chapter 155 "Enjoy"

Kyla's Pov.

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng Circuit Lane sa Hippodromo, Makati Metro Manila.

Nandito na ang lahat pati sila Stella. Sila ang naunang dumating at hinintay nila kami.

Tuwang-tuwa pa sila Aika, Mello, Theresa, Bella pati si Stella dahil ang ganda ng lugar para sa gala namin.

Ang taray din ng mga suot nila. Pang gala talaga at magka terno pa ng damit si Aika at Firm.

Mag on kasi ang dalawa kaya ayan! Lantaran na sila.

Pfft!

Napatingin ako kay Xandra. Nakasimangot ito na halatang ayaw niyang ka partner si Keith.

Napapailing na lang ako.

Habang si Ashi, ayon! Blanko lang ang expression ng mukha.

Nagtaka pa kami ni Xandra dahil hindi siya umuwi kagabi. Yun pala sa bahay nila Drix siya natulog.

Tch!

Believe rin ako kay Drix. Siya lang ang may kakayahang kontrolin si Ashi.

Alam din naming nag confess na si Drix sa kaniya kagabi.

Well, good for him at nagkaroon siya ng courage para mag confess sa manhid at cold naming kaibigan.

Alam naman namin ni Xandra na in love talaga sa kaibigan namin si Drix.

Okay lang naman 'yon sa amin ni Xandra. Dahil wala namang problema  kapag naging sila ni Ashi.

"Uy! Kakain na muna tayo! Gutom na kami, eh. Hindi kami nag breakfast kanina," sabi pa ni Bella.

Napatango kami dahil wala rin kaming breakfast.

Nag kape lang kasi kami kanina.

Marami ang restaurants ang nandito. May mga shops din.

"Tara sa loob," yaya ni Lyle.

Sabay kaming lahat na pumasok sa loob ng restaurant para kumain.

Napatingin pa kami sa paligid. Ang ganda nga rito.

Nakaka good vibes nga naman talaga. At halatang masarap ang mga pagkain dito.

Pagpasok namin sa loob ay marami ang kumakain. Sinalubong kami ng dalawang staff habang nakangiti.

Wini-wellcome nila kami at inalalayan papunta sa vacant table.

Pinagsama-sama pa ng dalawang lalaki ang tatlong table para sa aming lahat.

Sixteen kaming lahat. May kasama kasi si Mello. Pinsan niya raw kasi wala siyang partner.

Maganda naman ang pinsan niya at halatang close na close sila. Medyo mahiyain din ang pinsan nito.

"Wow! Ang ganda pala talaga rito!" masayang sabi pa ni Theresa.

"Oo nga, ang daming kumakain, oh!" sang-ayon ni Stella.

"First time kong nakapunta rito mga bakla!" sabi ni Mello.

Sumang-ayon din ang pinsan niya.

"Ako rin! Hindi kasi ako pinapayagang lumabas ni Mommy, eh!" sabi pa ni Aika.

"Buti naman at pinayagan ka ng Mommy mo ngayon." sabi pa ni Xandra.

Tumango si Aika.

"Wait, let's order first." sabi ni Lyle.

Sininyasan niya ang waiter na agad namang lumapit.

Kaniya-kaniya kami nang tingin sa menu para mag order.

Maliban lang kay Ashi na nakapikit habang nakasandal sa upuan niya.

Wala talagang sense kasama sa gala ang isangg 'to.

Pagkatapos naming mag order ay nag uusap na naman kaming lahat.

Excited kami para sa mga lalaruin namin mamaya.

Gusto kong maglaro ng tabletop mamaya.

Pati na rin ang mag skate boarding. Ang cool kaya no'n. Isa 'yon sa gusto naming laruin nila Ashi at Xandra dati.

Pagdating ng order namin ay agad kaming kumain. Napasarap ang kain naming lahat at ubos lahat ang order namin.

*Burrff!!

Dighay pa ni Ashi na hindi man lang nagtatakip ng bibig.

Nagtawanan pa kaming lahat habang napapailing na lang si Drix.

"Panget, next time magtakip ka ng bibig. Nakakahiya sa kanila, oh." sabi pa ni Drix sa kaniya.

"Tsk!" singhal ni Ashi.

Napapailing na lang ako. Nagpahinga pa kami sandali bago lumabas ng restaurant at dumeretso sa game zone.

Kaniya-kaniya kaming lahat ng laro. Halata naman sa aming lahat na nag eenjoy kami.

Natawa pa kami kay Ashi na hinila ni Drix para mag go-cart.

"Hey! Go-cart tayong lahat!" sigaw pa ni Keart sa kanila.

Tumango naman kaming lahat at kaniya-kaniya ng laro.

Nagtatawanan pa kaming lahat habang naglalaro. Inalalayan pa ako ni Keart at panay ang yakap sa akin.

Hinayaan ko na lang siya at nag eenjoy din naman ako.

Hehehe.

Kung ano-ano pa ang nilalaro namin by pair.

Nagbabangayan pa si Xandra at Keith. Bukod kela Ashi at kela Mello ay pinagtatawanan namin silang dalawa.

Para kasi silang aso't pusa, eh.

"Myloves, nag enjoy ka ba?" nakangiting tanong pa nito habang nakayakap sa akin.

"Oo naman, bakit hindi? Ikaw ang kasama ko, eh." nakangiting sagot ko pa.

Lalo siyang napangiti at hinila ako paupo sa tabi.

"Let's take a picture." nakangiting sabi nito.

Tumango ako at kinuha niya ang camera na dala niya.

Dalawa sila ni Drix na may dalang camera.

Kung ano-ano ang post namin habang nagpi-picture.

"Myloves, sumandal ka r'yan tapos ngiti ka," sabi ni Keart.

Sinunod ko ang sinabi niya at kinuhanan niya ako.

May dumaan na isang staff at pinakiusapan niya itong kunan kami ng litrato ni Keart.

Natawa na lang ako.

Ang sweet niya rin.

Nakangiting nilingon ko siya pero----

(0_0)

Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi at saktong nag flash ang camera.

Wahhh!

Shemay!

Nakakahiya!

"Myloves, you're blushing." nang-aasar na sabi pa nito.

"H-hindi, ah!" nauutal na sabi ko pa.

Naaiwas pa ako nang tingin sa kaniya dahil tinawanan niya ako.

Mabilis na tumakbo na lang ako at natatawang hinabol niya naman ako.

Kahit paano ay sobrang nag-enjoy ako ngayong araw na kasama ang taong mahal ko.

Hehehe.

************************************

Xandra's Pov.

Kanina pa ako badtrip na batrip dahil kay Keith. Kung bakit siya pa ang naging partner ko t*nginang 'yan!

Tss!

Batrip na naupo ako rito sa gilid habang nakatingin kela Stella na masayang nag lalaro.

Pero kahit badtrip ako ay nag enjoy naman ako dahil sa gala naming lahat.

Kita ko ang saya sa bawat isa. Kahit pa hindi kumikibo si Ashi ay halata namang nag eenjoy ito sa gala namin.

Nakita ko kasing natatawa ito sa kakulitan ng mga kasamahan namin.

Kanina pa kaming lahat na naglalaro. Kung ano-ano ang nilalaro naming lahat.

"Hey! Laro tayong lahat nang habulan!" nakangiting sigaw pa ni Nathan.

"Sige ba!"

"Game!"

"Masaya 'to!"

"Arat na!"

"Habulan na this!"

"Hali na kayo!"

Sari saring sigawan pa nila. Napapiling na lang ako. Para silang mga bata.

Pambata naman kasi nag larong habulan.

Tss!

"Hey! Come here!" tawag pa ni Keith sa akin.

Napairap na lang ako at hindi siya pinansin.

Ayaw kong sumali sa laro nila. Masyadong pambata, eh!

Napatingin ako sa gawi nila Ashi. Nakita kong nakatitig sa kaniya si Drix habang siya ay natatawang nakatingin kela Stella.

Tss!

Iba ang tama ng isang Chevalier sa pinsan ko, ah!

Ang gwapo pa naman ng loko. Bagay na bagay nga silang dalawa, eh!

"Hey! Sali tayo sa kanila!"

"Tss! Mag isa mo!"

"Tss! 'Wag kang kj! Sali tayo sa laro nila." biglang sabi ni Keith at hinila ako patayo patungo sa gawi nila Bella.

Aangal na sana ako nang mapansin kong nakahawak siya sa kamay ko.

Parang nakaramdam pa ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

What the hell!?

Mabilis na inikot ko ang kamay ko at pinilipit ko ang kamay ng damuho dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

"Why the hell did you hold my hand?!" salubong ang kilay na sigaw ko sa kaniya.

Napatingin pa sa amin ang mga kasamahan namin.

"Damn! Just because I hold your hand you twisted my hand! Peevish girl!" nakangiwing sabi ni Keith.

Kita kong nasasaktan siya dahil sa ginawa ko.

Bahagya pang nanginig ang kamay niya.

Na guilty tuloy ako sa ginawa ko pero---

"What the hell!? Are you calling me a peevish girl?!" salubong ang kilay na tanong ko pa sa kaniya.

Tinaliman niya ako ng mata.

"You are more than a peevish girl." walang ganang sabi nito at akmang aalis nang pigilan siya ni Lyle.

"Hey! What happened to both of you?" takang tanong pa nito.

"Tss! Asked her!" sagot ni Keith at umalis.

Napatingin silang lahat sa akin.

Napaiwas ako nang tingin.

"You're too much, Xand." napapailing na sabi ni Kyla.

Natigilan ako at hindi nakapag salita.

Am I over the limit?

Tss!

Napatingin ako sa papalayong si Keith.

Nakaramdam ako ng guilty dahil sa ginawa ko.

Napabuntong-hininga na lang ako.

I don't know kung bakita masungit ako sa damuho na 'yon, eh!

Tss!

"Hey! Maglaro na lang tayo ng skate boarding pagkatapos ay kakain na tayo ng lunch!" sigaw pa ni Drix.

Sumang-ayon ang lahat at agad na nagtungo sa skate park.

"Dre! Sa skate park tayo!" sigaw pa ni Keart kay Keith.

Nakita kong tumango lang ito sabay tingin sa akin at sumunod kela Drix.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Bakit parang ang cold niyang tingnan?

Tss!

Nevermind.

Sumunod na lang ako sa kanila. Pagdating sa skate park ay naupo ako sa isang bench.

Habang sila naman ay nag rent ng skate board sa staff na nakabantay sa skate area.

Napabuntong-hininga ako.

Napatingala na lang ako sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon, ah! Mukhang nakikisabay sa aming lahat.

"Woah! Ang sarap sa feeling kapag nag skate!" sigaw pa nila Brix.

"Na miss ko 'to!" sigaw pa ni Nathan.

"Hey! Let's skate by pair!" sigaw ni Firm sa kanila.

"Game!" sabi ni Keart at lumapit kay Kyla na may kinakalikot sa cellphone nito.

"Panget! Hali ka!" tawag naman ni Drix kay Ashi na nakapamulsa habang panay ang tingin sa paligid.

Ngayon lang kasi kami nakapunta rito sa Circuit Lane. Hindi naman kasi sa ganitong lugar kami gumala dati.

Isa pa, bihira lang kami gumala dahil ayaw ni Ashi.

Biglang tumunog ang phone ko at pagtingin ko si Kyla.

Napakunot ang noo ko at binasa ang text niya.

From: Kyla
Partner kayo ni Keith sa skate. 'Wag ka nang tumanggi dahil may kasalanan ka pa sa kaniya.

Basa ko sa text nito.

Napatingin ako sa gawi nila Kyla. Kinindatan niya pa ako bago humarap kay Keart.

Tss!

Napapailing na lang ako. Wala naman akong kasalanan sa damuho----tss!

Nevermind.

Tumayo ako at akmang lalapit sa Mamang nagbebenta ng sorbetes para bumili nang may humarang.

"Where do you think are you going?" kunot-noong tanong pa nito.

Napa ismid ako.

"Do'n, bibili ng ice cream. Bakit ba?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya pa ang Mamang nagtinda ng ice cream bago uli humarap sa akin.

"Tss! Wala ka pang lunch kaya 'wag ka munang kumain ng ice cream." sabi nito at hinila ako sa wrist.

What the hell!?

Hinila ko pabalik ang braso ko pero sinamaan niya ako nang tingin.

"Hoy! Saan ba tayo pupunta damuho ka!?" sigaw ko pa sa kaniya.

"Tss! Shut up! May kasalanan ka pa sa akin, peevish girl. Sasabay tayong mag skate sa kanila kaya 'wag kang maingay." walang ganang sabi pa nito.

Abah!

"Hoy! Ayaw kitang ka partner mag skate, Evans!?" inis na sigaw ko pa.

"Tss! Sinong may sabing gusto rin kitang ka partner? Psh!" sabi pa nito dahilan para matigilan ako.

Hindi niya ako gustong ka partner pero heto siya't hila-hila ako.

"Ano!? Kung gano'n bakit mo ako hinila para mag skate?" salubong ang kilay na tanong ko pa.

"Tss! It was them who said that I will accompany you." kaswal na sabi pa nito.

Ano raw?

Sila?

"At bakit aber?"

"Tss! Marunong ka bang mag skate?" deretsong tanong nito.

Natigilan ako at napaiwas nang tingin. Oo nga pala, hindi ako marunong mag skate hanep na 'yan!

"H-hindi." napapahiyang sabi ko pa.

Napapailing ito hanggang sa huminto kami at ibinaba niya ang skate na dala niya.

Napatingin pa ako kela Theresa na tuwang-tuwa habang inaalalayan nila Nathan sa pag skate.

Mukhang masaya ngang mag skate, ah!

Pati sila Ashi ay nakahawak si Drix sa beywang nito tapos magkadikit pa silang nag skate.

Natawa ako habang nakatingin sa kanila. Salubong pa ang kilay ni Ashi na halatang hindi comfortable sa position nila Drix.

Pfft!

"Why are you laughing?" takang tanong pa ni Keith.

"Tss! Look at them, they look like a perfect couple." sabi ko sabay turo kela Ashi.

Halatang nag-eenjoy naman si Drix na halos nakayakap kay Ashi.

"Yeah, they are. Ngayon ko lang nakitang ganiyan kasaya ang kaibigan namin." sagot pa nito.

Napatango-tango ako. Pero natigilan ako nang hilahin niya ako pasakay sa skate.

"W-wait, hindi ba tayo matutumba nito?" alanganing tanong ko.

Parang umurong ang pagsusungit ko sa kaniya sa skate na 'to!

The fvck!?

"Tss! Just hold my hand while I'll control the speed of the skate so, we won't fall." mahinahong sabi nito.

Dahan-dahan akong tumapak sa skate habang inalalayan niya ako.

Nakahawak ako sa balikat niya bago hawakan ang kamay niya nang tumapak na rin siya sa skate at nagsimula na kaming mag skate.

Napalunok pa ako dahil ang lapit namin masyado.

Hanep na 'to!

"U-uy! Layo ka ng kunti sa akin, Keith." sabi ko pa at bahagya siyang tinulak.

"H-hey! 'Wag kang malikot! Matutumba tayo, Xand!" sita pa nito nang muntik kaming matumba.

Napakamot na lang ako ng batok. Kung bakit pa kasi nag skate, eh!

Tss!

"Matutumba lang walang tayo." bulong ko pa.

"Tss! May sinabi ba akong may tayo? Tss! Asa!" mahinang bulong din niya.

Abah!

Akmang bubulyawan ko siya nang biglang madulas ang paa ko sa skate.

Damn!

Buti na lang nahawakan niya ako sa beywang hanep na 'yan!

"Be careful." mahinag bulong pa nito sa tainga ko.

Biglang nanindig ang balahibo sa batok ko dahil sa pagbulong niya at dahil na rin sa init ng hininga niyang tumama sa tainga ko.

What the fvck!?

Parang hindi pa ako makagalaw habang yakap-yakap niya ang beywang ko!

"Don't move," bulong niya sabay padulas ng isang paa niya para patuloy sa pag takbo ang skateboard.

Hindi na lang ako nagsalita at kumilos.

Kundi lang kami nag skate baka sinapak ko siya.

Tss!

Pero kalaunan ay na enjoy ko ang pag skate. Nagtatawanan kami kapag nakikita naming natutumba sila Mello at ang pinsan nito.

Ang likot-likot nilang dalawa na mag skate.

Nag eenjoy kaming lahat sa pag skate habang nagbibiruan, asaran, tuksuhin at tawanan.

This is the best gala ever!

************************************

Bella's Pov.

Nag eenjoy kaming lahat habang nag skate. Panay ang tawanan naming lahat.

Pinagtatawanan pa namin sila Mello, Stella at Theresa dahil ang likot nilang mag skate habang panay ang balanse ng mga partner nila.

Ilang beses pa silang natutumba. Minsan ay babagsak sila sa ibabaw ng partner nila na ikinatawa namin.

Napatingin kami sa gawi nila Ashi at ng pinsan ko habang nag eenjoy sa pag skate.

Kahit halatang hindi comfortable si Ashi sa pagyakap ni Drix sa beywang nito ay kita pa rin na nag eenjoy siya sa pag skate tulad namin.

(0_0)

"Wahhh!!" malakas na sigaw ko pa nang bigla kaming natumba ni Lyle at bumagsak sa lupa.

"A-aww!" rinig ko pang daing ni Lyle.

Napamulat ako ng mata at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang naka patong ako sa ibabaw niya habang nakahawak sa dibdib nito.

Wahhh!

Nagpabalik-balik ang mata ko sa dibdib niya at sa mukha nito.

Nakangiwi pa siya. Mabilis na umalis ako sa ibabaw nito at nag-aalalang tinulungan ko siyang bumangon.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko pa.

"My back---aw!" mahinang daing uli nito.

Napatingin ako sa likod niya.

"Masakit ang likod mo?" tanong ko pa.

"Yeah, but I can handle the pain." sabi pa nito.

Pinagpagan ko ang likod niya dahilan para mapadaing na naman siya.

"S-sorry," hinging paumanhin ko pa.

"It's ok. Can we stop for a while?" tanong pa nito.

Tumango ako at naupo sa tabi niya.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa uli.

"Mmm. May gasgas lang ata ang likod ko kaya mahapdi," sabi pa nito.

Napatingin pa ako sa kaniya bago napatango.

"Gusto mo gamutin na muna natin?" tanong ko uli.

"No. 'Wag na, mawawala rin 'to mamaya." nakangiting sabi niya.

Ang gwapo niya talagang ngumiti, eh!

Tiningnan kong mabuti ang mukha ni Lyle. No wonder kung bakit ang daming nagkakagusto sa kaniya.

Maliban sa ka gwapuhan niya ay mabait at gentleman pa siya.

"Ehem! May dumi ba ako sa mukha?" biglang tanong pa nito.

Natigilan ako at napaiwas ng tingin.

"A-ah, w-wala naman," nauutal na sabi ko pa habang nakayuko.

Wahh!

Nakakahiya ka Bella!

"Oh! They're done." sabi pa nito.

Napatingin ako sa mga kasama namin na papalapit sa amin.

"Oh? Ayos lang kayong dalawa?" tanong pa ni Keart.

"Mmm. We're fine." sagot ni Lyle.

"Hoo! Ang saya sayang mag skate board!" sabi pa ni Theresa.

"Oo nga!" sang ayon ni Aika.

"Next time pupunta uli tayo rito." nakangiting sabi ni Stella.

"Sure!" sabi pa ni Brix.

"Yeah, kapag may free time na uli tayong lahat." sang-ayon ni Nathan.

Napatingin kami kay Xandra na natatawa habang kausap si Keith palapit sa amin.

Ayieee!

Mukhang ayos na silang dalawa. Hindi sinumpong ng kasungitan si Xandra ngayon, ah!

"Tss! Kasalanan mo rin kasi!" napapailing na sabi pa ni Xandra kay Keith.

"Psh! It's not my fault. Your so noisy that's why we both fall." kaswal na sabi ni Keith.

Yieee!

Mukha silang couple tingnan hehehe.

"Yay! Ayos na kayong dalawa?" nanunuksong tanong ni Keart.

"Tss! What do you think?" balik tanong ni Keith.

Natatawang napailing na lang si Keart at gano'n din kami.

"Hey! Kamusta naman kayong dalawa?" baling ni Kyla kela Ashi.

Napatingin pa si Drix kay Ashi bago kaswal na nagsalita.

"We're good," sagot ni Drix.

Ayieee!

"Woah! You mean----"

"Tsk! Let's have a lunch. I'm hungry," pigil ni Ashi kay Keart at naunang umalis.

Nagkatinginan pa kaming lahat habang nagkibit-balikat naman si Drix at mabilis ma sumunod kay Ashi.

"Mukhang not totally na okay ang dalawa, ah!" natatawang sabi ni Brix.

"Yeah. Kawawang, Drix mukhang susuyuin pa si Ashi." sabi pa ni Keith.

"Jusko! Pakipot ang lola niyong maganda!" biro pa ni Mello.

Nagtawanan na lang kamin lahat bago sumunod sa kanila.

Dumeretso kami sa restaurant na nakita namin. Agad na kaming nag order at kumain habang panay pa rin ang kwentuhan, tuksuhan, asaran at tawanan.

This is a good day to all of us.



To be continued...

A/N: Hello, Blueeems! I hope you enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top