chapter 161 "Strange feeling"
Xandra's Pov.
Pabalik na kami sa building namin ngayon dahil kakatapos lang namin nag lunch.
Hindi kumain si Ashi ngayon dahil busog pa raw ito at ayon!
Nando'n na naman sa tambayan niya sa garden. Gusto niyang i-relax ang utak niya sa dami ng iniisip niya.
Sino ba kasing nagsabing isipin niya ang mga 'yon.
Tuleg rin minsan ang pinsan ko, ah!
Bagay silang pagsamahin ni Drix.
Kaya lang wala sa ayos ang dalawa ngayon. Daig pa nilamg hindi nagkakilala, eh!
Tss!
Sa mga lumipas na araw mula nung nangyare sa parking lot ay merong nagbago.
Tinototoo talaga ni Drix na huminto na sa panliligaw kay Ashi at hindi na rin ito sumasama sa amin.
Marami ang nagtataka sa inasal ni Drix pati na rin si Ashi.
Laging tahimik at blanko lang Bisugo. Panay pa ang tulog sa klase dahilan para mapagalitan siya ng nga lec namin.
Pero ang loko walang paki kahit pinapagalitan na siya.
Hindi na rin ngumingiti o tumatawa. Ang sabi nila Lyle ay bumalik na sa dati si Drix.
Nagtaka pa nga kami. Hindi naman kasi ganiyan ang Drix na nakilala namin noong unang linggo namin dito sa university noon.
Yun pala ang Drix na hindi pa natutong umibig at nanligaw noon ang tinutukoy nila.
Kung ano ang inasal ni Drix ngayon ay iyon ang dating siya bago niya raw niligawan si Trixie dati.
Psh!
Andaming alam ng mga tukmol!
Tss!
"Guys, hindi pa rin ba nagka ayos ang dalawa?" biglang tanong pa ni Stella.
Napabuntong-hininga kami at umiling.
"Ano ba kasing nangyare sa lola niyo? Bakit bigla silang nagkaganito?" nakangiwing tanong pa ni Mello.
"Hindi namin alam. Wala naman siyang sinabi kung ano ang problema niya." malumay na sagot ni Kyla.
"Hayst! Ang laki ng nagbago sa dalawa. Daig pa nilamg strangers." nakangusong sabi ni Theresa.
"Psh! Magkakaayos rin ang dalawang 'yon. Paniguradong hindi matitiis ni Drix si Ashi." sabi pa ni Keart
Sabay sabay kaming napapailing sa sinabi ni Keart.
Halos isang dalawang linggo na nga ang lumipas mula nang nagkasagutan ang dalawa.
Tapos hindi matitiis ni Drix?
Tss!
"Anong hindi matiis? Magdalawang linggo na natiis pa rin ni Drix." nakangiwing sabi ni Bella.
Napakamot na lang ng batok si Keart.
"Let's understand him. Alam nating nasaktan lamg ang isang 'yon." sabi pa ni Lyle.
Napatango si Keith bagi nagsalita.
"Yeah. Ikaw ba naman manligaw ng isang buwan kahit na hindi na sana dapat gawin ni Drix dahil nagpromise si Ashi sa kaniya na ibigay ang lahat ng gusto nito kapag naipanalo ang laro. Tapos ngayon sasabihing 'I don't understand your feelings because I don't feel the same.' Sinong hindi masasaktan niyan?" Mahabang saad pa ni Keith.
Yeah.
He's right.
Masakit nga 'yon.
"Oo nga, tapos sinabihan pang 'ikaw lang naman ang may gustong maging boyfriend ko.' See? Double an gsakit nun." nakangiwing sabi ni Kyla.
"Mmm. Nag-aalala lang naman ang pinsan ko kay, Ashi, eh." malungkot na sabi ni Bella.
Hayst!
Napabuntong-hininga na lang kami. Hanggang sa makarating kami sa room namin
Wala pa si Ashi at Drix.
Tss!
Saktong pumasok ang lec namin ay sumunod naman ang dalawang parang may competition ng kalamigan at ka blangkuhan ng mukha.
Psh!
Bagay nga silang dalawa.
Parehong weird, eh!
Nakinig na lang kaming lahat sa discussion hanggang sa matapos ang klase sa hapon.
Naunang lumabas si Drix sunod si Ashi na nakapamulsa na naman.
Agad na lumabas na lang kaming lahat. Pinagmamasdan lang namin ang dalawa na magkasunod lang naman.
Pinagtitinginan pa silang lahat ng biglang umeksina na naman ang mahiwagang ipokritang kontrabida.
Si Kathy papansin.
Tss!
Hinarangan nito si Drix dahilan para mapahinto rin si Ashi.
Pumalakpak pa ang gaga na animo'y may pinapanood, eh.
"Well well well! Sinasabi ko na nga ba't hindi kayo magtatagal dalawa, eh." natatawang sabi nito. "Sa akin ka na lang, Drix. Hindi ka pa masasaktan ngayon." patuloy pa nito.
Ang kapal din ng mukha ng babaetang 'to!
"Back off bitch!" rinig naming sabi ni Drix sa kaniya.
Natigilan pa kami pero natawa na lang sa huli.
"Psh! Hindi pa nga kayo umabot ng dalawang buwan pero heto kayo. Halata namang walang pagtingin sa'yo si Ashi, Drix." hindi nagpapatinag na sabi ni Kathy.
Hanep na 'yan!
Ang lakas maka maka amoy ng impokrita.
Kita ko pang natigilan si Drix at si Ashi.
"Kathy!" sita ni Lyle sa kaniya.
Tumawa ito na animo'y tuwang-tuwa siya sa pinagsasabi niya.
Naku!
Ang sarap busalan ng malaking bibig niya.
Tss!
"Tapos ka na ba?" walang ganang tanong ni Ashi.
"Hindi pa. Mukha kayong nasa palabas na pinapanood ko." nakangising sabi nito habang nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa.
Huminto kami at tinaasan ito ng kilay.
Hindi kumibo si Drix at natawa naman si Ashi.
"What movie?" kunwaring interesadog tanong ni Ashi.
"Iyong asian novela ng 'I have a lover.' Para kayong si Dale at Aira." nakangising sabi nito.
"And?"
"Mahal ni Dale si Aira habang si Aira ay mahal pa rin nito ang ex-husband niyang si Alvin. Parang kayo ni Drix." nang-aasar na sabi pa nito.
Kita ko ang pagtagis ng bagang ni Drix.
Huta!
Ano bang kelangan ng isang 'to! Pag ako hindi nakapagpigil. Patutulugin ko siya ng isang kamao.
"Drix loves you but you didn't feel the same. Mahal ka niya pero mahal mo pa rin ang dating ex mong si Deb." nakangising sabi pa nito.
Lahat kami natigilan habang nakatingin kay Ashi at Drix sa mga reaction nila.
Kita kong napakuyom ang kamao ni Drix.
"Oh, really? And you are Sofia kanggaro in that novel?" parang walang paking sabi ni Ashi.
Natawa kaming lahat. Sumama ang mukha ni Kathy.
Serves you girl!
Pero...
Sofia kanggaro?
Pfft!
Kakaiba talaga magpangalan ang pinsan ko.
"At paano mo nasabi?" salubong ang kilay na tanong nito kay Ashi.
Lumapit si Ashi sa kaniya.
"Halata namang may gusto ka kay Bisugo," sabi pa nito at sinuri ang kabuuan ni Kathy.
Pfft!
"Ipagpalagay nating si Alvin ay si Drix and I am Aira. And you are Sofia Kanggaro the bitch." nakangising sabi ni Ashi. "I love Drix but our situation is not good just like now. And there you are, you want him and trying to make him yours. But at the end, he's mine and not yours." nakangising sabi ni Ashi sa mukha ni Kathy bago tiningnan si Drix na natigilan.
Kinidatan pa ni Ashi si Drix kaya napaawang ang labi ng loko.
Tinapik pa ni Ashi ang balikat ni Kathy bago umalis.
Lahat kami natigilan habang nakanganga. Nakatingin kami kay Ashi na papalayo sa amin.
What was that?
May ibigsabihin ba ang pinagsasabi ni Ashi?
I she had a feelings for drix?
Paglalrawan lang 'yon sa nobelang I have a lover?
Hanep na 'yan!
Kakaiba ang pinsan ko! Feeling ko may ibigsabihin ang lahat ng sinabi niya.
Mamaya ka sa akin sa bahay. May pakindat kindat ka pa, Insan.
(0_0)
Nagukat kami nang biglang tumakbo si Drix at sinundan si Ashi.
Oh-no!
Hinarap ko si Kathy na natigilan.
"Humarap ka sa akin." sabi ko sa kaniya at...
"Ano bang-----paaakkk!"
Sinapak ko siya sa mukha. Nanggigil ako, eh.
"Matulog ka muna, umeksina ka na naman, eh." sabi ko bago ito tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.
"W-what the hell!!" sabay na bulalas ni Keith at Keart.
Natigilan pa si Lyoe habang nakatingin kay Kathy.
"T-tulog?" hindi makapaniwalang tanong nila Bella.
Wink 😉
Tinalikuran ko na sila at sumunod kela Drix.
'Yan ang napapala ng mga babaeng may balak makisawsaw sa relasyon ng may relasyon.
Tss!
Alam ko namang matagal ng may gusto ang babaeng 'yon kay Drix, eh.
Psh!
Pagdating sa parking lot nakita kong hinabol ni Drix si Ashi.
"Panget, wait!" sigaw pa ni Drix.
Napatigil si Ashi at takang nilingon si Drix.
"What?"
"Can we talk?"
"You're talking already, Bisugo." napangiwi ako sa sinabi ni Ashi.
"About a while ago."
"What about it?"
"Could you tell me the truth?" mahinahong tanong ni Drix.
"Truth in what?"
"May ibigsabihin ba ang sinabi mo kanina?" seryusong tanong ni Drix.
Halata sa mukha niyang umaasang merong ibigsabihin ang sinabi ni Ashi kanina.
Naawa ako sa kaniya.
Natigilan si Ashi at naoabuntong-hininga.
"Walang ibigsabihin ang sinabi ko, Bisugo." natigilan si Drix.
"But, why I feel that they have?"
"Guni-guni mo lang 'yon."
"No, it's not!"
"Tsk!"
"Tell me, wala ka ba talagang nararamdaman sa akin kahit kunti lang?"
Umaasa pa ring tanong ni Drix. Natigilan na naman si Ashi at napaiwas ng tingin.
Pinagmasdan ko ito ng mabuti.
"Wala. I'm sorry," nakaiwas tingin sabi ni Ashi bago tinalikuran si Drix.
Natigilan si Drix at kita ko ang sakit sa mga mata nito. Napayuko pa siya at bumagsak ang mga balikat niya.
Agad na pinaharurot ni Ashi paalis ang motor nito.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tahimik lang din ang mga kasama ko at ramdam kong naaawa rin sila kay Drix.
Tss!
Hanep 'tong pinsan ko. Ano bang nakain nun?
Lumapit ako kay Drix at tinapik ang balikat niya bago dumeretso sa motor ko.
Sumunod si Kyla at sininyasan ko na lang ang mga kasama namin bago umalis.
Pagdating sa bahay ay pumasok ako sa kwarto ni Ashi. Nakita ko siyang nakabihis na.
May duty kami sa resto bar kami.
"Ash, let's talk." seryusong sabi ko sa kaniya at naupo sa maliit na sofa.
Taka niya akong tiningnan pero seryuso lang ako.
"About what?" walang ganang tanong niya.
"Tungkol sa inyo ni Drix." seryusong sabi ko pa.
Napabuntong-hininga siya at bago nagsalita.
"Anong tungkol sa amin?"
"Wala ka ba talagang nararamdaman sa kaniya?" Deretsong tanong ko.
Natigilan siya at napahinga ng malalim.
"Wala," maikling sagot niya.
Tss!
"Sigurado ka?"
"Ano ba sa tingin mo?" Balik tanong niya.
Argh!
"Sa tingin ko nagsisinungaling ka lang, Ash." seryusong sabi ko.
Hindi siya nakapagsalita kaya napapailing ako.
"Alam kong kahit papaano ay may nararamdaman ka sa kaniya, Ash. Napapansin ko 'yon. Kahit kanina nang tanungin ka ni Drix. Sinabi mong wala pero hindi ka nakatingin sa mata niya." mahinahong sabi ko pa.
Napapailing siya at bumuntong-hininga.
"Hindi ibigsabihin na hindi ako tumingin sa mata niya ay-----"
"Tss! Sige nga, kanino ka may pagtingin? Sa gago mong ex pa rin?" naiinis na pigil ko sa kaniya.
"Tsk! I am not a stupid, Xand. Matagal ng walang kami kaya imposible'ng may nararamdaman pa ako sa kaniya." walang ganang sabi pa niya.
Napabuntong-hininha na lang ako at tumahimik.
"Tsk! Magbihis ka na dahil may duty pa tayo." sabi nito at lumabas ng kwarto niya.
Lumabas na lang din ako at pumasok sa kwarto ko. Agad na nagbihis ako bago bumaba.
Naabutan ko si Kyla at sabay kaming lumabas. Nauna na si Ashi sa resto kaya sumunod na lang kami.
Hayst!
************************************
Ashi Vhon's Pov.
Agad na akong pumasok sa loob ng resto nang makarating ako. Pagpasok ko ang daming customers na kumakain. Iilan pa ang customer sa resto.
Agad na lang akong pumasok sa dressing room para magpalit. Nagsuot ako ng apron bago lumabas.
Sininyasan ko lang si Mina bago pumasok sa kusina.
Tinulungan ko na lang sa pagluluto ang bagong tagapagluto namin. Busy sila Irish sa pag serve.
Kungo ano-ano ang niluto naming ulam.
May mga pulutan rin para sa mga customers sa bar. Pasado alas-otso na ng gabi.
Biglang tuminog ang cellphone ko. Pagtingin ko so Xandra.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text niya.
Nasa bar daw si Bisugo.
Tsk!
Nagpatuloy na lang ako sa paglukuto hanggang sa matapos kami. Pasado alas-nuebe na kaya lumabas na ako.
Pinagpapawisan pa ako dahil ang init ng apoy.
"Jusko! Buti naman at tapos ka na sa kusina!" sabi pa ni Faye.
"Why?" takang tanong ko pa.
Tinuro niya ang bar bago nagsalita.
"Iyong boyfriend mo kanina pa naglalasing. " nakangiwing sabi niya.
Ano?!
Naglalasing na naman ang isang 'yon?
Lintik!
Ang hirap pa naman pauwiin ng ugok na 'yon!
Napabuntong-hininga na lang ako. Hinubad ko ang suot kong hairnet at apron bago naglakad papasok sa loob ng bar.
Nakita ko si Xandra at Kyla na nagse-serve.
"Ash, tapos ka na sa kusina?" tanong pa ni Kyla.
Tumango na lang ako at tumingin sa loob ng bar.
"Nasa VIP si Drix. Kanina pa raw 'yon naglalasing. Naka uniform pa nga, eh. Mukhang hindi umuwi sa kanila." sabi nito.
Napapailing na lang ako at naglakad papunta sa VIP room.
Nang makarating ako ay binuksan ko ang pinto. Nakita ko si Bisugo na nakayuko habang may hawak ng wine glass.
Mukhang lasing na siya.
Tsk!
Lumapit na lang ako pero napatigil ako nang makita ko ang cellphone nitong nakabukas sa ibabaw ng mesa.
Napalunok na lang uli ako nang makitang ang picture namin noong sportsfest ang nasa screen.
Tiningnan ko uli si Bisugo at bigla siyang nag-angat ng tingin.
Kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nito.
Gano'n niya ba ako ka gusto para maging ganito siya?
Tsk!
"Panget," mahinang bulong niya hahang nakatingin sa mga mata ko.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Tsk! Naglalasaing ka na naman? Baliw ka na ba?" seryusong tanong ko sa kaniya.
Napaiwas siya ng tingin at nilagok ang laman ng wine glass. Nagsalin uli siya pero pinigilan ko siya.
"Tse! Huwag kang makialam." walang ganang sabi niya at hinawi ang kamay ko sabay lagok uli ng alak.
Napapailin na lang ako.
"Tama na 'yan. Umuwi ka na baka nag-aalala na ang mga magulang mo." mahinahong sabi ko pa.
"Paki mo ba?" blankong tanong niya.
Lintik!
Ang tigas talaga ng isang 'to!
"Huwag ka ngang matigas!" inis na sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at nagsalin ng alak. Inis na kinuha ko ang wine glass sa kaniya.
"Ano ba!? Huwag mo akong pakialaman!?" naiinis na sigaw niya.
Lintik talaga ang lalaking 'to. Kundi ka lang lasing baka nakatikim ka na sa akin.
Psh!
"Tsk! Tumigil ka na! Ihahatid na kita sa inyo." seryusong sabi ko at hinila siya patayo pero tinulak niya ako.
Muntik pang tumama sa mesa ang likod ko.
Peste!
"Bakit ba umaakto kang parang concerned sa akin? Wala kang gusto sa akin, 'di ba? Kaya pabayaan mo ako!" blankong sabi nito at nilagok ang laman ng bote ng Vodka.
The fvck!?
"Ayaw mo talaga makinig? Ano ba gusto mo, huh?" mahinahong tanong ko sa kaniya.
Tinigan niya ako ng seryuso.
"Ikaw. Alam mong ikaw ang gusto ko, Panget." paos ang boses na sagot niya.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
Lintik!?
"Seryuso ako, Bisugo."
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya.
Napabuntong-hininga ako.
"Bisugo-------"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin at hinalikan.
Natigilan ako habang hindi nakagalaw sa pwesto ko.
Hinawakan niya ang batok ko at idiniin ang halik niya sa akin. Nasalasahan ko pa ang alak sa bibig niya.
(0_0)
What the hell!?
Bumaba ang halik niya sa leeg ko!
Mabilis na itinulak ko siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang magkakahawak sa batok at halos nakayakap na siya sa akin.
Damn!?
Ramdam kong nawala ang lakas ko dahil sa paghalik niya sa leeg ko.
Parang namlambot ang tuhod ko at nawalan ng lakas ang katawan ko dahil sa pinaggagawa niya.
Lintik!?
Pwersahan ko siyang itinulak at sabay sampal sa kaniya.
"Ano bang ginagawa mo!?" galit na sigaw ko sa kaniya.
Kita kong natigilan siya na parang natauhan sa ginagawa niya kanina lang.
"S-sorry," mahinang sabi niya pero sinamaan ko lang ng tingin.
"I didn't expect na kaya mo 'yon gawin sa akin, Bisugo. I hate you." mariing sabi ko at blankong iniwan ko siya.
Lumabas ako ng resto ng hindi nagpapaalam sa kanil.
Inis na pinaandar ko ang motor ko at pinaharurot paalis.
Damn!?
I didn't think na kaya niya gawin 'yon sa akin.
Alam kong lasing siya pero----- fvck!?
Why the hell he did it to me!?
And why the hell I felt a strange feeling a while ago!?
Damnit!?
Tsk!
To be continued...
A/N: Keep reading guyss! Always keep safe too!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top