chapter 150 "Finals"

Drixon's Pov.

Kanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng campus namin. Maaga akong pumunta rito dahil finals na ngayon. Hinihintay ko sila Panget dahil wala pa sila. Nasa loob na rin sila Lyle at naghahanda na para sa laro mamaya. Napatingin ako sa relo ko at pasado alas-syete na ng umaga. Mamayang eight pa ang simula ng laro. Sila Panget ang unang maglalaro. Ang archery at basketball lang ang mag finals ngayon dahil sa nag tie na score.

MLMSU vs SFU for the basketball. Habang SLU vs SFU para sa archery player. Wala ng laro sila Xandra at sila Bella. Kahapon pa natapos ang sa kanila.

Tumingin ako sa kalsada pero wala pa rin sila Panget. Ba't ang tagal ata ng mga 'yon?

Aish!

"Oh! Mukhang may hinihintay ka, ah!" Biglang sabi ng kung sino.

Pagtingin ko sa likod sila Luke. Pa cool pa kung maglakad. Tse! Hindi naman bagay sa kaniya. Sarap upakan ng gago. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang cellphone ko bago nag-text kay Panget.

"It seems like, parang kinakabahan kayo sa laban natin mamaya." Sabi na naman nito.

Inis na binalingan ko siya at seryusong tiningnan.

"Dream on! We don't need to be scared because I am here." Walang ganang sabi ko pa.

Bigla itong natawa kasabay ng mga kasamahan niya. Nang iinsulto ba sila?

Tse!

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Mahirap pumatol sa tulad nila. Nasasayang lang ang oras at lakas ko kapag papatulan ko pa. Hindi ko dapat sasayangin ang lakas ko dahil may laro kami mamaya.

"Boss, mukhang deadma lang tayo, ah." Sabi pa ng kasama nito.

Napapailing na lang ako habang nakapamulsa ang isang kamay at nakasandal sa kotse ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumisi si Luke.
Nagmukha tuloy siyang asong na uulol! Psh! Natawa na lang ako dahil sa naisip ko.

"Naduduwag ka na ba Mr. Chevalier?" Nakangising sabi niya.

Ako duwag? How can he say so?
Nilingon ko siya at nag smirk sa kaniya bago nagsalita.

"I am not. Because I am not you." Sabi ko at tinalikuran sila.

Akmang aalis na sana ako nang magsalita ito.

"Ha! Hambog ka rin, eh 'no? Bagay kayong pagsamahin ng mayabang na Ibañez na 'yon!" Pasigaw na sabi pa nito.

Napatigil ako habang nakatalikod sa kaniya. Napangiti pa ako dahil sa sinabi niya.

"Do you think so? Well, I am too. We are suitable to each other since the day she accidentally threw the food in my shirt." Nakangising sabi ko.

Hindi ito nakapagsalita. Nanatiling nakatalikod ako sa kaniya. Napapailing na lang ako at akmang aalis na nang maramdaman kong lumapit ito sa akin.

Mabilis na lumingon ako pero nagulat ako nang makitang hawak ni Panget ang braso nito kung saan may baseball bat na hawak si Luke para sana ihampas sa akin.

Damn!?

May balak talaga siyang puruhan ako para hindi makapaglaro, ah.

Tse!

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead." Blankong sabi ni Panget at pabatong binitawan ang braso ni Luke.

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Panget. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead."

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead."

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead."

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Panget. Ramdam kong parang nagsasaya ang kalooban ko.
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Natinag lang ako nang hilahin ako ni Panget paalis at pumasok sa campus. Napatingin ako sa kamay namin.

*Lunok

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang blanko lang ang mukha niya.
Natawa na lang ako ng mahina at hinawakan ko ang kamay niya pero napakunot ang noo ko nang makitang may bandage ang kamay niya.

Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya.

"Anong nangyare sa kamay mo?" Salubong ang kilay na tanong ko habang tinitingnan ang kamay niya.

Mabilis niyang hinila ang kamay niya at akmang aalis na nang pigilan ko siya at hinila ang kamay.

"Aray! 'Wag mo ngang hilahin!" Pasinghal na sabi pa niya.

"Tse!" Singhal ko at tiningnan ang kamay niya.

"Tsk! 'Wag mo nang tanggalin," angal pa niya nang tanggalin ko ang bandage sa kamay niya.

Hindi ko siya pinansin at lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita ang sugat sa kamay niya.

Saan galing 'to?

"Bakit may sugat ka sa kamay?" Seryusong tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Inis na pinitik ko ang kamay niya dahilan para mapadaing siya.

"Gusto mo ng sapak, Bisugo?!" Inis na sabi niya at pilit binawi ang kamay.

Tinitigan ko siya sa mata.

"Hindi, halik ang gusto ko." Seryusong sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya dahilan para matigilan siya.

"Menteryo, gusto mo?" Blankong tanong niya.

Napangiwi na lang ako at napapailing.  Tiningnan ko ang sugat niya. Parang patalim ang nakasugat nito, ah!

"Patalim ba ang nakasugat nito?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Anak ng!

"Sabihin mo nga, saan mo nakuha 'to?" Seryusong tanong ko uli.

Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Tsk! You don't need to know." Sabi niya niya at hinila ang kamay sabay alis.

Napapailing na lang ako at hinabol ko siya. Agad ko siyang hinila papunta sa clinic nitong secondary campus.

"Saan ba tayo pupunta?" May inis sa boses na tanong nito.

Hindi ko siya pinansin. Akala niya siya lang marunong ang hindi magsalita.

Psh!

"Hoy! Bisugo!" Sigaw niya.

"Tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita!" Banta ko sa kaniya.

Rinig kong suminghal pa siya at tumahimik rin naman. Psh! Lihim na napangiti ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng clinic. Hinila ko siya papasok at tumingin sa amin ang nurse.

"Nurse, paki linis ng sugat niya." Sabi ko pa bago pinaupo sa patient bed si Panget.

Naupo ako sa tabi niya at lumapit naman ang nurse.

"Linisin mo ng mabuti, Nurse. Tapos lagyan mo ng bandage dahil may laro––teka!" Sabi ko pa at tumingin kay Panget.

Tiningnan niya ako nang may pagtataka.  

"Paano ka makakapaglaro mamaya?" Nag-aalalang tanong ko pa.

"Tsk! Maliit lang ang sugat sa kamay ko. Kaya ko pang maglaro," walang ganang sagot niya.

Tse!

Tumango na lang ako at hindi nagsalita. Hanggang sa matapos linisin ang sugat niya. Pero nag-aalala pa rin ako. Ang ginagamit niyang panulat ang may sugat.

Pa'no na mamaya kapag naglalaro na siya? Kailangan pa naman ng p'wersa para hilahin ang palaso bago pakawalan mamaya.

Hayst!

"Tapos na ho, Sir." Sabi pa ng Nurse.

Tumango na lang ako.

"Thanks, Nurse. Ayos na ba ang kamay mo?" Tanong ko kay Panget.

"Tsk! Ayos lang," sabi niya sabay tayo at naunang lumabas ng clinic.

Napapailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang panget na 'to. Dumeretso na lang kami sa room namin. Pagdating namin ay nakahanda na ang team ko.

"Ash, napa'no 'yang kamay mo?" Tanong pa ni Keith.

"Napalaban kagabi sa resto bar kaya ayan," napapailing na sabi pa ni Xandra.

Ano!?

Napalaban siya kagabi sa resto bar?

"Pumunta ka sa resto bar? Anong ginagawa mo ro'n?" Salubong ang kilay na tanong ko pa.

"Uminom, alangan namang nag-shopping, di ba?" Pabalang balik tanong niya.

Napahinga na lang ako ng malalim habang napapailing sila Xandra.

"Paano na ang laro mo niyan, Ash?" Tanong ni Bella.

"Oo nga, paniguradong mahihirapan ka niyan." Sabi ni Stella.

"Psh! Ayos lang. Kaya ko pa rin maglaro." sabi nito bago pumasok sa loob ng room nila.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Dre, magbihis ka na rin," sabi ni Lyle. Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng room.

***

Nandito na na kami sa loob ng archery hall ngayon para sa laro nila Panget. Nakaupo kaming lahat habang excited na excited sila Theresa. Biglang tumili at nagsigawan ang lahat nang pumunta sa harap sila Panget at Trixie. Nakita ko pang nagkatinginan sila ni Panget. Ngumiti lang si Trixie sabay lahad ng kamay kay Panget.

"Uy! Mabait pa rin pala si Trixie, ano?" Rinig kong bulungan ng mga ka schoolmates namin.

"Oo nga naman. Tapos magaling pa rin siya sa Archery."

"Agree! Pero mas magaling pa rin ang amazona."

"Yeah! Idol ko na talaga siya!"

"Ako rin! Tapos nag astig pa niya."

Rinig kong mga bulungan nila. Napangiti ako dahil sa mga narinig ko.
Noon ay binubully lang nila si Panget pero ngayon naman ay iniidolo na nila ito.

Even me.

Psh!

Hindi tinanggap ni Panget ang kamay ni Trixie dahilan para nahihiyang ibinaba nito ang kamay niya.

Tse!

"Uy! Magsisimula na ang laro!" Tili ni Theresa.

Napatingin uli ako sa gawi nila Panget. Nakita kong pumwesto na sila. Tiningnan ko ang kamay nito. Biglang nagbubulungan ang lahat nang makita ang bandage sa kamay ni Panget.

"Hala! Bakit may bandage ang kamay ni Amazona?"

"Oo nga!"

"Omo! Baka matalo tayo nito!"

"Bakit naman siya nagkasugat sa kamay?"

"Ewan lang! Wala naman 'yon kahapon, eh!"

"Patay! Magaling pa naman si Trixie!"

"Duh! Kaya 'yan ni Amazona, ano! Ang galing kaya niya!"

"Ay! Oo nga pala!"

"Go! Amazona!!!"

"Kaya mo 'yan!!"

"Fighting!!!"

"Go! SFU!!!"

"Go! SLU!!!"

"Go Trixiee!!"

"Go Ashi!!"

Bulungan at sigawan ng lahat ng nandito. Tutok lang ang mata ko habang panay ang sigawan ng mga katabi ko. First round in three arrow.
Pumwesto na si Panget at gano'n din si Trixie. Pinagmasdan ko ang kaibahan nilang dalawa.

Cool na nakatayo si Panget habang nakataas ang mga braso at pumwesto. Para siyang lalaki kung umasta.
Habang si Trixie ay babaeng-babae itong tingnan.

"Release!" Sigaw ng coach kaya sabay na pinakawalan ni Trixie at Panget ang palaso.

"Woah!"

"Ang galing!"

"Go! SFU!"

"Go! SLU!"

Sigawan ng lahat nang tumamang  sa 10 ang palaso ni Panget habang kay Trixie ay sa 9. Nagbubulungan pa ang lahat. Pumwesto uli silang dalawa bago nagsalita ang coach at sabay nilang pinakawalan ang palaso.

Parehong sa 10 tumama!

(0_0)

Napatingin ako kay Panget. Nakita ko ang pangiwi nito na halatang nagalaw ang sugat niya. Shit! Pumwesto uli sila.

"Oh my! Mukhang nagalaw ang sugat ni Ashi!" Sabi pa ni Stella.

"Naku! Halata nga, oh!" Sabi ni Mello.

Pinagmasdan ko si Panget. Parang hindi niya pinapansin ang sugat niya.
Nagsalita ang coach at sabay nilang pinakawalan ang palaso. Parehong tumama pa rin sa 10 kaya nagsigawan ang lahat.

They both great!

"Round two!"

Sabi ng coach at binigyan sila ng tatlong palaso. Nakita ko pang kinausap ni Trixie si Panget pero hindi siya pinansin ni Panget.

Ayos lang ba siya?

Pumwesto uli sila bago pinakawalan ang palaso. Bahagya pang nanginig ang kamay ni Panget. Kitang kita ko. Shit!

"Go! Ashi!"

"Kaya mo 'yan!!"

"Lodi ka namin, Ash!"

Sigawan pa nila Bella pati na rin sila Keart. Muling nagpakawala ng palaso at parehong tumama sa 10. Nagsigawan at nagbulungan ang lahat pero nakatingin lang ako kay Panget.

(0_0)

Dumudugo ang sugat sa kamay niya!

Shit! Shit! Shit!

"Uy! Dumugo ang kamay ni Ashi!" Sabi ni Theresa.

"Oo nga!"

"Ayos lang ba siya?"

"Puntahan natin!"

"Hindi p'wede. Bawal tayong pumunta sa kaniya."

Bulungan nila Bella. Akmang tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Xandra.

"Wag mo nang lapitan. I know, she can do it." Sabi ni Xandra.

Napabuntong-hininga na lang ako. Lumapit pa ang coach ni Panget at kinausap ito. Nakita kong tumango lang naman si Panget. Bigla kong narinig ang malakas na sigaw ni Mom at Drixie sa kabila.

Nandito rin pala sila. Hindi ko nakita kanina. Sumigaw na rin sila Kyla.

"Go! Ash!"

"Kaya mo 'yan!"

"SFU for the win!!"

"Go! Amazona!!"

Sigawan pa nila Bella. Tumingin pa si Panget sa gawi namin. Nakangiting nag thumbs up ako sa kaniya at sumigaw.

"Go! Panget! You can do it!!" Nakangiting sigaw ko pa.

Tiningnan pa ni Panget ang kamay niyang may dugo bago uli tumingin sa amin. Nag thumbs up lang siya bago tumalikod. Bigla siyang napatingin sa banda ng mga taga SLU. Napatingin din ako ro'n.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Deb. Anong ginagawa niya rito? May tama siya ng baril kahapon ng umaga, ah!

Tse!

Nakita kong ngumiti ito kay Panget kaya napatingin ako kay Panget.

(0_0)

Ngumiti siya kay Deb? What the heck!? Bakit sa akin hindi siya ngumiti kanina?

Shit!?

"Yay! Nginitian ang ex, dre." Nang-aasar na bulong ni Keart.

Sinamaan ko siya nang tingin at inis na tumingin kay Deb. Nakangiti lang itong nakatingin kay Panget.

Tse!

Sarap mong upakan gago ka!?

Hindi ba niya alam na kalaro at katabi lang ni Panget ang girlfriend niya? Damn you, Deb!?

"Naks! Tumingin ang labidabs mo, dre." Natatawang bulong ni Keith sa akin.

Napalingon ako kay Panget.

(0_0)

Tug tug tug tug tug dug dug dug dug!

Malakas na kabog ng dibdib ko habang nakatingin kay Panget. Nginitian niya ako at kinindatan pa.
Damn! Parang huminto ang mundo ko habang nakatingin sa kaniya. Parang nagslow motion ang paligid at huminto ang oras habang nakatitig ako kay Panget.

"Yay! Tama na ang titigan, dre. Baka ma-late tayo sa laro natin mamaya." Nang-aasar na sabi pa ni Keart.

"Gotcha! Hayaan mo para ganadong -ganado 'yan maglaro mamaya." Natatawang sabi pa ni Keith.

"Dre, breath." Sabi ni Lyle sabay tapik sa balikat ko.

Do'n ko lang napansin na nahigit ko na pala ang hininga ko habang nakatitig kay Panget. Napaiwas na lang ako nang tingin. Pumwesto na sila Panget. Blanko na uli ang mukha nito habang naka sight na ang palaso niya.

Tumingin ako kay Trixie. Halatang kampante lang si Trixie.

"Release!"

Sigaw ng coach.

(0_0)

Napasigaw ang lahat nang tumama sa 9 ang kay Panget habang sa 10 naman kay Trixie.

"Ang galing!"

"Oo nga!"

"Hala! Anyare kay Ashi?

"Oo nga!"

"Mukhang dahil sa sugat niya!

Rinig ko uling sigawan. Pumwesto na uli sila para sa last na tira. Road to win ang labanan. Tie score na sila ni Panget at Trixie. Mas naging seryuso ang mukha ni Panget habang tutok na tutok sa pag sight.

Gano'n din si Trixie.

"Go! Ashi!"

"Go! Ashi!"

"Go! Ashi!"

"Go! Ashi!"

"Go! Ashi!"

"Go! Trixie!"

"Go! Trixie!"

"Go! Trixie!"

"Go! Trixie!"

Sigawan ng lahat. Lahat kami nakatutok sa dalawa.

"Release!" Sigaw ng coach at sabay silang nagpakawala ng palaso.

Nakasunod sa palaso ang paningin naming lahat. Hanggang sa...

"Woah!"

"Kyaah!"

"Ang galing!"

"Panalo!'

"Wahhh!!"

Sigawan ng lahat. Napatingin ako sa range. Tumama talaga sa pinaka gitna ang palaso ni Panget. Habang kay Trixie ay tumama sa gilid ng bilog sa 10. Nasa 9 pa rin ang count nito.

Yes!

Ang galing ng Panget ko!

"Ang galing mo, Ash!"

"Idol!!"

"Ang astig!!"

Sigawan pa nila. Pati na rin sila Kyla at sila Keart.

"Your the best, Panget!" Malakas na sigaw ko pa.

Ramdam kong napatingin sa akin ang lahat. Rinig ko pa ang panunukso nila Keart pero hindi ko na sila pinansin pa.

Napatingin pa ako kela Mom and Drixie. Nagtatalon sa tuwa si Drixie habang si Mom naman ay pumapalakpak pa.

Nag thumbs up pa si Mom sa akin kaya napangiti na lang ako.

"Naks! Palapit na ang labidabs mo, dre." Nanunuksong sabi pa ni Keart.

Napatingin ako sa harap at papalapit na nga si Panget. Kaswal lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Napalunok na lang ako.

Tumingin ako sa kamay niya. Puno na ng dugo ang bandage na nakabalot sa kamay niya. Mabilis na tumayo ako at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Ayos ba ang laro ko?" Cool na tanong pa nito.

Ngumiti ako at tumango.

"Ayos na ayos. Ang galing mo, Panget! Teka, dumugo ang kamay mo." Nag-aalalang sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Tinanggal ko ang bandage at bumuka nga ang sugat niya. Rinig ko pang binati siya ng mga kasama namin. Pagkatapos ay hinila ko siya.

"Dalhin na kita sa clinic para malinisan ang sugat mo. Baka ma impeksiyon pa 'to mahirap na." Sabi ko sa kaniya.

Hindi naman siya umangal at hinayaan lang akong hilahin siya kaya napangiti na lang ako.

"Next time, kapag nasugatan ka uli lagot ka sa akin." Banta ko pa sa kaniya.

Natawang napailing na lang ito hanggang sa makarating kami sa clinic. Pinalinis ko agad sa nurse ang sugat niya at pinalagyan ng bandage ang buong kamay niya.

"Paano na ako makakakain neto?" Salubong ang kilay na tanong niya nang makalabas kami ng clinic.

"Eh,'di susubuan na lang kita mamaya." Biro ko pa.

Napapailing na lang siya at dumeretso na kami sa cafeteria para mag snack. Panay pa ang bati ng mga kasama namin sa kaniya.

Pagkatapos naming mag snack ay naghanda na rin ako bago kami pumunta sa gym. Ganado akong maglaro ngayon dahil masaya ako.

Thanks Panget. You make me happy today.

I hope it was for a lifetime happiness.


To be continued...

A/N: Keep reading po! May season three pa kaya sumabaybayan niyo sana ang story na ito.

Don't forget to Vote, comment and follow.












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top