CHAPTER 17




MATTHIAS POV

This set-up was scary yet exhilarating. Hindi ko akalain na ganito ako kabait, behave akong natutulog katabi ang babaeng mahal ko. Tatlong araw akong hindi pumasok dahil sa lagnat at hindi ko sinabi kay Lainerry ang totoong nangyari ng gabing galing ako sa kanyang debut. Magdamag nag-inuman ang tropa sa bahay nila Andrew. Alam nilang nasasaktan ako. Kinaumagahan hinatid ako ni Shaun sa bahay at naiwan ang phone ko. Sinusubukan kong matulog ngunit tanghali na ay dilat pa rin ang aking mga mata hanggang sa dumating si Lainerry. Isinama ako sa paghatid kay Yaya Lucy sa Quezon. Hindi ko siya matanggihan. Kaya kahit masama ang pakiramdam ay sinamahan ko siya.


“Matthias? Ginawa mong tambayan itong bahay ko?” Nadatnan ako ni Lainerry, nanonood ng T.V sa sala habang nakakalong naman si Yetti sa’kin.


“Ingay mo, natutulog si Yetti,” saway ko.


“Pumasok ka na bukas. Kinukulit ako ni Kairos dahil may group projects daw kayo.” Kararating niya lang galing school. Sanay na akong sa ganitong oras siya umuuwi.


“Palit ka nang damit. Ready na ang dinner, nagluto ako,” sambit ko, pinatay ang T.V. at humarap sa kanyang nakangiti. Hindi siya kumibo tinitigan akong makahulugan.


“Oo na. Uuwi na ako after dinner at papasok bukas.” Nababasa ko ang isip niya. Tumayo at hinila ko na siya papuntang kusina dahil tinatamad pa magbihis, kaya naghain na ’ko para makauwi na.


“Hindi ko sinabing umuwi ka,” nagtatampong saad niya at naupo.

“Baka masanay na,” mahinang saad ko.


“Sanay na ako,” sagot niya, agad na tumayo patungo sa kinaroroonan ko at niyakap akong mahigpit mula sa likod habang nagsasandok akong kanin. Kinilig na naman ako pero kailangang kontrolin.


“Kumain na tayo,” saad ko at kumalas naman siya sa pagkakayakap, bumalik sa upuan.


“I’m sorry...” Mag-uumpisa na naman siya. Hindi ko na nga iniisip ang sitwasyon namin pero siya ang sobrang nag-aalala sa kalagayan ko.


“Stop it, Laine dahil okay lang ako. Magagawan natin ito nang paraan. Kumain na tayo para makapagpahinga kana.”


“This is perfect! Everyday seems like a date,” palatak niya habang titig na titig sa flower vase na nasa gitna ng mesa.


“Dapat sinabi mo na gusto mong date. Hindi sana gulay ang niluto ko.”

“Okay na sa akin ’to. Masaya akong kasama kita.”


“I’m worried about you here. Parang hindi kita magawang iwan na mag-isa rito.”


“Then don’t leave,” she sighed heavily. Pero hindi rin puwede na manatili pa ako dahil baka mawala ako sa katinuan ko ilang gabi na akong nagkukunwari na tulog habang nakayakap siya.


“Kailangan ko na ring pumasok, baka bumagsak ang grades ko.” My mouth says was against my feelings.


“I understand. Gusto mo ihatid kita?” She offered byt I refused.


“Magpahinga ka na. Tawagan kita kapag nasa bahay na ako.” Mabigat sa pakiramdam pero kailangan dahil ko bahay ito. Minsan nilulunok ko ang aking pride sa tuwing naiisip ko kung gaano kayaman ang girlfriend ko.


“Sige na nga. May gagawin rin naman ako, reporting ako bukas,” saad niya at tuluyan na qkong nagpaalam pagkatapos kung hugasan ang mga pinagkainan.


“Always lock your door, okay?” bilin ko, hinatid niya ako sa labas ng gate. Tumango lang siya at isinara na ang gate.




LAINERRY POV


Makalipas ang isang taon naging magaan ang pagsasama namin ni Matthias, graduating na siya ngayon at ako naman ay third year na. Naging masaya kami ni Matthias dahil wala nang hadlang sa amin, hindi na ako pinapakialaman nila Daddy simula ng lumipat ako sa bahay ng mag-isa. Naging busy sila sa negosyo kaya hinayaan akong mag-focus sa pag-aaral ko. Nasanay na rin akong mag-isa at maayos kong nagagawa ang mga gawaing-bahay, pati sa pagpasok sa eskuwela ay walang naging problema. Madalas ring natutulog si Matthias sa bahay para samahan ako, minsan sa sala siya natutulog kapag pumupunta siyang tulog na ako sa aking kuwarto. Akala ko okay na ang lahat ngunit laking gulat ko sa bagong plano ng mga magulang ko.


Napasugod ako sa  Marikina nang mabasa ko ang mensahe nila sa akin. Plano nilang magsama na kami ni Jourem sa bahay bago ang kaarawan ko. Akala ko nakalimutan nila ang plano nila para sa akin at sa estrangherong lalaking iyon ngunit nagkakamali pala ako. They’re waiting a perfect moment to bothered me again. It was appalling thinking a man I hate will stay in my house. I strongly oppose to their plan. Para saan na doon titira ang kabuteng lalaki na iyon na bigla na lang sumulpot sa buhay ko? Para mapalapit kami sa isa’t-isa? Para magkapalagayan kaming loob? Para ma-develop ako sa kanya? My God. Why they’re so hankerin' to have a businessman son-in-law?!


“I will manage our business without the  help of that man, Mom.” Matigas kong saad.


“What do you think you’re doing Lainerry? Kaya mo na ba mabuhay mag-isa?”


“I’m just defending my self mom. Maybe it’s too much? It’s more than enough, I have no idea what I have done wrong, Mom. Ginagawa ninyo ba ito sa akin dahil nawala si Kuya Lander? The lost of him isn't my fault.”


“What's with you? Stop talking about your Kuya. Walang may kasalanan sa pagkawala niya. Don’t ever think about it. Umuwi ka na para makapagpahinga.”


"Wala? Pero bakit n'yo ’ko pinapahirapan ng ganito? Pakiramdam ko isa akong robot na kailangang sumunod sa lahat ng inuutos ninyo. Yes. I’m going home because I’m so tired. I’m so sick of this life!”


“Lainerry watch your mouth!” dumagundong ang boses ni Daddy mula sa nakabukas na pinto, kakauwi niya lang. Nanginig ang buong katawan ko sa presensiya niya ngunit hindi ko pinahalata at kailangang ko lakasan ang loob ko dahil pinapakialaman na nila ang kalayaan ko.


“If you don’t want me talking like this. Then please be fair.”

“It's fair Lainerry! Lahat ng ginagawa naming ito ay para lang sa ikabubuti mo,” my Dad said. Here we go again.


I choose to be silent, dahil hahaba na naman ang pag-uusap, nagpaalam na ako bago pa ’ko makirinig ng mga salitang ikakasakit lang ng damdamin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top