chapter 96

A/N: hello po hehehe hope you like this chapter.

Expecting some wrong grammars and typos here po.

Don't forget to Vote comment and Follow

Vote and follow are highly appreciated!!
____________________________________

Ashi Vhon's Pov.

Pagdating namin sa bahay nila Dean ay marami na ang mga tao. Nandito na rin yong kabaong ni Dean. Malayo palang kami ay rinig at kita ko na ang babaeng iyak ng iyak habang nakayakap sa kabaong.

Habang si Bisugo ay nakaalalay sa babae. Halata sa mukha ni Bisugo ang lungkot at maga ng nga mata niya.

Tsk!

Sinisis na naman niya ang sarili niya sa nangyari.

Poor Bisugo tsk!

Napabuntong hininga nalang ako at sabay kaming lima na lumapit don.

Iyak ng iyak ang anak ni Dean. Habang hinahagod ni Bisugo ang likod nito.

Nakatingin lang kami sa kanina at hindi pa nila kami napansin.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya..alam ko ang feeling ng mawalan ng ina.

Ramdam ko ang sikip sa dibdib ko pero hindi ako nag pahalata. Blanko lang angmukha kong nakatingin sa kanila.

"Ashi."rinig keep ng tawag sakin. Napalingon ako sa likod namin at nakita ko ang Mommy ni Bisugo.

Halata rin ang lungkot sa mukha niya at bahagyang mugto ang mata.

Pilit siyang ngumiti sakin kaya pilit na ngumiti nalang din ako.

"Nakikiramay ho kami..Mrs Chevalier."nakatukong sabi ko pa.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat hija..maupo na muna kayo." Sabi pa nito kaya nakikiramay pa muna ang mga kasama ko bago kami umupo.

"Nakakalungkot naman ang nagyari kay Dean."biglang sabi pa ni Kyla na nakatingin sa kabaong ni Dean.

Umupo si Mrs Chevalier sa tabi ko saka tumingin kay Kyla.

"Yeah..hindi namin inakalang yon ang mangyayari sa kaniya..pero nag papasalamat parin ako dahil niligtas niya ang anak ko."malungkot na sabi pa ni Mrs Chevalier.

Napatingin ako kay Bisugo na nakatalikod samin.

"Pasensiya na ho kong wala akong nagawa para iligtas siya."nakikisimpatyang sabi ko pa.

Pilit ngiting nilingon ako ni Mrs Chevalier.

"Ayos lang..salamat pala hija..sa inyong lahat. Kahit papano ay hindi niyo sila pinabayaan.. bilib din ako sa ginawa mo."pilit ang ngiting sabi pa niya.

Napapailng naman ako. Walang nakakabilib sa ginawa ko. Dahil hindi ko nagawang iligtas si Dean.

"Ginawa ko lang ho yon para hindi na makabaril ang baliw na yon..kong naging mabilis lang sana ako hindi matatamaan si Dean."malungkot na sabi ko hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya.

"Ayos lang hija..wala kang kasalanan don..at least ginawa mo ang makakaya mo..bihira lang ang mga babaeng ganon..ikaw--kayo palang ang nakilala kong marunong makipag laban..salamat pala sa pagtulong at pagligtas sa anak ko at sa mga kabigan niya..ngayon ko lang nasabi kasi ngayon lang naman tayo nagkausap."sabi pa ni Mrs Chevalier.

Napabuntong hininga nalang ako bago nagslita.

"Ayos lang ho..kahit sino gagawin yon.. hindi ho namin kayang tumingin lang sa ganong sitwasyon."sabi ko pa.

Nginitian niya ako at bumaling kela Xandra at Kyla.

"Salamat sa inyo ha..I'm really impressed sa ginawa niyong pagligtas sa anak ko at kaibigan niya. Thank you very much."nakangiting sabi pa ni Mrs Chevalier sa kanila.

Nahihiyang ngimiti lang sila.

"Walang ano man ho Mrs Chevalier..tulad ng sinabi ni Ashi..kahit sino ay ganon din ang gagawin."sabi pa ni Kyla.

"Oo nga ho."sang ayon pa n Xandra.nginitian nalang uli sila ni Mrs Chevalier.

"Ano pala ang mga pangalan niyo?"tanong pa ni Mrs Chevalier sa kanila.

"Ako ho si Kyla at siya naman ho si Xandra..pinsan siya ni Ashi."nakangiting pakilala pa ni Kyla.

Tumango tango naman si Mrs Chevalier.

"Nice name..its suit in your beauty girls."nakangiting sabi pa ni Mrs Chevalier.

Nahihiyang ngumiti nalang sila Xandra at Kyla.

Bumaling si Mrs Chevalier sa mga katabi ko.

"Oh..mga hijo..salamat sa pagpunta..ano nga uli ang pangalan niyo?"nakangiting tanong pa ni Mrs Chevalier sa kanila.

"Ahh, ako ho si Liam siya naman si Jiro."pakilala pa ni Liam.

Tatango tango naman si Mrs Chevalier.

"Mom! Why did you left me and Dad."rinig naming umiiyak na sabi pa nong anak ni Dean.

Malungkot na nakatingin lang ako sa kaniya.

"Kamusta ho siya?"tanong ko pa habang nakatingin sa babae. Hindi ako alam ang pangalan niya.

Ilang beses ko na rinsiya nakita sa school. Pero hindi ko alam na siya pala ang anak ni Dean.

Wala naman kasi akong paki sa mga tao sa paligid ko psh!

"Si Kaye Zenn ba?"tanong pa ni Mrs Chevalier tumango lang ako." Hindi siya ok..magdamag siyang umiiyak..hindi pa niya tanggap na wala na ang Mommy niya."malungkot na sabi pa ni Mrs Chevalier.

Napayuko nalang ako.

Mahirap naman kasi tanggapin na mawalan ka ng mahal sa buhay.

"Mahirap naman talagang tanggapin. Lalo na't mahal mo sa buhay ang nawala."malulungkot na sabi ko pa.

Ramdam kong napatingin sakin si Mrs Chevalier pero nakayuko lang ako.

"Ganon talaga..hindi natin hawak ang kapalaran hija.. hindi natin alam kong kailan o sino ang mawala..mahirap talagang tanggapin."malungkot na sabi pa ni Mrs Chevalier.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya nong si Mommy ang nawala."malungkot na sabi ko pa.

Ramdam kong napatingin uli sakin si Mrs Chevalier.

"Wala ka ng Ina?"tanong pa nito.

Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang naiintindihan niya ako.

"Sorry to hear that."malungkot na sabi ni Mrs Chevalier.

Nag angat ako ng tingin saka pilit na ngumiti.

"Ayos lang po..nangyari na eh. At alam kong masaya siya kong nasan man siya ngayon."sabi ko pa at pilit na ngumiti.

Tumango tango lang siya. Muli akong tumingin kay Kaye Zenn. Pilit na niyang pinipigilan ang nga luha niya habang yakap siyani Bisugo.

"Kamusta ho si Bisugo?"tanong ko pa.

Rinig kong natawa sila sa sinabi ko. Napatingin ako kay Mrs Chevalier. Nakangitisiyang nakatingin sakin.

Hmm?

May sinabi ba akong nakakatawa?

Tsk!

"Bisugo? You mean my Son? Hehehe..yon ba ang tawag mo sa kaniya?"nakangiting tanong pa niya.

At don ko lang na realize na Bisugo pala ang nabanggit ko. Napakamo nalang ako sa batok ko.

"A-ahh, siya nga ho."sabi ko pa.

Napatango naman siya at tumingin sa gawi nila Bisugo na nakaalalay kay Kaye Zenn na tumahan na sa pag iyak.

"Nag aalala ako sa kaniya dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ng Tita niya..iyak siya ng iyak kagabi at hindi pa nga siya kumain hanggang ngayon. Pareho sila ni Kaye Zenn na wala pang kain.."malungkot na sabi pa ni Mrs Chevalier."kahit anong pilit naming pakainin sila ayaw parin nilang kumain."patuloy pa niya.

Blankong nakatingin lang ako sa nakatalikod na si Bisugo.

Ugok!

Sinabi ng hindi niya kasalanan psh! Pero naiintindihan ko siya.

Kahit nga ako ganon din..kong naging mabilis lang sana ako hindi sana matamaan si Dean.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Naiintindihan ko ho siya..pero hindi niya ho kasalanan ang nagyari..yon ang sabi ni Dean sakin nong matapos siya tamaan ng bala."mahinang sabi ko pa.

Pilit na ngumiti nalang si Mrs Chevalier bago nagsalita.

"How many times I told him about that..pero hindi siya nakinig..nag aalala na ako dahil wala pang laman ang tyan niya..ganon din si Kaye."malungkot at nag aalalang sabi pa ni Mrs Chevalier.

Napabuntong hininga nalang ako at napapailing.

Biglang lumingon sakin si Mrs Chevalier at pilit na ngumiti sakin sabay hawal ng kamay ko.

"Can you do me a favor?"pilit ngiting tanong pa niya.

Kahit nagtataka ay tumango nalang ako.

"Pwede bang kausapin mo ang anak ko?.. convince him to eat please, Ashi."she pleased.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Saka napatingin kay Bisugo.

Ako? Kausapin siya at kombinsihan para kumain?

Tsk!

Sino naman ako para pakinggan niya? Magulang nga niya hindi siya nakinig sakin pa Kaya?

"Ho? Sure po kayo? Hindi nga ho siya nakinig sayo inyo na pamilya niya ako pa kaya?"mahinang tanong ko pa.

Bahagyang natawa na lang siya sa reaction ko.

Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Please..alam kong makikinig siya sayo..trust me."sabi pa niya uli."ayos lang sakin kong anong gawin mo sa kaniya..basta mapayag mo lang siyang kumain..ganon na rin si Kaye Zenn."patuloy pa niya.

Napaisip naman ako..paano niya nasabing susunod sakin ang Bisugong to psh!

Nagmamakaawang tiningnan ako ni Mrs Chevalier. Kaya pilit na tumango nalang ako dahilan para yakapin niya ako.

Naiilang tuloy ako habang napatingin sakin sila Kyla at ngumiti.

Napabuntong hininga pa ako bago tumayo.

Kinausap ni Mrs Chevalier sila Kyla Kaya bumaling ako kela Bisugo sala lumapit sa kanila.

The last time na titingin ako sa kabaong ay yong si Mommy ang nawala.

Tumingin ako sa kabaong. Parang payapang natutulog lang si Dean.

Kita kong napatingin rin sakin sila Bisugo pero nanatili ang mga mata ko sa loob ng kabaong.

Biglang sikip ang dibdib ko ng maalala ko si Mom.

Noon sinabi kong hindi na ako muling titingin sa loob ng kabaong..pero ngayon ay hindi ko mapigilan.

Napabuntong hininga nalang ako at naramdaman kong biglang tumulo ang luha ko.

Palihim kong pinahid ang mata ko at blankong tumingin kela Bisugo.

Psh!

Mahirap ng may makakita. Bawas sa angas ko tsk!

Nakatingin silang dalawa sakin kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Nakikiramay ako."sabi ko pa habang nakatingin kay Kaye Zenn. Nakitang kong nangingilid na naman ang nga luha niya.

Lumapit ako sa kaniya at hinagod ang likod niya.

"Magiging maayos din ang lahat..alam kong mahirap tanggapin yon pero..alam ko ring hindi nagustuhan ni Dean na iniiyakan mo siya..kaya imbes na umiiyak ka ay ngumiti ka at magpakatatag ka.."sensirong sabi ko pa sa kaniya.

Parang natauhan naman siya pero tuloy parin sa pag agos ang mga luha niya.

Bigla niya akong niyakap kaya hinayaan ko nalang siya.

"I can't be ok."humihikbing sabi pa niya.

Hinagod ko ang likod.

"Yes you can..just ry it..mas maging masaya si Dean kapag nakita ka niyang ok ka..dahil alam niya sa puso mong mahal mo siya pero kailangan mong maging ok para sa kaniya.. kumain ka na rin..alam kong hindi siya natituwang makitang ganito ka at wala pang kain..you need to eat para maging malakas ka."sabi ko pa at tinapik ang balikat niya.

Pigil ang hikbing humiwalay siya ng yakap sakin.

"Thanks" pilit ngiting sabi pa niya. Pilit na nginitian ko siya.

"This is life and this is reality.. life is to short to be with..kaya kailangan nating pahalagahan ang buhay natin..ma swerte tayo dahil buhay pa tayo..hindi natin hawak ang kapalaran para malaman natin ang mangyayari ngayon, bukas o makalawa..kaya kong ako sayo..maging malakas at matapang ka..this is one of the trials in your life .and you need to be strong enough."mahabang sabi ko sa kaniya habang seryuso na ang mukha ko.

Nginitian niya ako saka tumango at pinunasan ang mukha niya.

"Thank you very much.. what's your name?"nakangiting tanong pa niya. Ngumiti nalang ako bago sumagot.

"Ayos lang..basta tandaan mo ang lahat ng sinabi ko..dinaraanan ko rin to..sige, kumain ka na muna..ikaw nalang ang maasahan ng Daddy mo kaya maging matapang ka."sabi ko at tumango naman siya.

Nilingon ko sila Kyla. Nakatingin sila samin habang kausap ni Mrs Chevalier sila Jiro at Liam.

"Kayo na muna ang bahala kay Kaye Zenn..pakainin niyo muna siya..kakausapin ko lang si Bisugo."blankong sabi ko pa. Tumanhoy lang sila saka lumapit samin.

Sinamahan nila si Kaye Zenn para kumain.

Bumaling ako kay Bisugo na nakatingin sakin. Sininyasan ko siyang sumunod sakin.

Tumalikod na ako pero hindi ko naramdamang sumunod si Bisugo. Kaya lumingon ako sa kaniya.

Bakas ang pagtataka at salubong pa ang kilay nito.

Tsk!

"Halika na."sabi ko pa sabay hila sa kaniya papunta sa labas ng bahay nila Kaye Zenn.

Dinala ko siya sa labas ng gate kong saan nandon naka park ang motor namin.

Binitawan ko siya saka sumandal sa motor ko. Nanating nakatyo siya at salubong ang kilay na nakatingin sakin.

Blankong tiningnan ko lang siya saka bumuntong hininga.

____________________________________

Drixon's Pov.

nagtataka at Salubong ang kilay kong nakatingin kay panget na blankong nakasandal lang sa motor niya.

Anong meron sa babaeng to? At nanghihila pa siya?

Tse!

Tiningnan niya ako saka napabuntong hininga pa siya bago nagsalita.

"Hindi ka pa raw kumakain?"deretsong tanong pa niya.

Tse!

Paniguradong si Mom ang nagsabi psh!

"Wala akong gana."mahinang sabi ko saka sumandal sa isa pang motor na katabi ng motor ni panget.

Parang kay Xandra ang motor na to.

Narinig kong napabuntong hininga pa siya.

"Bakit wala kang gana? Kailangan mong kumain."blankong sabi pa ni Panget.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingala sa langit.

Mukhang pasado alas onse na ng hapon.

"Tse! Ayaw kong kumain..tsaka, wala kang paki kong hijdi ako kakain."walang ganang sabi ko at nanatiling nakatingala sa langit.

Hindi masyadong mainit ang pabahon at bahagyang makulim lim ang langit.

"Kong dahil yon sa nangyari kay Dean.. hindi mo kasalanan yon..yon ang sabi ni Dean..wag mong sisihin ang sarili mo. Sadyang hanggang don nalang talaga si Dean."seryusong sabi pa nito.

Napayuko nalang ako saka tumingin sa paanan ko.

Nangingilid na naman ang mga luha ko..hindi ko matanggap na wala na siya worst dahilan pa sakin dahila niligtas niya ako.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim dahil sumikip na naman ang dibdib ko.

"It's stil my fault..kong hindi niya ako niligtas hindi sana siya mawala ngayon."malungkot na sabi ko pa.

Nakayuko lang ako at nakatingin sa paanan ko.

Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko peropilit kong pinigilan. Ayaw kong makita ako ni panget na umiiyak ako at mahina sa harapan niya.

Rinig kong napabuntong hininga nalang uli siya bago nagsalita.

Ramdam ko ang tingin niya sakin.

"Psh! Alam mo ba kong bakit niya ginawa yon? Dahil yon ang gusto niya..pinili ka niyang iligtas dahil alam niyang marami ka pang kailangang gawin sa mundong to.. kailangan mo pang matuto sa mga bagay bagay..kaya sana pahalagahan mo."seryusong sabi pa niya.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Blankong nakatingin lang siya sakin.

Tsk!

Kahit kailan ang panget na to!

"Paano? Pano ko pahahalagahan? Ng dahil sakin nawala si Tita..ng dahil sakin nawalan na ng Mommy ang pinsan ko..kaya hindi mo masising sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari."tanong ko pa sa kaniya.

Napapailing nalang ito habang naka cross arm pa.

Psh!

"Ilang beses ko pa bang sabihing hindi mo yon kasalanan? Mas pinili ni Dean ang mapahamak siya kesa ikaw ang mapahamak..kaya pahalagahan mo ang ginawa niyang pagligtas sayo..huwag mong balewalin at siaihin ang sarili mo..bakit? Sinabi mo bang iligtas ka niya? Hindi di ba? Dahil kusa niyang ginawa yon para sayo."mahabang sabi pa ni Panget. Natigilan naman ako at hindi nakapagsalita." Para sayo ang ginawa niya..ang habilin niya ay huwag mong sisihin ang sarili mo..dahil hindi mo kasalanan ang nangyari..kaya imbes na gumanyan ka..bakit hindi mo nalang ginawang patatagin ang sarili mo? Bakit hindi ka nalang magpasalamat sa ginawa niyang pagtubos sa buhay mo? Ginawa niya yon para sayo..alam mo bang hindi siya natutuwa sa ginagawa mo ngayon?"seryusong mahabang tanong pa nito.

Mas lalo akong natahimik at napaisip sa lahat ng sinabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Alam ko."maikling sagot ko.

Tunawa siya ng sarcastic kaya tiningnan ko siya.

"Alam mo naman pala..eh bakit ganiyan ka pa? Ang inaasahan ni Dean ay maging matatag ka..kayo ni Kaye Zenn..mahalaga kayo sa kaniya..kaya niya ginawa yon dahil para sa kaniya yon ang mabuti..para lang ligtas ka..imbes na matutuwa siya ay nalulungkot lang siya ngayon dahil sa mga pinag gagawa niyo--mo.  Naintindihan kita..dahil yon din ang naramdaman ko ngayon..dahil wala akong nagawa para iligtas siya..pero iniisip kong mas matutuwa si Dean kong makitang masaya ang lahat at hindi siya iniiyakan.."mahabang lintaya pa uli nito. Natahimik ako at hindi nakapagsalita."alam mo bang mas malungkot ang mga namatay kesa nga naiwan tuwing iiyakan sila? Nalulungkot sila dahil may umiiyak sa kanila..ayaw nilang maging malungkot ang mga taong naiwan nila.. gusto nilang makitang masaya at matatag yong mga taong naiwan sa mundo. Dahil don lang mapapanatag ang loob nila kapag nakitang ok ang mga taong imiwan niya..ganon rin ang gusto ni Dean."mahabang patuloy pa niya.

Mas lalo akong natigilan at natahimik. Hindi ako nakapagsalita at iniintindi ko ang lahat ng sinabi ni panget.

Lahat ay unti unti kong naintindihan ang point niya. Halata sa boses niya na parang alam na alam niya ang mga bagay na yon.

Parang may pinaghugutan siya. Ano ka ba talaga panget? Bakit ang mesteryusa mo masyado?

Sa ganitong sitwasyon ay blanko parin ang mababakas sa mga mataat mukha niya.

Halatang seryuso siya sa lahat ng sinabi niya.

At lahat yon ay naintindihan ko na. Lahat yon ay tumatak sa puso't isipan ko.

Napakurap kurap pa akong nakatingin sa kaniya ngayon.

"Bakit parang alam na alam mo ang mga bagay na ganon? Parang may pinaghugutan ka? Sino ka ba talaga? Bakit ba ang mesteryusa mo? Hindi ka naman pala salita pero ngayon ang haba haba pa ng sinabi mo..bakit wala paring nagbago sa blanko mong mukha?"wala sa sariling tanong ko pa sa kaniya.

Kita kong natigilan siya at animong napaisip sa lahat ng sinabi niya bago napapailing.

Natawa pa siya ng kunti.

Tsk!

Weird!

"Wag ka ng maraming tanong..minsan ko ng naranasan ang ganitong bagay.. Kaya makinig ka nalang sa lahat ng sinabi ko..lahat ng ginawa ni Dean ay para sa ikabuti mo..kaya pahalagahan mo. Gawin mong inspiration ang ginawa niya habang buhay ka pa..bibihira lang ang ganon..huwag mo na ring sisihin pa ang sarili mo..dahil nakikita at naririnig ka ni Dean ngayon..kaya kong ako sayo. Kumain ka na para maging malakas at matatag ka. Trust me.. everything will gonna be ok."seryuso pero sensirong sabi pa niya.

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Hindi ko akalaing ang kaaway at binubully ko noon ay siyang nandito sa harap ko para sabihin ang lahat ng nga yon.

Hindi ko inakalang sasabihin niya ang mga yon sa harap ko.

Akala ko wala siyang paki sa paligid niya. Pero ngayon, nalaman kong may marami pa akong hindi alam na sa kaniya.

Nalaman kong kahit papano ay mabuti din pala ang puso niya.

Kala ko puro nalang kayabangan ang alam niya psh!

Natawa nalang ako sa naisip ko.

Kahit papano ay gumaan ang loob ko. I felt relief after hearing those words from her.

"Thanks."ang tanging lumabas sa binig ko habang nakatingin sa kaniyang seryusong mukha.

Tiningnan niya lang ako at natawa ng bahagya.

Tama sila Mom and Drixie..may tibatagong bait ang panget na to. Hindi man niya pinapakita..pero pinaparamdam naman siya sa sariling paraan niya.

Nakakabilib!





Author's Note: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.

Nagustuhan niyo ba ang chapter nato? Hindi lang po yon kundi marami pa kayong dapat na abangan sa story na to.

Please support me guyzzz.

Just feel free to ask and comment guyysss!!

Don't forget to Vote comment and Follow



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top