chapter 95

A/N: hello po hope you like those characters in my story..

You can comment po if you want mag pa didicate po thaks!!

Expecting some wrong grammars and typos here po.

Don't forget to Vote comment and Follow.

____________________________________

Ashi Vhon's Pov.

*PAKKKKK!!!

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng biglang may sumampal sa'kin..natabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal. Rinig ko ang pagsinghap nila Kyla. Nakaupo kami dito sa waiting area ng hospital habang nasa loob sila Drix kasama ang parents nito at si Judge Francisco at ang anak ni Dean.

Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam ko ang gulat ng lahat na nadito.

"Ano na naman ang ginagawa mo!"

Rinig kong galit na sigaw ni Nami salubong ang kilay at blanko ang mukha kong nanatiling nakayuko at nakahawak sa pisngi ko. Ano na naman ang pinuputok ng butsi nito.

Nanampal pa ang king ina!

"Tita," sabi pa ni Xandra pero hindi siya pinansin ng mahadera.

"Wala ka nabang ibang magawa kundi bigyan kami ng problema, huh!"

Galit pa uling sigaw pa nito. Napapailing na lang ako. Habbit na talaga niya ang manampal ng hindi alam kong ano ang nangyari eh 'no.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko at tahimik na lang ako.

Kita ko sa gilid ng mata kong nandito rin si Dad at Lolo. Napabuntong hininga na lang uli ako.

"Mom, stop! Onēsan, are you ok?" nag-aalalang tanong pa ni Asher na hinawakan pa ang braso ko.

Tinanguan ko nalang siya. Kahit kailan ang babaeng to tsk!

"Pati ang kapatid mo ay sinama- sama mo pa! Anong utak ba meron ka, huh!"

Galit na sigaw pa uli nito sakin. Tsk!
As if pababayaan ko ang kapatid ko.
Hindi ako nagsalita at nakayuko pa rin. Rinig kong napabuntong-hininga si Lolo at Dad.

As usual, dadada na naman sila psh!

"Ash, ano na naman ba ang ginawa mo?" mahinahong tanong pa ni Dad.

Napabuntong-hininga na lang ako saka nag-angat ng tingin at tumingin sa kanila. Tiningnan ko pa ng blanko si Nami bago tumingin kay Dad na seryuso lang na nakatingin sa 'kin.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Walang ganang balik na tanong ko sa kaniya.

Napasinghap pa si Lolo at Dad sa tanong ko.

"Galing kami sa presento, may inaasikaso ako ro'n at biglang dumating 'yong mga pulis dala ang lalaking pinatulog mo." Seryusong sabi pa ni Lolo.

Natawang napapailing na lang ako. Alam ba nila kung ano ang nangyari? Psh!

"At iyon ang ikinagalit niyo? Alam niyo ba kung ano ang totoong nangyari? Alam niyo ba kung bakit kami nandito at kung anong meron sa loob ng operating room?" Blankong tanong ko sa kanila.

Napabuntong-hininga pa si Dad na animo'y pinipigilang masigawan ako. Napapailing pa siya habang masamang nakatingin sa 'kin si Nami tsk!

"Oo, at dahil sa kagagawan mo! Nakikialam ka sa trabaho ng mga pulis! Alam mo namang dilikado! For heaven's sake, Ashi!"

Sinasayaang ko lang ang oras ko kapag siya ang kaharap ko psh!

"Tsk!" Singhal ko na lang.

"Ash, alam mo namang dilikado nakialam ka pa sa trabaho ng nga pulis, por Dios por santo! Marami kang kasama at kasama mo pa ang kapatid mo." Mahinahong sabi pa ni Lolo.

Tahimik lang ang lahat na nakikinig sa 'min.

"Tsk! Kung hindi ko ginawa 'yon at hintayin ang mga pulis ang gumawa, malamang maraming nakahiga sa hospital bed o na tsugi na ngayon." Blankong sagot ko.

Napasinghap na lang silang tatlo sa sagot ko psh!

"Kahit na! Hindi ka na dapat nakialam pa! Takaw ka talaga sa gulo kahit kailan!"

Sigaw pa ni Nami. Psh! Nabibingi na ako sa kakasigaw niya!

"Pwede ba, huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi! Ang lapit-lapit mo lang, oh!" Inis na sabi ko.

Lalo lang nagsalubong ang kilay niya tsk! Pasalamat siya at wala ako sa mood na insultuhin siya.

"Anong nangyari rito?" Rinig kong tanong pa ni Judge Francisco.

Nakita kong lumabas 'yong daddy ni Bisugo kasunod ni Judge Francisco. Nasa likod naman si Drix na namamaga ang mata. Napatingin sa gawi nila sila Lolo psh!

"Judge Francisco, nandito kami para humingi ng paumanhin sa ginawa ng step daughter ko."

Sabi pa ni Nami, Bakit naman siya hihingi ng paumanhin aber?
Kahit kailan tsk! Kita kong nagsalubong ang kilay ni Judge Francisco at tumingin sa 'kin.

"Hihingi ng paumanhin? Bakit" Takang tanong pa ni Judge Francisco.

Napabuntong-hinga pa si lolo at Dad.

Tsk!

"Nalaman naming nabaril ang anak niyo at nakialam si Ashi sa trabaho ng mga pulis."

Sabi pa ni Nami. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Judge Francisco at ng daddy ni Bisugo. Nakita kong salubong ang kilay Bisugo.

Psh!

Namamaga ang mga mata niya! Tsk!
Kung wala lang kami sa hospital kanina ko pa siya pinagtatawanan sa hitsura niya.

"Ano po'ng ibig niyong sabihin? Hindi po kasalanan ni pang---Ashi ang nangayri." Salubong ang kilay at takang tanong pa ni Bisugo.

Tiningnan niya pa ako bago tumingin kela Xandra. Mukhang nagtataka siya kung bakit 'di namin sinabi sa kanila ang nagyari. Nanampal na nga sasabihin ko pa ba? Psh!

Hanep rin kasi ang mahaderang 'to tsk!

"Walang kasalanan ang batang 'yan sa nangyari. Bagkus ay nagpapasalamat kami sa kaniya sa tapang niya." Salubong ang kilay na sabi pa ni Judge Francisco.

Kita kong natigilan sila daddy at nagtatakang tumingin sa kanila.

See?

Padalos-dalos kasi tsk! Sawa na ako sa ganiyan nilang ginagawa.

"What do you mean?" Takang tanong pa ni Nami.

Pasalamat ka may kunti pa akong respeto sa'yo psh!

"Walang kasalanan ang mga bata, sinabi nila sa 'min ang lahat ng nangyari. Kaya lang sa kasamaang palad, wala na ang anak ko." Sabi pa ni Judge Francisco.

Napasinghap sila lolo at tumingin sa 'kin bago nakikisimpatyang tumingin kela Judge Francisco.

"Nakikiramay kami,"tanging sabi lang ni Nami.

Napapailing na tumayo ako at saka tumingin kela Bisugo.

"Pasensiya na ho kung hindi ko nagawang iligtas si Dean kanina. Nakikiramay ho ako," sabi ko pa sa kanila.

Napapailing na ngumiti lang si Judge Francisco at ganun din yung daddy ni Bisugo.

"Ayos lang hija, salamat sa katapangan mo. Sadyang hanggang do'n na lang ang buhay ng anak ko. Isa kang mabuti at may puso sa kapwa, sana makita nila yon sa 'yo." Nakangiting sabi pa ni Judge Francisco.

Napayuko na lang ako at ramdam kong natahimik sila dad.

"Salmat ho," sabi ko pa. Bumaling ako kay Bisugo." 'Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, hindi mo kasalanan 'yon. Iyon ang sabi ni Dean kanina," sabi ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako at halatang malungkot talaga siya.

"Sige na ho, uuwi na muna kami," paalam ko pa sa kanila.

Akmang aalis na ako ng magsalita yung daddy ni Bisugo.

"Sana pupunta ka sa lamay ng kapatid ko." Sabi pa nito.

Tumango naman ako.

"Sige ho,  alis na ako." Sabi ko pa saka lumapit kay Asher.

Nag-aalalang tumingin sakin si Asher at nginitian ko lang siya.

"Are you ok, Onēsan?" Tanong pa nito.

Tumango ako.

"Genki-desu.
mata ai-mashô. Sayônara." Nakangiting sabi ko pa sa kaniya at tinapik ang balikat sabay yakap sa kaniya.

(Translate: I'm fine. See you again. Bye!)

Sininyasan ko sila Xandra at Kyla. Nagpaalam na muna sila. Nagpaalam na rin ako kela, Lyle, Keith at keart saka tiningnan sila dad at lolo.

Pagkatapos ay nilampasan sila at lumabas na sa hospital. Napabuntong hininga na lang ako ng makalabas kami.

"Ayos ka lang?" Tanong pa ni Xandra ng makasampa ako sa motor ko.

"Ayos lang," sagot ko sabay paandar ng motor ko.

Pasado alas-dose na ng gabi. At tanging mga ilaw sa poste ang nagpaliwanag sa paligid. Sabay kaming umalis ng hospital saka umuwi na sa bahay.

Pagakarating sa bahay ay pagod akong napasalampak sa maliit na sofa namin. Dumeretso sa kusina si Kyla at naupo naman si Xandra sa single sofa.

Napasandal ako sa sofa saka pumikit. Sana hindi na lang nangyari ang party hindi sana mangyayari 'to psh!

Kita ko kung paanong umiyak 'yong anak ni Dean kanina. Naalala ko si Mommy. Gano'n din ako no'ng si Mommy ang nawala. Napabuntong hininga na lang ako.

"Haysstt! Hindi ko in-expect na ito ang mangyayari." Rinig kong sabi pa ni Xandra.

Yeah

Kahit ako gano'n din.

"Hindi natin hawak ang kapalaran, at masyadong mailap ito dahil hindi natin alam kung kailan o ano ang mangyayari sa ngayon, bukas o sa makalawa."

Sagot ko pa napabuntong-hininga na lang siya at ramdam kong naglagay ng baso si Kyla sa mesa.

"Uminom na muna kayo ng kape, " sabi pa nito.

Nagmulat ako saka kinuha ang baso ng kape. Naka-gown pa rin sila hanggang ngayon. Buti na lang talaga hindi ako nagsuot ng ganon psh!

"Grabe! Hindi ko inakalang ito ang mangyayari, sa isang iglap wala na ang dean natin."  Malungkot na sabi pa ni Kyla.

"Kung mas mabilis pa sana ang kilos ko kanina hindi siya matatamaan." Sabi ko saka bumuntong-hininga.

Napatingin silang dalawa sa 'kin.

"Hindi mo kasalanan 'yon. Ginawa mo naman ang makakaya mo, sadyang hanggang do'n na lang talaga si Dean." Malungkot na sabi pa ni Xandra.

Napapailing na lang ako saka uminom ng kape.

"Oo nga naman, Ash. Kahit sino ay walang kasalanan sa nagyari. Curse that crazy guy!" Sabi pa ni Kyla.

Tsk!

'Yong mga pulis ang dapat sisihin. Hindi nila nagawa nang maayos ang trabaho nila. Kung binaril na lang nila sa kahit anong party na hindi ikakamatay ng baliw na 'yon  para hindi na sana makalaban pa tsk!

Pwedeng sa binti binaril para hindi makatakbo. Eh, 'di sana hindi sila makarating sa harap ng parking lot ng school psh!

Stupid!

"Alam niyo, naiinis ako sa mga pulis na 'yon! Baliw na nga, hindi pa mahuli-huli psh!" Sabi pa ni Xandra.

Natawa na lang ako.

"Kung hindi niyo nakita, ang lalaki ng mga tiyan ng mga 'yon! Bakit pinayagan silang maging pulis psh! 'Yan tuloy, naisahan pa sila ng baliw psh." Napapailing na sabi pa ni Kyla.

Natawa na lang kami ni Xandra. 'Yon din ang napansin ko kanina. Halos hirap na hirap nga sa pagtakbo ang mga 'yon tsk tsk!

"Pero, mukhang naka-drugs ang baliw na 'yon, ah. Sa tingin ko hindi naman siya baliw talaga, parang na high lang siya sa kung ano mang ginamit ng baliw na 'yon ." Sabi pa ni Xandra.

Napatango-tango naman ako. 'Yon ang unang nasabi ko sa isip ko kanina ng makita ko ang lalaking 'yon.

"Pero base sa napansin ko sa kilos ng lalaking 'yon, parang may mali." Sabi ko pa. Napatingin sila sa 'kin.

"What do you mean?" Tanong pa ni Xandra.

"May kutob akong pinagamit siya ng high drugs o may nag-inject sa kaniya ng liquid drugs at may nag- utos sa kaniya." Sabi ko pa.

Ramdam ko ang pagtataka nila. Inilapag ko sa mesa ang baso ng kape ko at tumingin sa kanila.

"Pa'no mo naman nasabi?" Takang tanong pa ni Kyla.

"May kutob akong inutusan ang lalaking 'yon. Hindi niyo ba napapansin kanina, saktong paglabas natin sa gate at pagpaalam nila Lyle ay tumatakbo na ang lalaki kanina na hinahabol ng mga  pulis. Saktong nakita nila tayo at nakita kong kay Drix talaga siya tumingin bago tumatawa-tawa kanina at tumingin sa mga pulis."
Sabi ko pa. Nakinig naman sila nang mabuti." Tinutukan niya agad si Drix kanina, sa dami natin kanina si Drix talaga ang tinutukan niya, 'di ba? Sila Lyle dapat ang una niyang tinutukan dahil mas malapit sa kaniya at bagyang nakaharang sila Bella kanina pero si Drix ang tinutukan niya." Mahabang paliwanag ko pa.

'Yon ang napansin ko kanina pero 'di ko pinansin 'yon! Napatango-tango naman silang dalawa.

"Oo nga, 'no?" Patanong na sabi pa ni Kyla.

"My point ka. Napansin ko rin 'yon kanina," sabi pa ni Xandra.

"Pero sino naman kaya ang nag utos o gumawa no'n? 'Tsaka, bakit may mga pulis?" Naguguluhang sabi pa ni Kyla.

Naisip ko na 'yon kanina pa sa hospital.

"May kutob akong plinano ng kung sino mang may balak nang masama kay Drix, para hindi kahina- hinala." Sagot ko pa.

Tatango-tango naman sila.

"Yeah, naintindihan ko na. Pero sino naman kaya ang nasa likod nito?" Takang tanong pa ni Xandra.

"Oo nga, sino naman kaya ang taong 'yon. Parang may galit talaga ah, buti na lang hindi natamaan si Drix." Sabi pa ni Kyla.

May hint na ako kung sino. 'Yong mga taong nakita ko kanina.

"Yeah. Akala ko kanina si Drix ang natamaan, kokong baliw na 'yon psh!" Sabi pa ni Xandra.

Napabuntong-hininga na lang ako bago seryusong tumingin sa kanila.

"May hint na ako kung sino ang nasa likod nito. Kailangan ko lang makausap si Bisugo. Kanina no'ng sinabi kong nagpahangin lang ako sa labas, nagsinungaling lang ako." Seryusong sabi ko pa.

Napatingin silang dalawa sa 'kin.

"What do you mean?" Takang tanong pa ni Kyla.

Napaubo pa ako bago nagsalita.

"Kanina no'ng nasa dance floor pa kayo, may nakita akong kahina- hinala sa paligid. Matagal ko na siyang napapansin pero pinapakiramdaman ko lang siya. Akala ko nga kanina ay 'yon ng biglang dumilim ang buong gym kanina, pero si Kiana lang pala. Noong sinabi ko kay Bisugo na puntahan niya si Kiana, do'n ko nakita ang lalaki na biglang lumabas ng gym kaya sinundan ko." Mahabang paliwanag ko pa.

Seryusong nakinig naman sila sa 'kin.

"Oh? Tapos?" Tanong pa ni Xandra.

"Noong sinundan ko iyong lalaki, nakita kong palabas siya ng gate. Sinundan ko pa rin ito hanggang sa nakita kong may kausap siya sa madilim na party ng parking lot. Hindi ko narinig ang pinag usapan nila pero may hinala ako'ng hindi 'yon maganda." Sabi ko pa.

Napaisip naman silang dalawa. Bago tumingin sa 'kin ng seryuso.

"You mean... may kinalaman sila sa nangyari kanina?" Tanong pa ni Xandra.

Tumango naman ako.

"Naramdaman ko rin kaninang nag eenjoy sila sa panonood sa nangyari kanina." Sabi ko pa.

Napabuntong hininga silang dalawa.

"Ibig mong sabihin,  nakatingin lang sila sa 'tin the whole time?" Tanong pa ni Kyla.

Tinanguan ko siya.

"This is interesting." Sabi pa ni Xandra.

Napapailing na lang ako sa sinabi niya. Kailangan kong makausap si Bisugo. Buti na lang hindi pa uli ako pinipeste ng unggoy na si Alvin.

Kung hindi naku!

Tsk tsk!

"So, anong plano mo?" Biglang tanong pa ni Xandra.

Napaisip naman ako.

"Kailangan kong makausap si Bisugo, may itatanong lang ako sa kaniya." Sagot ko pa.

"Pero hindi mo pa 'yon makausap ngayon, lalo na't mukhang sinisi niya ang sarili niya sa nangyari kay Dean." Sabi pa ni Kyla.

Yeah

"Kapag okay na siya, kakausapin ko. Alam kong hindi pa kikilos ang mga 'yon ngayon, lalo na't buhay 'yong baliw na 'yon. Akala ata nila papatayin din ang baliw na 'yon once na mabaril nito si Drix." Sabi ko pa.

Napatango-tango na lang sila.

"Pupunta ba tayo bukas sa lamay ni Dean?" Tanong pa ni Xandra.

Tumingin ako sa kaniya saka tumango.

"Yeah. Kailangan nando'n din tayo. Kahit papa'no ay huwag tayong paka siguro, baka may plano ang mga 'yon na gumawa ng eksena sa lamay ni Dean. Sa tingin ko lahat ng students ay pupunta sa lamay ni Dean." Sabi ko pa.

Tumango lang uli silang dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako. Napapikit pa ako, andami kong iisipin psh!

"Sige na. Matulog na tayo anong oras na, oh!" Sabi pa ni Kyla.

"Oo nga, gusto ko na ring magbihis psh!" Sabi pa ni Xandra.

"Sige. Aalis pa tayo bukas, magpapaalam tayo sa resto." Sabi ko pa.

Tumango lang sila.

"Sige. Good night na." Sabi pa ni Kyla.

"Ge, good night." Sagot ko saka umakyat na sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Pumasok muna ako sa banyo at nag halfbath. Pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Napatitig pa ako sa kisame at napaisip sa mga nagyayari kanina. Bumuntong hininga na lang ako. Maya-maya ay dinalaw na ako ng antok. Hanggang sa makatulog na ako.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

____________________________________

K I N A B U K A S A N

Pasado alas-nuwebe na akong nagising dahil sa ingay mula sa baba. Rinig ko ang boses ni Jiro at Liam sa baba psh! Napapailing na lang ako saka bumangon. Dumeretso ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Joyce na hindi kami papasok mamaya sa trabaho. Pagkababa ko ay nakita ko silang apat sa sala. Nakabihis na rin 'yong dalawa.

"Oh! Buti naman gising ka na," sabi pa ni Xandra.

"Good morning, sweety." Nakangiting bati pa ni Jiro at Liam.

Tsk!

"Morning," maikling bati ko saka umupo sa gitna ni Liam at Jiro.

Nakangiting inakbayan pa ako ni Liam pero hinawi ni Jiro at siya ang umakbay sa 'kin. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Oh! Kape ka muna," sabi pa ni Kyla sanay abot ng baso ng kape at lapag ng tinapay sa maliit na mesa namin.

Kinuha ko ito saka himigop ng kape.
Nakatingin lang silang lahat sa 'kin psh!

"Hindi kayo magkakape?" Tanong ko pa.

Nakangiting umiling lang sila tsk!

"Tapos na kami, kanina pa." Nakangiting sabi pa ni Xandra at diniin an salitang kanina tsk!

Hindi ko na lang sila pinansin at uminom na lang ng kape.

"We heard about what happened last night." Biglang sabi pa ni Jiro na bakas ang seryuso sa boses niya.

Hindi ko siya tiningnan at ramdam kong nakatingin silang dalawa ni Liam sa 'kin psh!

"Then?" Patanong ba sabi ko pa.

"It's too dangerous for you, Ash." Seryusong sabi pa ni Jiro.

Napa chuckled na lang ako sa sinabi niya.

"No, its not." Sagot ko pa.

Napahininga na lang uli siya.

"Nag-aalala kami sa 'yo, Ash. Lalo na't babae ka pa, hindi mo na sana pinakialaman ang trabaho ng mga pulis---"

"Then what? Tutunganga na lang ako at hihintaying may buhay na naman ang mawala?" Pigil ko kay Liam.

Natahimik naman sila at nag-iwas ng tingin.

"Alam niyo naman siguro ako hindi ba? Hindi ko ugaling tutunganga lalo na't sa ganoong sitwasyon. Wala akong paki sa kung anong meron sa paligid ko, pero iba 'yon eh. Kailangan kong kumilos kung hindi kami pa ang susunod na babarilin baliw na 'yon." Mahabang sabi ko pa.

Lalo lang silang natahimik. Napapailing na lang ako at bumuntong hininga.

"Ash, we no you. Alam ko namang kaya mo 'yong gawin pero, Ash... may mga pulis, trabaho na nila 'yon at----"

"At hindi ako pwedeng makialam? Tsk! Kinginang 'yan! Hindi ko na nga nagawang iligtas si Dean, hihintayin ko pa bang isa sa 'min ang matamaan uli. Trabaho nga ng mga pulis, pero hindi naman nila nagawa nang maayos ang trabaho nila. Isang baliw lang naisahan pa nga sila. King ina!" Pigil ko kay Jiro.

Natahimik nalang uli siya at hindi nagsalita. Napasandal na lang ako sa sofa.

"Hindi mo kasalanan kung hindi mo nailigtas si Dean, Ash. I know you do your best to help them. Hanggang do'n na lang talaga siya. Don't worry nag-investigate na ang daddy at lolo mo sa nangyari dahil sila ang nasa presento kagabi. No'ng malaman ko kanina kay Jiro ang nangyari nag-aalala kami sa 'yo." Mahabang sabi pa ni Liam.

Sila daddy at lolo?

Bakit naman sila ang nag-investigate? May alam ba sila? Psh! Sabagay, hindi sila magiging tanyag sa larangan ng law firm namin kung hindi pa sila magaling psh!

"Pumayag ba sila Judge Francisco na sila ang mga iinvistigate sa nangayari?" Walang ganang tanong ko pa.

Napahinga nalang si Jiro bago tumango.

"Since busy pa sila sa pag-asikaso sa lamay ni Dean. Nag-insist sila Tito at lolo sa bagay na 'yon, pumayag naman sila. May involved sa drugs ang nakabaril kay Dean." abi pa ni Jiro.

Napabuntong-hininga nalang ako. May kutob akong hindi nila malalaman kong sino ang may pakana nito..dahil planado na lahat. Mautak din sila eh no tsk!

"Pupunta ba kayo ro'n sa lamay?" Tanong pa ni Liam.

Tumango na lang kami bilang sagot. We should be there, too to show some simpathy with the Chevalier and Zarraga family.

"Sabay na tayong lahat do'n, doon din ang punta namin ngayon. Walang pasok next week hanggang sa mailibing si Dean." Sabi pa ni Liam.

Nakaramdam ako ng lungkot sa loob ko. Naalala ko ang anak ni Dean. Isang ina na naman ang nawala na nasaksihan ko pa.

Nag usap pa kaming lahat bago napag desisyon na umalis na at magtungo sa lamay ni Dean.


Seth Fedelin as Asher Vhon Acosta Ibañez


Andrea Brillantes as Drixie cobler Chevalier

Iñego pasqual and Maris Racal as Brix Villaba and Stella Colminares

Kisses Delavin as Theresa Apayao

Donny pangilinan as Nathan Galera

Kira Balinger as Aika Jackson

Marco Galo as Firm Mackner

Shaina Magdayao as Lyka Luxon

Anthony Rosaldo as Jiro Ibañez

Erich Gonzales as  Kaye Zenn Zarraga


Mario Maurrer as Liam Hertz

Taki Saito as Trixie Alcantara

Barbie Imperial as Kiana Vergara







Author's Note: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story po.

Marami pa kayong dapat na abangan sa story na to. Magsisimula palang po tayo so please support me guyzzz.

Just comment if you have something to say about this chapter hehehehe.

Don't forget to Vote comment and Follow

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top