chapter 159 " Twin"
Ashi Vhon's Pov.
It was Sunday in the morning at kakatapos ko lang magbihis dahil may lakad kaming tatlo ngayon.
Pupunta kami sa mansion ng mga Acosta. Tumawag kasi si lola kahapon at gusto niyang bumisita kami sa kanila.
Pagbaba ko ay nakabihis na ang dalawa. Bigla kaming nakaranig ng tunog ng kotse sa labas.
Sino naman kaya 'yon?
Tsk!
Nakapamulsang lumabas na lang ako at pagtingin ko sa labas ng gate ay kotse ni Liam ang nakita ko.
Anong ginagawa ng isang 'to rito?
Kinuha ko na lang ang motor ko at hinila palabas ng gate. Nakasunod lang sila Kyla bago i-locl ang bahay at gate.
"Hey!" bati ni Liam nang makalabas ito ng kotse.
"Oh? Bakit ka nandito?" takang tanong ko pa.
"Bumisita lang sa inyo. Hindi na ako nakabisita rito mula nung sportsfest dahil busy ako sa hospital at sa lawfirm ng nga Ibañez." sabi pa nito sabay sandal sa kotse niya.
Napatango na lang ako bago sumampa sa motor ko.
"Wrong timing ang pagdalaw mo may lakad kami, eh." sabi pa ni Kyla.
Napatingin pa ito sa akin at tumango habang natawa.
Baliw!
Tsk!
"Yeah. Saan ba ang punta niyo?" tanong pa nito.
"Sa mansion nila lola." sagot ni Xandra.
"Ano gagawin niyo ro'n"
"Pinapapunta kami ni lola para bumisita." sagot ko pa.
Tumango siya.
"Sama na lang kaya ako." sabi pa nito.
Tsk!
Pinaandar ko na lang ang motor ko.
"Sumama ka kung gusto mo." sabi ko at pinaharurot paalis ang motor ko.
***
Pagdating sa mansion ay pumasok na ako sa loob. Nabutan ko sila lola at lolo na nakaupo sa sala habang nagbabasa ng magazine.
Nagbow ako sa kanila bago naupo.
"Where's the two?" tanong ni lolo.
"Parating na ho sila." sagot ko pa.
Tumango sila at tumayo si lola at pumasok sa kitchen.
"By the way, kamusta na ho pala ang inaasikaso niyo, lolo?" tanong ko pa habang nakasandal at naka cross arm.
"It was fine. Pupunta kami ng lola niyo sa Baguio bukas para bisitahin ang farm do'n." sabi pa ni lolo.
Napatango naman ako.
May farm kasi ang Acosta family sa Baguio at ang Daddy ni Xandra ang nagmamanage ro'n.
Kapatid ni Mom si Tito at dahil wala na si Mom ay si Tito ang nagmanage ng farm kahit pa busy rin ito sa sarili nilang negosyo.
Dalawa lang silang magkakapatid ni Mom.
Maya-maya ay dumating na sila Xandra. Nagbow silang tatlo sa harap ni lolo at lola na kakalabas lang ng kusina.
"Oh, hijo. Nandito ka rin pala," sabi pa ni Lola.
Nakangiting tumango si Liam at kinuha ang hawak ni lola na tray.
May laman itong slice cakes.
"Opo, Lola. Bisitahin ko sana ang tatlong 'to pero naabutan kong paalis sila kaya sumama na ako." nakangiting sabi ni Liam.
Tumango si Lola bago naupo. Lumapit pa ang isang katulong at inilapag ang juice at mga baso.
"Mag snack na muna kayo mga apo." sabi ni Lola.
Tumango na lang kami at nag snack. Nag uusap pa kaming lahat tungkol sa pag-aaral namin.
Kinausap rin ako ni lolo tungkol sa tungkulin at trabahi ko nang matapos kaming nag sanck.
"Apo, hindi mo pa rin ba nahanp kung sino ang may pakana sa nangyare sa university noong nakaraang buwan?" tanong pa nito.
Nandito kami sa second floor ng masion sa may terrace.
Bumuntong-hininga ako at umiling.
"Wala kaming nakuhang info sa kanila, Lo. Malinis silang kumilos, eh." sagot ko pa.
Napapailing na lang si Lolo at napahinga ng malalim.
"Huwag mo na lang muna problemahin iyon, Apo. Ang pag-aaral at pag iinsayo na muna ang atupagin niyo ni Xandra." sabi pa nito.
Tumango na lang ako. Natahimik pa si lolo na parang may malalim na iniisip.
Maya-maya ay nagsalita ito.
"By the way, kung ano man ang malalaman mo pagdating ng panahon ay sana maintindihan mo ito." biglang sabi nito.
Napatingin ako sa kaniya. Kita ko ang simpatya sa mukha ni lolo.
Tsk!
Ayan na naman sila.
Lagi na lang akon binibigyan ng mga palaisipan.
Ano bang akala nila sa akin?
Hindi na lang ako nagsalita. Dahil alam ko namang hindi basta-basta ang tinatago nila sa akin.
Dahil halata sa kanilang parang nahihirapang ipaalam o sabihin sa akin kung anuman ang tinatago nila.
"Always remember that we're just doing all of this for your own good, Ash." seryuso nang sabi ni lolo.
Napabuntong-hininga na lang ako.
For my own good?
Papanong para sa kabutihan ko kung ano mismo hindi alam kung ano 'yon.
Tsk!
"I hope so, Lolo. I hope so," sabi ko sabay tayo.
Nakatingin lang si lolo sa akin kaua nagbow ako sa harao niya bago umalis.
Sasakit lang abg ulo ko kapag iisipin ko pa kung ano ang tinatago nila sa akin.
May hinala akong may kinalaman do'n ang pagtrato ni Naomi sa akin ng ganito.
Noon ko pa 'yon napapansin.
Tsk!
Pagkababa ko ay nakahanda na pala ang lunch. Bumaba na rin si Lolo at tininingnan pa ako nito bago naupo.
Tahimik na kumakain lang ako hahang nag uusap naman sila lola at Xandra pati na rin sila Liam at Kyla.
Hanggang sa matapos ay nagpaalam akong aakyat sa kwarto ko rito sa mansion.
May kaniya-kaniya kaming kwarto ni Xandra rito. Pati na rin si Kyla.
Akmang pupunta na ako sa kwarto ko nang mapatingin ako sa hagdan patungo sa basement.
Parang may nagtulak sa akin ang bumaba.
Napatingin pa ako sa gawi ng dining room bago dahan-dahang lumapit sa hagdan patungo sa basement.
May kakaiba pa akong nararamdam habang papalapit.
Naalala ko ring ipinagbabawal ni lola at lolo na pumunta ako rito sa basement.
Dahil nung 13 years old ako ay nakita ako ni lola na pumunta rito at kita kong hindi ito mapakali noon.
Wala na rin si Mom nun dahil 12 years old pa lang ako ay namatay si Mom.
Napabuntong-hininga ako hanggang sa makababa ako. Napatingin ako sa pinto.
Huminga pa ako ng malalim bago hinawakan ang door knob at pinihit ang pinto.
Hindi naka lock.
Sumilip ako sa loob at medyo madilim. Pumasok ako bago sinarodo ang pinto.
Napamura pa ako ng mahina nang muntik na akong gumulong pababa.
Damn!
May hagdan pa pala papunta sa baba.
Anak ng!
Kinuha ko ang cellphone ko at in on ang flashlight.
Napakunot pa ang noo ko nang makitang paikot ang hagdanan pababa.
Dahan-dahan akong bumaba habang panay ang tingin ko sa paligid.
Halatang nililinisan ang basement na ito dahil wala namang mga alikabok.
Napatingin ako sa wall at may nakita akong painting na antique.
Familiar sa akin ang painting. Hindi ba ito ang magulang nila lola Marites at sa kabilang painting ay ang magulang ni Lolo Aldolfo?
Bakit dito nila inilagay at hindi sa taas?
Tsk!
Napapailing na lang ako.
Nagpatuloy ako sa pagbaba habang iniilawan ang paligid. Napahinto ako sa harap ng isang pinto na yari sa marmol.
Tiningnan ko ng mabuti ang nakasulat sa pinto.
Nakasulat ito sa Japanese language.
Idon't know if it is written on katakana o hiragana.
Hindi ko masyadong maintindihan ang nakasulat.
Mas lumapit pa ako at hinawakan ang nakasulat.
Parang pamilyar sa akin ang salitang 'to. Saan ko ba nakita ito noon?
Pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang tulad ng nakasulat sa pinto.
Saan ko ba nakita---
Si Mom!
Bigla kong naalala kung saan ko ito nakita.
Nakita ko ito sa likod ng litrato ni Mom noon sa Mansion ng mga Ibañez.
Nabasa ko rin ang ibigsabihin ng salitang 'to!
Napakunot lalo ang noo ko habang nakatitig sa nakasulat sa pinto.
Hidden secret
Iyon ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa pinto.
Nakaramdan ako ng kakaiba sa loob ko na para bang may nakatago nga sa loob ng basement.
Hinawakan ko ang pinto at akmang pipihitin ko na nang tumunog ang cellphone ko.
May tumatawag.
Pagtingin ko si Jiro!
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa pinto bago tumalikod at nagmamadaling umakyat sa taas.
Sinagot ko agad ang tawag at naramdaman ko pa ang pawis sa noo ko.
Tsk!
"Oh?" sagot ko sa tawag.
"Where are you?" tanong pa nito.
"Nasa mansion nila lolo Adolfo. Why?" tanong ko pa.
Rinig kong napabuntong-hininga pa ito bago nagsalita.
"I have something to tell you. It's important matter." seryusong sabi pa nito.
Natigilan ako.
Halat nga sa boses niyang seryuso ang sasabihin nito sa akin.
"About what?" takang tanong ko pa.
"I tell you if I see you." sagot nito bago ibinaba ang tawag.
Salubong ang kilay na napatingin ako sa cellphone ko.
Weird!
Napalingon uli ako sa pinto bago napabuntong-hininga at umakyat sa kwarto ko.
Nakita ko pa si Kyla na nakaupo sa sofa ng kwarto ko.
"Saan ka galing?" takang tanong pa nito.
"Sa baba," maikling sagot ko pa.
"Ha? Wala ka naman do'n kanina, ah!" takang sabi pa nito.
Tsk!
Pumasok na lang ako sa banyo at naghilamos ng mukha.
Kakaiba ang kutob ko kung anong meron sa basement.
Napabuntong-hininga na lang ako bago lumabas. Wala na si Kyla.
Naupo ako sa kama at napaisip. Ano naman ang importanteng sasabihin ni Jiro?
Tsk!
Lumabas na lang ako ng kwarto. Akmang baba na ako nang makita ko si Xandra na nagmamadaling umakyat sa taas.
Napakunot ang noo ko.
Anong gagawin niya a atik?
Sinundan ko ito at nakita ko siyang akmang bubuksan ang pinto nang tawagin ko siya.
"Xand, what are you doing here?" takang tanong ko pa.
Gulat na napatingin pa ito sa akin. Nakahinga siya ng maluwag at sininyasan akong 'wag maingay.
"Wag kang maingay. Narinig ko si lola at lolo kanina na huwag kang paakyatin dito sa atik at sa basement. Kaya nagtataka ako." sabi pa nito.
Ano?
At bakit naman pati rito sa atik?
Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang pinto. Pinihit ko ito at sumalubong sa amin ang maraming mga gamit.
Pumasok ako sa loob at sumunod si Xandra.
Sinarado niya ang pinto.
Tiningnan ko ang loob at halos puro gamit ang nakikita ko. May mga karton na naka nakatali pa.
Napatingin ako sa may pinto.
"May pinto pa pala rito?" takang bulong ko pa.
Lumapit ako. Pinihit ko ito at sumilip sa loob. Isang silid to, ah!
Halatang hindi na ginagamit ang silid na 'to dahil sa mga alikabok at lawa.
Malaki rin ang silid na halatang pinasadyang ginawa rito.
Pumasok ako sa loob at iginala ang paningin ko.
Halatang pambabaeng kwarto to, ah! Kulay asul at itim ang tema ng kwarto.
Ang cool!
Tsk!
Napatingin ako sa table kung saan may frame akong nakita.
Kinuha ko ito at nagsalubong ang kilay ko.
Picture to ni Mom, ah!
Kay Mom pala ang kwarto na ito? Pero bakit naman dito napili ni Mom na gawing silid?
Weird.
Napatingin pa ako sa isang frame. Mabilis na binitawan ko ang hawak ko at kinuha ang frame.
(-_-)
What the hell!?
Bakit dalawang mukha ni Mom ang nasa frame?
Tiningnan ko ang likod ng frame. May nakasulat na pangalan.
Irish Acosta and Cherish Acosta
Natigilan ako.
May kambal si Mom?
Pero bakit hindi namin alam na may kambal si Mom? Wala ring mga picture na naka display sa baba na kasama ang magkambal.
Anong ibig---
Bigla kong naalala ang sinabi ni Aling Betty nung minsan na bumisita ako sa kanila noon.
Nabanggit niya ang pangalang Cherish.
Kaya pala dahil kambal pala ni Mom ang Cherish na binanggit nito.
Pero bakit naman niya nasabing----
Napatingin pa ako sa ibang litrato. Mga litrarto nila Mom at ng kambal niya.
Pati na rin sila lola, lolo at Tito Luis ang Daddy ni Xandra.
Bakit hindi nila idinis-play sa baba ang litrato ng kambal ni Mom?
Tsk!
Napanuntong-hininga na lang ako. Ito ba ang ipinagbabawal nila na hindi ako pumasok dito?
Ano bang meron? Kambal lang siya ni Mom at bakit hindi ko rin nakita ang kambal ni Mom?
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng picture ang frame ni Mom and ni Tita Cherish.
I miss my Mom.
Pero----
Bakit parang isang malaking bagay sa akin ang nakita ko? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman habang nakatingin sa kakambal ni Mom?
Magkamukhang magkamuhkha nga sila.
Halata sa nga mukha nilang desente tinginan.
Ibig sabihin ay hindi kay Mom ang kwaryo na ito kundi sa kakambal niya?
Pero bakit bawal kaming oumasok rito lalo na ako?
Napapailing ako at ibinaba ang frame.
Akmang aalis na ako nang mahagip ng mata ko ang isang piraso ng papel sa ibabaw ng mesa.
Kinuha ko at----
Ashi Vhon Acosta Ibañez is my daughter's name.
Bagsalubong ang kilay ko.
It's my name.
Bakit nandito ito? Si Mom kaya ang naglagay nito rito noon?
Hayst!
Kinuha ko na lang ito at inilagay sa bulsa ko bago lumabas.
Nakita ko si Xandra na may tinitingnan sa isang kaban. Kita ko ang pagsalubong ng kilay nito.
"Ano 'yan?" tanong ko pa.
Nilingon niya ako bago tumingin uli sa kaban.
"May kambal si Tita Irish?" takang tanong pa niya sabay pakita ng litrato.
Iyon din ang litrato na nakita ko kanina. Ang litrato ni Mom at ng kambal nito.
"Iyon din ang nakita ko sa loob ng kwartong pinasukan ko. Hindi ko alam na may kambal pala si Mom. Bakit wala silang sinabi sa atin?" tanong ko pa.
Halata rin ang pagtataka sa mukha ni Xandra at umiling.
"I don't know. Hindi kaya..." napatingin siya sa akin.
"Ano?"
"Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ayaw nila tayong paakyatin rito? Lalo ka na?" takang tanong pa nito.
Napabuntong-hininga ako at umiling.
"I don't know. Nagtataka ako kung ano ang dahilan. At kung tungkol man iyon sa kakambal ni Mom anong meron sa kaniya?" takang tanong ko pa.
Napabuntong-hinga na lang din ito at tiningnan pa ang loob ng kaban.
"Ano 'to? AVAI?" takang tanong pa uli ni Xandra sabay kuha ng isang kuwentas.
Tiningnan ko ito at AVAI nga ang nakaukit sa pendant.
Ano naman ang ibigsabihin ng AVAI?
Parang hindi siya basta-basta na kuwentas lang. Mukhang pinasadyang ipaukit ang nakaukit sa pendant.
Sabay kaming natigilan ni Xandra nang makarinig kami ng boses mula sa baba.
Sila lola at lolo!
Nagkatinginan kami ni Xandra at mabilis niyang niligpit ang kaban at hinila ako papunta sa likod ng pinto.
Hindi kami gumawa ng kahit anong ingay. Binuksan nila ang pinto bago pumasok si Lola at Lolo.
(0_0)
Akmang isasara ni Lolo ang pinto nang tawagin siya ni Lola.
Pumasok sila sa kwarto n pinasukan ko kanina.
Napahinga kami ng maluwag.
Mabilis na kumilos kami ni Xandra at nagmamadaling lumabas na walang ingay.
Agad kaming bumaba. Nakita pa namin si Kyla at Liam na nagtatakang napatingin sa amin ni Xandra.
Bigla silang napatingin sa kamay ko.
"Ano 'yan, Ash?" tanong pa ni Kyla habang nakatingin sa kamay ko.
Ang kuwentas.
"Necklace," maikling sagot ko at biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Si Jiro.
Naglakad na ako palabas ng mansion at sumunod naman ang tatlo. Binilin ni Xandra sa katulong na ipaalam kay Lola at Lolo na umalis na kaming apat.
Ano kaya ang sasabihin ni Jiro sa akin at bakit parang seryuso talaga ito.
Tsk!
Bigla akong nakaramdam na may hindi magandang mangyayare sa mga sumusunod na araw.
Psh!
At alam kong may koneksiyon sa kakambal ni Mom ang tinatago ng pamilya ko sa akin.
Nararamdaman ko 'yon pero hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan.
I know, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano 'yon.
Alam kong malaking parte ng pagkatao ko ang tinatago nila sa akin.
Tsk!
To be continued...
A/N: Keep reading guyss! May season three pa po tayo!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top