Na magkunwaring siya?"
"Wala ako sa posisyon para tumanggi, Hannah. Kaya nga ako ang inutusan niya."
Napalunok ako. Hindi ko alam ang iisipin.
Humigop ng kape si JT.
"How could you be cool about this?" tanong ko sa kanya.
Sinalubong niya ang mga mata ko sa parehong akusasyon.
"How could you be cool about this, Hannah?" mas may diing tanong niya.
"What?"
"You know that he's cheating on you," deklara niya. "Why do you let him?"
Hindi ako agad nakasagot. Tumanga lang 'ata ako.
Pa'no niya nalaman? Am I obviously that pathetic? Is it written on my face?
"You seem like the type of girl who's straightforward and honest. You're transparent. Halatado kapag naiinis ka at kapag ayaw mo sa taong kasama mo. With that kind of personality, pa'no mo natitiis na niloloko ka lang ni Zig?"
Hindi ko masalungat ang obserbasyon niya. Madaling ipaliwanag kung bakit ako nananatili sa relasyon ko kay Zig... pero siguradong walang tao ang mag-iisip na valid ang rason ko.
"Break up with him," aniya.
"Ano?"
"Niloloko ka niya. That's enough reason to break up."
"Baliw ka ba?" mahina ang boses na tanong ko.
Sumandal siya sa kinauupuan, humalukipkip at tumitig sa akin. I felt so small while being looked at. Parang binabasa niya ako.
Pa'no akong nababasa ng taong ito? Doktor siya, hindi manghuhula. So, why does he seem to know so much about my situation?
"Ikaw? Baliw ka ba?" tanong niya sa 'kin.
Magkalapat na mariin ang ngipin ko nang salubungin ko ang mata niya.
"Maybe."
Mataman siyang tumingin bago nagbuga ng hangin. "I get it. You're in love."
Nagbaba lang ako ng mata sa mesa. He made it sound so bad.
"Bakit mo ibinubuko si Zig sa 'kin? Kasabwat ka niya, 'di ba?" tanong ko sa kanya.
"Bakit nga ba?" tanong niya at nagbaling ng tingin sa mga halaman. "Sabihin na lang nating ayokong nanloloko ng babae. Kahit may unspoken consent pa ng taong niloloko."
Matagal pumagitan ang katahimikan sa amin.
"Tuesday na ngayon. Isang linggo na siyang may kasamang iba. Kailan babalik si Zig?" tanong ko.
"Hindi pa siya nagsasabi sa 'kin."
Nagbuga ako ng hangin. Hindi na 'ko makatingin kay JT. Ramdam kong pinapanood niya ang mga kilos ko.
"Aren't you going to confront him about his affairs?" tanong niya.
"Pagsasawaan niya rin si Yhen. Tapos, babalik siya sa 'kin."
"He's been with that girl for a month. Matagal pa siyang magsasawa."
There was another clutch in my chest. Mahirap tiisin at tikisin.
"A week, huh..." nanginginig ang boses na bulong ko.
I could imagine what Zig was doing with the girl for a week.
He would be kissing that girl. Holding that girl. Taking that girl to bed.
He would tell that girl he loves her. Habang ako... kaharap ang pinsan niya at nagmumukhang tanga.
I felt tears running down my cheeks. Lalo akong tumungo para itago ang mukha ko. Ayokong mainsulto ng lalaking may topak.
I heard JT sigh. Pero wala siyang sinabi.
Sa halip, kinuha niya ang cap na nasa mesa at inilagay sa ulo ko. Ibinaba niya ang visor patakip sa mukha ko.
Lalong bumuhos ang luha ko.
"I'm sorry, Hannah," bulong niya kapagdaka. "Zig's an ass."
Pumikit lang ako. It's weird to hear JT's words. A few seconds ago, I was sure that he would scold or insult me. Hindi si Zig.
Ang hirap niyang basahin.
"He will come back to me..." bulong ko. "I'm sure. He always come back. I just need to wait."
Bumuntong-hininga si JT. "You're playing a losing game, Hannah."
"Am I? Who are we to know that Zig and I will be on the losing end? How sure are we about the end? Is there only one way for this to end?"
"Hm." He paused. "Nice point."
Nagtaas ako ng mukha kay JT. Natigil ang pag-iyak ko.
"Nice point?" Napailing ako sa kanya. "Alam mo bang magulo ka kausap?"
Tumingin lang siya sa 'kin. "Most girls would be crazy mad kapag nalamang niloloko sila ng lalaking mahal nila. Why wouldn't you?"
Hindi ako nakaimik.
"Is it because you're really in love with him? Or because you're a fool? Or because you're really stubborn? Or because... you're already numb from being set aside every time that you thought that is normal?"
Nakatitig ako sa kanya.
"I asked myself those same questions, JT," sabi ko.
Napakurap siya sa sagot ko.
"Magulo ka ring kausap," aniya.
Pinahid ko ang luha ko. Mukha ngang magulo kaming mag-usap. But he's the first person I could really tell my thoughts to. At parang gano'n din siya sa mga walang preno niyang sita.
"I think I'm going to like you, Boy Sungit."
Napailing siya. " 'Yan. Mukhang baliw ka nga talaga. You're going to like someone na tinawag mong antipatiko, masungit, at magulo kausap?"
"Why not? May discrimination ba dapat? I kinda like you now."
Napangiti siya bago umiling uli. Na napatitig ako. It's the first time I saw him smile.
JT looked like a totally different person smiling. Like as if the clouds has opened up and shared the sun.
"Baliw," komento niya.
Napangiti lang ako. I don't find him offensive now.
Yes. I think I kind of like this rude guy. #1152h / 06192016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top