chapter 160 "Change"

Drixon's Pov.

Monday na ngayon at nandito kami sa loob ng cafeteria. Lunch break na kasi kaya kami nandito.

Kanina pa walang kibo si Panget. 'Ni hindi nga ako binati kaninang umaga nang batiin ko siya.

Pati sa mga discussion ay parang lutang ito.

Parang may malaking bumabagabag sa kaniya.

Kahit ngayon ay nakatingin lang ito sa pagkain niya at hindi gumagalaw. Salubong pa ang mga kilay na animo'y may kung ano sa isip nito na hindi niya maintindihan.

Is she ok?

Lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya.

Tiningnan ko si Xandra at Kyla.

"Ano bang nangyare sa kaniya?" tanong ko kay Xandra na hindi naman sumagot.

Parang may iniisip rin ito.

"We don't know. Kahapon pa siya ganiyan matapos naming umalis sa mansion ng mga Acosta. Nag usap rin sila ni Jiro pero hindi namin alam kung ano." si Kyla ang sumagot.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Bigla kaming napatingin kay Xandra nang magsalita ito.

"Maybe iniisip niya ang tungkol sa nakita namin kahapon sa atik ng mansion." mahinang sabi pa nito.

Ano?

At ano naman ang nakita nila at nagkaganiyan si Panget?

Tapos ang init pa ng ulo nito kanina. Nagkasagutan na naman kasi sila ni Kathy kanina.

Nagulat nga kami nang pilipitin niya ang braso ni Kathy kanina, eh!

"What do you mean, Xand?" takang tanong pa ni Kyla.

Napatingin si Xandra sa kaniya at napailing. Halatang ayaw sabihin kung anuman ang nakita nila kahapon.

Nilingon ko si Panget at tinap ang balikat nito dahilan para mapatingin ito sa akin.

"Ayos ka lang ba? Hindi mo pa nagalaw ang pagkain mo." nag-aalalang sabi ko.

Napabuntong-hininga ito at tumango bago sumandok saka kumain.

"Ano bang bumabagabag sa'yo, Ash?" tanong ni Kyla.

Tiningnan niya si Kyla bago nagsalita.

"Nothing." maikling sagot nito.

Napabuntong-hininga na lang kami at timahimik.

Hanggang sa matapos kaming kumain. Agad na kaming bumalik sa room at kinuha ang project namin bago ibinigay sa kaklse naming nagkolekta.

Pinagmamasdan ko lang si Panget habang nakatingin sa labas at ang lalim na naman nang iniisip nito.

"Hey! Ayos lang ba talaga si Ashi?" tanong pa ni Lyle.

"Kaninang umaga pa siya ganiyan, ah." sabi pa ni Keith.

Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan ko.

"She look not fine. Hindi niya lang sinabi." sabi ko.

Tumahimik na lang sila hanggang sa dumating ang lec namin. Agad na itong nag discuss at nagpa quiz.

Nagulat pa ako nang marinig na si Panget ang pinakamababa ang score sa quiz ni Miss.

Gano'n rin sa mga sumunod na subject.

Halata ngang hindi ito nakikinig sa discussion kanina.

Hanggang sa matapos ang buong klase at uwian na. Agad akong tumayo at sinundan si Panget na naunang lumabas.

Hinabol ko siya at sinabayan sa paglalakad.

"Panget, ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ko pa.

Tumango lang ito at hindi nagsalita. Hanggang sa makababa kami at dumaan sa locker.

Pagkatapos ay naglakad na uli siya kaya mabilis na sumunod pa rin ako sa kaniya palabas ng campus.

"Ano ba ang iniisip mo? Alam kong hindi ka okay, Panget." nag-aalala pa ring tanong ko pa.

Bigla siyang napahinto at seryusong hinarap ako.

"Alam mo naman pa lang hindi okay ang isang tao tapos tanong ka pa nang tanong!" Parang naiiritang sabi nito.

Natigilan ako habang nakatingin sa kaniya.

"I-i'm just worried about you." mahinang sabi ko pa.

"I didn't say you need to worry about me, Bisugo." sabi niya sabay talikod at umalis.

Napabuntong-hininga ako.

Mabilis na hinabol ko siya at hinawakan sa kamay dahilan para mapatigil ito.

"Natural na mag-aalala ako sa'yo, Panget. Kanina ka pang umaga ganiyan. Ano ba kasing nangyayare sa'yo?" tanong ko pa uli.

Napapikit pa siya na animo'y naiinis na talaga siya.

Hinila pa niya nag kamay niya sa pagkakahawak ko bago nagsalita.

"None of your business." mariing sabi niya.

Natigilan ako habang nakatingin sa blankong mga mata niya.

Parang bumalik na naman siya sa dati. Wala na akong makikitang emosiyon sa mukha nito.

Agad niya akong tinalikuran at lumapit sa motor niya.

Napatingin pa sa akin sila Xandra na kakalabas pa lang ng gate.

Napabuntong-hininga ako at lumapit uli kay Panget. Hindi ko siya titigalan hangga't hindi niya sasabihin kung ano ang problema niya.

I am her boyfriend kahit na hindi pa official dahil hindi ko pa siya napa ibig sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin. Ano bang nangyayare sa'yo at nagkaganiyan ka?" seryusong tanong ko pa.

Hindi niya ako pinansin at akmang papaandarin ang motor niyang nang kuhanin ko ang susi.

Salubong ang kilay tiningnan ako ng seryuso.

"Give it to me." seryusong utos niya.

Hindi ako nakinig at nakipagtagisan ng titig sa kaniya.

"I won't, until you won't tell me what is your problem." seryusong anas ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Bisugo. Ibigay mo na nang makaalis ako." mariing sabi nito.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako, Panget?" mariing balik tanong ko pa.

Napabuntong-hininga siya at pilit inagaw sa akin ang susi niya pero inilayo ko.

"Lintik! Ibigay mo o sasapakin kita!" inis na sigaw niya.

Napatigil ako. Halatang inis na inis na talaga siya.

"Sabihin mo muna kung ano ang problema mo, Panget. Nag-aalala na ako sa'yo!" inis ring sabi ko.

"Hindi mo na kailangan malaman! May magagawa ka ba kung sasabihin ko?" seryusong sabi nito.

Mas lalo akong napatigil bago bumuntong-hininga.

"Paano ko malalaman kung may magagawa ako kung hindi mo sasabihin sa akin?" balik tanong ko pa sa kaniya.

Napapailing siya na parang isa akong bata na mahirap paintindihin.

"Pwede ba, makinig ka kahit ngayon lang, Bisugo. Wala akong time para makipag bangayan sa'yo. I can handle my problem." mahinahon nang sabi nito.

"Sa lagay na 'yan?" seryusong tanong ko.

Bumuntong-hininga siya at inilahad ang kamay niya.

"Ibigay mo na ang susi nang makaalis na ako. Marami pa akong mahalagang gagawin kesa makipag usap sa'yo."

Nagtagis bagang ko at pinigilang mainis dahil sa sinabi niya.

Napapikit pa ako bago tumitig sa kaniyang mga matang blanko pa rin.

"Ganiyan ba kahirap sa'yo na sabihin sa akin kung ano ang problema mo?" mahinahong tanong ko pa.

"It has nothing to do with you. Naintindihan mo?" seryusong sabi nito.

Napatigil ako at natawa kunwari kahit na nakaramdaman ako ng kirot sa dibdib ko.

"I am your boyfriend kaya natural na malaman ko----"

"Tsk! Ikaw lang naman ang may gustong maging boyfriend ko." pigil pa niya sa akin.

Nabitawan ko ang susi niya dahil sa narinig ko.

Natuod pa ako sa kinatatyuan ko. Nakatitig lang ako sa mata niya na walang mababakas na kahit ano sa mukha nito.

Ako lang may gusto?

Kumirot ang dibdib ko kaya napayuko ako.

Natawa pa ako kunwari bago uli nag angat ng tingin at deretsong tumingin sa mga mata niya.

"Alam ko ang bagay na 'yon at hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin, Panget." nasasaktang sabi ko sa kaniya.

Kita kong natigilan siya at napaiwas ng tingin.

"Alam kong hanggang ngayon ay wala ka pa ring pagtingin sa akin. At alam kong iyong gago mo pa ring ex ang mahal mo." mariing sabi ko at pinigilang ipakita sa kaniya ang emotion ko pero bigo ako.

Feeling ko sumikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos.

Halos isang buwan ko na siyang sinusuyo para mahalin niya ako bago ko siya maging official girlfriend.

Pero wala pa rin pala.

Alam ko naman 'yon dati pa, eh.

"I love you pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang ibaling sa akin ang pagmamahal mo sa ex mo." nasasaktang sabi ko pa.

"Pwede ba, huwag mo isali sa usapan ang mga bagay na walang kwenta?" mariing tanong niya.

Napakagat labi na lang ako dahil mas nasasaktan ako dahil sa sinabi niya.

Walang kwenta?

Walang kwenta ang sinasabi ko?

Ha!

"Walang kwenta sa'yo ang lahat ng sinabi ko? Pati ang nararamdaman ko?" paos na tanong ko sa kaniya.

Mas natigilan siya kaya natawa ako.

It's fvcking hurt!?

"Tsk! Tumigil ka na. Aalis na ako." walang ganang sabi niya sabay pulot ng susi at pinaandar ang motor niya.

"I am fvcking worried about you since you came here this morning. Sabihin mo nga sa akin, may kinalaman ba sa panliligaw ko o sa ating dalawa ang bumabagabag sa'yo?" deretsong tanong ko dahilan para matigilan na naman ito.

Kahit nasasaktan na ako ay pilit kong tinatagan ang sarili ko para makausap siya nang maayos.

"Ano bang pinagsasabi mo?" may inis sa tonong tanong niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Kanina pa kita tinatanong kung anong problema mo pero mahirap sa'yong sabihin sa akin. Maybe I was right. May kinalaman sa akin ang------"

"Alam mo? Walang kwenta ang mga pinagsasabi mo. Kanina pa ako naiinis sa'yo, Bisugo!" nauubusan ng pasesnsiyang sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin.

Walang kwenta?

Tse!

"Really? Walang kwenta? Okay fine!" sabi ko at tumitig sa kaniya.

Blankong tiningnan niya lang ako.

"Alam kong walang kwenta para sa'yo ang nararamdaman ko. Pero sana ay huwag mo naman idaan sa ganito." mahinang sabi ko.

Muntik pang mabasag ang boses ko habang nagsasalita.

Napakuyom ang kamao ko at kinalma ang sarili ko.

"Kung ayaw mo talaga sa akin sana sinabi mo nang maayos. Maiintindihan naman kita dahil alam kong ako lang ang nagmahal sa ating dalawa." seryusong sabi ko at hindi ko na pinakita pang nasasakyan ako.

Kita ko ring natigilan ang mga kaibigan namin na kanina pa nakikinig sa amin.

"Hindi kita maintaindihan, Bisugo." napapailing na sabi nito.

Natawa ako at bumuntong-hininga.

"Hindi mo nga natiindihan ang nararamdaman ko ang pinagsasabi ko pa kaya?" kunwaring natawang sabi ko.

"Yeah, I don't understand your feelings because I don't feel the same. Iyon ba ang gusto mong marinig?" tanong niya naikinatigil ko lalo.

Napakagat labing napayuko ako.

I knew it!

Damn!

It's hurt!

Ramdam kong gustong pumatak ng luha ko pero pinigilan ko.

"Ash!" rinig ko pang sigaw ni Xandra.

"Tsk! Mapilit siya, eh! Kaya sinabi ko kung ano ang totoo." walang ganang sabi ni Panget.

Totoo?

Napalunok ako bago uli nag angat ng tingin sa kaniya.

"You don't feel the same because I am right that you still love your ex, right?" pagkukomperm ko.

"At paano mo nasabing tama ka?"

"Dahil iyon ang nararamdaman ko at ipinaramdam mo sa isang buwan na panunuyo ko sa'yo." natigilan siya.

"Tsk! You've got wrong, Bisugo."

"Tse! You can't lie to me. Kung mali ako, bakit hanggang ngayon wala pa rin akong puwang sa puso mo?" seryusong tanong ko.

Mas natigilan siya at napahinga ng malalim.

"It's just that I can't----"

"Stop. You don't need to say anything." blankong sabi ko at tumalikod sa kaniya.

Humakbang ako pero tumigil uli bago nagsalita.

"Don't worry, rest assured yourself. From now on, hindi na ako makakabagabag sa'yo." blankong sabi ko.

Akmang aalis na ako nang nagsalita siya.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi tungkol sa'yo ang problema ko, Bisugo----" 

"You don't need to say anything. From now on, I'll stop on courting and pestering your life." blankong sabi ko bago tuluyang naglakad paalis at lumapit sa kotse ko.

Pumasok ako sa loob at pabagsak na sinara ang pinto bago pinaharurot paalis ang kotse ko.

Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko habang ramdam na ramdam ko ang sakit sa dibdib ko.

It so damn hurt!?

Kahit masakit sa akin ay gagawin ko kung ano ang sinabi ko sa kaniya.

I will not courting her anymore.

Hindi ko na rin siya pakikialaman pa. Tutal, walang kwenta para sa kaniya ang lahat ng gagawin ko pati ang nararamdaman ko.

Dagdag lang din naman ako sa problema niya, eh.

Noon pa man alam ko talagang wala siyang pagtingin sa akin.

At maybe tama ako na iyon ang bumagabag sa kaniya dahil hindi niya masabi sa akin ng deretso.

Damn this feelings!

Inilihis ko ang kotse ko at pumunta sa KJMAX resto bar.

Gusto ko munang uminom. Gusto kong maalis pansamantala ang sakit na nararamdaman ko.

It was the first time that I felt pain like this!

Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noong niloko ako ni Trixie at Kianna.

Ngayon masasabi kong mild lang pala ang sakit na nararamdaman ko noon kesa ngayon.

Fvck it!?

Ganito ba katindi ang epekto ni Panget sa akin?

Damn it!?

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Natigilan ako habang nakatingin sa papalayong kotse ni Bisugo. Hindi ako makagalaw habang nakaupo sa motor ko.

Ano bang punagsasabi ng ugok na 'yon?

Kanina pa ako naiinis sa kaniya dahil sa panay tanong nito. Alam niyang hindi okay ang isang tao tapos tanong siya nang tanong!

Lintik!?

Ang dami ko pang iniisip tapos dumagdag pa ang ugok na 'yon.

Napapailing na lang ako at bumuntong-hininga.

Pinaandar ko na uli ang motor ko at walang paalam na umalis. Dumaan ako sa bahay nila Aling Betty.

May gusto lang akong itanong sa kaniya.

Pagdating ko ay nakita ko itong nagliligpit ng mga damit sa sampayan. Tinulungan pa siya ng dalawang batang makukulit.

Si Brille at Belle.

Lumapit ako at napatingin sa amin si Aling Betty.

"Oh, hija? Naparito ka?" tanong pa nito.

Tumango ako at mabilis na lumapit sa akin ang dalawang makukulit at yumakap.

"Na miss ka naman ate ganda!" nakangiting sabi ni Belle.

Pilit na ngumiti na lang ako bago sila inutusan ng ina na ihatid sa loob ang mga damit.

"Aling Betty, gusto lang sana kitang makausap." sabu ko sa kaniya.

Tumango siya at inaya akong maupo sa kahoy nilang upuan sa labas ng bahay.

"Ano ba ang pag-uusapan natin, hija?" tanong pa nito.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Minsan mo ng nabanggit ang pangalang Cherish noong dumalaw ako rito." panimula ko.

Ramdam kong natigilan ito habang nakatingin sa akin.

"A-ah, 'yon?" tanong pa nito.

Tumango ako bago pinagsaklop ang nga kamay ko.

"Kilala niyo po ba siya?" tanong ko.

"H-ha? Bakit mo natanong?" parang hindi mapakaling tanong nito.

Napalingon ako sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin.

"Kilala mo ba siya? Kambal siya ni Mom, 'di ba?" seryusong tanong ko pa.

Napalunok ito na animo'y hindi alam kung ano ang sasabihin.

"B-bakit mo naman nasabing kambal ng-----"

"Nakita ko ang picture nila Mom kahapon sa atik ng mansion ng nga Acosta." pigil ko sa kaniya.

Alam kong may alam siya. Rinig kong napabuntong-hininga ito bago nagsalita.

"Hindi ba nila sinabi sa'yong may kambal ang Mommy mo?" tanong niya.

"Pupunta ba ako rito ngayon kung may sinabi pa sila? Kahapon ko lang nalaman ang bagay na ito." seryusong sabi ko pa.

"Sinasabi ko na nga ba't hindi nila matatago sa'yo ang bagay na ito." rinig kong bulong nito.

Napatitig ako sa kaniya.

"Anong sabi mo? Bakit naman nila kailangang itago sa akin ang bagay na ito? Ano ban meron, Aling Betty? Kilala niyo si Mom at ang kambal niya, hindi ba?" mas lalong sumeryusong tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong-hininha.

Kita ko sa mata niya ang awa sa akin. Hindi ko alam kung parasaan ang awa niya.

Damn!?

"Hija, alam kong simula na ito para maungkat ang kung anong meron sa pamilya niyo. At hindi mo sila masisi kung bakit nila ito ginagawa sa'yo. Para lang din naman iyon sa kabutihan mo. Kilala ko ang Mommy mo at si Cherish dahil minsan kong naging kaibigan sila dati." seryusong sabi ni Aling Betty.

Napakuyom ang kamao ko bago nagsalita.

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong meron?" seryusong tanong ko.

Umuling siya at napahinga ng malalim.

"Wala ako sa lugar para ako ang magsabi sa'yo, hija. Kunti lang din ang alam ko pero kung may dapat magsabi nun walang iba kundi ang pamilya mo." mahinahong sabi nito.

Napapikit na lang ako at napakagat labi sa inis.

Fvck!?

Ano ba kasing meron? Ginagawa ba nola akong bata? Ginagawa ba nila akong tanga?

Lintik!

Kahapon ay naguguluhan rin ako sa sinabi ni Jiro sa akin.

Peste!

Nagpaalam na lang ako kay Aling Betty at umuwi.

Lintik!?

Para akong tanga na naghahanap sa wala. Nagtatanong ng walamg nakukuhang sagot.

This is fvcking bullshit!?

Tsk!

Lumipas ang ilang araw at patuloy pa rin ako sa paghahanao ng sagot sa mga katanungan ko.

Bumalik pa ako sa mansion ng mga Acosta para puntahan ang basement pero naka lock ito.

Halos hindi rin ako nakapag concentrate sa pag-aaral ko.

Lagi akong lutang dahil sa mga iniisip ko.

Hindi ko pinahalata sa pamilya ko na may nalalaman ako.

Ang tanong ko lang ay kung anong meron at bakit nasabi ni Jiro na narinig niya si Dad at Nami na nag uusap tungkol sa kakambal ni Mom.

Yes.

Alam na rin ni Jiro ang tungkol do'n. Narinig niya sila Dad na pinag uusapan kung sasabihin na ba raw nila sa akin ang tungkol kay Mom at sa kambal nito.

May narinig din niyang sinabi ni Dad na kailangan pa nilang hanapin ang salarin.

For pete's sake!

Anong salarin ang pinagsasabi nila?

Damn!?

Napatigil lang ako sa pag iisip nang may bumunggo sa akin. Nandito ako sa campus dahil Tuesday ngayon.

Nasa cafeteria sila Xandra habang patungo ako sa garden sa tambayan ko.

"Tse!" rinig kong singhal ni...

Napa-angat ako ng tingin. Ang blankong mukha ni Bisugo ang nakita ko.

Nakapamulsa ito habang nakatayo sa harap ko at blankong nakatingin sa akin.

Mula nung araw na sinabi niyang titigil na siya sa panliligaw sa akin ay hindi na kami nagkausap pa.

Hindi na rin siya sumasama sa amin kumain sa cafeteria at kapag papasok sa room ay blanko lang ang mukha nito.

At ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Kapag nagkakasalubong kami ay daig pa naming strangers sa isa't isa.

Hindi na rin ito kumikibo at panay ang tulog sa klase dahilan para napapagalitan siya ng lec.

Tsk!

Dinibdib pa niya ang lahat ng sinabi ko?

Psh!

Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Wala akong nararamdaman sa kaniya. Siya lang naman ang may gustong maging boyfriend ko.

Tsk!

Nagbago na uli siya at sabi ni Lyle ay bumalik sa dati si Bisugo.

Ang totoong Drix noon na hindi pa natutong umibig at nanligaw kay Trixie.

So, iyan pala ang totong Bisugo?

Tsk!

He change now and I think mas dinaig pa niya ako.

Pero...

"Anyare sa'yo?" kunot-nong tanong ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako bago tumalikod at naglakad.

"Asked yourself." malamig na sabi pa nito bago tuluyang umalis.

Anak ng tinapa!

Psh!

Napapailing na lang ako.

Dumeretso na lang ako sa tambayan ko para magpahinga. Naupo ako at pumikit.

Bigla kong naalala ang tanong ni Kyla sa akin noong nakaraang araw.

"Ash, wala ka ba talagang nararamdaman kay Bisugo?"  tanong nito na nagpatigil sa akin.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Kyla noong nakaraan. Gusto ko sanang sabihing wala pero hindi ko masabi.

Psh!









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top