chapter 154 "Gala"

Drixon's Pov.

Kinabukasan

Nagising ako na ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Nagmulat ako ng mata pero napapikit uli dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Napakapa pa ako sa tabi ko at nagmulat uli.

Where's Panget?

Napabangon ako at napatingin sa loob ng kwarto ko. Walang bakas ni Panget ang nakita ko.

Tse!

Akala ko hindi siya umuwi kagabi matapos ko siyang sabihin na 'wag umuwi.

Yeah.

I can clearly remember what I say last night. All of my confession to Panget.

I drunk myself to have a courage to confess my feelings. It was the perfect time to confess to her.

Lahat nang sinabi ko ay totoo. Nakainom ako oo, pero alam ko naman ang lahat nang pinaggagawa ko kagabi.

Bigla kong naalala ang nangyare kagabi. Ang paghalik ko sa kaniya.

And I didn't expect that I was her first kiss. Actually, she's my first kiss, too.

Sa noo ko lang nahalikan si Trixie noong nanliligaw pa ako sa kaniya.

Habang si Kiana ay hindi ko siya hinalikan.

I just respect them as girl.

Kagabi ko lang hindi napigilan ang sarili ko dahil na te-temp akong halikan si Panget.

Ramdam kong napangiti ako at napahawak pa sa labi ko.

Nararamdaman ko pa rin ang malambot na labi ni Panget kagabi.  Kita ko ang reaction niya kagabi.

Lalo na sa mga confession ko.

For the first time nasabi ko na ring mahal ko siya.

Akala ko noon hindi na ako magkakaroon ng chance na mag confess sa kaniya.

Hayst.

Buti na lang kagabi ko naisipan na mag confess sa kaniya.

Kahapon rin ang unang pagkakataon na sumigaw sa maraming tao para maging girlfriend si Panget.

Nakaramdam ako ng matinding saya sa dibdib ko. Pero bigla kong naalala ang sinabi ni Panget kagabi bago ako lumuhod sa harap niya.

"Sinabi ko ang lahat ng ito hindi dahil lasing ako. Kundi dahil ito ang totoong nararamdaman ko, Panget. I really love you."

"But I don't feel the same."

"But I don't feel the same."

"But I don't feel the same."

Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Panget kagabi.

Kita ko sa mata niya kagabi na wala nga siyang nararamdaman sa akin.

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya kagabi. Wala man lang pagdadalawang isip na sinabi niya iyon sa akin.

Fvck!?

Sa kagustuhan kong huwag i-reject ni Panget ay lumuhod ako sa harap niya kagabi para lang maging girlfriend ko siya.

Wala akong paki kung nagmukha akong despiradong lalaki.

I love her. And I will make everything to have her.

Ayos lang kung wala siyang pagtingin sa akin. As long as maging girlfriend ko siya.

Susuyuin ko na lang siya hanggang sa makuha ko ang puso niya.

Alam kong magugustuhan niya rin ako balang araw.

*Tok! Tok! Tok!

Napatigil lang ako nang may kumatok sa pinto.

"Son, wake up! Naghihintay ang mga kaibigan mo sa baba!" rinig ko pang sigaw ni Dad.

Mga kaibihan?

Bakit sila nandito? Ano bang----shit!

May lakad pala kaming lahat ngayon para mamasyal.

"Maliligo lang muna ako, Dad!" sigaw ko pabalik at nagmamadaling bumaba ng kama.

Agad kong inayos ang kama ko bago nagmamadaling pumasok sa baniyo para maligo.

Sasama kaya sila panget?

Paano kung hindi siya sasama dahil sa mga pinagsasabi ko kagabi?

Paano ko ba siya haharapin mamaya?

Argh!

Pinagpatuloy ko na lang ang pagligo. Pagkatapos ay lumabas at nagbihis.

Nagsuot lang ako ng maroon pulo shirt at pinaresan ko ng black shorts na hanggang tuhod.

Nagsuot ako ng sapatos na Nike bago nag ayos ng buhok at nagpabango.

Nang matapos ako ay kinuha ko na ang cellphone ko. Nag text ako ng 'good morning' kay Panget.

Pasado alas-otso na pala ng umaga.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko pero napatigil ako. Bigla akong may naisip at nakangiting binitawan ko ang susi.

Mas cool at masaya kapag ang motor ni Panget ang gagamitin namin mamaya.

Agad na akong lumabas matapos makuha ang wallet ko.

Pagbaba ko naabutan ko ang tatlo na nakaupo sa sala habang kumakain ng cookies at uminom ng juice.

Tse!

"Hey!" bati ko sa kanila.

Napatingin sila sa akin at halos sabay na napataas pa ang mga kilay nilang nakatingin sa akin.

Bakit?

May mali ba sa suot ko?

"Naks! Pinaghandaan mo talaga ang gala natin, dre?" nanunuksong tanong ni Keith.

"Yay! No need to asked na, dre. Kita mo naman na, oh!" nanunuksong sabi ni Keart.

"Tsk! Yaan niyo, mukha kasing dumadamoves ang loko kagabi." natatawang sabi pa ni Lyle.

Tinawanan ko lang sila bago naupo. Kumuha ako ng isang baso ng juice at cookies saka kumain.

"Seryuso, dre. Umamin ka kay Ashi kagabi, 'no?" nakangising tanong ni Keart.

Napaiwas ako ng tingin at inubos ang cookies na hawak ko.

Sabay-sabay na nag react pa ang mga loko habang tinutukso ako.

"Silence means, yes. How's the feeling, dre?" nanunuksong tanong pa Keith.

"Tse! Tumigil ka nga!" nakaiwas na tinging sita ko sa kaniya.

"Pfft! 'Wag niyo nang asarin, dre. Baka wala na siyang mukhang iharap kay Ashi mamaya." natatawang sabi pa ni Lyle.

Tse!

Pinaalala pa talaga ng loko!

Nagtawanan na naman sila kaya napapailing na lang ako.

Sakto namang lumabas ng kusina si Mom na may dalang isang baso ng tubig.

"Big boy, inumin mo muna 'to. Hinanda 'yan ni Ashi kanina para sa'yo."  nakangiting sabi pa ni Mom.

Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Mom.

Hinanda ni Panget kanina?

"What did you say, Mom? Si Panget ang naghanda niyan?" tanong ko pa.

"Oo nga, big boy! Binilin niya kanina sa akin bago siya umalis." parang kinikilig pang sabi ni Mom.

Napalunok ako habang inabot ang tubig at ang gamot na inabot ni Mom sa akin.

Rinig ko pa ang panunukso ng mga kaibigan ko.

Ibig sabihin, hindi umuwi si Panget kagabi?

Dito siya natulog?

"You mean, Mom dito natulog si Panget kagabi?" napapalunok na sabi ko pa at pinigilang mapangiti.

"Yeah. Hindi mo raw siya pinapauwi kagabi kaya kanina paggising niya ay nagpaalam ito sa akin matapos niyang ibilin na painumin kita ng gamot." nakangiting sabi pa ni Mom bago umalis.

Ramdam ko ang saya sa puso ko dahil sa sinabi ni Mom.

It means, she cared for me.

Tapos sa kwarto pa siya natulog.

Wait! Katabi ko siya kagabi, ah! Hindi ba siya umalis sa pagkakayakap ko sa kaniya kagabi?

Nakatulog din kasi agad ako matapos kong halikan ang noo niya.

"Wusho! Iba ka na, dre!" nang aasar na sabi pa ni Keart.

"Woah! I didn't expect na kaya mong patulugin si Ashi sa kwarto mo sa ugali no'n." natatawang sabi pa ni Keith.

"Yeah, knowing her na halatang ayaw matulog sa isang kwarto na may kasamang lalaki." natatawang sabi ni Lyle.

Napangiti na lang ako at proud na tumingin sa kanila.

Napapailing pa sila habang natatawa. Ininom ko na lang ang gamit bago kami nagpaalam kela Mom na aalis.

Agad na kaming lumabas at sa kotse ni Keart ako sumakay.

Tinanong pa nila ako kung bakit hindi ako nagdala ng kotse.

Habang si Lyle naman ay dinaanan niya si Bella sa bahay nila.

Kasama rin sila Brix, Nathan at Firm. Sila na rin ang sumundo kela Stella.

Sa Circuit Lane sa Hippodromo, Makati Metro Manila namin napagkasunduang magkikita kita.

Doon rin kami mamasyal. Marami ang pwedeng gawin sa Circuit Lane.

May go-cart, playbook where you can play all sorts of game including tabletop, there's also a skate park if you're into a skate boarding. Lots of casual eating places all reasonably priced.

They have a lot of shops and restaurants. Circuit Lane is the perfect place for waiting and refreshing, too.

It has a plenty of parkings. You can run, jog walk, bike play frisbee, play football or just watch people playing all the stuffs there.

We once go there with my friends.

Kaya roon namin napag isipang pumunta ngayong umaga.

Maganda roon at sulit na sulit ang pagpunta ro'n.

Lahat ng gusto mong gawin ay pwede mong gawin.

If you want to have a date there you can.

Magandang pasyalan ang Circuit Lane sa makati.

"Hey! Where here!" biglang sabi ni Keart sa akin.

Napatingin ako sa labas. Mukhang nasa loob pa sila Panget.

"Are you sure, dre na sasama sila?" tanong ko pa sa kaniya.

Bigl ang natawa si Keart bagi nagsalita.

"Why? Takot kang hindi sasama ang Panget ng buhay mo? Yay! Mukhang mas in love ka pa sa akin, dre!" nang-aasar na sabi pa nito.

"Tse!" singhal ko sa kaniya at binuksan ang pinto sabay labas.

Nakita ko pa si Keith na lumabas ng kotse niya.

Silang dalawa ni Xandra ang magkakasama ngayon. Silang dalawa lang naman ang walang partner.

Pfft!

Paniguradong puro bangayan 'yang dalawa mamaya.

Hahaha.

"Hey! Pasok tayo sa loob!" sabi pa ni Keart.

Tumango na lang ako at naglalakad papasok sa gate nila Panget.

Kumatok ako at binuksan ni Xandra ang pinto.

Nakabihis na pala ito.

Nakasuot lang siya ng kulay pula na t-shirt habang naka pantaloon ng kulay itim.

"Tapos na kayo?" tanong pa ni Keart.

"Si Ashi hindi pa, mukhang ayaw sumama." sagot nito at pumasok kami sa loob.

Ano?!

At bakit naman?

Naupo sa sofa sila Keith. Nakita naming bumaba na si Kyla na bihis na bihis na.

"Yay! Ang ganda mo myloves!" nakangiting sabi pa ni Keart.

Nahihiyang ngumiti na lang si Kyla bago naupo sa tabi ni Xandra.

"Drix, akyatin mo si Ashi. Baka hindi pa 'yon nagbibihis. Sabi niya kanina ay hindi siya sasama." sabi pa ni Xandra.

Tumango ako at umakyat sa taas. Pagdating ko ay hindi na ako kumatok.

Ano kayang ginawa ng panget na 'to!

Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Nakita ko si Panget na nakadapa sa kama niya.

Anak ng!

Natutulog ba siya?

Naglakad ako palapit sa kama niya habang nakatingin sa kaniya.

Daig pa niyang lalaki kung matulog, eh!

"Tsk! Sinabi ko ng hindi ako sasama----"

"Tse! Sinong may sabing hindi ka sasama?" pigil ko sa kaniya.

Kita kong natigilan siya bago napabalikwas nang bangon at nagsalita.

"At sinong may sabing pwede kang pumasok sa kwarto ko?" salubong ang kilay na tanong pa niya.

Nagkibit-balikat ako at akmang uupo sa kama niya nang sipain niya ako.

Muntik pa akong matumba kung hindi pa agad ako naka balance.

Napangiwi na lang ako.

Ang brutal talaga ng babaeng 'to.

"Wala. Wala namang nakalagay sa pinto na bawal akong pumasok." simple'ng sagot ko pa sa kaniya.

Tinaliman niya ako ng mata pero nag smirk lang ako.

"Gusto mong bumaba ng hindi dumadaan sa hagdanan?" seryusong sabi pa nito.

Napangwi na lang ako.

Kahit kailan ang babaeng 'ton. Tse!

"Tse! Kung kaya mo baka ikaw pa ang ihagis ko sa baba. Pero 'wag kang mag-alala sasaluhin naman kita." nang-aasar na sabi ko pa.

Kinindatan ko pa siya dahilan para lalong sumama ang tingin niya.

"Inaasar mo ba ako?"

"Hindi, pinapa-ibig lang kita." kaswal na sagot ko pa.

"Kamao gusto mo?"

"Oo, kung may kasamang halik tatanggapin ko."

"Back off, Bisugo!"

"I won't, Panget."

"Damn you!?"

"I love you."

Nakita kong natigilan ito habang nakatingin ng masama sa akin.

Napaiwas na lang siya nang tingin. Kita ko pang napalunok ito kaya napangiti ako.

"Lumabas ka na,"

"Magbihis ka muna,"

"Hindi ako sasama."

"At bakit naman?"

"Paki mo ba?"

"Malaki ang paki ko sa'yo, Panget."

"Tsk! Alis na!"

"I wont hangga't hindi ka sasama."

"Hindi ka ba makakaalis ng wala ako?"

"Oo,"

"Bisugo!?"

"I love you, too!"

Mabilis na sabi ko sabay lapit sa pinto nang makita kong tatayo sana siya.

Nakita ko pang namumula ang mukha nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis o sa huling sinabi ko.

Pfft!

"Bilisan mong magbihis kung ayaw mong pasukin uli kita. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." banta ko pa sa kaniya.

Inis na hinagisan niya ako ng unan pero naisara ko na ang pinto.

Napapailing na napangiti na lang ako.

Tse!

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Badtrip na badtrip ako dahil sa lintik na Bisugong 'yon. Ayaw akong tantanan ng ugok!

Tsk!

Naninibago ako sa kaniya mula pa kahapon.

Kagabi pa ang lintik na 'yon!

Psh!

Inis na kumuha na lang ako ng damit para magbihis. Tapos na akong naligo kanina pagdating ko galing sa bahay nila Bisugo.

Hindi ako nakauwi kagabi dahil daig pang nakadikit sa akin ang damuho kung yumakap.

Hindi niya ako binitawan sa pagkakayap kagabi.

For pete's sake! First time kong matulog na may katabing lalaki!

Tsk!

Nagsuot na lang ako ng itim na t-shirt at itim na pantaloon.

Medyo fitted ang pantaloon na suot ko at hindi maluwang.

Tinali ko na lang ang buhok ko pagkatapos ay kinuha ko ang susi, wallet at cellphone ko sa ibabaw ng bedside table bago lumabas.

Pagbaba ko ay nakita ko silang may kaniya kaniyang ginagawa habang nakaharap sa cellphone nila.

Tsk!

Napapailing na lang ako. Napatingin pa sila sa akin at sabay na ngumisi.

Ano na naman ang nasa utak ng mga 'to?

Napabuntong-hininga na lang ako at naunang lumabas.

Agad naman silang sumunod.

"Saan tayo pupunta?" seryusong tanong ko pa.

"Sa Circuit Lane tayo. Maganda ro'n at marami tayong pwede gawin do'n. Nauna na sila Lyle at sila Brix, doon nila tayo hihintayin." sagot pa ni Bisugo.

Tsk!

Tumango na lang ako at sinuot ang helmet ko. Napatingin pa ako sa dalawang kotse sa labas ng gate.

Bakit dalawa lang ang kotse? Hindi ba nagdala ng kotse si Bisugo?

Takang nilingon ko ito pero mabilis niyang inagaw ang susi sa kamay ko at sumampa sa motor.

"Ako na mag drive," Kaswal na sabi nito at pinaandar ang motor.

What the heck!?

"Sinong may sabing----"

"Wag ka ng marami pang daldal. Sampa na," pigil pa nito sa akin.

Anak ng tinapa!

"Gusto mong lumpuhin kita?" seryusong sabi ko pa.

Nagkibit-balikat pa siya na animo'y hindi takot sa sinabi ko.

Lintik!

"Ano? Tara na!" rinig ko pang sabi ni Xandra.

Akmang sasampa ito sa motor niya nang kuhanin ni Keith ang helmet niya at ibinigay kay Bisugo.

"What the fvck, Keith!?" inis na sigaw ni Xandra.

"Tss! Ang dumi ng bibig mong masungit ka! 'Wag ka nang umangal pa. Sa kotse ka na lang sumakay." walang ganang sabi ni Keith sa kaniya at tiningnan ito ng makahulugan sabay tingin sa amin.

Takang napatingin pa sa amin si Xandra bago napangiwi at tumango.

Tsk!

"Hey! Ano pang hinihintay niyo!" sigaw ni Keart sa loob ng kotse niya.

Nakasakay na rin pala si Kyla sa kotse nito.

Napapailing na lumabas na lang si Xandra at lumapit sa kotse ni Keith. Nagtaliman pa sila nang tingin.

Tsk tsk!

"Hey! Labas na!" sigaw ni Bisugo.

Nailabas na rin pala niya ang motor ko.

Tsk!

Lumabas na lang ako at sinarado ang gate bago lumapit sa kaniya.

"Bakit hindi ka nagdala ng kotse mo?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Tse! Mas masaya kapag nakamotor tayong dalawa." sabi pa nito at pinaandar na uli ang motor.

"Tsk! Alis! Ako ang magdrive!" singhal ko sa kaniya.

"Tse! Mas romantic kapag ang boyfriend ang nagmaneho, Panget. Psh!" sabi nito at hinila ako pasakay sa motor.

Lintik na 'yan!

Sino ba kasing may sabing boyfriend----napatigil ako.

Boyfriend?

Tsk!


To be continued...

A/N: Enjoy reading guys! Hope you like it!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top