chapter 163 "Lihim"

Ashi Vhon's Pov.

Thursday na ngayon at wala kaming pasok bukas. May meeting ang lahat ng lecturer namin kaya tuwang-tuwa ang mga klase namin.

Napapailing na lang ako at iniligpit lahat ng gamit ko. Kakatapos lang ng afternoon class namin.

"Hey! Ako na magdala ng gamit mo." sabi ni Bisugo at kinuha ang bag ko.

Hinayaan ko na lang siya at naglakad palabas ng room.

"Uy! Labas tayong kahat bukas!" rinig kong sigaw ni Stella.

"Ay teh! Ano 'yong narinig ko? Lalabas tayo bukas? Gora ako mga bakla!" sigaw pa ni Mello na kakalabas lang sa room nila.

Napapailing na lang ako.

Hindi ko na lang sila Pinansin. Sinabayan ako ni Bisugo pababa ng building.

"Panget, busy ka ba bukas?" tanong pa nito.

Nilingon ko siya ng may nagtatanong na tingin.

"Yayaan sana kitang kumain sa labas." nakangiting sabi pa niya.

"At bakit naman?" takang tanong ko pa.

Napakmaot siya ng batok bago nagsalita.

"Gusto ko lang. Pero ayos lang kung ayaw mo." sabi pa nito.

Natawa na lang ako at inakbayan siya. Gulat na napatingin pa siya sa braso ko bago tumingin sa akin.

"Tol, sa pagkakaalam ko kapag niyaya ng isang lalaki ang babaeng kumain sa labas ibigsabihin nun magdi-date sila. Hindi tayo talo," Cool na biro ko pa na animo'y isang lalaki habang nakaakbay sa kaniya.

Nanlaki pa ang mga mata niya at mabilis na inalis ang braso ko sa leeg niya.

"T-tibo ka talaga?" napapalunok na tanong pa niya.

Humagalpak ako nang tawa dahi lsa sinabi niya. Naoatingin pa sa amin ang ibang naglalakad sa hallway.

"H-hoy! Tumigil ka nga!" sita pa niya.

Napapailing na lang ako.

"Biro lang. Busy ako bukas. Pupunta ako sa mansion ng mga Ibañez." sabi ko pa habang naka pamulsa na.

Para naman siyang nabunutan ng tinik dayil sa sinabi ko.

"Tse! Akala ko talaga tibo ka talaga. Minsan ko rin naiisip 'yon." nakangiwing sabi pa niya.

Napataas ang kilay ko.

"At bakit mo naman naisip?"

"Kasi hanggang ngayon wala ka pa ring feelings sa akin." mahinang bulong pa niya na rinig ko naman.

Napatigil ako at napaiwas na lang ng tingin.

"Gusto mo talaga ako?" tanong ko pa sa kaniya.

"Hindi." sagot niya dahilan para matigilan uli ako at napatingin sa kaniya.

"Akala ko ba may gusto ka sa akin-----"

"I don't like you." pigil niya sa akin at tumingin sa mga mata ko.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko.

What the fvck!? What does it mean?

Feeling ko nadismaya ang-----

"I don't like you because I already love you." paos ang boses na sabi pa niya na ikinatigil ko.

Kahit na ilang beses ko nang narinig 'yon sa kaniya noong gabing nag confess siya sa bar ay naninibago pa rin ako.

Parang... parang may kakaiba.

"I love you that's why I don't like you." sabi niya uli habang nakatitig sa mga mata ko.

Parang may nakita akong spark sa mata niya.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Lintik!

Ilang beses ko na napapansin ang reaction ng puso kong ganito.

Tsk!

Napaiwas na lang ako ng tingin. Halata ko ang sinsero sa mukha at mga mata niya.

Hindi naman siguro siya tulad ni Deb na iiwan lang ako ng walang dahilan pagdating ng panahon, 'di ba?

Hayst!

Nagpatuloy na lang uli kami sa paglalakad palabas ng campus. Hindi na uli umimik si Bisugo.

Maybe I can give him a chance, right?

Should I?

Tsk!

Pagdating sa parking lot ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Can I asked?" tanong pa niya.

Tumango ako sa kaniya. Bumuntong-hininga pa siya na animo'y pinapalakas ang loob bago nagsalita.

"Mahirap ba akong mahalin?" tanong niya na ikinatigil ko.

Napalunok pa ako habang nakatingin sa kaniya.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ka mahirap mahalin, Bisugo." sabi ko sa kaniya.

Natigilan siya bago pilit ngumiti at muling nagsalita.

"Then why until now you do not love me?" mahinang tanong pa niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Bisugo, ang nararamdam ay hindi agad mapapansin. Ang pagmamahal ay kusang nararamdaman ng isang tao. Maybe, hindi ko pa napapansin ngayon na gusto rin kita. Maybe soon-----"

"You mean, I have the chance to make you mine?" pigil niya sa akin at kita ko ang saya sa mata niya.

Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin.

"Maybe," mahinang sagot ko pa.

(0_0)

Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisnge ko.

"Did you feel the same feelings just like what I feel right now?" nakangiting tanong pa niya.

Natigilan ako habang nakatingin sa mga mata nito.

Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakikita ko pa rin sa mata niya na umaasa siya.

*Lunok

Hindi ako nakapagsalita at napangiti siya ng malaki.

"Silence means yes." masayang sabi pa niya at niyakap ako.

Gulat na nakatayo lang ako habang yakap-yakap niya.

Biglang napatingin sa amin sila Xandra. Panay pa ang tili nila Stella kaya napaiwas ako ng tingin.

"Bisugo, pinagtitinginan na tayo." bulong ko sa kaniya.

"I don't care. The important is, I have a chance to make you mine." nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Tumili sila Mello pati na ang ibang nandito sa parking lot.

Anak ng...

"Can I take the advantage and make it short to make you mine?" tanong uli niya.

Anong pinagsasabi-----

(0_0)

Bigla siyang pumunta sa harap at biglang lumuhod na ikinagulat ko at ikinatili at hiyawan ng lahat.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

What the fudge!

Iyan ba ang tinutukoy niyang advantage at make it short at gawing pag mamay-ari niya?

"I will take the advantage and make it short to make you mine Ashi Vhon Acosta Ibañez." seryusong sabi niya habang nakaluhod.

Natigilan ako. It was the first time na binanggit niya ng buo ang pangalan ko.

Why the hell it sounds so good when hr say my full name?

The heck!?

"Ashi Vhon Acosta Ibañez, would you be my officially girlfriend?" tanong pa niya sabay lahad ng bag ko habang nakaluhod.

Natigilan ako at humagalpak ng tawa dahilan para matigil sa paghiyawan at tili ang lahat.

Kita ko pa ang kaba sa mukha ni Bisugo habang napapalunok.

Is he fine?

Ang bag ko pa talaga ang ginawa niyang singsing kunwari bilang proposal sa akin para maging girlfriend niya?

Pfft!

"H-hey! Why are you laughing? D-don't reject me, Panget." kinakabahang sabi pa nito.

Pinigilan kong matawa bago nagsalita.

"Pfft! Sino may sabing ireject kita?" nagpipigil ng tawang sabi ko habang nakatingin sa bag ko at sa kaniya.

"You mean, you're my girlfriend now?" masayang tanong niya niya.

Hindi ako nagsalita.

"Silence mean yes!!!" biglang sigaw nila Stella pati na rin sila Xandra.

Naghiyawan naman ang lahat dahilan para hindi ako mapatingin sa kanila.

Lintik!

Nawala ang kaangasan ko, ah!

Nakita ko pa si Dean na lumabas ng gate at nakangiting napatingin sa gawi namin bago lumapit.

Tiningnan niya si Drix na nakaluhod sa harap habang nakalahad ang bag ko.

Shit!?

Nakakahiya!

Biglang natawa si Dean at lumapit kay Bisugo. Kinuha niya ang bag ko na hawak ni Drix.

Natigilan kaming lahat.

"You embarrassed our family name in front of this beautiful lady if you're gonna use her bag as your ring my grandson." natatawang sabi ng lolo niya sabay bigay ng maliit na kahita kay Bisugo.

Kita kong natigilan si Bisugo at napakamot sa batok niya bago ngumiti sa lolo nito at tumingin sa akin.

"Thanks for saving me in front of my girl, Lo." nakangiting sabi pa ni Bisugo.

Napayuko na lang ako sa hiya.

Damn!?

Nasaan na ang anags ko?

Anak ng tinapa.

Tumayo si Bisugo at lumapit sa akin para isuot sa ang ring sa daliri ko.

"You're mine now and you can't resist about it." nakangiting sabi nito at kinuha ang kamay ko bago isinuot ang singsing sa daliri ko.

Nagpalakapakan ang lahat habang naghihiyawan. Pati na rin ang lolo ni Drix.

"I love you and you don't need to respond for now. I'll wait for your respond until you love me with all your heart." bulong pa niya nang yakapin niya ako.

*Lunok

Akmang kakalas na si Bisugo sa pagyakap sa akin nang mapatingin ako sa dalawang itim na kotse at dalawang itim na motor.

Mabilis itong huminto sa kalsad at...

What the heck!?

Nanlaki ang mata ko nang makitang may inilabas na baril ang isang lalaki.

Mabilis na napalingon ako kay Dean.

Sa kaniya nakatutok ang baril!?

"Fvck!!" malutong na mura ko.

Mabilis na itinulak ko si Bisugo sa gawi nila Xandra at mabilis na tumakbo sa gawi ni Dean.

"Dean!?" malakas na sigaw ko sabay hila sa kaniya at...

*Bangg!

*Bangg!

"Panget!/Ash!"

Mabilis na naitulak ko si Dean dahilan para hindi ito matamaan. Natumba pa si Dean pero mabilis na lumingon ako sa dalawang kotse at dalawang motor.

Rinig ko ang mga sigawan ng mga estudyante dahil sa takot.

Napamura ako ng maramdaman ang hapdi sa braso ko.

Nadaplisan ako lintik!

Mabilis na lumapit ako sa bodyguard ni Dean at kinuha ang baril nito bago sumampa sa motor ko at pinaandar.

Mabilis na umalis ang dalawang kotse habang nakasunod ang dalawang motor fvck them!?

Sinundan ko sila pero naunahan ako ni Bisugo na gamit ang kotor ni Xandra!

Shit!?

Anong ginagawa niya!?

Hinabol namin ang mga kotse at motor. Hindi namin sila maabutan dahil ang bilis ng takbo nila.

Mahigpit na hinawakan ko ang baril at pinaharurot ko ang motor ko pero...

*Bangg!

*Bangg!

Pilit nilang barilin ang gulong ng motor ko pero iniwas ko agad ang motor ko.

"Panget! Be careful!?" sigaw pa ni Bisugo.

Tsk!

"Tsk! Ikaw ang mag-ingat! Lagot ka sa'kin kapag napuruhan ka, Bisugo!?" sigaw ko sa kaniya.

(-_-)

*Bangg!

Shit!?

Mas binilisan ko ang takbo ng motor ko at itinaas ang baril.

Gusto niyo talaga makipaghabulan at barilan, ah!

*Bangg!

Binaril ko ang gulong ng isang motor dahilan para humina ang takbo ng motor at pagiwang-giwang ito.

Tsk!

*Bangg!

(0_0)

"Bullseye!?" sigaw pa ni Bisugo nang matamaan niya ang isang lalaki sa kabilang motor.

Abah!

Asintado pala ang ugok na 'to!

Napatingin ako sa dalawang kotse na masyado ng malayo.

Napabreak ako ng wala sa oras nang biglang naghagis ng pausok ang lalaking butas na ang gulong ng motor nito.

Shit!?

Mabilis na tumalon ito sa lalaking natamaan ni Bisugo at pinaharurot paalis ang motor.

Lintik!?

Hindi na namin sila mahabol!

Inis na hinampas ko ng baril ang harapan ng motor ko.

Sino ba ang mga 'yon? Ngayon na lang uli sila nagpakita mula ng unang beses na naghagis sila ng pausok sa parking lot!

Tsk!

"Panget, are you ok?" tanong ni Bisugo nang makalapit sa akin.

Napatingin pa siya sa braso kong dumudugo.

Tsk!

"Fvck!? May daplis ka!" hindi mapakaling sabi niya.

Psh!
"Ayos lang, daplis lang naman 'yan malayo sa bituka." sabi ko at pinandar uli ang motor.

"Tse! 'Wag ka ngang mayabang! Marami ng dugo ang braso mo, oh!" singhal pa nito.

"Tsk! Hindi pa ako mamatay loko! Bumalik na tayo sa campus." sabi ko at pinaharurot ang motor ko pabalik.

Pagdating ko ay wala ng mga studyante ang nandito sa labas. Mukhang pinauwi na silang lahat.

Sila Xandra at Lyle lang ang nandito.

"Ash! Ayos ka lang?" tanong ni Xandra.

Tumango lang ako.

Dumating na rin si Bisugo at agad na lumapit sa akin.

"Nahabol niyo ba ang mga 'yon?" tanong ni Lyle.

"Hindi, natamaan ko ang isa pero nakatakas pa rin ang mga gago! " inis na sabi ni Bisugo.

Teka!

"Bakit marunong ka gumamint ng baril?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Tse! Ikaw din naman, ah!" nakaiwas ang tinging sabi nito.

Psh!

"Hey! Pasok na muna tayo sa loob. Naghihintay sila Dean," sabi ni Keith.

Tumango na lang kami at nagmamadaling pumasok sa loob.

Pagdating sa dean's office ay nakita namin sila Belle na takot na takot.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Kayo dapat ang tatanungin namin. May daplis ka, oh!" nag-aalalang sabi ni Bella.

Napabuntong-hinga ako bago nagsalita.

"Ayos lang, malayo to sa bituka." sabi ko sabay lapit kay Dean.

Halata ang kaba at hindi ito mapakali.

"Nahabol niyo ba sila?" 'di mapakaling tanong niya.

Umiling ako at lumapit si Bisugo. May dala siyang first aid at hinila ako paupo bago nilinis ang sugat ko at nagsalita.

"Hindi namin sila nahuli dahil mabilis din sila kumilos kaya natakatas sila. Pero natamaan ko ang isa sa kanila." sagot ni Bisugo.

Mabilis na napalingon si Dean sa kaniya habang nagtataka.

"Gumamit ka ng baril? You know how to use it?" takang tanong ni Dean.

Napaiwas ng tingin si Bisugo bago tumingin kela Lyle at bumuntong-hininga.

"Minsan na kaming nag practice kung paano gumamit ng baril noon, Lo. It was just for self-defense na gumamit ng baril for an emergency." mahinahong sabi ni Bisugo.

Tinitigan ko ito ng mabuti.

Seryuso siya na animo'y hindi siya ang Bisugo na nakilala namin dati.

I knew it!

May hindi pa kami nalalaman sa kanila. At kung anuman 'yon kailangan kong malaman.

Tsk!

"May hindi ka ba sinasabi sa amin ng pamilya mo, Drix?" seryusong tanong ng Lolo nito.

Napabuntong-hininga siya at tumingin sa akin bago nilagyan ng band aid ang daplis sa braso ko.

"Hindi na mahalaga 'yon, Lolo. Ang kailangan nating alamin ay kung bakit ikaw ang punterya ng mga taong 'yon." seryusong sabi ni Bisugo.

Natigilan si Dean at saktong bumukas ang pinto.

Pumasok sila Grandmaster habang seryuso lang ang mukha.

Napatingin pa siya sa akin at sa braso ko bago napapailing at lumapit kay Dean.

Hindi na ako magtataka kung bakit sila nandito.

Napatingin ako kay Dad nang lumapit ito sa akin.

"Are you alright?" tanong pa nito.

Tumango lang ako sabay tingin kay Nami na seryuso lang din.

"Ash? Ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Liam at lumapit sa akin.

Nandito rin siya?

Tsk!

"I'm fine." maikling sabi ko at tumingin kela Lolo.

Nag uusap sila ni Dean.

"What happened?" seryusong tanong ni Grandmaster.

"I don't know. Masyadong mabilis ang mga pangyayare." napapailing na sagot ni Dean.

"Sino ang pakay nila?" tanong ni Dad.

Napatingin pa si Dean sa amin bago Napa buntong-hininga.

"Mukhang si Dean ang pakay nila pero hindi namin alam kung bakit." seryusong sagot ko.

Napatingin kaming lahat kay Dean.

"Alam mo ba kung ano ang pakay nila sa'yo Judge Chevalier?" takang tanong ni Lolo.

Napaisip pa si Dean bago umiling.

"I don't know what is their purpose. Biglaan ang nga nangyare." nalilitong sagot nito.

Napahinga na lang ako ng malalim.

"Ito ang ikalawang beses na nanggulo ang mga 'yon. Wala ka bang naka alitan recently, Judge Chevalier?" tanong ni Dad.

Umiling uli si Dean.

"I don't have." sagot nito.

"Hindi manggugulo rito ang mga 'yon kung wala. Wala ka bang napansin na taong galit sa'yo, Dean?" seryusong tanong ko.

Natigilan ito at napaisip ulit. Pero umiling naman siya agad.

"Kilala ng mga tao si lolo kaya malabong may magagalit sa kaniya." Sabat ni Bisugo.

Natahimik kaming lahat.

"How about business?" tanong ni Nami.

Tsk!

"No. Wala akong maalalang may kaaway ako sa kahit ano." seryusong sabi ni Dean.

Napabubtong-hininga na lang kaming lahat.

Napaisip ako.

"Kung wala may posibilidad na personal na pakay ang mga 'yon. Maybe may taong lihim na may masamang balak sa'yo, Dean." seryusong sabi ko pa.

Napatingin silang lahat sa akin.

"How can you sa so?" taka g tanong ni Bisugo.

"Iyon lang ang posibilidad para gawin nila 'yon. Hindi basta-basta gagawa ng gulo ang isang tao kung wala silang intention o kinikimkim na galit at pakay sa isang tao." seryusong sabi ko.

Natahimik silang lahat.

"Ashi's right." biglang sabi ni Nami.

Tsk!

"There's no other way than that. Maybe may taong nagbabalak ng masama sa'yo, Judge Chevalier." seryusong sabi ni Nami.

Nabaling kay Dean ang lahat ng attention namin.

Nakakunot pa ang noo nito na animo'y iniisip ang sinabi ni Nami.

Napabuntong-hininga na lang ito at napapailing habang napapahilamos ng mukha.

"I don't know." mahinang sabi ni Dean.

Tsk!

"You better go home now, Judge Chevalier. Don't worry, we will help you about this case. Involved ang apo ko kaya ipapahandle ko sa law firm namin ang pangyayareng ito." pag a-assure ni Grandmaster sa kaniya.

"Bisugo, ihatid mo ang lolo mo. Lyle, kayo na bahala ang mghatid kela Bella." seryusong baling ko sa kanila.

Tumango na lang sila.

Sabay kaming lumabas lahat ng office at dumeretso sa parking lot.

Agad na umalis sila Lyle at hinatid sila Bella.

Biglang timunog ang cellphone ni Xandra kaya napatingin kami sa kanila.

"Si Lola," sabi nito at sinagot ang tawag.

Nakaramdam ako bigla ng kaba.

Nakatingin lang ako kay Xandra habang nakakunot ang noo.

"Ano!? May sumugod sa inyo ni Lolo? Shit!?" gulat at hindi mapakaling sabi ni Xandra.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Sige, mag ingay kayo ni Lolo. Papaunta na kami r'yan!" nagmamadaling sabi ni Xandra at ibinaba ang tawag.

"What happened?" tanong ni Grandmaster.

"Sila Lola at Lolo sinugod daw sila ng mga hindi kilalang mga lalaki sa labas ng mansion!" nagmamadaling sabi niya.

Shit!?

"Ashi! Puntahan niyo sila! Bilis!" utos no Dad.

Mabilis na sumampa ako sa motor at pinaharurot paalis.

Nakasunod lang si Xandra ar Kyla.

Shit!?

Sino naman ang sumugod kela lola at lolo?

Lintik!

Nang makarating kami ay may nakita kaming mga nakaitim na lalaki sa labas ng mansion.

Ubos na bantay sa labas ng mansion!

Shit!?

Bigla silang napatingin sa amin.

Mabilis na kinuha ko ang baril ko sa toolbox ng motor at gano'n na rin sila Xandra.

*Bang!

Shit!?

Mabilis na umilag at binaril sila pero mabilis na pumasok ang sampung lalaki sa dalawang kotseng dala nila at pinaharurot paalis.

"Kyla! Pasukin mo sila lola sa loob! Xand, sundan natin sila!" mabilis na sigaw ko at patalon na sumampa sa motor ko.

Agad kong pinahrurot ang motor ko at hinabol ang dalawang sasakyan.

Pinaputukan pa nila kami ni Xandra pero panay lang ang ilag namin.

*Bang!

"Shit!?" malutong na mura ni Xandra nang muntik na siyang matamaan.

Inis na inilapit ko ang motor ko habang panay ang ilag sa bala nila.

Nasa kabila si Xandra. Nakita ko ang isang lalaking naglabas ng baril. Agad ko itong sinalubong ng bala at natamaan ko ito sa balikat.

Nabitawan ni ang baril.

"Ash!" sigaw ni Xandra.

(0_0)

Naglabas ng RPG7 ang isang lalaki at papunta sa gawi ko!

"Fvck!?" malakas na mura ko nang tirahin ako nito.

Muntik pa matumba ang motor ko dahil sa pag ikot para ilagan ito.

Damn!?

Paglingon ko ay nakalayo na ang mga gago!?

Napahinto na lang ako at gano'n din si Xandra. Hinihingal pa ito.

Tsk!

"Hanep!? Nakataas ang mga bastardo!?" sigaw pa nito.

Napapailing na lang ako. Sininyasan ko siyang bumalik na lang sa mansion bago umalis.

Sino naman kaya ang mga 'yon?

Hindi sila iyong sumugod sa parking lot kanina.

Anong pakay nila? Bakit sila Lola at Lolo ang sinugod nila?

Shit!?

Ano bang nangyayare!

Pagdating sa mansion ay may mga bodyguard sa labas. Mukhang nandito na ang mga Ibañez.

Pumasok kami ni Xandra sa loob pero napatigil ako dahil...

"Nagsimula na naman sila." rinig kong sabi ni Lolo Adolfo.

"Kailangan na natin sabihin sa apo ko ang tungkol sa ina niya!" rinig kong sabi ni Lola.

Natigilan ako. About my Mom? What about her?

"This is not the right time to tell her about it, Ma." rinig kong sabi ni Dad.

"Hanggang kailan pa ba natin ililihim sa kaniya ang tunay niyang pagkatao, Tom! Ikaw ang ama niya at karapatan niyang malaman ang lahat!?" rinig kong sigaw ni Lola.

Nagsalubong ang kilay ako. Ano ba talaga ang tinatago nila sa akin at ayaw pa rin sabihin?

"Ma, please. Hindi pa natin nahuli ang taong pumatay sa ina niya. Kahilingan ni Irish na hulihin muna ang taong pumatay sa kambal niya bago sabihin kay Ashi ang lahat." rinig kong sabi ni Dad.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Anong ibig nilang sabihin? Napatingin sa akin si Xandra.

Pati siya ay naguguluhan din.

"No! Ako na magsasabi sa apo ko tungkol sa tunay niyang ina." rinig kong sabi ni Lola.

Nabitawan ko ang hawak kong baril dahil sa narinig ko.





To be continued...


A/N: Don't forget to Vote, comment and follow!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top