CHAPTER 15





MATTHIAS POV

I understand her. Ever since I try to understand her at kahit ang bagay na nasa paligid niya ay ginawa kong intindihin, because I love her so much. Paulit-ulit niyang sinasabi na wala siyang magagawa sa mga gusto ng Daddy niya. Sa una pa lang ay alam kong malungkot na ang buhay niya. Masiyadong busy ang mga magulang niya at hindi na siya mahalaga sa mga ito.


Lainerry was not a simple girl. That night, in her debut, I expected it because she's rich at hindi naman papayag ang mga magulang niya na basta-basta na lang siya magkakaboyfriend ng kagaya ko. My mistake, dahil kahit alam kong impossible na tanggapin nila ako pero nagpursige pa rin akong  mapalapit sa kanya.


And here I am. I don't know how to comfort  my self because it's fucking hard watching my love with another man. Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Simula kagabi hindi pa ako lumalabas ng k’warto kahit kinakalampag na ni Matthew ang pinto ay hindi ko magawang bumangon. Sobrang bigat sa pakiramdam ang malaman kong sa iba siya ikakasal pero ayoko umiyak. Nag-iisip ako kung paano siya isasalba sa sitwasyon niya.


Marami akong naisip na paraan. What if magpanggap akong business tycoon para ipakasal nila sa akin si Lainerry? Kidnapin siya at iuwi rito sa bahay? Siguradong kulungan bagsak ko. Itakas ko siya, papahatid ako kay Shaun sa malayong lugar na walang nakakilala sa amin? That's a good idea. May mga kaibigan naman akong susuporta sa akin. Barya lang sa kanila ang hihingin kong pabor. Sigurado papayag ang mga iyon.


Ay hindi. Tataposin ko ang aking pag-aaral para may maisampal akong diploma sa mga magulang niya kung sakali mang maliitin ako nila. Iyon ang pinakamaganda kong plano. Pero, third year pa lang ako at isang taon pa. Paano kung ipakasal na siya sa lalaking iyon na hindi naman g'wapo? Matangos lang ang ilong niya pero wala siyang binatbat dahil ako ang mahal ni Lainerry.


I need to think the best way, para makuha ko siya. What if buntisin ko siya? Hindi, Matthias! Bigla tuloy nag-init ang buong katawan ko. Shit she's making me crazy. Kung alam kong mangyayari ito sana pumayag na ako sa gusto niyang mangyari sa amin. Ang bobo ko pala sa part na iyon. Ngayon ay nagsisisi tuloy. Sana hinayaan ko siyang angkinin ang katawan ko. Wow! Ha! Ang kapal mo, Matthias ikaw ang babae?! Mag-isip kang matinong paraan dahil delikado ang relasyon ninyo.


Nagkukumahog si Mama sa pagtawag sa akin, naalimpungatan ako. Magkukunwari pa sana akong tulog kaso nakita niya akong mulat ang mga mata. May susi pala siya ng k’warto ko. “Hindi ka pa babangon!? Anong oras na! Ayosin mo sarili mo! Nanditan si Lainerry!” sigaw ni Mama.


“Nagbibiro ba kayo,” hindi makapaniwalang sabi ko.


“Oo nagbibiro ako. Lainerry! Ayaw bumangon ni Matthias ikaw na pumarito," tawag ni Mama sa girlfriend ko.


“Saglit po, bababa na nga.” Kumakalabog ang puso ko lalo pa ng marinig ko ang boses ni Lainerry, kinakausap si Matthew. Nagmadali akong naligo at nagbihis para hindi ako magmukhang talunan.


“Tagal mo naghihintay si Yaya sa kotse. Nasaan ba ang phone mo?” Bungad niya sa akin pagkababa kong hagdan. ’Yong phone ko. Naiwan sa sasakyan ni Shaun.


“Naiwan kagabi sa sasakyan," sagot ko.


“Ah okey.”


“Tara. Sabi ni Yaya Lucy gusto ka raw makita bago siya umalis.” Anong pinagsasabi niya? Akala ko siya ang gusto akong makita pero bakit si Yaya? Gumagawa siya ng dahilan para makasama ako. Nakangiti si Yaya habang nakatanaw sa amin ni Lainerry palabas ng bahay, pero lumaki ang mga mata ko dahil sa orange Lexus na nakapark sa tapat ng bahay namin. Nasa likod naman ang Fortuner nila, kasama nila si Kuya Noel. Mas pinili ko ang sumakay kay Kuya Noel at hindi naman nagreklamo si Lainerry.


“Kumusta po. Aalis na po kayo?” Usisa ko kay Yaya. Nagkuwento naman si Yaya kung bakit siya aalis. Pero mukhang hindi naman ako kasali sa plano bakit nandito ako sa sasakyan nila?


Agad kaming nag-ayos ng mga gamit ni Yaya Lucy pakadating ng Masinag. Halos mapuno na ang Fortuner sa dami. May mga binigay pa kase si Lainerry sa matanda. Wala ring pagkakataon para makapag-usap kami ng girlfriend ko pero mukhang okay naman ang lahat. Mukhang walang nangyari e'. Hindi ko lang mapigilan na hindi dumikit sa kanya lalo na kapag kami lang sa loob ng bahay dahil nag-aayos sa labas ang dalawang matanda.


“Sorry, namimiss lang kita,” gulat si Lainerry ng halikan ko siya sa pisngi at sa halip na magalit ay gumanti rin ito. Napasandal tuloy ako sa side table at sabay napaupo sa katabing upuan. We used to do it everyday when her parents went to Zamboanga. Isang bagay na lang ang kulang ang angkinin niya ako, pero dahil patient ako ay tumatanggi, but now, I think we can't stop our feeling lalo pa’t nasa panganib na ang relasyon namin.


“And I miss you too.. I thought you’re mad. Hindi ka nagrereply.”


“Sorry, lasing ako kagabi.”


She just smile and kiss me softly, habang nakaupo siya ng pahilis sa mga hita ko. Her fingers tracing my nose and chin.

“Hatid natin si Yaya Lucy sa Quezon. Doon sa bahay ng anak niya.”


“Pero,” Tiningan ko ang suot kong damit.

“Okay lang ’yan. Ako rin naman magbibihis ng pambahay para kunwari bibili lang ng ulam sa labas.”


“Ulam sa karenderya? Tapos nakasakay sa sports car?”


“Ano naman? Break-in ko rin si Lexxy.”


“Si Yetti nga pala?” tanong ko dahil hindi ko na nakikita.


“Nandoon sa clinic nagpapagaling. Mukhang may hika siya. Bago ako nag-debut dinala ko siya Vet at hindi ko rin siya maalagaan sa ngayon kaya doon muna siya magpagaling,” paliwanag nito.


“I love you, Baby..” I told her while I'm playing her palms. Naging seryoso tuloy siya at yumakap sa akin nang mahigpit habang nakakandong pa rin.


“I love you more. Please don't give up. Mag iisip ako ng paraan para pakawalan ako nila Daddy,” s muttered.


“Oo naman. Siyempre hindi ako bibitaw. Ayokong estranghero ulit tayo sa isa't-isa at huwag kang mag-alala nag-iisip din akong paraan para makuha kita,” pangiti-ngiti lang ako pero balisa ang utak ko hanggang ngayon.


“Really? Let's do it now. Umpisahan na natin,” bigla siyang naging clingy.


“Anong nasa isip mo Lainerry Escamilla? Hindi ’yon ang iniisip ko,” paglilinaw ko sa kanya pero alam ko naman na nagbibiro din siya.


“Magbaon kayo ng maiinom at pagkain para hindi kayo magutom. Si Noel hindi na sasama sainyo pauwi dahil pupunta siya sa Batangas. May iniutos ang Daddy mo,” gulat na gulat kami ng magsalita si Yaya, nadatnan kami sa ganoong ayos.


“Sige po. Titingnan ko sa kusina kong anong p'wede nating dalhin,” giit ni Lainerry na mabilis namang pumunta sa kusina at hinatid ko naman ang huling bagahe ni Yaya Lucy.


“Iho-- Matthias, ingatan mo si Lainerry ha?” Napahinto ako sa pagpasok ng kabahayan ng makasalubong ko si Yaya.


“Opo. Gagawin ko po.”


“At huwag mong hayaan na bumaik ulit ang lungkot sa kanyang mga mata. Okay na siya e’, bumalik na ang kanyang sigla pero hindi ko na alam kung ano na namang maging epekto ng sitwasyon niya ngayon. Mangako kang sasamahan mo siya sa lahat ng pagsubok niya. Naaawa ako sa batang iyon.” Hindi ako makaimik sa mga sinabi ni Yaya, tanging pagtango at pag-sang-ayon ang sagot ko sa kanya.


Nasa plano ko ang ingatan siya at huwag talikuran dahil minsan ko na siyang nakitang nahihirapan at ayokong mangyari ulit iyon at bumalik ang dating Lainerry na umiiwas sa mga tao at ayaw makipaghalobilo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top