chapter 98
A/N: hello guyzzzz please VOTE, COMMENT AND FOLLOW are highly appreciated!!!
Season 2 na po tayo at marami pa kayong dapat abangan sa season 2 kaya sumbaybayan niyo po ang story na'to.
Expecting some wrong grammars and typos here po.
Don't forget to Vote, comment and Follow
___________________________________
Xandra's Pov.
Abala kaming lahat ngayon dito sa lamay ni Dean. Marami na rin ang mga taong nagsidatingan at nakikiramay. Tumulong nalang kami sa pag aasikaso sa mga bisita. Sila Stella, Theresa at Bella ay tumulong din..minsan lang kami nagkausap dahil busy ang lahat.
Habang si Kaye Zenn naman ay sinamahan ni Liam. Kakatapos lang niyang kumain kanina. Kunti lang yong kinain niya pero ayaos na rin. kahit papano may laman na ang tyan niya.
Nakakaawa talaga siya ngayon..wala na ang Mommy niya at sila ni Tito Althon nalang at pamilya ni Drix ang meron siya. Si Tito Althon ang daddy niya na pinakilala niya samin kamina. Nakakaawa din si Tito Althon. Maga ang mga mata niya at pilit na ngumiti sa mga tao.
Psh!
Pwede namang ilabas niya ang totoong nararamdaman niya para hindi siya mahirapan kakapigil ng emosyon niya.
Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito sa mga tao sa paligid ko. I mean kahit pa noon pa man ay nakikiramay kami sa mga taong nawalan ng meyembro ng pamilya pero iba to.
Siguro dahil nakita ko mismo ang magyari kong bakit namatay si Dean.
Hayssttt!
"Are you ok?"
"Ayy! Tikbalang ka!"
Gulat na sigaw ko pa habang napahawak sa dibdib ko.
Peste!
Bakit ba nanggugulat! Masapak nga!
Mabilis akong lumingon sa likod ko sabay amba ng kamao ko. Mabilis naman itong lumayo habang natatawa!
Peste! Kang Keith ka!
"Hahaha tikbalang talaga? Hindi pwedeng---ayy! Gwapong nilalang!"natatawang gaya niya pa sa boses ko kanina.
Abah! Kesehodang artista pa siya hindi ko yon kailanman sasabihin!
Ang panget kaya ng tukmol na to!
"Psh! Tungek! Wala namang ka gwapo gwapo sa hitsura mo! Tikbalang would be suit to your face!"pasinghal at masungit na sabi ko sa kaniya.
Natawa nalang ito saka napapailing pa psh!
Tadyakan Kita jab eh!
Bigla siyang sumeryuso at tumingin sa mga tao sa paligid.
"Nasaan sila Drix? Pati si Ashi hindi ko nakita?"kunot noong tanong pa nito.
Tumingin ako sa paligid at wala nga sila..nasaan ba ang nga yon?
"Ewan! Ang sabi ni Ashi kanina kakausapin niya yong ugok mong kaibigan."masungit na sagot ko sa kaniya.
Tiningnan naman niya ako ng nakataas ang kilay psh!
Masungit din ang talipandas na to!
Naangasan ang kasungitan ko psh!
"Saan naman? Wala pang kain ang mokong na yon kagabi pa."seryusong sabi pa niya.
Nagkibit balikat nalang din ako.
"Oh, Dre? Nakita mo ba?"biglang sulpot pa ni Keart.
Bahagya pang salubong ang kilay psh!
"Hindi, pero sabi ng mataray na masungit na'to..kasama siya ni Ashi, kinausap raw nito."sagot pa niya kay Keart.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Psh!
Iniwan ko nalang sila Don at hinanap si Kyla.
Asan na ang gagang yon!
Pumunta ako sa kusina at saka nagtanong sa nga kasambahay.
Psh!
Nasa kwarto daw siya ni Kaye Zenn. Anong ginagawa non don?
Tch!
Umakyat ako sa taas at hinanap ang kwarto ni Kaye Zenn..sabi ng maid kanina ay kulay purple ang pinto ng kwarto nito.
Malaki ang bahay nila at maraming mga paintings sa bubong at hallway at mga antique na bagay.
Namangha pa ako ng makakita ako ng napakagandang flower base. Magandan ang design nito at paniguradong mamangha din si Mom nito psh!
Nagtuloy nalang ako sa paglakad hanggang sa makita ko ang pinto ng kwarto ni Kaye Zenn.
Hmm!
Mahilig 'to sa purple psh!
Inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kong anong ginawa gawa nila sa loob.
Parang umiiyak na naman siya. Napabuntong hininga nalang ako bago kumatok.
Narinig ko ang yapak papunta sa pinto.
Si Kyla!
"Oh? Pasok ka."sabi pa niya.
Tch! Daig pang siya may ari ng kwarto psh!
Nginiwian ko nalang siya ng hindi niya nakikita.
"Anyare sa kaniya?"tanong ko pa ng makitang nakadapa sa kama si Kaye at halatang umiiyak.
Haysstt!
Parang nakaramdam din ako ng bigat sa loob ko.
Naupo kami sa sofa niya at nakatingin sa kaniya.
"Umiiyak na naman siya..kanina pa siya ganiyan. Hinayaan ko nalang."sagot pa ni Kyla.
Naintindihan ko.. Teka! Si Kuya Liam ang kasama niya kanina ahh!
"Nasaan si Kuya Liam?"tanong ko pa sa kaniya.
"Nasa baba..tinawag niya ako na samahan si Kaye Zenn..parang inip na inip ang lokong yon."bahagyang salubong ang kilay pa nito.
Tch!
Napapailing nalang ako. Baka umandar na naman ang isang yon..ganon siya kapag hindi niya kasundo ang kausap o kasama niya psh!
"Wala pa ba sila Ashi?"tanong pa ni Kyla.
Umiling lang ako saka tumayo at lumapit sa kama ni Kaye Zenn. Umaalog pa ang balikat niya.
"Hey."sabi ko pa saka hinagod ang likod niya."hash now."sabi ko pa.
Napabaliiwas siya ng higa saka mugto ang matang tumingin sakin.
"A-ahh, ikaw pala."pigil ang hikbing sabi pa niya saka pinunasan ang mukha niya gamit ang kamay niya.
Para siyang batang inagawan ng pagkain sa hitsura hehehe.
"Stop crying like a baby hehehe."biro ko pa sa kaniya. Nahihiyang nag iwas nalang siya ng tingin."naiintindihan ka namin..pero, alam naming hindi natutuwa si Tita ngayon dahil sa hitsura mo."senserong sabi ko pa sa kaniya.
Kita kong nangingilid na naman ang mga luha niya. Hindi ko tuloy alam kong ano ang gagawin ko.
"I miss her..parang hindi ko kayang makita siya sa kabaong niya..mas lalo akong naiiyak na makitang siya ang nasa loob.. h-hindi ko kaya..p-parang kahapon lang ng u-umaga ay n-nakausap ko pa siya at n-nagtawanan pa kami k-kasama si Dad..p-pero ngayon wala na s-siya.." humihikbing sabi pa niya at tinakpan ng mga kamay niya ang mukha niya.
"Naiintindihan ka namin..alam naming hindi madali sayo ang nagyari..pero, kailangan mong maging malakas at matatag ngayon."nakikisimpatyang sabi ko pa sa kaniya.
Naawang nakatingin lang ako sa kaniya. Lumapit na rin si Kyla na may Dalang tubig.
Don ko napansing may maliit na ref pala siya sa loob ng kwarto niya. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Halos kulay purple lahat ng design sa loob ng kwarto niya.
Yong ibang gamit niya ay purple din.
Napatingin ako sa gilid ng kama niya. Sa bedside table pa niya. May stand frame na nakatayo. Lumapit ako at tiningnan ang nga to. Hindi ko hinawakan at nakatingin lang ako.
Family picture nila. Nag iisang anak lang siya. Ang ganda niya at nakangiti pa silang tatlo.
Napatingin ako sa gilid nito. Siya na nakangiti kasama ang isang gwapong lalaki na nakangiti rin.
Sino kaya to?
Baka nobyo niya? Pero bakit hindi man lang pumunta dito kong nobyo nga niya?
Napatingin ako sa kaniya. Pinainom ni Kyla sa kaniya ang tubig.
Muli akong tumingin sa isa pang picture frame. Mag isa lang siya at napakaganda niya.
No wonder..marami ang magkakagusto at magkakandarapang lalaki sa kaniya.
Bumalik ako sa kama niya at umupo.
"Salamat sa inyo ah."pilit ngiting sabi pa niya.
Nagkatinginan pa kami ni Kyla at sabay uling napatingin sa kaniya.
Ngumiti kami sa kaniya. Bihira lang kami ngumingiti at sa malapit lang samin o pamilya.
"Walang ano man.. siguro kong kami din ang nasa sitwasyon mo..ganon din ang gagawin mo..kahit pa hindi mo kami ka close hehehe."sabi pa ni Kyla at pilit na tumawa.
Natawa nalang ng bahagya si Kaye Zenn.
"Si Ashi yong babaeng kumausap sakin kanina no?"tanong pa niya.
Tumango lang kami.
"Kilala mo?"tanong ko pa.
Ngumiti siya bago tumango.
Hmm! Sabagay sikat na ang pinsan ko yon sa buong campus psh!
"Yeah, madalang ko rin siyang nakikita sa school..at kinukwento rin siya ni Mommy sakin..lalo na yong pambubully ng pinsan kong si Drix.." sabi pa niya.
Tumango uli kami.
Madalang rin namin siyang nakikita sa campus. Siguro dahil busy siya dahil college na siya tulad ni Kuya Liam.
"Madalang ka rin naming nakita sa campus..no hindi nga namin alam na anak ka pala ni Dean."sabi ko pa sa kaniya.
Natawa naman siya bago ngumiti at tumingin samin.
"Busy kasi ako..sa bahay nga lang kami makakapag usap ni Mom ng maayos..madalang lang ako pumupunta sa office niya..kapag may importante lang." Sabi pa niya.
Hmm..kaya pala.
"Ahh."tanging sabi p ni Kyla.
"Pero, bakit ang sungit nong Liam na yon?"biglang salubong ang kilay na tanong pa niya.
I knew it!
Tch!
"Matagal mo na siyang kilala?"tanong pa ni Kyla.
Tumango naman si Kaye Zenn.
"Mmm.. actually nong nagtransfer siya dito.. kaklase ko siya sa Med class..siya lagi ang bukam bibig ng mga ka co- department at college namin..psh! Hindi naman siya gwapo. Tapos ang sungit sungit pa psh!"biglang masungit na sabi pa ni Kaye Zenn.
Natawa nalang kami ni Kyla sa kaniya. Bukod kay Ashi, siya lang yong nagsabing hindi gwapo si Kuya Liam hahaha.
"Ahh hehehe..hindi naman talaga ganon si Kuya Liam..nagsusungit lang yon kapag hindi niya kasundo ang kausap i kasama niya."natatawang sabi pa ni Kyla.
Napangiwi nalang si Kaye Zenn sa sinabi ni Kyla.
"Tapos, para pa siyang alien..nagsasalita ng hindi ko maiintindihan."nakasimangot na sabi pa nito."tapos kapag sisigawan ko siya layi niyang sinasabing ' Halt die klappe' ano papatayin niya ako? Psh! Tadyakan ko kaya ang balls niya!"salubong ang kilay na sabi pa niya.
Natawa uli kami ni Kyla. Hahaha alien para sa kaniya ang german language ni kuya Liam? Pfffft!
At ano daw? Papatayin siya ni Liam? Hahahaha.
Nakakatawa siya hahahahah.
"Hahaha..hindi pala kayo magkaksundo kaya sinusungitan ka niya..at ano sabi mo? Siya papatayin ka niya? Hahaha."natatawang sabi ko pa." 'Halt die kalppe' means shut up..hindi papatayin hahaha..german language yon."natatawang patuloy ko pa.
Salubong ang kilay na napakamot nalang siya sa batik niya bago tumingin sakin.
"Yon pala yon? Psh! Akala ko papatayin niya ako..kasi may 'die' naman kasi sa sinabi niya tch! Lagot talaga sakin ang german boy na yon!"salubong parin ang kilay na sabi niya.
Napapailing na natawa nalang kami sa kaniya.
"Ayos ka na ba?"tanong pa ni Kyla.
Tumango at ngumiti naman siya.
"Tama kayo..lalo na yong sinabi ni Ashi kanina..dapat maging matatag ako at malakas..alam kong nandyan lang si Mom at hindi niya nagustuhan ang ginagawa ko." Sabi pa niya saka pilit na ngumiti.
Tumango kami at ngumiti sa kaniya. Atleast ok na siya..
"Si Drix..alam kong sinisi siya ang sarili niya sa nagyari kay Mom."nag aalalang sabi pa ni Kaye Zenn.
Oo nga pala..psh! Ugok din ang isang yon! Pero naintindihan ko naman.
Kahit ako yon singuro ang iisipin ko kapag ako ang nasa sitwasyon niya tch!
"Wag mo na siyang alalahanin..si Ashi na bahala don..kapag hindi yon nakinig kay Ashi.. matitikman niya uli ang pagka amazona ng isang yon."nakangiting sabi ko.
Natawa pa sila ni Kyla.
"Ang cool nga pala ni Ashi ano? Siya lang ang babaeng nakilala kong may kakaibang personality. Nakakamangha..kahit kayo. Lalo na ng malaman kong niligtas niyo pala si Drix at mga kaibigan niya."nakangiti at parang manghang sabi pa nito.
Ngumiti nalang kami ni Kyla sa kaniya.
"Mas cool at kakaiba ang isang yon hahaha." Sabi pa ni Kyla saka tumawa.
Natatawang tumango nalang si Kaye Zenn.
"Tara sa baba..baka nandon na sila Ashi."yaya niya pa.
Tumango nalang kami at inalalayan siyang tumayo ay naglakad palabas ng kwarto niya.
Sabay kaming bumaba at nakita namin sa may sala nila ang tatlong feeling F4 psh! Wala pa ba sila Ashi? Tch!
Ang tagal naman ata nila ahh!
Psh!
____________________________________
Kyla's Pov.
Pagbaba namin ay nakita namin ang tatlo na nakaupo sa sala. Parang pagod na pagod pa sila. Agad silang napatingin samin ng makita nila kami.
"Oh, nandyan pala kayo." Sabi pa ni Kaye Zenn sa kanila.
Pagod na ngumiti lang sila. Naupo na rin kami at tumabi ako kay Keart.
Halatang pagod na siya. Nakangiting tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
Naramdaman kong nag init ang mukha ko.
"Namiss kita."mahinang bulong pa niya.
Parang kiniliti naman ako sa lambing ng boses niya.
Nahihiyang ngumiti nalang ako sa kaniya. Ramdam ko ang tingin nila samin.
Alam kong nanunukso ang tingin ng mga kaibigan niya samin. Kaya napayuko ako aish!
Alam kong namumula ang pisnge ko huhuhu!
"Oh! Kayo na ba?"biglang tanong pa ni Kaye Zenn.
Nahihiyang tumingin ako sa kaniya. Nakangiti siyang nakatingin sa kamay namin ni Keart.
Pasimple kong hinila ang kamay ko bago sumagot.
"H-hindi pa."utal na sagot ko.
Natawa naman siya at ganon din ang mga kaibigan niya.
Huhuhu!
Nakakahiya!
"Hahaha..kala ko kayo na..usap usapan na school na nanliligaw si Keart sayo yiiieee..bagay na bagay kayo."parang kinikilig pang sabi ni Kaye Zenn.
Lalo kong naramdam ang init sa mukha ko. Malamang parang kamatis na ang pisnge ko huhuhuhu!
"Talaga? Bagay na bagay kami?"nakangiting tanong pa ni Keart.
Nakangiting tumango naman si Kaye Zenn.
"Narinig mo yon? Bagay na bagay raw tayo."mahinang bulong niya pa sa tenga ko at ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko.
Mas lalong uminit ang pisnge ko kaya napayuko uli ako.
"A-ahh eh."tanging sabi ko pa.
Rinig ko ang tawanan nila.
"Dre, easy lang..parang kamatis na ang mukha ni Kyla oh hahaha."natatawa at bakas ang panunukso sa boses na sabi pa ni Keith.
"Oo nga, Dre..hahaha."natawang sang ayos pa ni Lyle.
Huhuhuhu!
Sabi ko na nga ba eh mapapansin nila!
"Hahaha..ayos lang. Atleast dahil sakin nagblush siya hahaha." Natatawang sabi pa ni Keart na ikinatawa nila.
Ahh! Lamunin mo na ako lupa huhuhu.
"Hahaha..tama na, nahihiya si Kyla."natatawang sabi pa ni Xandra.
Psh!
Kailangan pa talagang sabihin psh!
Tumigil naman sila sa kakatawa.
"Ayos ka na ba, Zenn?"tanong pa ni Lyle.
Napatingin kami kay kaye Zenn. Ngumiti siya at tumango.
"Yeah, thanks to Them."nakangiting sabi pa ni Kaye Zenn sabay tingin samin.
Nginitian lang namin siya.
"Mabuti naman kong ganon."nakangiting sabi pa ni Lyle.
Ngumiti nalang si Kaye Zenn.
"Pagod na kayo?"tanong pa ni Kaye Zenn sa kanila.
"Hmm..hindi naman masyado."sagot pa ni Keith.
"Magpahinga na muna kayo..hayaan niyo na muna ang mga kasambahay ang umasikaso sa mga bisita..tutulong na rin ako." Sabi pa ni Kaye Zenn sabay tayo.
Tumayo na rin kami.
"Magpahinga ka na Lang kaya..kami na ang tumulong sa nga kasambahay." Sabi pa ni Xandra.
Tumango naman ako..pero umiling lang si Kaye Zenn.
"Hindi na..ayos na ako."nakangiting sabi pa niya.
"Sigurado ka?"tanong pa ni Keart.
Tumango lang siya at ngumiti.
Wala na kaming nagawa pa at sumunod nalang sa kaniya sa labas. Marami ang mga tao at marami rin ang mga students..na taga SFU.
May iba ding mukhang galing sa ibang university.
Naging busy kaming lahat sa pag asikaso sa mga bisita. Mas dumarami ang mga bisita na nakikiramay..
Pilit na ngumingiti lang si Kaye Zenn tuwing may nakikiramay. Habang ang daddy naman niya ay may kausap. Halata ang lungkot sa mukha nito pero pilit na ngumingiti at pinakitang ok lang siya.
Napabuntong hininga nalang ako saka lumapit kay Kaye Zenn..Saktong nakita ko naman sila Ashi at Drix na papalapit sa gawi ni Kaye Zenn. Tumulong din sila sa pag asikaso sa mga bisita..
Nong lumabas kami ay nakita naming kakarating lang din nila at tumulong na din.
Hmm.. mukhang maayos na siya psh!
Nakatanggap ata to ng sample kay Ashi psh!
"Oh? Saan kayo galing?"tanong ko sa kanila.
Pilit na ngumiti naman si Drix habang blanko at tahimik lang si Ashi..psh!
Kahit kailan ang babaeng to!
"Kumain lang sa labas."sagot pa ni Drix.
Tumango nalang ako.
Kumain? Sa labas? Psh! Para maiba lang eh no? Hehehe.
"Oh! Nandito na pala kayo."baling ni Kaye Zenn sa kanila.
"Ahh, yeah..ayos ka na ba?"tanong ni Drix.
Tumango lang si Kaye Zenn at ngumiti.
"Ikaw? Kumain ka na ba?"tanong pa ni Kaye Zenn.
Tumango lang si Drix sabay tingin kay Ashi.
Walang pinagbago ang mukha hehehe.
"Big boy!"biglang sulpot pa ni Tita Xia at nakangiting tumingin kay Drix.
"Hey, Mom."bati pa ni Drix.
"Kumain ka na ba?"tanong pa ni Tita Xia.
Tumango lang si Drix.
"Wahh! Thank you Ashi..akala ko hindi talaga kakain ang big boy ko..sabi ko sayo eh, susunod siya sayo."nakangiting sabi pa ni Tita Xia habang nakatingin kay Ashi.
Nahihiyang ngumiti lang si Ashi.
"Naku! Tita, pag yan hindi sumunod kay Ashi..paniguradong makakatikim yan kay Ashi."biro pa ni Kaye Zenn.
Natawa nalang kami habang parang wala lang kay Ashi at napakamot naman sa batok si Drix.
Psh!
"Hahaha yeah..ayos ka na ba hija?"tanong pa ni Tita Xia kay Kaye Zenn.
"Yeah.. thanks to them."nakangiting sabi pa ni Kaye Zenn sabat tingin samin ni Ashi at kay Xandra na kakarating lang.
"Yieee..ang galing niyo talaga girls..salamat hehehe."patiling sabi pa ni Tita.
Natatawa nalang kami sa kaniya.
"Mom."saway pa ni Drix sa Mommy niya.
Tinawanan lang siya ni Tita saka niyakap ang braso pa nito.
Yiieee ang sweet ni Tita hehehe.
"Hehehe oh siya! Mag pahinga na muna kayo..alam kong pagod na kayo..anong oras na oh..kanina pa kayo kumikilos."sabi pa ni Tita.
Oo nga pero ayos lang.. lumapit na rin samin yong tatlo..sila kuya Liam at kuya Jiro naman ay hindi naman alam kong nasaan psh!
"Tara sa loob na muna tayo."sabi pa ni Tita.
Tumango nalang kami saka sumunod sa kanila.
Medyo madilim na rin.
Naupo kaming lahat sa sofa sa sala.
Dinalhan pa kami ng juice at dessert ng mga kasambahay.
"Salamat sa pag punta niyo ahh."nakangting sabi pa ni Kaye Zenn habang nakatingin samin.
Ngumiti naman kami.
"Ayos lang..gusto lang namin makiramay at makatulong."pormal na sabi pa ni Ashi.
Nakangiting tumango lang si Kaye Zenn. Saka tumingin sa mga feeling f4.
"Salamat rin sa pag punta at pagtulong niyo."nakangiting sabi pa niya sa kanila.
"Ayos lang."nakangiting sabi pa ni Lyle at tumango naman yong dalawa.
Nag uusap pa kaming lahat.. tumatawa na rin si Drix at ganon din si Kaye Zenn.
Alam kong kahit papano ay ok na sila.
Hindi naman madali para sa kanila ang ganitong sitwasyon.
Kaya naiintindihan namin sila.
Panay pa ang biro ni Keart dahilan para matawa kaming lahat.
Habang si Tita ay nakayakap sa braso ni Drix na nakaupo sa tabi niya at ngumingiti.
Pasado alas otso na rin ng gabi at nagpasya na kaming umuwi.
Babalik nalang kami uli bukas. Nauna na rin sila kuya Liam at kuya Jiro. Nagtext lang sila samim psh!
"Oh siya.. sige na, mag ingat kayo mga hija." Sabi pa ni Tita.
Tumango lang kami.
"Mag ingat kayo ahh?" Sabi pa ni Kaye Zenn.
Ngumiti lang kami maliban kay Ashi na tumango lang.
"Sige ho..babalik nalang uli kami bukas ng umaga." Sabi pa ni Ashi.
"Sige..salamat at mag iingat kayo..boys ihatid niyo na sila." Sabi pa ni Tita.
Tumayo na rin sila at ganon na rin kami.
"Wag na ho..may dalawa kaming motor." Sabi pa ni Ashi.
Tumingin naman samin si Tita at Kaye Zenn.
"Sigurado kayo?"tanong pa nito.
Tumango lang kami.
"Ihatid na namin kayo."presenta pa ni Drix.
Hahaha himala ata ang isang to hehehe.
Mukhang bumait na to eh!
"Wag na."sabi ni Ashi sabay tingin sa kaniya ng seryuso pero blanko ang mukha.
Parang may sinasabi si Ashi sa pagitan ng tingin niya.
Napabuntong hininga nalang si Drix.
Oh oh!
Baka alam na niya yong tungkol sa hinala ni Ashi.
Para kasing nag aalala siya eh psh!
Himala ahh!
"Sige ho..aalis na rin kami..babalik nalang uli kami bukas."paalam pa ni Keith.
Tumango lang sila Tita at nakipag yakap pa sila kay Drix sabay tapik sa balikat nito.
"Ihatid mo nalang sila sa gate big boy." Utos pa ni Tita sa kaniya.
Tumango nalang si Drix at sinamahn naman si Tita si Kaye Zenn sa pagdala ng mga baso sa kusina.
Naunang lumbas si Ashi na sinundan naman ni Xandra at Drix. Sumunod naman kami at kasabay ko si Keart na nakangiti sakin.
Naiilang tuloy ako hehehe.
"Ingat kayo ahh..kita nalang tayo bukas "nakangiting bulong pa niya.
Ngumiti at tumango nalang ako sa kaniya.
Nang makalabas ay nag paalam na kaming lahat sa isa't isa. Naunang umalis na si Lyle at sumunod naman sila Keart at Keith.
Nakasampa na kami sa motor namin.
"Inagt kayo."sabi pa ni Drix.
Hmm!
Bumait nga hehehe.
"Geh. Pumasok ka na sa loob."sabi ni Ashi at tumango nalang din kami.
Pumasok na ito sa loob at sinara ang gate. Kaya umalis na rin kami at umuwi.
Hindi naman malayo mula sa bahay nila Dean sa bahay namin.
Haysstt.
Napansin ko pang panay ang tingin ni Ashi sa salamin ng motor niya na parang may tinitingnan.
Hindi ko nalang uli yon pinansin hanggang sa maka uwi kami sa bahay.
Ka pagod ang araw na 'to
Psh!
Author's note: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.
Marami pa kayong abangan sa story na to.. don't worry I will do my best to write this story guyss.
Don't forget to Vote, Comment and Follow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top