chapter 94 " Dead or alive"

A/N: hello everyone!! Here we go!  SEASON 1 must be read!!

____________________________________

I'll show the pictures below!!!

Ashi Vhon's Pov.

Dead or alive

Nandito na kaming lahat sa parking lot at nagpaalam na ang ibang mga kasamahan namin. Kakaalis lang din ni Liam dahil may emergency siyang pupuntahan!

Nakasampa na ako sa motor ko habang nagpapaalam na sila Bella. Nandito rin si Dean na nasa tabi ni Bisugo.

Akmang aalis na sila Bella nang makarinig kami ng takbuhan. Napatingin kami sa kalsada at do'n namin nakita ang isang lalaking tumatakbo habang hinahabol ito ng mga pulis. Napatingin ako sa hawak nito. Isang baril na mahigpit niyang hinawakan.

Kinabahan ako bigla.

Medyo malapit lang kami sa kalsada kong saan tumatakbo ang lalaki. Ramdam ko ang takot sa mga kasamahan ko. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki.

Psh! Baliw!

I swear! Involved to sa drugs. Psh! Napapailing pa ako sa naisip ko.

Mga kilos at mukha pa lang ng lalaki ay halatang na high sa drugs tsk tsk!
Ramdam ko ang takot ng mga kasama ko ng tumingin sa gawi namin 'yong lalaking tumatakbo.

Paking shit!

"Hahahahahaha!" Malakas a tawa pa no'ng lalaki at huminto sa pagtakbo. Medyo malayo pa 'yong mga police.

Anak ng pating!

Feeling ko may masamang mangyayari.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Kita ko ang takot sa mukha nila.
Tiningnan ko sila Xandra at Kyla. Seryuso lang ang mukha nilang nakatingin sa baliw na lalaking 'yon tsk!

"Mga duwaggg!! Hahahaha!" Sigaw pa nito at habang tumatawa

 Nagulat ang mga kasamahan ko ng bigla tumakbo sa gawi namin ang baliw dahilan para mapaatras naman ang mga kasama ko.

Holy kaw kalabaw!

Nakaharang pa sila Bella at sila Lyle sa gawi nila Bisugo. Kita kong napahawak pa si Dean sa braso ni Bisugo at ramdam ko ang natakot nito.

Bumaba ako sa motor ko at blankong tumingin do'n sa lalaking papalapit sa 'min habang tumakbo pa rin ang mga pulis.

Tsk!

May baril siya!

"Hindi niyo ako mahuhuli! Hahaha! Ikaw!"

(0_0)

Napatingin ako kay Bisugo! Shit!

Bigla niyang tinutukan ng baril si Bisugo. Napagilid naman sila Bella at Lyle habang napaatras si Bisugo at gano'n din si Dean.

"Ikaw! Ikaw ang nagsusumbong sa kanilang hulihin ako! Hahahaha! Hindi nila ako mahuhuli! Buwahahaha!" Malakas na tawa pa nito.

Shit! Baliw nga!

Kita kong napalunok Bisugo habang kong nanginginig sa takot si Dean.
Dahan-dahan akong lumapit sa gawi nila Bisugo.

Palapit nang palapit ang mga pulis sa gawi namin at biglang huminto sa pagtawa 'yong lalaki at tumingin sa mga pulis.

"Sige! Lapit kayo! Hahahaha! Ipuputok ko 'to! Buwahahahaha!!"

Malakas na tawa pa nito. Mabilaukan ka sana baliw ka!

Tsk!

"Bitawan mo 'yang baril! Baka makapatay ka pa!" Sigaw pa no'ng pulis at dahan-dahang lumapit. Babagal kumilos.

"Sabi ko 'waag kayong lalapit!" Sigaw pa no'ng lalaki at kinalabit ang gatilyo ng baril niyang nakatutok kay Bisugo.

Pakining Shit!

Kita kong natuod si Bisugo at hindi nakakilos. Tumingin ako kela Xandra at sininyasan sila. Alam kong hindi maganda 'to.

Mabilis na kumilos sila Xandra at pinatabi ang mga kasamahan namin. Halos mangiyak-ngiyak sa takot ang mga babae.

Ilang dipa lang ang layo no'ng lalaki kay Bisugo pero tutok na tutok sa kaniya ang baril niya.

Nalintikan na!

(0_0)

Biglang pinalipat-lipat ng lalaki ang baril niya sa'ming lahat!

LUNOK!

Hindi maganda 'to!

Baliw ang lalaking 'to at alam kong hindi 'to magdadalawang isip na ipaputok ang baril na hawak niya.

Baliw nga, eh!

Tsk!

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

Not now!

Tumingin ako sa gawing party ng parking lot kung saan ko nakita kanina 'yong mga lalaking nakita ko no'ng lumabas ako. Alam kong nakatingin lang sila sa 'min at nagmamasid!

Kaya ako lumabas kanina kasi may napansin akong lalaki na kahina-hinala sa loob ng gym kanina.
Palihim kong sinundan hanggang dito sa labas at nakita kong marami sila.

May kutob akong isang grupo ng mga kalalakihan ang nandito. At alam ko na kung sino sila. Psh!
Mga duwag! Sa ganito pa sila nagpakita uli, ahh!

Napatingin uli ako sa baliw na lalaki ng tumawa ito ng malakas. Tumingin sa gawi ni Bisugo ang lalaki. Limang hakbang ang layo ko kela Bisugo.

"Bitawan mo ang baril at sumuko ka na! 'Wag mo silang idamay!" Sigaw ulit ng pulis.

Shit! 'Wag dada nang dada!

(-_-)

"Hindi ako susuko! Hahahaha! Mga duwag! Inutil! Hahahaha!" Malakas na namang tawa pa nito.

Shit!

"Sumuko ka na! Wala ka ng mapupuntahan pa!"

Asan ba ang guard dito.
Pakingshit! Gusto kong sigawan ang pulis na tumigil sa kakadada.

Hindi ba nila alam na baliw ang lalaking 'to. Ramdam ko ang mga mata sa paligid na halatang nag-eenjoy sa nakita.

Tsk!

Pasalamat sila at may baliw dito! Kung hindi baka kanina pa sila nakabulagta. Alam kong nakita rin sila ni Xandra. Habang si Kyla ay seryusong nakatingin lang sa lalaki.

"Ky! Dalhin mo sila sa loob!" Mahinang sigaw ko sa kaniya.

Hindi siya lumingon at alam kong narinig niya ang sinabi ko saka mabilis na sininyasan ang mga kasama naming babae.

Sila Lyle ay nakatingin sa lalaki at kay Bisugo habang halata ang pag-aalala sa mukha nila.

"Hindi ako susuko! Papatayin niyo rin ako! Mas mabuti pang may tabla ako! Buwahahaha!"

Shit! Shit!

Bisugo!

Nakita kong kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril!

"Damn! Drix!"

"Dre!"

"Fvck!"

"Tita!"

Mabilis akong tumakbo pero...

BANGGG! BANGGG!

Pakingg shiiiittt!!!

(0_0)

"DRIX!!!"

"Oh my god!"

Malakas na sigaw naming lahat pero...

(0_0)

Mabilis akong tumakbo uli sa gawi nila Bisugo at...

Watdapakkkk!!

Nakayakap si Dean kay Drix at duguan ang likod niya!!!

Fvck!?

"Dean!!'"

Malakas na sigaw ko at mabilis na hinawakan ko siya bago dahan-dahang inihiga. Mabilis na lumapit sa 'min sila Lyle.

"Dean! Dean!"

Kinakabahang sabi ko sabay tapik sa pisngi nito. Bahagya pa siyang naubo at lumabas ang dugo sa bibig niya.

Shit!

Masamang sinyales!
Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya.

"Tita!" Sigaw pa nila Lyle na mabilis na umupo at hinawakan ang balikat ni Dean!

"S-si D-drix!" Hirap na sabi pa nito.

Napatingin ako kay Bisugo at gano'n pa rin ang reaksiyon nito. Gulat ang rumehestro sa mukha niya at hindi gumagalaw!

Damn!?

"Keith! Si Bisugo!" Sigaw ko kay Keith at mabilis itong tumayo at tinapik-tapik si Bisugo.

"Tita! Tita! Hold on!" 'Di mapakaling sabi pa ni Lyle.

"Keart! Ang kotse! Bilisan mo!" Sigaw ko.

Hindi mapakaling tumayo ito bago tumakbo sa kotse niya.

"Dean! Huwag kang pipikit! Dadalhin ka namin sa hospital!" Nag-aalalang sabi ko pa sabay tapik sa pisngi niya.

Pilit siyang ngumiti at hinawakan ang nang mahigpit ang kamay ko.
Hindi ako mapakali lintik na 'yan!

"Hija... H-humi-nahon k-ka!" Hirap na hirap na sabi pa nito.

Napapikit na lang ako.

"Wag kang pipikit, Tita!" Nag- aalalang sabi pa ni Lyle.

Ngumiti uli siya at pilit hinawakan ng isang kamay niya ang kamay ni Lyle.

"H-hijo... k-kayo n-na b-bahala k-kay D-drix... Sa sa-bihin mong hi-hindi niya k-kasalanan 'to. K-kayo na b-bahala sa k-kanya!" Hirap na hirap na sabi pa nito.

Ramdam kong nangingilid ang luha ko pero pinigilan ko. Naalala ko si Mommy. Narinig ko pa ang mga sigaw ng mga pulis at halakhak ng baliw na 'yon.

Fvck him!?

"H-hija... a-alam k-kong unti-unti ng n-nagbago si D-drix... a-alam k-kong h-hindi mo ma-intin-di-han p-pero... n-nakita k-kong m-mula ng b-binully k-ka niya... " hirap na sabi pa niya.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya!

"Ano ho ang ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko pa.

"I-inga-tan m-mo s-siya..." hirap na dagdag pa nito.

Ano?

"S-sabi-hin m-mo s-sa a-anak k-ko... m-mahal na m-mahal k-ko s-siya... " nahihirapang bilin nito.

Do'n na tuluyang tumulo ang luha ko. Naalala ko si Mommy no'ng siya ang nawala.

Fvck!?

Biglang lumapit si Drix na mukhang bumalik na sa ulirat at umiiyak na niyakap si Dean. Lihim at mabilis na pinunasan ko ang luha ko.

Ang baliw!

Do'n ko lang narealize at mabilis akong tumayo.

"Lyle! Dalhin niyo si Dean sa hospital! Bilis!" Sigaw ko pa kay Lyle.

Kita kong tumakbo si Keart at lumapit kela Lyle. Nakita ko si Xandra at Kyla na pinipigilan sila Drixie na lumapit habang hawak ni ito Asher.

Umiiyak na sila.

Tumingin sa 'kin si Xandra.

"Isakay niyo sila sa kotse nila at sumunod kayo kela Lyle sa hospital!" Sigaw ko pa.

Bumaling ako sa lalaking tila tuliro habang tumatawa at nakatutok pa rin sa gawi namin ang baril niya. Hindi makakilos ang mga pulis dahil baka magpaputok uli ang baluw na 'to.

Fvck!?

Mga duwag!

Hindi na lang binaril.
Nakatutok ang baril nila sa baliw na 'to pero hindi man lang pinutok.

Tiningnan ko ang layo nito sa 'kin at ang layo ng mga pulis. Lintik! Bakit hindi sila kumilos. Nakaramdam ako ng inis at galit! Hindi ko alam kung bakit. Si mommy.

Hindi ko kayang makakitang may ina na namang mawawala na masasaksihan ko at wala akong magawa.

"Ash!" Rinig kong tawag ni Xandra.

"Anong gagawin mo, Ash!" Sigaw pa ni Kyla nang humakbang ako.

Nakita kong napatingin sa 'kin ang mga pulis. Busy sa pagtawa ang pesteng baliw na 'to. Ang sarap patayin ng gago.

"Alis na! Baka sapian na naman ang baliw na 'to!" Sigaw ko pa habang blankong nakatingin sa baliw.

Shit!

Bumaling siya sa 'kin at tiningnan ako ng masama. Sa 'kin niya tinutok ang baril niya!

"Hindi ako baliw! Hahahahaha!"

"Ano ka lang? May saltik?!" Galit na sigaw ko.

Kita kong buglang sumeryuso ang mukha ng baliw habang nasa gawi ko nakatutok ang baril.

Tsk!

"Panget!"

"Onēsan!!!"

"Ash!"

Rinig kong sigaw nila. Hindi ko sila pinansin at blankong nakatingin lang ako sa pesteng baliw na 'to!

"Dalhin niyo na si Dean sa hospital!" Seryusong sigaw ko.

Kita ko sa gilid ng mata kong isinakay na nila si Dean. Mabilis akong kumilos habang tumatawa pa ang baliw na 'to.
Ramdam ko ang tingin ng mga taong nakatago sa madilim na party ng parking lot.

Sige lang. Manuod kayo. Nang malaman niyo kung sino ang kakalabanin niyo mga gago!?

Hindi ko pinansin ang mga sigaw ng pulis at ng mga kaibigan ko. Nakita kong nakaalis na sila Lyle.

Mabilis akong lumapit sa baliw na lalaking 'to ng hindi niya namalayan bago mabilis na inagaw ang baril na nakatutok pa rin sa gawi ko kanina.

Mabilis kong hinampas ang baril sa batok niya dahilan para mahimatay at bumulagta siya sa kalsada.

"Matulog ka munang tang*na ka!?" Galit na sabi ko.

Narinig ko pa ang pagsinghap nila dahil sa ginawa ko.

Tsk!

Inis na binato ko sa gawi ng mga gulat na pulis ang baril bago pinagpag ang kamay ko saka naglakad pabalik sa motor ko.

Hindi ko nilingon ang madilim na party ng parking lot. Mabilis na lumapit sa 'kin si Asher. Masyadong madilim na dahil humahating gabi na.

"Onēsan! Are you, ok?" Tanong pa ni Asher.

Tinanguan ko na lang siya.

"Sundan natin sila Lyle." Sabi ko sa kanila dahilan para matauhan sila sa kanina pang gulat na mukha nila.

Tsk!

Nag-aalala ako sa lagay ni Dean. Alam kong hindi maganda 'yong kalagayan niya dahil may dugong lumabas sa bibig niya kanina. Dalawang bala ang tumama sa likod niya. Napatingin ako kay Bisugo. Bakit hindi pa siya sumunod sa hospital!

"Bisugo! Tatayo ka lang d'yan!" Sigaw ko sa kaniya.

Alam kong hindi pa siya naka-recover sa nangyari pero hindi ito ang tamang oras para ro'n! Mabilis siyang hinila ng umiiyak na si Drixie pasakay sa kotse ni Keith!

Mabilis na sumampa na rin sila Kyla at Xandra sa mga motor nila saka umalis na kami. Palihim ko pang tiningnan ang madilim na party ng parking lot!

Take you time mga walang kwenta!

Tsk!

____________________________________

Lyle's Pov.

Mabilis kaming pumasok sa hospital at mabilis na lumapit ang mga nurse na may dalang stretcher at tinulungan kaming ihiga si Tita na hirap na hirap na.

Halos pipikit na siya!

"What happened?" nag-aalalang tanong pa no'ng doctor!

"Nabaril siya sa likod! Please tulungan niyo po si Tita!" Kinakabahan na sagot ko pa.

Nagmamadaling kumjlos ang mga nurse at doctor. 'Di rin mapakali ang iba pang nakakita.Nandito kami sa Chevalier's hospital!

Hindi ako mapakali at kinakabahan ako. May dugo na ang mga kamay ko pati na ang suot ko.

Gano'n din si Keart na may dugo ang white polo shirt niya.
Mabilis kaming sumunod at dinala sa operating room si Tita.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo, bawal po kayong pumasok." Pigil sa 'min ng nurse.

Napasabunot na;lang ako sa buhok ko bago sumilip sa salamin na pinto!

"This is fvcking shit!" Sabi ko pa at napahilamos sa mukha ko.

"That crazy guy!" Galit na sabi pa ni Keart.

Ano na kayang nangyari ro'n!

Nakita kong si Ashi naman ang tinutukan no'ng baliw na 'yon!
Mas lalo pa akong hindi mapakali.
Halos pabalik-balik kami sa harap ng pinto at palakad-lakad pa habang napapahilamos sa mukha ko.

"Keart, tawagan mo ang parents ni Drix!"Sabi ko pa kay Keart.

Tumango lang siya at bago tinawagan sila Tita. Sila lang muna ang tatawagan namin para makapunta sila rito! Naupo ako sa waiting area ng biglang nagmamadaling lumabas ang isang nurse.

Tumakbo ito sa kung saan.

Please lord help Tita Faye please save her!

Piping dasal ko pa. Nakita kong may kasama ng dalawang doctor 'yong nurse kanina. Nagmamadali silang pumasok sa operating room.

"Where's Tita!" Rinig kong sigaw pa ni Drix.

Napatayo ako at tumingin sa kanila. Bakas ang pag-aalala at kaba sa hitsura nila.

"Nasa operating room pa," sagot ni Keart.

"Fvck! This is my fault!!" Kabadong sigaw pa ni Drix saka lumapit sa pinto ng operating room.

Nilapitan ko siya bago hinila paupo sa upuan dito sa waiting area.
Nakaupo na rin 'yong iba habang mahinang nagdadasal.

"This is my fault!" Mahinang sabi pa uli nito na halos mangiyak na.

Hinawakan ko ang balikat niya saka tiningnan ito.

"Dre, this is not your fault, ok? Calm down," sabi ko at tinapik ang balikat niya.

Napapailing pa siya at napapahilamos. Napabuntong-hininga na lang ako.
Alam kong sisihin niya ang sarili kapag may nangyaring masama kay Tita. Hindi naman niya kasalanan, kusa lang siyang niligtas ni Tita.

"Nasaan si Dean?" Rinig kong nag- aalalang tanong ni Ashi.

Napatingin ako sa kaniya. Bakas ang pag-aalala at kaba sa mukha niya.
Nagtaka ako kanina king bakit tumulo ang luha niya at may sakit na rumehestro sa mata niya kanina. Lalo na no'ng sinabi ni Tita na mahal na mahal niya ang anak nito.

"Nasa operating room pa si Tita." Sagot ni Keart sa kaniya.

Napapahilamos ito sa mukha niya. Bakas ang kaba at parang alam niya kung ano ang kahihinatnan ng operation. Napapailing pa siya.

"Sana makaligtas siya," brinig kong mahinang sabi pa nito.

"Magdasal na lang tayo na makaligtas si Tita." Umiiyak na sabi pa ni Bella.

Wala ring hinto sa iyak si Drixie. Alam kong nagulat siya sa mga nangyari!
Napahinga na lang ako ng malalim at pinatong ang mga siko ko sa tuhod habang napahilamos ng mukha.

'Wag naman sanang may mangyaring masama kay Tita. Kahit pang impossible dahil dalawa ang tama niya sa likod.

Jesus!

(0_0)

Naalala kong naubo ng dugo si Tita kanina! Napatingin ako kay Ashi. Kaya ba ganiyan na lang ang reaction niya kanina?

Kinabahan tuloy ako lalo.

***

Mahigit kalahating oras na kaming naghintay dito sa waiting area. Hindi pa rin lumalabas ang mga doctor.
Lalo lang kaming kinakabahan tuwing pabalik-balik 'yong mga nurse sa loob.

"Shit! Hindi pa ba tapos!" Inis na sabi pa ni Drix.

Kanina pa siya palakad-lakad sa harap namin at paulit-ulit na napamura.

"Hindi gano'n kadali ang operation, Drix. Lalo na't sa likod ang tama at nagsusuka na ng dugo si Tita kanina." Mahinang sabi ko pa!

Napasuntok na lang siya sa bubong at muling naupo. Pinauwi na muna namin sila Bella kasama sila Theresa, Stella na hinatid nila Brix at Nathan!

Sila Ashi ay tahimik na nakaupo lang at nakapikit. Katabi niya si Asher na nakaidlip pang nakaupo. Si Kyla naman ay inaalo si Drixie na nakatulog na. Katabi nito si Xandra.

Si Keith and Keart naman ay nakatayo at nakasandal lang sa bubong.

"What happened?" Biglang tanong nang kakarating lang na si Tita Xia na hawak si Kaye Zenn. Ang anak ni Tita  Faye.

Nasalikod niya sila Tito Rox at si Judge Francisco lolo na ni Drix.
Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Where's, Mom?" Halos mangiyak- ngiyak na tanong pa ni Kaye Zenn.

Mabilis silang lumapit sa 'min.

"Nasa operating room pa si Tita.
Hindi pa lumabas ang mga doctor." Sagot ko.

Mabilis itong lumapit sa pinto ng operating room at sumilip.

"What happened?" Nag-aalalang tanong pa ni Tita Xia.

Tahimik lang na nakayuko si Drix.

"Na baril ho siya sa likod  at dalawang bala ang tumama sa likod niya." Si Ashi ang sumagot.

Nabaling sa kaniya ang attention nila nila Tita.

"What?" Gulat na bulalas ni Tita.

"Iie." Bulalas ni Judge Francisco.

"What? Why? Bakit natamaan siya ng baril?" Nag-aalalang tanong pa ni Tito Rox.

Napabuntong-hininga na lang si Ashi at tumingin sa gawi namin.
Napahinga na lang ako at yumuko.
Kinuwento namin sa kanila ang lahat ng nangyari..

Iyak nang iyak si Kaye Zenn at inaalo lang siya ni Kyla at Xandra. Pati si Ashi ay inalo rin siya.

"Ayos lang ba kayong lahat?" Nag- aalalang tanong pa ni Tita.

Tumango lang kami. Biglang lumabas ang mga doctor na nag asikaso kay Tita. Mabilis kaming lumapit sa kanila.

"How's my daughter?" Tanong pa ni Judge Francisco.

"Ligtas na ho ba si Mom?" Umiiyak na tanong pa ni Kaye Zenn.

Pinagpapawisan sila at saka
Napapailing pa ang mga ito.
Nanlumo ako at nakita kong napakuyom ang kamao ni Drix.

"Nahirapan kaming tanggalin ang dalawang bala sa likod ng pasiyente." Napapailing na sabi pa no'ng doctor.

W-what does he mean?

"What do you mean?" Kinakabahang tanong pa ni Tita Xia.

Nagtanggal ng mga gloves ang mga doctor bago sumagot ang isa sa kanila.

"I'm sorry. We do our best to save the patient but the operation didn't success." Sabi pa ng doctor.

Lalong umiyak si Kaye Zenn na inalo nila Kyla at Xandra. Napayuko naman si Ashi at napapailing pa.

"Shit! Dalawang bala lang hindi niyo pa magawang iligtas ang Tita ko!?" Galit na sabi pa ni Drix.

Mabilis na hinawakan ko naman siya.

"Drix! Calm down!" Sabi pa ni Tito.

"Fvcking shit! This is my fault!" Mangiyak-ngiyak na sabi pa nito at napasabunot sa buhok niya!

Mabilis na niyakap naman siya ni Tita Xia.

"Calm down, anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari!" Sabi pa ni Tita Xia.

Kita ko ang lungkot sa mukha ni Judge Francisco at Tito Rox.

"Masyadong dilikado at malalim ang tama ng pasiyente. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para mailigtas siya pero hindi niya kinaya. Tatlo kaming doctor na nag-asikaso sa operation pero hindi talaga kinaya ng pasiyente." Sabi pa ng Doctor. "Marami na ring dugo ang nawala sa kaniya. Besides, nagsusuka na ng dugo ang pasiyente at mas lalo kaming nahirapan dahil may mga organ ang natamaan ng bala." Napapailing ba sabi pa no'ng Doctor.

Para kaming binagsakan ng langit sa narinig namin. Humagulhol pa ng iyak si Kye Zenn.

"Pasensiya na kung hindi namin nailigtas ang anak niyo Judge Francisco." Sabi pa no'ng isang doctor.

Umiling na lang si Judge saka pilit na ngumiti sa mga doctor.

"It's ok. Hanggang dito na lang siguro ang buhay ng anak ko." Malungkot na sabi pa ni Judge.

Nakaramdam ako ng lungkot at awa lalo na kay Kaye Zenn.

"No! Hindi pa patay si Mom!" Umiiyak na sigaw pa ni Kaye zenn.

Nilapitan siya ni Judge Francisco bago hinagod ang likod nito.

"Pasensiya ka na, hija. Pero wala na ang Mommy mo, hindi niya kinaya ang operasyon." Nakikisimpatyang sabi pa no'ng isang doctor.

Panay lang ang iling ni Kaye zenn habang umiiyak. Nakita kong nagising na sila Asher at Drixie.

"No! Mom!!!" Sigaw pa nito saka tumakbo papasok sa operating room.

Sumunod si Drix sa loob, nagpaalam na ang mga doctor at pumasok na sila Tita sa Loob.

Naiwan kaming lahat dito sa labas ng operating room. Nakayuko lang si Ashi at malungkot na napapailing naman sila Kyla at Xandra.

Napapailing din ako saka naglakad at naupo sa upuan.

Wala na si Tita!

Fvck that crazy guy!!

Tsk!





Sue Ramirez as Ashi Vhon Acosta Ibañes

Jameson Blake as Drixon a.k.a Drix Cobler Chevalier

Ryle paulo Santiago as Debbien Nieves

Julia Barreto as Xandra Acosta

Ellise Jason as Kyla Luxon

Joshua Garcia as Keith Evans


McCoy De Leon as Keart Evans

Ronnie Alonte as Lyle Monreal


Loisa Andalia as Bella Cobler













Author's Note: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story po.

Ano? Kinahabahan kayo 'no? Akala niyo si Drix ang nabaril hehehehe.

Don't worry hindi lang 'yon marami pa ang dapat niyong abangan guyzzz!

Sino kaya 'yong mga lalaking nakita si Ashi sa parking lot?

Abangan niyo po sa mga susunod na chapters.

Don't forget to Vote comment and Follow

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top