chapter 157 "University"
Drixon's Pov.
*Tok! Tok! Tok!
Naalimpungatan ako dahil sa ingay nang katok mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Hijo! Gising ka na ba? Handa na ang agahan sa baba!" rinig ko pa ng sigaw ni Manang.
Napamulat ako ng mata at tumambad sa akin ang yakap-yakap kung panda.
"Maya na ho ako, Manang!" sigaw ko pabalik habang nakatingin sa panda.
Rinig ko ang yabag ni Manang paalis.
Kinuha ko ang panda at inilagay sa ibabaw ko habang hawak-hawak ko ang mukha nito.
Naalala ko ang mga nangyare kahapon. Napangiti na lang ako at niyakap ang panda.
Enjoy na enjoy ako kahapon habang kasama si Panget.
Iyon na ang pinakamasayang gala na nangyare sa buong buhay ko.
Psh!
Naalala ko ang nangyare sa ice cream shop. Akala ko hindi magagalit si Panget nang dilaan ko ang ice cream sa pisnge nito.
Napa suyo tuloy ako kahapon. Akala ko hindi na talaga niya ako kakausapin o pansin.
Buti na lang kinausap niya uli ako. Nainis pa ako kahapon dahil sa sinabi niyang para kay Debbien ang binili niya kahapon.
Nakaramdam ako ng sakit at selos kahapon nang sabihin niyang para 'yon sa ex niyang gago.
Tse!
Buti na lang hindi. Nagkausap kami sa Ayala Tringle Garden kagabi nang hilahin ko siya matapos pumayag ni Kyla na maging girlfriend ni Keart.
Alam kong napakasaya ng lokong 'yon.
Tse!
Pasado alas-otso na kami nakauwi kagabi dahil nag lilibot pa kaming lahat sa buong Ayala Triangle Garden.
Tapos nagdinner pa kaming lahat bago naisipang umuwi.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang yakap ng isang Ashi Vhon Acosta Ibañes. Sinadya ko talagang ako ang mag drive ng motor niya para mayakap niya ako.
Tse!
Ang talino ko talaga.
Tapos kagabi bago ako umuwi ay ibinigay ni Panget sa akin ang binili niya na akala ko para sa ex niya.
Nang tingnan ko ay Panda pala para sa akin.
Abah!
May sense rin si Panget. Buti naman nakaramdam siyang gusto ko rin makatanggap ng isang bagay mula sa kaniya.
Tse!
Ito 'yong yakap-yakap ko ngayon. Feeling ko si Panget ang yakap ko.
Hayst!
Nababaliw na ata ako.
Feeling ko ginayuma ako ni Panget, eh.
Psh!
Nakangiting bumangon ako at hinalikan sa pisnge ang panda bago ko inayos sa kama at tumayo.
Nag inat pa ako bago lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina.
Nang matapos ay kinuha ko ang cellphone at nag text kay Panget ng good morning bago pumasok sa banyo para maligo.
Pa kanta-kanta pa ako ng 'Fallin' by December Avenue habang naliligo.
Hanggang sa matapos ako ay lumabas na ako at nagbihis.
Sunday ngayon at bukas na uli ang pasukan.
Mahigit isang linggo kaming walang pasok dahil sa sportsfest namin.
Wala rin sila Panget bukas dahil ang alam ko ay ipapadala silang dalawa ni Xandra sa Japan.
Feel ko tuloy na mamiss ko siya.
Tse!
Matapos magbihis ay agad na akong bumaba para kumain.
"Good morning, Mom and Dad." bati ko pa nang makita ko sila sa sala na nanonood ng tv.
"Good morning din big boy. Ang saya mo ata, ah!" nakangiting sabi ni Mom.
Ngumiti ako sa kaniya bago naupo.
Mamaya na lang ako kakain.
"Kamusta ang pasyal niyo ng mga kaibigan niyo kahapon, Son?" tanong pa ni Dad.
"Ayos naman, Dad." nakangiting sabi ko.
Tiningnan pa ako ni Dad na may nanunuksong tingin.
"How about you and Ashi?" tanong pa nito.
Mas lalo akong napangiti bago nagsalita.
"We're good, Dad." nakangiting sagot ko pa.
Napatili pa si Mom kaya napakamot na lang ako ng batok.
"Support kami ng Daddy mo sa inyo ni Ashi, big boy. Pero huwag niyong pababayaan ang pag-aaral niyo." sabi pa ni Mom.
"Don't worry about that, Mom." paninigurado ko pa.
Tumango sila kaya nagpaalam akong kakain na muna.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat uli ako para mag study. Panigiradong magpapa quiz si Miss Alcantara bukas.
Knowing her tse!
Kinuha ko pa ang cellphone ko at nag text uli ako kay Panget kung ano ang ginagawa niya.
Pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-aaral.
Inspired akong mag-aral ngayon, eh.
Halos matapos na ako pero walang reply si Panget.
Ano kayang ginagawa ng isang 'yon.
Tse!
Wala akong ginawa buong araw kundi ang mag-aral at manood ng movie sa kwarto ko.
Tinawagan ko pa si Keart kanina pero binabaan ako nang tawag dahil may date daw sila ni Kyla.
Psh!
Hanggang sa sumapit ang gabi. Matapos mag dinner ay sa kwarto na ako dumeretso.
Gusto kong magpahinga ng maaga.
Matapos kong mag half bath ay nahiga ako sa kama ko.
Ginawa kong unan ang isang braso ko habang hawak ko ang panda sa tabi ko.
Napaisip ako.
Kailangan na mapapayag ko si Panget na maging official girlfriend ko siya.
Alam kong napilitan lang siya pumayag noong gabi sa labas ng resto bar dahil nakukulitan na siya sa akin.
I need to do something that she will fall to me.
Kung gusto niyang ligawan ko pa siya gagawin ko. Kahit anong gusto niya ibibigay ko basta maging akin lang siya.
At sana mahalin niya rin ako balang araw.
Kahit hindi niya sabihin ay alam kong may nararamdaman pa siya sa dati niyang ex.
Nakikita ko 'yon sa mga mata niya tuwing titingin siya sa ex niya.
Tse!
Hanggang sa makatulog na ako.
******
Kinabukasan
Maaga akong nagising at agad na kumilos. Nag text uli ako ng good morning at sinabihang mag ingat sa Japan si Panget bago naligo.
Mabilis lang din naman akong natapos at agad na nagbihis bago bumaba.
Pasado alas-sais pa ng umaga.
"Good morning, Manang." bati ko pa kay Manang nang makita ko siya sa kusina.
"Magandang umaga rin, hijo. Ang aga mo ata, ah." sabi pa ni Manang.
"Maaga kasi akong natulog kagabi Manang kaya maaga akong nagising." sagot sabay bukas ng ref at nagsalin ng tubig sa baso.
"Gano'n ba? Kumain na lang muna tapos naman na akong magluto." sabi pa nito.
"Sige ho, Manang." sagot ko at naupo sa lahat ng mesa.
Naghain si Manang kaya agad na akong kumain.
Nang matapos ako ay nakita ko si Drixie na pababa ng hagdanan habang nakabihis na.
"Good morning, Nīsan!" bati pa nito.
"Good morning din, Imōto." ganting bati ko at naupo sa couch.
Inayos ko ang damit ko at nagsuot ng sapatos.
"Aga mo naman ata, Nīsan?" tanong pa nito sabay baba ng bag niya sa couch.
"Yeah, maaga akong nagising, eh." sagot ko sabay tayo.
"Weh? Ang sabihin mo gusto mo nang makita si ate Ashi." nang-aasar na sabi pa nito.
Napapailing na lang ako.
"Tse! She's not going to school for the mean time." sabi ko pa.
"Why?" tanong pa nito.
"Nakalimutan mo bang sinabi ng pamilya niyang ipapadala sila sa Japan ngayon?" balik tanong ko.
Napaisip pa siya bago napalitik sa ere at tumango.
"Aw! Kawawa ka naman pala, Nīsan. Hindi buo ang araw mo ngayon kasi wala si ate Ashi!" nang-aasar na sabi pa nito.
Kapatid ko ba talaga 'to?
Tse!
"Tse! Mauna na ako magpahatid ka na lang kay, Manong." sabi ko sa kaniya at tinalikuran.
Inasar pa niya uli ako pero hindi ko na pinansin pa.
Agad akong dumeretso sa kotse at umalis.
****
University
Agad akong nag park nang makarating ako sa parking lot. Iilan pa ang mga studyanteng papasok sa loob ng campus.
Agad na lang akong lumabas at napatingin sa parking nila Keart. Wala pa sila.
Mukhang matagal nagising ang isang 'yon dahil sa date nila Kyla kagabi, ah!
Psh!
Sinabit ko na lang ang bag ko sa balikat bago nakapamulsa ang isang kamay ko at naglakad papasok.
"Drix!"
Napatigil ako nang may tumawag sa akin.
Napalingon ako sa likod ko.
Si Kiana.
Ano na naman ang kailangan ng isang 'to?
Tse!
"What?" tanong ko pa.
"Can we talk?" tanong niya.
"For what?" I asked.
Napatingin pa siya sa paligid bago nagsalita.
"About us," sabi nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Anong tungkol sa amin?
"What about us?" salubong ang kilay na tanong ko pa.
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Can we talk somewhere?"
"Tse! Just spill it out now." walang ganang sabi ko pa.
Napabuntong-hininga pa siya bago tumitig sa mga mata ko.
Kaswal na nakatingin lang ako sa kaniya.
"Can I back to your life?" sensirong patanong na sabi pa nito.
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita kaya nagsalita uli siya.
"Can we start all over again?" tanong pa niya uli habang halata sa boses at mukha niyang makipag balikan sa akin.
Mukha siyang nakiki-usap sa akin sa bagay na hiniling niya.
Seryusong tiningnan ko siya at kinalas ang kamay niya sa kamay ko.
"I can't." seryusong sabi ko at tinalikuran siya.
Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita uli siya na ikinatigil ko.
"Why? Is it because of her?" parang nasasaktang tanong pa nito.
Napabuntong-hininga ako at muling humarap sa kaniya.
"You don't need to know the reason. It's none of your business at all." blankong sabi ko at muling tumalikod.
Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang bigla siyang tumakbo at hinarangan ako sabay hawak sa kamay ko.
Napabuntong-hininga ako at napapikit ng mariin.
Ano pa ba ang gusto niyang balikan sa akin? 'Ni hindi nga naging kami, eh!
"Drix, please. I know it was too late but I love you." nagmamakaawang sabi pa ni Kiana.
Natigilan uli ako dahil sa sinabi niya.
Damn!?
Inis na hinawi ko ang kamay niya sa kamay ko bago nagsalita.
"Could you please stop? It's over and I'll never court you again, Kiana." seryusong sabi ko sa kaniya.
Napapailing siya ng ilang beses at pilit hinawakan ang kamay ako pero iniwas ko sa kaniya.
"N-no! Don't say that, you still like me, right? Drix, 'di ba?" maingyak-ngiyak na sabi pa nito.
Napa face palm na lang ako para patigilin siya.
"Dou you really want to know?" Seryuso kong sabi.
Mabilis na tumango siya kaya umayos ako nang tayo habang nakatingin sa kaniya.
"My feelings to you is not like what I felt before, Kiana. I don't have feelings to you anymore. I think, even the time when I court you, maybe it was just an infatuation feelings." deretsong sabi ko sa kaniya bago siya tuluyang iniwan.
Nakita ko pa ang sakit at panlulumo sa mukha dahil sa sinabi ko pero hindi ko na siya pinansin pa.
Nakapamulsang tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papasok sa loob ng campus.
Napapatingin pa sa akin ang ibang mga colloge student at binabati ako pero hindi ko pinansin.
Nasira tuloy ang umaga ko. Okay lang sana kung makikita ko si Panget, eh!
Kaya lang ay mukhang nakaalis na sila Panget papuntang Japan.
Psh!
Kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay Panget na na-badtrip ang umaga ko bago dumeretso sa locker.
Pagdating ko agad ko nang binuksan ang locker ko at kinuha ang mga gamit ko sa morning class.
Mag ti-take note ako mamaya para ibigay ko kay Panget. Para pagbalik niya may pag-aralan siya sa mga lesson na i-tacle namin mamaya.
Matapos isarado ang locker ay akmang aalis na ako nang biglang may bumunggo sa akin dahilan para mabitawan ko ang mga gamit ko.
Damn!?
"Tsk! Tatanga-tanga ang bagong MVP kuno ng basketball team." biglang sabi ng familiar na boses at bigla silang nagtawanan.
Si Alvin.
Nagtagis ang bagang kong nilingon ang mga ito at sinamaan nang tingin.
"Naghahanap ka ba ng gulo unggoy ka!?" inis na sabi ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako nabg tingin bago nagsalita.
"Psh! Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka?" nang iinis na tanong nito.
Napakuyom ang kamao ko at pinigilan ang sarili kong sapakin ito.
Mas lalo lang masisira ang araw ko kapag pinatulan ko pa ang unggoy na ito.
"Wag mo akong galitin kung ayaw mong manghiram ng mukha sa kauri mong unggoy." seryusong sabi ko sa kaniya.
Nakita kong natigilan ito at nagtagis ang bagang niya.
Kunyaring natawa ako at napapailing. Akmang lalagpasan ko ito nang bigla siyang lumapit sa akin at kwenilyuhan ako.
Napa smirk ako.
Naghahanap talaga siya ng gulo?
"Anong sabi mo?" mariing tanong niya.
Smirk.
Rinig ko pa ang mga bulungan sa paligid pero hindi ko pinansin.
"Gusto mo ulitin ko nang tumatak sa kukote mo?" nang-aasar na sabi ko pa.
Mas lalong sumama ang mukha nito.
"Abay gago ka, ah!?" galit na sigaw niya at akmang susuntukin ako nang may humawak sa wrist niya dahilan para mapatigil kaming pareho.
"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead." ang pamatay at malamig ang boses na sabi ni...
Napalingon ako sa likod ko. Nagulat ako nang makita ko si Panget.
Anong ginagawa niya rito? Hindi ba sila pumunta sa Japan?
"Panget?" tanong ko pa.
Tiningnan niya lang ako bago tiningnan ng blanko si Alvin na napapalunok na sa takot.
"Itatak mo sa kukote mo ang sinabi ko kung ayaw mong tuluyan na kitang gawing permanent patient sa Chevalier's hospital." mariing sabi ni Panget at pabatong binitawan ang braso nito.
Muntik pa siyang matumba pero naalalayan siya ng mga kasamahan niya.
"A-ang yabang mo----!?"
"Speak and you'll be dead." malamig na pigil ni Panget sa kaniya sabay amba ng sapak pero mabilis na tumakbo ito paalis kasama ang mga bata nito.
Tse!
Takot naman pala ang unggoy na 'yon, ah!
Napapailing na lang ako.
Pero nakaramdaman ako ng tuwa sa dibdib ko.
She's always doing it for me.
Kahit paano ay concerned siya sa akin.
Hinarap ko si Panget at ngumiti sa kaniya. Umalis na sila Xandra at iniwan nila kaming dalawa.
Good.
"Thanks." sabi ko pa sa kaniya.
"Tsk! Na late lang ako nang dating l may naka away ka na. Paano pa kaya kung natuloy ang alis namin ni Xandra?" napapailing na sabi pa niya.
Napakamot ako ng batok bago nagsalita.
"Hindi ako ang nauna. Alam mo naman ang unggoy na 'yon. Baligtad ang utak no'n." sabi ko pa.
"Tsk!" singhal niya at nilagpasan ako.
Sumunod na lang ako sa kaniya habang nakapamulsa.
Mukhang kinuha ni Bella ang mga gamit kong nagkalat sa sahig kanina kasi hindi ko nakita pa.
"Panget, bakit kayo nandito? Akala ko ba pupunta kayo sa Japan ngayon?" tanong ko pa.
"Hindi natuloy," maikling sagot niya.
"Bakit?"
"Basta!"
"Tse! Bakit nga?"
"Tsk! Ilang beses ka ba iniri ng Mama mo?"
"Tse! Anong konek nun sa tanong ko?"
"Sa tanong mo wala pero sa kakulitan mo meron." malumay na sabi nito.
Napakamot na lang ako ng batok at tumahimik na lang.
Ayaw nga pala niya sa makulit.
Tse!
Hanggang sa makarating kami sa second floor ng building namin nang may humarang sa amin.
"Well well well! At last, magkasama ang dalawang aso't pusa noon pero ngayon mag kaibigan na." nakangisi at nakataas kilay na sabi ni Kathy.
Napapailing na lang ako at hinila si Panget paakyat sa third floor pero humarang pa rin ito.
Peste!
Ano bang nakain ng mga 'to ngayon at nagsisimula na naman.
Damn it!?
"Ano na naman ba 'to, Kathy?" seryusong tanong ko sa kaniya.
Bigla itong natawa kasama ang dalawang kaibigan niya.
"I am the one who will ask, Drix. What happened? Why did you fall in love to this cheap slash mayabang at boyish girl na enemy mo before?" parang nadidiring tanong pa nito.
Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
Tahimik lang si Panget na animo'y walang paki.
"Don't you dare to say it again, Kathy. Mas mukha ka pang cheap kesa kay Panget." seryusong sabi ko sa kaniya.
Natigilan siya bago natawa.
"Woah! It seems like, you're a perfect boyfriend to protect your girlfriend, huh. Baka nakalimutan mong isa ka rin sa nagsabing cheap, mayabang at tomboy sa kaniya noon?" patanong na sabi nito habang kunwaring natawa.
"Yes, I said so. But it was just the past and this is a present. There's nothing to do with the past. Just mind your own business." deretsong sabi ko pa at hinawi siya sa dinadanan namin ni Panget.
Nagulat pa ito sa ginawa ko but I don't care.
She don't have the right to insult my property.
Bago pa kami tuluyang makaakyat ni Panget sa third floor ay nasalita ako.
"By the way, stop acting like a war freak girl 'cause you look like a trying hard copy cat." walang paking sabi ko pa bago hinila si Panget.
Napahinga pa ako ng malalim.
"Your out of the limit, Bisugo."
"Tse! I just say it to make her stop pestering us." sabi ko pa.
Napapailing na lang siya at pumasok kami sa classroom.
Pagpasok namin sumalubong ang confetti sa amin ni Panget.
Bahagya pang nagulat si Panget kaya natawa ako sa kaniya.
Natatawa pa ang mga kaklase namin habang nagsisigawan.
"Welcome our newly couple!" sigaw pa nila.
"Ashdrix love team!"
"Ashdrix lovers!"
"Ashdrix couple!"
Sigawan ng mga kaklase namin. Napatingin ako kay Panget na napapailing.
Panay pa ang tilian nila Theresa at si Mello. Nandito rin pala siya.
"Thanks, guys!" sabi ko sa kanila bago naglakad patungo sa upuan ko.
Tinutukso pa ako nila Keart kaya natawa na lang ako.
Hanggang sa pumasok ang adviser namin na si Sir Nathan Valencia. Nakangiting tumayo ito sa harap ng table niya at binati kaming lahat dahil sa pagiging winner ng university namin sa sportsfest.
Nagtwanan na lang kaming lahat. Hanggang sa pumasok ang si Miss Alcantara.
Mukhang hindi siya dinalaw ngayon dahil hindi nakataas ang kilay niyang nakatingin sa mga nakakalat na confetti sa sahig.
Binati niya lang kaming lahat at hindi pa siya nag pa quiz na ikinatuwa naming lahat.
Nang mag break time ay nagpalibre pa ang mga kaklase namin. Nilibre na rin namin si Miss Alcantara.
Nagulat pa ito dahil sa dami ng binili namin para sa kaniya.
Buti na lang hindi na siya dumada pa at tinanggap lahat ng binigay namin.
Pati na rin si Sir Nathan at ang iba pa naming subject teacher. Nagpa libre na rin si Lolo sa buong university na free snack sa cafeteria na ikinatuwa ng lahat.
To be continued...
A/N: Keep reading guys!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top